C34 NAKATINGIN si Vandros kay Lux nang magsolo na sila sa mesa. Nauna ng umalis ang mga kaibigan nila at sila na lang ang naiwan doon na dalawa, umiinom ng beer. Isang bote lang ang inuubos niya at parang hirap na siya. Hindi naman na kasi siya umiinom mula noong gabi na muntik siyang mabangga kaya sa condo siya umuwi. Noon pa yung panahon na si Heart ay hindi pa niya opisyal na girlfriend. "Musta, pre?" Tanong nito sa kanya, humihimas sa sariling pantalon habang nakasandal sa upuan. "Still bothered," aniya saka siya pasimpleng luminga. Hindi niya alam pero baka na lang may nakikinig sa kanila na ispiya ng kasamaan. Hindi pa maman niya alam ang tunay na kalaban. "Naniniwala ka ba na si Ella ay walang alam sa pagbili ko ng babae noon. Napapaisip lang ako kasi nagpupumilit siya. You sa

