CHAPTER 14

2515 Words
NAPATIGIL si Nanami sa paglabas ng pintuan ng pumasok doon sina Venom at Marcel. “Naku po heto na nga ba ang sinasabi ko.” Napa-buntonghininga si manang Eve at tumabi kay Nanami. “Venom,” yumuko si Manang Eve habang si Nanami naman ay napatigil at napatingin sa lalaking nasa harapan niya namamangha pa rin siya sa kagwapuhang taglay ng kanyang amo. Halos hindi na nga niya nakita ang mukha nito simula nang dumating siya rito at isang beses lang nila nakasabay ito sa pagkain ng kanyang alaga at sa mga sumunod na araw ay bihira na lang nila ito makita. Ngumiti siya dito para batiin sana ngunit sa halip na tingnan siya nito ay kay manang Eve ito tumingin. “Manang Eve, may problema ba?” tawag nito sa matanda. Napakagat-labi naman si Nanami ng marinig ang magandang boses ng lalaki. Dahil pati boses nito ay nakaka-gwapo ng pakinggan. “Wala naman iho.” Tumango naman si Venom at saka tumingin sa paligid na parang may hinahanap itong isang mahalagang bagay. “Nasaan si Amalie, nakauwi na ba siya galing school?” tanong pa nito. “Miss Heart, pakisundo mo na ang alaga mo, uwian na iyon ako na muna bahala kay Venom na mag dahilan.” Utos na bulong nito kay Nanami, ngunit hindi ito kumibo at nakatulala lamang. “Miss Heart?” Sinubukan ulit ni manang Eve tawagin ito pero wala talaga itong naririnig. Agad namang bumaling ang tingin ni Venom kay Nanami. Ngumiti naman si Nanami at kumaway kay Venom na parang namamatanda sa kinatatayuan nito. “Hi.” Nanlaki ang mga mata ni manang Eve sa pangahas na ginawa ng dalaga. “Miss Heart, umayos ka nasa harapan natin si Venom.” Babala ni Manang Eve sabay kurot nito sa tagiliran ni Nanami kaya bumalik sa realidad si Nanami at humarap kay manang Eve na napa-aray. “Aray manang bakit mo ako kinurot?” “Umayos ka! Gusto mo masisante sa ikinikilos mong iyan.” Bulong ni Manang kaya napakunot ang noo niya. Tumikhim si Venom at naagaw ang atensyon ng dalawang babae. “Narinig niyo pareho ang tanong ko, right?” “Oo, Iho." Muling iniyuko ni Eve ang ulo. “Ano, nasaan na ang anak ko?” For the first time ay diretso nitong tinanong ni Venom si Nanami na hindi man lang nito kinakausap kapag nagkikita sila, habang nakatingin sa kanya na nanliliit ang mga mata pero parang tingin ni Nanami ay inaakit siya nito. Kinagat naman ni Nanami ang ibang labi at hindi alam ang sasabihin dahil alas kwatro na ay hindi pa rin niya nasusundo si Amalie. Ibinalik ni manang Eve ang tingin kay Nanami bago pa niya mapigilan ang sarili ay hinampas niya ang likod ng ulo ng dalaga. “Aray manang !” sigaw ni Nanami at tumingin kay Eve. “Para po saan iyon?” “Baliw ka ba? Sagutin mo na ang tanong ni Venom,” sabi nito. Ginulo ni Venom ang kanyang buhok dahil sa pagkainip. “Gusto mo bang mamatay? Nasaan ang anak ko?” Singhal ni Venom dahil hindi nito masagot ang tanong niya dito. “DADDY!” Isang masayang boses ang pumutol sa malamig na tensyon sa pagitan ng tatlo. Napatitig si Venom sa hagdanan at nakita niya ang kanyang anak na tumatakbo patungo sa kanya na may malaking ngiti sa labi. “My princess!” niyakap ni Venom ang kanyang anak nang patakbo itong lumapit sa kanya. “Daddy, your here, ang aga mo yata?” sabi ni Amalie sa ama. Laking gulat naman nina Nanami at manang Eve nang makita ang batang si Amalie na galing sa taas. “Teka, paano po ba siya nakauwi, eh hindi ko pa naman siya na susundo?” Napakunot-noong bulong ni Nanami kaya Manang Eve. Napakunot noo rin si Manang Eve ng makita niyang nasa bahay na si Amalie. Kaya nagkatinginan sila ni Nanami at muling ibinalik ang tingin sa mag-ama. “Kumusta ka my princess?” tanong ni Venom sa anak. “Ayos lang po ako.” “Na-miss mo ba si daddy?” At nakalimutan na nito na kausap nito sina Eve at Nanami kanina. “Tara, akyat na tayo sa taas.” Inakbayan nito ang anak, bago ito bumaling sa dalawang babae. “Next time if I had a question, sumagot kayo ng maayos at mabilis.” Babala nito sa dalawa pero na kay Nanami ang tingin nito at madilim na tiningnan si Nanami, bago nito inakay ang anak sa taas. Napansin ni Marcel ang gulat sa mga mukha nina manang Eve at Nanami. “Ano bang meron sa inyong dalawa?” tanong nito sa kanila. “Ah, Wala naman, nagulat lang kami na maaga umuwi si Master Venom!” Parehong sumagot nang sabay ang dalawa. “Hmm, parang may nangyari na hindi ko alam.” Kibit-balikat ni Marcel at umalis na may pagdududa sa mukha nito. “Paano pong nakauwi si Amalie, manang?” nagtatakang tanong niya sa matanda. “Aba malay ko, nagulat din ako kita mo naman.” Sagot naman ni Manang Eve. “Hindi naman ako ang sumundo sa kanya sa school.” “Ako po ang sumundo sa kanya,” sabi naman ng boses na mula sa pintuan ng kusina. “Mela?” Lumapit ito sa kanila ni manang Eve na kanina pa pala ito nakikinig mula sa kusina. “Anong oras mo siya sinundo?” nakahingang maluwag na tanong ni Manang. “Mga alas tres 'y medya ng hapon manang kasi tinawagan ako ng teacher ni Miss Amalie dahil wala pa raw itong sundo,” sagot naman nito. “Hay salamat, Mela at nasundo mo si Amalie nakalimutan ko kasi at napasarap ang tulog ko kanina.” Buntong hininga ni Nanami. “Hindi ko ginawa ito para sa iyo. Hindi ako makapaniwala sa iyo, Miss Nanami. Nasa paaralan pa sana ang batang iyon kung hindi ko ito sinundo. Sa totoo lang, hindi ko sana susunduin si miss Amalie kung hindi lang talaga ako concern kay manag Eve.” Seryosong paliwanag ni Mela sa kanya. “Sorry, hindi ko siya sinasadyang kalimutan na sunduin, nakalimutan ko lang talaga.” Depensa naman ni Nanami rito. “Magpasalamat ka at sinundo siya ni Mela, dahil kung nagkataon na wala pa dito si Miss Amalie at malaman iyon ni Venom, hindi ko alam kung ano ang magagawa ni Venom sayo,” sabi naman ni Manang Eve kay Nanami. “Salamat, Mela at sinundo mo si Miss Amalie.” Saad ni manang Eve kay Mela at nginitian nito ang dalaga. “Wala pong problema, manang Eve. Mapapasama ka kasi kung nagkataon, dahil sa kapalpakan ng isa diyan. Alam mo naman na hindi ko gusto 'yong mangyari sa iyo. Mabuti kung di tayo madadamay ay hahayaan ko talagang mapagalitan ni Master Venom ang isang ito.” Irap na sabi ni Mela at masamang tiningnan nito si Nanami. “Tara na po manang at baka mahawa tayo sa kapalpakan ng isang iyan.” Yaya ni Mela kay manang Eve at iniwan nila si Nanami na napapaisip sa mga binitiwang salita ni Mela. Nagpakawala ng malalim na hininga si Nanami at saka sinuklay ng kanyang daliri ang kanyang malabang buhok. “Bakit naman sila mapapahamak kung ako lang naman ang nagkamali?” bulong ni Nanami sa hangin. “Ano ba kasing klaseng tao ang master Venom na iyon at lahat sila ay ingat na makagawa ng mali na ikagagalit nito, aswang ba siya na kumain ng laman loob ng taong hindi dapat magkamali o baka naman sindikato na mahilig pumatay? Or baka Bampira o. . .” Ipinilig niya ang kanyang ulo at inalis ang kanyang mga iniisip tungkol sa lalaki. “Ano ba itong pinag-iisip ko? Imposible naman na maging ganoon ang ganoong kagwapong lalaki.” Iling niya at umakyat na siya sa taas para puntahan si Amalie dahil tutulungan niya ang bata kung may assignment ito at hihingi na rin siya ng paumanhin dito. NAGLALARO ng video game si Amalie ng makarinig siya ng katok sa pinto. “Sino po iyan?” “Ako ito!” Boses iyon ng yaya niya. Tuwa namang inilagay ng bata ang kanyang tablet sa kama at saka sumagot sa dalaga. “Pasok po!” Bumukas ang pinto at pumasok si Nanami na may ngiti sa labi. “Ate Nanami.” Nakangiting bati ni Amalie kay Nanami. “Busy ka ba?” “Uhm hindi naman po.” Napatitig si Amalie sa kanyang tablet sa kama at saka umiling. “Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na naka-uwi ka na?” tanong ni Nanami. “Hindi kasi kita nakita, sabi ni Ate Mela ay baka daw tulog ka kaya hindi mo ako nasundo kaya 'di na kita pinuntahan sa silid mo.” Paliwanag nito. “Sorry ah! kung hindi ko na aalalang sunduin ka nakalimutan ko kasi at hindi tumunog ang sinet kung alarm sana, saka nag audjust pa ako sa trabaho kung ito, alam mo naman na first time ko na maging yaya.” Hinging paumanhin ni Nanami kay Amalie. Napa–buntonghininga naman si Nanami at saka niyakap si Amalie. “Hayaan mo sa susunod ay hindi ko na kakalimutan at pag-aaralan ko na rin kung paano ang tamang pagkilos bilang yaya mo.” Sabi niya dito. “It’s okay po basta po 'wag muna kalimutan ulit na hindi mo ako sunduin, ayaw ko rin na mapagalitan ka ni Daddy dahil sa akin.” Nakakaunawang sabi nito. “Oo naman sa susunod 'di ko na talaga kakalimutan.” Nakangiting sabi niya sa bata at ginulo ang buhok nito. “Wala ka bang assignment?” “Wala po kaya wala na tayong gagawin ngayon.” ”Ganoon ba sige, maghanda ka na lang ng sarili mo at mamaya ay maghahapunan na tayo,” sabi niya. “Sige po excited ako kasi makakasalo ko na naman ulit si Daddy. Uhm Ate Nanami!” “Ano iyon?” “Maaari mo ba akong tulungan sa aking project pagkatapos ng hapunan?” “Oo naman.” “Salamat po.” Nakangiti ito at saka bumaba na sa kama. Maghihilamos ito at magbibihis na dahil hindi siya pwedeng kumain na naka pantulog. Dahil iyon kasi ang bilin ng daddy niya na iba dapat ang suot niya kapag maghahapunan sila. “Oh siya sige na at ako'y lalabas muna at maghahanda ng kakainan natin, magbihis ka na.” Bilin ni Nanami kay Amalie na masaya namang tumango, ”Opo,” Lumabas na ng silid si Nanami matapos niyang ayusin ang higaan ng alaga. Mabuti na lang at mabait na bata si Amalie kung iba iyon ay nagsumbong na ito sa Daddy nito dahil sa kapalpakan niya. “MUKHANG hindi mo gusto ang bagong yaya ni Amalie?” pagmamasid ni manang Eve kay Mela. “Hindi naman po sa ganoon.” “Iba ang sinasabi mo ngayon sa ikinikilos mo kanina.” Pagdududang sabi ni Manang. “I just find her so annoying kasi manang, may ilang bagay na ginagawa niya na hindi ko gusto, iyon lang manang.” “Tulad ng ano?” Nagkibit balikat si Mela, “Ewan ko ba manang nakakagalit kasi ang mga ikinikilos niya, pinasok niya ang pagiging yaya pero wala naman sa mga kilos niya na marunong siyang maging yaya.” “Mela. Lahat tayo ay nasa proseso pa rin ng pagkakakilala sa kanya. Dapat natin siyang intindihin bago natin siya husgahan.” “Hindi ako galit sa kanya, manang, kundi sa mga kinikilos niya iyon lang, hindi naman kasi tamang pabayaan niya si miss Amalie alam naman natin kung paano kasi siya ingatan ni Master Venom, tapos siya pababayaan niya lang 'di tama iyon,” sabi naman ni Mela. “Pagpasensyahan na lang natin baka hindi niya talaga purti ang pag-alaga, may rason naman siguro kung bakit palpak ang nagagawa niya, turuan na lang natin kapag nagkamali ulit siya.” “Ano pa nga ba magagawa ko manang, pero maiba ako manang kumusta na pala ang kalusugan mo ngayon? Hindi ka na ba inaatake ng highblood mo?” “Bumubuti na ako, malakas pa ako kaya 'di pa ako mamatay, masyado kang nag-aalala sa akin.” Biro ni manang kaya napasimangot si Mela. “Para na kasi kitang nanay manang. Kaya ayaw kong may mangyaring masama sayo.” Pumasok naman si Marcel sa kusina kaya napatingin ang dalawa dito. “Manang Eve, ku. . .” Pero pagkakita pa lang nito kay Mela ay bigla itong nakaramdam ng kaba. “M-Mela nandito ka pala!” nauutal na saad nito sa dalaga. “Oh Marcel anong kailangan mo?” sagot ni Manang at napakunot noo ito ng makitang parang nagkakahiyaan sina Mela at Marcel. “Mela nanahimik ka na riyan?” tanong ni manang Eve sa namumulang mukha ni Mela. Napakunot naman ang noo ni Eve sa inaasta ng dalawa na para bang nagkakahiyaan talaga ang mga ito sa isa't isa. “Ahm, manang pinapasabi pala ni Master Venom na ihanda n'yo na daw ang hapunan para makakain na ni Miss Amalie.” Baling naman ni Marcel sa matanda at iniwasang tingnan si Mela. “Ano? Bakit si Amalie lang paano si Venom hindi ba siya sasabay sa pagkain? May sakit ba siya?” nag-aalalang tanong ni manang Eve kay Marcel. Habang si Mela naman ay nagpaalam na dahil may gagawin pa raw ito pero ang totoo ay iniiwasan lamang nito si Marcel. “Sa tingin ko ayos lang siya, hindi ko masabi kung bakit hindi siya sasabay kay miss Amalie, pero wala naman siyang sakit, pero malay natin. Alam mo naman iyon, magaling magtago ng emosyon.” Sagot naman ni Marcel pero sa pigura ni Mela na papaalis naman ito nakatingin, habang malungkot ang mga mata nito. Madali naman nitong inilipat ang tingin kay manang nang kalabitin siya nito. “Ikaw yata ang may problema, may tampuhan ba kayo ni Mela?” usisa ni manang Eve kay Marcel. ‘Hindi man lang siya pinansin ni Mela kanina. Galit ba siya sa akin?’ sa isip ni Marcel. At hindi sinagot ang tanong ni Manang at wala ito sa sariling iniwan ang matanda at lumabas ng kusina. “Aba't bastos na batang iyon ah, hindi man lang ako sinagot.” Naiiling na sabi ng matanda. “Mga lutang ba ang mga tao sa bahay na ito, hay buhay!” Patuloy pa ni Manang habang inaasikaso ang mesang kakainan nila Amalie. SAMANTALA, “Mga minahal kung pasahero, anumang sandali ay lalapag na ang eroplano sa NAIA TERMINAL. Ang lokal na oras ay alas dyes na ng gabi. Para sa iyong kaligtasang mga pasahero, mangyaring manatiling nakaupo at siguraduhing nakakabit ng maayos ang iyong seat belt, habang tayo ay lumalanding na maraming salamat.” Nag-anunsyo ng flight attendant sa mga nakasakay sa eroplanong iyon. Isa na doon ang isang babaeng supestikada ang pustura at halatang may sinasabi sa buhay na nakangiting may kagalakan habang nakasandal sa kanyang upuan at pumuwesto ng maayos. “Nasa Pilipinas na ako, after seven years of staying in Las Vegas, ngayon ay nakabalik na ako sa aking lupang sinilangan. Magkikita na tayong muli Dark Venom Borromeo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD