CHAPTER 15

2171 Words
NAKAHIGA si Venom sa kanyang kama, habang ang kanyang tingin ay nakatutok sa kisame. No words can describe what he is going through. But he can handle it for the sake of her daughter. Pero ngayon ay para siyang lalagnatin. “Magkakasakit yata ako?” iyan ang tanong na hindi niya masagot sa kanyang sarili lalo na at ayaw niyang maramdaman iyon. Kailan ba siya huling nagkasakit? Hindi na niya maalala kung kailan siya nagpatawag ng family Doctor na laging gumagamot sa kanila ni Amalie, para malaman niya kung ano ang nararamdaman niya ngayon? Limang taon na ang nakararaan mula ng mamatay ang kanyang asawa. At sa totoo lang, wala siyang balak pumunta sa kahit saang hospital. Kaya kahit may sakit man siya o wala ay hindi na siya nagbalak pang tumuntong kahit saang hospital. Ayaw niyang maalala ang pagkamatay ng kanyang asawa at kung paano ito binawian ng buhay. Ngunit ang malalaking pader na itinayo niya sa kanyang sarili ay unti-unti siyang sinasakal, at paulit-ulit siyang sinisira kaya patuloy pa rin siyang pinipilit ng doktor na magpatingin sa hospital pero ayaw talaga niyang umapak pa sa hospital. Hindi na siya makatulog mula ng mamatay ang kanyang asawa at wala rin siyang ganang kumain minsan, kung hindi lang sa kanyang anak ay siguro ay sumunod na rin siya sa kanyang asawa sa hukay. Napaungol si Venom at mabilis umupo sa kama at sinuklay ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok, pasabunot dahil hindi na naman siya makatulog. Bumango na lamang siya sa kanyang kama at pumunta sa mini bar at kumuha ng bote ng alak at bumalik sa kanyang silid at umupo sa gilid ng kanyang kama. Kailangan na talaga niyang makita ang Dee na iyon at nang sa wakas ay mapag bayad na niya ito sa kasalanan nito. Dahil hindi siya matatahimik hanggang buhay pa ito at malaya. Ito ang nagdulot ng ganitong sakit sa kanya at ito rin ang sumira ng buhay niya at ng kanyang masaya sanang pamilya. Dapat kasi ay pinatay na rin siya nito kasama ng kanyang asawa para hindi na sana siya nahihirapan ng ganito. Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at dumaloy iyon sa kanyang mga pisngi pero hindi na niya iyon pinagkakaabalahang punasan dahil gusto niyang lumuha ng lumuha para kahit papaano ay maibsan ang bigat ng kanyang nararamdaman. Binuksan niya ang bote ng alak at tinungga na lang niya ang bote at hindi na nag-abala pang magsalin sa shot glass na kasama niyang kinuha sa minie bar. Sa totoo lang ang alak at sigarilyo na lang ang nagpapasaya sa kanya niya tuwing mag-isa na lang siya. Pero bukod dito ay hangad pa rin niya ang pagmamahal ng kanyang anak. Kaya hindi niya ipinapakita dito ang kanyang mga bisyo para respetuhin pa rin siya ng kanyang anak. Muling lumagok ng alak si Venom at saka huminga ng malalim. Nandoon pa rin ang sakit at pagsikip ng kanyang dibdib kaya nahihirapan siyang huminga. Iinom na sana siya ng isa pang bote ng alak dahil dalawa ang kinuha niya nang makarinig siya ng mahinang katok sa pinto. Matalim na tiningnan niya ang pinto at asar na asar ng magambala ang kanyang pagmumuni-muni. Sino kaya ang umisturbo sa kanya? Hindi naman ang anak niya ito, dahil hindi naman iyon kumakatok sa tuwing papasok ito sa kanyang silid. Hindi rin si Marcel dahil sabay sa pagkatok nito ang pagpapaalam na ito na ito ang kumakatok kaya imposibling si Marcel iyon. Hinigpitan ni Venom ang pag hawak niya sa bote ng alak at ang isip ay kung sino ang taong nasa likod ng pagkatok na iyon, pero pinapasok niya pa rin ito. “Pasok!” sinabi niya kaya dahan-dahang bumukas ang pinto at nag-aalangan na pumasok si manang Eve. “V-Venom ibig kung sabihin, master.” Yumuko ito na may pag-galang. “Anong kailangan mo?” seryosong tanong niya dito. Napakunot-noo si manang Eve ng makita niyang umiinom si Venom kahit hindi pa ito kumakain. “What?” muling tanong niya. “Uhm, hindi ka ba mag hapunan?” Nag-aalalang tanong nito sa kanya. “Hindi po ba ipinaalam sa iyo ni Marcel?” “Alam ko pero nag-aalala ako at baka kasi may dinaramdam ka kaya ayaw mo kumain?” nag aalalang saad nito sabay tingin sa bote ng alak na nasa kamay niya. “Bullsh*t manang sinabi naman pala sayo bakit ka pa pumunta dito.” Gigil na sabi niya dahil naasar na siya sa pagiging pakialamera nito sa kanya. “Baka kaku ay magbago ang isip mo at gusto mo na ulit kumain?” mahinang sabi niya at hindi na lang nito pinansin ang pagmumura nito sa kanya. Kailangan niyang magkaroon ng mahabang pasensya at intindihin na lang ang kanyang alaga. “Labas ka na manang bago pa ako mawalan ng paggalang sayo.” Kontroladong saad nito. “Pero Venom. . .” “I said leave, huwag mo na pong ipaulit sa akin ang mga sinabi ko,” sabi niya sa tono ng may halong babala. Napabuntong hininga na lamang si manang Eve at walang nagawa kundi ang lumabas sa silid ni Venom. “Manang Eve?” isang boses ang nagpatigil sa kanyang pag-iyak. Tumingala siya at nakita niyang nakatitig sa kanya si Nanami na may pag-aalala. “Ayos ka lang po ba?” tanong ng dalaga. “Uhm. . .Oo ayos lang ako.” Tugon naman nito at pinunasan ang kanyang mga luha. “Umiiyak ka po ba manang?” “U-umiiyak? H-hindi ah, napuwing lang ang mata ko, 'yon lang.” Ito at nagsinungaling kay Nanami. “Ganoon po ba?” “Oo iha, ayos lang ako. Handa na ang hapunan. Bumaba na kayo ni Amalie!” sabi pa nito bago ito bumaba. “Sige po.” Sinundan ng tingin ni Nanami ang matanda hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. “Nagsisinungaling siya alam kong umiiyak siya. Pero bakit?” bulong ni Nanami sa sarili, inilipat ang tingin sa pinto kung saan lumabas si manang Eve. “Siya nga pala, kaninong kwarto ito?” Pipihitin na sana niya ang doorknob nang may boses na nagsalita mula sa likuran niya. “Anong ginagawa mo diyan?” Umikot siya at nakita si Marcel na nakatingin sa kanya. “Wala naman, pero uhm, kaninong kwarto ito?” turo niya sa pinto. Tumigas ang mukha ni Marcel. “Binalaan kita, hindi mo kailangan malaman kung kaninong silid iyan.” “Ito naman nagtatanong lang kung ayaw mo sabihin 'di 'wag.” Ingos ni Nanami. “Umalis ka na, Miss Nanami.” “Oo, na aalis na.” Sabi niya sabay irap niya dito. Napasimangot naman si Marcel sa sarili at umiling-iling. “Lumayo ka sa kwartong ito, ’wag na ’wag kang papasok diyan maliwanag!” habol pa nito. “Hmm, Oo na.” Ilang segundong tinitigan ni Nanami ang pinto bago umalis. “This girl, may pagkamausisa at ang tapang na parang walang kinatatakutan tsk.” Bulong ni Marcel sa sarili bago naglakad palayo. PAREHONG naka-upo sina Amalie at Nanami sa upuan habang nagkatinginan sabay titig si Nanami sa unahan ng mesa kung saan doon nakaupo ang kanyang amo kapag kakain pero wala ito roon. “Nasaan ang daddy mo?” tanong niya sa bata. “Hindi ko po alam.” Nagkibit balikat si Amalie; Hindi po siguro siya sasabay sa atin ngayon.” “Bakit naman?” “Hindi ko po alam. Halos hindi lagi si Daddy na sabay sa akin sa hapagkainan, ewan ko po kung bakit?” “Lahat ba ng tanong ko ay hindi mo alam?” Nagkibit-balikat si Amalie at kumagat ng inihaw na manok. “Hindi ka ba nalulungkot dahil bihira sumabay sa'yo ang daddy mo kumain?” “Hindi naman po, sanay na ako, but still, I'm worrying about him. Pero wala naman po ako magagawa kung ayaw niya sa akin sumabay sa pagkain.” May lungkot sa mga mata nito ng sabihin iyon sa kanya. “May tanong ako, asan na pala ang mommy mo?” “Sabi po ni daddy na patay na si mommy nang ipanganak ako. Kaya palagi siyang nag-iisa at malungkot mula ng magkaisip ako, siguro miss na miss na niya si mommy kaya siya ganoon palagi. At mas doon ako nag-aalala para sa kanya.” Kwento nito sa kanya kaya nalungkot din si Nanami sa nalaman, ang bata pa nito para magkaroon ng ganitong pamilya. “Ikaw po ba may mommy ka pa po ba?” Lumunok si Nanami bago nagsalita. “Wala na rin daddy ko na lang ang meron ako at may mommy ako pero hindi ko siya totoong mommy pangalawang asawa siya ng daddy ko. Pero hindi ako ganoon ka-close sa kanya.” “Pero atleast po kahit papaano ay may mommy ka pa rin po.” “Ilang taon ka na ulit?” pag iiba niya ng topic dahil ayaw niyang pag-usapan ang bruha niyang madrasta. “Tinatanong mo na po iyan sa akin.” “Hay sagutin mo na lang nakalimutan ko eh, ang laki mo na kasi.” Pagbibiro niya sa bata pero totoo hindi halatang limang taon pa lang ito parang nasa pitong taon na ito kung titingnan. Sabagay matangkad naman si Venom at alam niyang matangkad din siguro ang nanay nito. Napabuntong-hininga si Amali; Limang tanong gulang na nga po ako.” “So ibig sabihin, limang taon nang biyudo ang daddy mo?” “Opo!” “Okay Eat your food now and stop talking na.” At sumilay ang ngiti sa mukha ni Nanami. “Nge ikaw ang nagtatanong sa akin, sinasagot lang po kita.” Tawa ni Amalie. “Bueno ngayon sinasabi ko sa iyo na tumahimik na tayo at kumain na, kaya huwag na tayong magsalita.” “Okay po!” at sunimulang kainin ni Amalie ang kanyang pagkain. “Uhm...ano palang buong pangalan ng daddy mo? alam mo ba?” tanong ulit ni Nanami. Tumingin ito sa kanya at ipinakita ang pag-zipper ng mga labi nito at saka nagpatuloy sa pagkain. “Little bratty.” Buntong-hininga na sabi ni Nanami dahil sa hindi nito pagsagot sa tanong niya. Kumain na lang din si Nanami pero bigla itong napangati, meron kasi itong naisip na idea. SAMANTALA. Lumabas na ng airport ang isang magandang babae at hinubad niya ang kanyang itim na salamin at nilasap ang malamig na simoy ng hangin ng gabi, nakangiti ito ng maalasap ang nakakapresko at nakakarelaks na hangin ng Pilipinas. Napakasarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakabalik na siya dito pagkatapos ng pitong taon na pananatili niya sa Las Vigas. Luminga-linga siya sa paligid at nakita niya ang kanyang matalik na kaibigan sa kabilang kalsada at kaya kinawayan niya ito. Ibinalik niya ang kanyang itim na salamin at naglakad papalapit sa kaibigan nito habang hila-hila niya ang kanyang mga bagahe. “Ikaw na ba iyan, bestfriend?” tanong niya nang makalapit siya at kinuha niya ang atensyon ng kaibigan. Tumingala ang kanyang matalik na kaibigan mula sa pagkakatutok sa cellphone nito at biglang nanlaki ang mga mata nito ng makita siya. “Chiara!” tumakbo siya papunta sa kaibigan at mahigpit silang nagyakapan. “Oh my ghad, ikaw na ba iyan, Chiara?” sabi ng kaibigan niya sabay bitaw nila sa isa't isa tumango naman siya dito at masaya niya itong binati. “Sa wakas nakabalik ka na,” sabi pa ni Ariana. “Yeah, it's me sino pa ba sa akala mo.” Masayang saad niya dito. “Oh, my ghad, Miss na miss na kita.” “Miss na rin kita.” “Matagal na mula ng magkita tayo, pitong taon ano?” tanong naman ni Ariana kay Chiara. “Kaya nga ang bilis lang ng panahon, ngayong nandito na ulit ako, kumusta na?” “Heto wala pa ring pinagbago. Syempre maganda pa rin ako.” Biro nito. “Oo naman pero mas maganda pa rin ako sa'yo.” Sabay hawi niya sa kanyang buhok. “Halika na, akin na iyang iba mong maleta ako na magdadala, umuwi na tayo nang makapag-pahinga ka na.” Alok nito sa kanya kaya napangiti siya. “Aww ang sweet mo pa rin.” Kumindat si Chiara kay Ariana kaya nagkatawanan sila. Ibinaba ni Ariana ang mga bagahe ni Chiara sa trunk ng kanyang kotse at sabay silang sumakay sa loob ng sasakyan. Nakaupo si Chiara sa passenger seat habang si Ariana naman ang magmamaneho ng sasakyan. “Salamat naman at umuwi ka na!” “Oo nga eh, namiss ko ang Pilipinas, syempre pati na ikaw, kaya umuwi na ako. Tapos na rin naman ang modeling career ko doon at sapat na ang naipon kung pera para mag stay na ako dito for Good.” Daldal niya sa kaibigan. “Mabuti naman so paano uwi na tayo?” tanong nito. “Yeah, at gusto ko ng maghilata sa malambot na kama dahil napagod ako kakaupo sa eroplano.” Inat niya at saka humikab na may poise pa rin. Binuksan na ni Ariana ang ignition ng sasakyan at nabilis itong nagmaneho paalis ng airport.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD