“BAKIT ka napatawag?” seryosong tanong ni Venom sa kausap sa telepono habang nangangalit ang mga ngipin.
Nasa minie bar siya ngayon matapos nilang maghapunan ng kanyang anak ng may tumawag sa kanya sa telepono.
“Tumawag ako para i-check kayo ng pamangkin ko. May problema ba doon?”
“Wow. Nakakagulat yata na sa wakas ay napagpasyahan mong suriin ang pamilya ng kapatid mo. Well, hindi mo naman kailangan pa kaming alalahanin.” Sagot naman niya sa kausap.
“Alam kong galit ka pa sa akin. Or should I say ‘galit na galit ka pa rin’ sa akin.” She cleared her throat.
“Pero hindi ba pwedeng mag-move on na lang tayo sa nakaraan nating tatlo ng kapatid ko? I've been apologizing for my wrong doings all these years. Hindi ba oras na para kalimutan natin ang mga nangyari? Wala na rin naman si Nanami, at alam kung gusto n’on na magkapatawaran na tayo!” May lungkot na sabi ng babae sa kabilang linya.
“Nawala ka ng mahigit pitong taon na walang paramdam kay Nanami, tapos ni hindi ka man lang sumipot sa libing niya. Wala ka man lang pakialam.”
“Abala ako, alam mo iyon.”
“Ang pagiging abala ay hindi sapat na dahilan para kalimutan mo ang asawa ko. Wala na akong pakialam sa mga iisipin mo or sa pag-aalala mo, naririnig mo ba?” galit na sigaw niya sa kausap.
“Dark. . .
“Huwag ka nang magsalita. Huwag ka ng maglakas-loob na tawagin ako sa pangalan ko. Walang sinuman ang dapat tumawag sa akin niyan kundi ang asawa ko lang.” May diing sabi nito.
“I-I’m sorry!”
“’Wag mo na akong tawagan ulit. Binabalaan kita.” Ibinaba na niya ang tawag at umangil dahil sa galit habang kumukuha ng bote ng tequila sa minie bar niya at saka nagsalin ng bago sa baso at deri-deritso niya iyong ininom.
At pagkatapos ay piniga niya iyon ng todong lakas kaya nabasag iyon sa kanyang mga kamay at umagos doon ang sariwang dugo.
“KUNIN natin ang anak mo at ipakasal na sila ni Adrian,” saad ni Matilda sa asawa nitong si Rodel.
“Bakit ko gagawin iyon, kung hiwalay na sila 'wag na natin ipilit pa.” Tutol ng ama ni Nanami.
“Hindi ko kukunin si Nanami kung ipapakasal ko lang siya sa taong hiwalay na siya at siguradong ’di na mahal ng anak ko. Iginagalang ko ang paghihiwalay nila, kukunin ko siya para ibalik dito at hindi sa kagustohan mo kundi ay kukunin ko siya dahil panahon na para siya naman ang mamahala ng kompanya ko soon.” Mahabang sabi nito kaya napasimangot ang ginang.
“Isa rin iyon sa rason kung bakit mo siya pa-uuwiin dito, pero ipapakasal pa rin natin siya kay Adrian sa ayaw ni Nanami o sa gusto.” Determinadong sigaw nito.
“Gusto ko, kung uuwi siya dito ay iyong bukal sa loob niya hindi iyong pipilitin natin ang gusto natin sa kanya. At kailangan mo itigil ang anumang balak mong ipakasal siya sa taong hindi na rin naman nito mahal.” Galit na tumayo si Rodel at dinuro si Matilda.
“Anak ko siya kaya ako ang magdedesisyon kung ipapakasal ko siya or hindi, madrasta ka lang niya iyon ang alam niya, kaya huwag kang umastang ina kay Nanami,” Saad pa nito.
“Ang mga ginagawa ko ay para rin sa kanyang kapakanan. Iniisip ko lang ang ikabubuti niya rin.” Singhal naman ni Matilda sa asawa.
Napabuntong hininga si Rodel at inabot ang kamay ng asawa matapos niyang suriin kung tunay ang concern nito sa kanyang anak at mamaya ay hinawakan niya ang kamay nito.
“Humihingi ako ng paumanhin kung medyo harsh ako sa mga nasabi ko sayo. Pero ikaw ang may kasalanan kung bakit ayaw na ni Nanami umuwi dito sa atin kaya consequence na iyan ng mga ginagawa mo sa kanya.” Humingi siya ng tawad at marahang pinisil ang kamay nito pero pinamulat pa rin niya sa asawa ang pagkakamali nito.
“At saka Matilda, pwede bang tumigil ka na pagpupursige na ipakasal natin si Nanami? Gusto ko ring marinig muna ang side ng kwento niya kung bakit siya nakipaghiwalay kay Adrian at saka natin ulit pag-usapan iyang kasal na iyan.” Hindi pa rin sang-ayon na sabi ng ama ni Nanami.
Nagkibit balikat si Matilda at mayamaya ay ngumiti ito. “Sige, honey. Pero para lang malaman mo dapat pa rin nating bigyan ng change na magkaayos sina Nanami at Adrian, kahit ano pa man ang ginawa nito kay Nanami.” Pag sang-ayon naman ng ginang at saka pilit ngumiti.
“Sige saka natin iyan problemahin ang importante ay mapabalik natin si Nanami dito sa bahay,” Saad na lamang nito sa asawa.
PUMASOK si Nanami sa Mansyon, matapos niyang maihatid si Amalie sa paaralan nito umuwi muna siya dahil maghapon naman ang klase ng kanyang alaga. Babalikan na lang niya iyon mamayang alas tres ng hapon.
Wala naman siyang gagawin doon.
Dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom pagkapasok niya.
Nasa kusina si Mela na isa sa mga katulong na nakilala niya ng una niyang pasok sa bahay na ito. Naghahanda ito ng black coffee.
“Mela, tanghaling tapat magkakape ka?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi akin ito. Nagpatimpla kasi si Marcel kaya nag-alok ako na ako na ang gagawa ng kape para sa kanya. Gusto mo rin ba ng kape?”
“Ayoko hindi kasi ako nag kakape.” Mabilis na tumanggi si Nanami.
“Ahh ganoon ba sige may gatas diyan timpla ka na lang kung gusto mo.”
“Sige ako na lang ang magtitimpla ng akin, salamat.”
“Ahm, wait Mela, pwede ba magtanong?” mayamaya ay saad niya at pinigilan ang paglabas nito sa kusina.
“Ano iyon.”
“I'm just curious mag iisang linggo na ako dito, pero hindi ko pa rin siya nakikita sa umaga ang amo natin? madalas ba siyang wala dito at sa gabi lang siya nakakasama ni Amalie?” usisa niya at kinagat ang ibabang labi.
“Oo, kung nandito naman siya sa umaga ay madalas ay nasa library lang siya maghapon.” Kibit balikat lang na saad ni Mela.
“Library? Ano naman ang ginagawa niya lagi sa library?”
“Hindi ko rin alam ang nakakaalam lang ay si Marcel ang kanang kamay ni Master Venom.” Sagot naman nito sa kanya.
“Kaya kung may gusto kang malaman tungkol kay master Venom ay siya ang dapat mong tanungin. Ahm siya sige maiwan na kita dito. Kasi baka lumamig na itong kape iibigay ko muna ito kay Marcel.” Paalam nito at parang umiiwas ito na pag-usapan nila si Venom.
“Pwede bang ako na lang ang magbibigay sa kanya niyanh kape.” sabi niya at kinuha ni Nanami ang tray kay Mela.
“Hindi ako na at baka may mga gagawin ka pa.” Sinubukan ni Mela na tumutol pero pinilit siya ni Nanami na ito na ang maghahatid dahil may mga gusto siyang malaman sa lalaki tungkol sa amo niya.
“Ako na lang Please?”
Nagdalawang isip si Mela kung pagbibigyan niya si Nanami dahil alam naman niyang gusto lang ni Nanami na makausap si Marcel tungkol sa kanilang amo.
Pero wala namang mawawala kung ito ang magdadala doon, basta labas na siya sa kung ano naman ang gagawin ni Nanami.
“Okay, nasa garden siya.” Pagsuko ni Mela kaya lumawak ang pagkakangiti ni Nanami.
“Okay salamat, libre kita kapag nagka time tayong magkasama,” saad naman ni Nanami at nagmamadaling lumabas.
“Sana wala siyang maitanong ng ikagagalit ni Marcel tungkol sa aming master.” Bulong ni Mela habang umiiling iling pa.
“HI,Marcel!” Masayang bati ni Nanami sa binata at nilapitan ang lalaking nakaupo sa isang isang bakal na silya. Seryoso itong nakatingin sa halamanan.
Kumunot ang noo nito ng mapansing si Nanami ang may hawak ng kape na ipinatimpla niya kay Mela.
“Anong ginagawa mo dito?”
Iminuwestra ni Nanami ang hawak na tray. “Kape mo.”
“Si Mela ang pinatitimpla ko bakit ikaw ang nagdala niyan?”
“Bakit hindi mo ba gusto na ako ang nagdala ng kape mo, disappointed ka ba?” nakangiting sabi ni Nanami.
Kinuha ni Marcel ang tray mula sa kanyang pagkakahawak at inilagay ito sa mesang naroon.
“Hindi naman pero salamat dito.”
"Hindi mo kailangang magpasalamat sa akin. May mga gagawin pa kasi si Mela, kaya ako na lang ang nagdala dito.” Saad ni Nanami at umupo sa tabi nito.
“Anong ginagawa mo dito?”
“Wala naman nagpapahangin lang. Bakit mo natanong?”
“Hindi ba dapat kasama mo si boss?” tanong niya dito.
“Hindi, may mga lakad iyon na minsan hindi ako kasama, tulad ngayon.” Humigop ng kape si Marcel.
“Bakit naman.”
“Kasi walang dahilan para manatili lagi ako sa tabi niya at mas may kaya pa iyon ipagtanggol ang kanyang sarili. . . Teka, bakit mo tinatanong ang lahat ng ito? Don’t you dare say no reason, kasi I'm sure meron.” Nakahalatang sabi naman ni Marcel kay Nanami.
“Well, wala naman yatang masamang magtanong?” nakangusong saad niya.
“Hindi naman, pero hindi mo obligasyon si master. Dapat kay Miss Amalie lang naka-focus ang isip mo at hindi sa kanya. And come to think of it, bakit gusto mo malaman ang tungkol kay master?”
Pinukol ni Marcel si Nanami ng isang seryosong tingin. Pero sa halip na manahimik ay nagtanong pa siya ulit dito.
“Ano bang klaseng tao si Boss?” curious na tanong niya.
“Hindi ko alam kung ano ang intensyon mo kay master, kung bakit para kang imbestigador kung makapagtanong pero narito ang payo ko sa iyo, layuan mo siya kung gusto mo pag-mabuhay, mas mainam na hindi mo na dapat malaman kung anong klaseng tao si Master Venom. Ang pangalan lang niya na alam mo ay sapat na, pero ang personal na buhay niya ay hindi natin pwedeng pag-usapan.” Babala ni Marcel sa kanya kaya lalo lamang nako-curious siya sa pagkatao ng ama ng kanyang alaga.
Nagsalubong ang kilay ni Nanami dahil bakit kailangan hindi niya malaman kung anong klaseng tao ang amo nila.
“May mga bagay na mas mabuting hindi mo na lang alam or malaman lalong lalo na about sa kanya.” Inubos na nito ang iniinom na kape at saka tumayo na at nagpaalam sa kanya.
“Sige na mauuna na ako sayo. Basta ’wag ka ng maraming tanong about kay master, okay? dahil wala ka rin naman malalaman tungkol sa kanya.” Hindi na nagpumilit pa si Nanami bagkus ay tumango na lamang siya dito.
“Okay sabi mo eh, Salamat na lang!” Wika naman ni Nanami at hindi mapigilang sumimangot.
‘Napakamesteryoso pala talaga ng lalaking iyon.’ Sa isip ni Nanami, pero hindi pa rin siya susuko na kilalanin ang kanyang amo.
Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na rin siya kay Marcel pagpasok sa loob habang bitbit ang pinag-inuman ni Marcel ng kape.
Pagkahatid niya sa kusina ng hugasin ay hindi na niya naabutan pa si Mela doon. Kaya nagpasya na lang siyang umakyat sa kanyang silid para doon magpahinga.
Hihiga na sana siya ng may nag text sa kanya pagkalapag pa lang ng kanyang katawan sa kama. Nang tingnan niya ito ay kay Laila ang chat na kanyang nabasa.
“Nanami, ichat mo nga pala kung anong address iyang pinagtatrabahuhan mo dahil baka sa isang buwan ay dalawin ka namin diyan ni Danie.” Iyon ang nilalaman ng text message ni Laila sa kanya.
“Sige pero itatanong ko pa kung saan itong mansyon ng mga Borromeo.” Reply naman niya dito.
“Ano? hindi mo man lang tinanong kung anong address iyang pinasukan mo?”
Reply sa kanya ni Laila.
Magrereply na sana si Nanami nang may kumatok sa pintuan ng kanyang silid.
“Sino iyan?” tanong niya sa kumakatok sa kanyang pintuan.
“Manang Eve ikaw po ba iyan? Sige po pasok na po kayo,” Sabi niya dito at ipinagpatuloy ang pagtext niya kay Laila.
Pumasok si manang Eve at mukhang galit ito kaya nagtataka siyang nagtanong dito.
“May problema po ba manang?” tanong ni Nanami.
“Miss Heart anong oras na at nandito ka pa?” bungad nito sa kanya.
Tinignan ni Nanami ang oras sa phone niya at sumimangot.
“Alas tres na po ng hapon, may problema po ba?” nakakunot na tanong niya.
“Alas tres na pala, kung ganoon nasaan na si Amalie, ’diba dapat ay susunduin mo na siya sa paaralan.” Galit na sabi nito kaya nanlaki ang mga mata ni Nanami at hindi niya napigilan ang masamang salita na lumabas sa kanyang bibig.
“Sh*t! Oo nga pala nakalimutan ko.” Biglang bangon niya at dali-daling tumakbo siya papalabas sa kanyang silid habang na iwan doon si Manang na napatampal sa noo dahil sa ikalawang beses ay pumalpak naman ang trabaho nito.
“Sh*t bakit ba kasi hindi nag-alarm itong cellphone ko, patay.”