5

1518 Words
C5 HUMAHANGOS na dumating si Lux sa restaurant, nagmamadali. Itinulak nun ang pintuan kahit na may gwardiya naman na tagabukas. Tulad na tulad ito ni Vandros at halos magkasunuran lang dalawa ng isang pilik-mata. Tumayo siya mula sa counter at naglakad para makapag-usap sila sa may opisina ni Vandros. "Sorry, baby," agad na hingi ng paumanhin ni Lux sa kanya, hinila siya sa braso pero ewan ba niya kung bakit parang ang tamlay na niya. Mula nang marinig niya ang salitang hindi naman siya ang asawa nito, para na siyang sinaksakan sa leeg ng punyal. Niyakap siya ni Lux, "Sorry talaga. Di ko nakita yung tawag mo." "Okay lang," matabang na sagot niya pero hindi naman ito ang ipinagngi-ngitngit ng kanyang kalooban. Kanina ay nagkukwentuhan sila habang inaayos ng mga abogado ang papel nila. Nakaramdam siya ng inggit sa dating waitress ng Macho. Napaka-successful na ng babae. Akala niya ay umaasa lang yun sa boyfriend na mayaman pero hindi pala. Tumama raw iyon sa Lotto ng bilyong halaga kaya umasenso ang buhay, at patuloy na lang na pinalago ang pera, ngayon ay bilyonarya na sa sariling paraan. Ang swerte nga naman, kapag kumapit sa buhay ng isang tao, hindi mapipigilan. Charles seemed so very proud of Silvana Jones. Habang nagkukwento iyon kanina ay kitang-kita niya na ipinagmamalaki nun ang girlfriend na sobra. The woman graduated with flying colors. Business Administration major in Financial Management ang kurso nun. Karamihan sa napapanood niya sa telebisyon ay nawawaldas ang pera ng mga tinamaan ng swerte sa jackpot ng lotto, pero ngayon ay hindi pala lahat ng tao ay waldas. Si Silvana Jones ay isang tao na marunong at masinop sa pera. Wala siyang dapat na ikainggit pero sana siya rin ay maging ganun ka-successful sa buhay, sa sariling sikap. "Okay lang?" Umangat ang mga kilay ni Lux. "Pero di talaga okay?" Maagap na dugtong ni Vandros saka nagkatinginan ang dalawa. "Napagod lang ako sa pakikipag-usap kanina kaya ako matamlay," sabi niya na pinipilit na huwag maging defensive. She doesn't want to feel bad about herself but she can't help it. Masyado siyang apektado sa mga bagay na narinig niya dahil kahit na nakakulong na si Diana, namamayagpag pa rin ang taas ng pinag-aralan at yaman sa buhay. "Did you accept it, baby?" "Yes," aniya at napakibit-balikat, "Sabi ni Attorney, maayos ang mga papel kaya ipahanda mo na ang lahat ng mga kakailanganin. Isang linggo lang ang sinabi ko, lahat dapat okay na. Here are the papers. Review mo na lang. Yung bayad, ayun." Inginuso ni Heart ang briefcase sa ibabaw ng mesa ni Vandros. Dalawang briefcases ang naroon. "Dun na muna ako sa counter. Ikaw na tumingin niyan kasi ikaw ang sanay. Baka…nagkamali ako," aniya saka nilayasan ang dalawa. "Bro, bilog ba ang buwan?" Tanong ni Lux sa kaibigan. "H-Hindi pa naman sa pagkakaalam ko." Hmp. Hindi niya nilingon ang dalawa at tuloy-tuloy lang siya na lumabas. Kanina pa siya wala sa mood at kailangan niyang palipasin iyon. Malapit na rin kasi siyang reglahin kaya ganun. Masyado na siyang moody. Madalas ay si Lux ang napagbabalingan niya ng sumpong, at minsan ay napapatulan siya. "Salamat, Aiz," aniya sa kaibigan na humalili sa kanya. Isa ito sa mga nagpaiwan sa Pilipinas nang ang halos karamihan ay ipadala ng Macho sa Canada. Isa roon ay si Gigi, na nakikita niya ay sa video call lang, at may kinakasama ng isang Canadian. She's happy that though her best friend found a better life now, Gigi didn't leave the restaurant. Parang tulad din iyon ni Silvana na tinatanaw ang pinanggalingan. "Ano yun, bumili ng prangkisa ng Macho?" usisa ng kaibigan sa kanya kaya tumango siya. "Yaman a," anito. "Waitress din dati rito na gumanda na ang buhay." "Kaya pala. Siguro ay talagang ito ang pangarap niya kasi alam niyang pinakabida sa lahat. Ang ganda nung babae no saka mukhang mabait kahit may kaartehan. May K naman mag-inarte kasi mayaman." Tumango siya kasi totoo naman. Mabait talaga yung babae, kahit siya ay makakapagsabi. Sa unang tingin niya parang nakakailang na kausap pero nang lumaon ay mali pala siya. Silvana was very professional. Lux NAKAPAMEWANG siya habang nakatingin sa kababata niyang sa restaurant na tinubuan ng uban. Nakaupo si Vandros sa swivel chair at hawak ang mga papel sa kamay nito, parang tanga na paulit-ulit na binabasa ang pangalan ng franchisee. Silvana Jones dela Fuente. Tama ba ang nakikita nila? Siya ay nagsuot pa ng salamin dahil hindi siya makapaniwala. "Wala ka bang balak na bawiin ito, Luxembourg?" Tanong nito pero ang atensyon ay nasa papel pa rin. Lumobo ang mga pisngi niya sa pag-iisip. Ano bang ikinatatakot nila kay Silvana dela Fuente? Isa lang naman iyong dating waitress sa Macho. Dating waitress na binili niya, take note. Pero siya lang naman ang nakakaalam nun dahil lahat ng babae ay masunurin sa deal at si Heart lang ang lumabag, naglakas loob na silipin kung sino si 'boss'. Ayan tuloy lumobo ang tiyan at hindi na nakawala sa kanya. "I see no reason to take it back. Ako lang at ikaw ang nakakaalam ng lahat. Kilala ka ng babaeng 'yan pero hindi niya alam na ako yun. Tapos na yun, Van. I have my family now and I don't want to connect her to my life anymore. Madi-disappoint si Heart kapag ni-reject ko ito, Van. I don't want to hirt her and fake a reason" seryosong pahayag niya sa kaibigan. Kapagkuwan ay tumango naman ito at inalis ang salamin sa mata, binitiwan ang mga papel. "You're right. Kami lang ni Silvana ang may deal noon at umalis siya rito nang tahimik nang tanggihan mo ang extension na hinihingi niya. It was over and this is purely business," Vandros said as well. Hindi alam ni Lux kung sila ba ay nagtatangahan na magkaibigan. Nagpapakalma sila sa bawat isipan ng isa't isa pero para sa kanya ay wala na naman talaga. Hindi na nga niya halos maalala ang mga nakaraan. Wala naman siya ni isa roon na pinagkainteresan. Everything was just plain s*x and nothing more. Those girls were in need, he helped them and the repayment was their service in bed. That's all. "So," buntong hininga ni Vandros, "Tuloy na ito. Sisimulan ko ng isaksak ang mga perang ito sa bank accounts mo." "Kay Heart," aniya rito, "Alam mong sobra 'yan at sa'yo ang 5% sa bawat deal." "Oh, I wish lahat ng mga waitresses na lumayas ay tulad ni Silvana na bumalik at bumili ng trademark ng Macho," Humalakhak na sabi nito kaya binato niya ito ng nilamukos na papel. "Gago!" Aniya naman saka naiiling na lang. Isiniksik ni Vandros ang lahat ng mga papel sa lalagyan at saka iniabot sa kanya. "Kumpleto 'yan. Itong pera kay Heart at kay Lush tama, sa joint account?" Tumango siya rito. "Nga pala, before I forgot. Kumpleto na ang mga aplikante at mag-i-interview na. Isandaang waitresses na itong hawak ko. Pwede ba kitang mahiram para mag-interview? Hati sana tayo dahil medyo busy ako kay lolo." "Of course. Tomorrow?" "Next day. Magsi-send pa ako ng invitation." "Okay. Just inform me." Sumaludo iyon sa kanya kaya tumalikod na siya. Tiningnan niya ang transparent envelope na hawak at tumambad sa kanya ang litrato ng franchisee na si Silvana Jones. Halos limot na siya sa mukha ng babae, o wala man lang nga siyang anngulo na matandaan ni katiting man. Kahit na ngayon na tinitingnan niya iyon ay wala siyang maalala. He doesn't remember anything because he never invested anything for this woman other than money, but feelings? Nothing. Tuluyan siyang lumabas at tiningnan si Heart. Nakaupo iyon sa counter at busy. Hindi niya alam kung anong ipinagdaramdam nito pero kabisado na niya ang asawa niya. Alam niya ang mga galawan nito at hulma ng mukha kapag hindi maganda ang mood. Bakit kaya ito nalulungkot? Nakuha naman nito ang unang deal sa kliyente? Parang hindi ito masaya, habang kaninang umaga lang ay sobrang excited ito at puno ng buhay. Lumapit siya sa counter at pasimpleng ngumiti rito. Heart just looked at her with a pale smile. "Lush misses you," aniya rito saka ito sumulyap sa relo. "Isang oras pa," anaman ng asawa sa kanya kaya tumango siya. Napatingin siya sa may pinto pero napadako rin ang tingin niya sa isa sa mga waitresses. Nakatayo ang babae sa may table 2, kumukuha ng orders pero nasa kanya ang mga mata at ngumiti pa. Hindi siya ngumiti at ibinalik niya ang tingin kay Heart. She's now busy again with her computations. Ayaw niyang tumingin sa sinuman sa mga waitresses na magaganda roon. Karamihan kasi dun ay bago. Wala na ang mga kaibigan ni Heart pero mukhang maaayos naman ang mga bagong dating. "I'll pick you up after 1 hour," aniya rito pero tumango lang ito. "Ge" she answered without glancing at him. "You did very good, baby. I'm so proud of you," nakangiti niyang sabi rito at ngumiti naman ito pero hindi ganun kasaya. Saglit na tinitigan ni Lux si Heart at nang wala siyang makuhang sagot ay dahan-dahan na siyang tumalikod. Matindi ang abot ng asawa nya. Mukang mapapalaban siya sa pag-iisip kung paano yun tatanggalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD