CHAPTER 16

2701 Words
“ANONG ginagawa mo?” tanong ni manang Eve. “Nagluluto po ako ng cordon bleu, manang.” Sagot naman ni Nanami. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na iyon ang gusto mong hapunan? Huwag kang mag-alala, gagawin ko ito para. . . “Hindi na po manang kaya ko na.” Putol ni Nanami sa pagpresinta ni manang Eve sa kanya. “Saka po hindi ito para sa akin, gusto ni Amalie na kumain ng luto ko, kaya po ginawa ko ito para sa kanya.” “Para kay Amalie?” “Opo!” “Oh Sige, kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling tawagan ako.” Sabi naman nito sa kanya. “Okay lang po ako, kaya ko naman salamat po.” “Sige, maiwan na kita at ako'y matutulog na magandang gabi.” “Magandang gabi rin po manang, sige na po pahinga na kayo.” Sagot naman ni Nanami na abala sa pagbalot ng karne na gagamitin niya para makagawa ng cordon bleu na pagkain. Umalis na si manang Eve sa kusina at naiwan na lang siyang mag-isa doon, dahil tulugan na ang iba pang mga katulong. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok si Amalie sa kusina mag-aalas dyes na ng gabi iyon. Gising pa ito dahil wala naman itong pasok bukas dahil sabado, kaya pwede itong matulog ng late. “Para kanino mo po iyan, Ate Nanami?” tanong nito sa kanya. “Gising ka pa pala.” Bati niya dito “Opo wala naman pasok bukas.” “Buti na lang gising ka pa.” “Bakit po?” “Malalaman mo rin.” Matapos lutuin ni Nanami ang pagkain sa isang plato ay nilagyan niya sa tabi nito ng isang sause na kahit sino ay masasarapan. Specialty niya kasi ito dahil ang mommy niya ang lagi siya nito pinaglulutuan kaya nagpaturo rin siya dito. Lagi rin niya ito niluluto tuwing death anniversary ng kanyang mommy para sa paggunita niya sa yumaong pinakamamahal niyang ina, para kahit papaano ay parang kasama pa rin niya ito. Inilagay niya ang plato sa isang tray na may isang basong malamig na malamig na tubig. “Wow. Mukhang masarap ito ate Nanami Maaari ba akong humingi niyan.” Natatakam na sabi ni Amalie sa kanya. “Dalawa naman itong ginawa ko iyon na lang ang kainin mo kasi ito para ito sa daddy mo.” Sagot naman ni Nanami ginawa niya ito para sa ama nito. Dahil hindi na naman ito sumabay sa hapagkainan kanina tulad noong nakaraang gabi. Kita niya ang lungkot sa mga mata ni Amalie kahit hindi nito sa kanya aminin, alam niyang nasasabik din naman ang kanyang alaga na lagi niyang makasabay ang ama nito kahit paano. Kinuha naman ni Nanami ang isa at ibinigay niya sa alaga niya at hinintay niya ang magiging reaksyon nito sa kanyang niluto. “Hmmn, ang sarap naman po nito at ang lambot, pati itong sauce niya ang sarap.” Masayang saad ng bata. “Talaga, ano sa tingin mo magugustuhan ba ito ng daddy mo?” “Oo naman po.” Masayang sabi nito at minadali ang pagkain. “Oh ito, dalhin mo ito sa daddy mo. Gagawin mo ba? Sasamahan naman kita.” Sabi niya. “Ako po?” turo nito sa sarili. “Oo, ikaw kapag ako kasi sa tingin ko, hindi magugustuhan ng daddy mo kung ako mismo ang magdadala nito sa kanya.” “Hmmn, sige!” Masayang agad na pagpayag nito. “Oh ano tara na, siguraduhing mong kakainin niya ang pagkain na iyan ah, at ipinapangako kong gagawa ako ulit niyan para sa iyo bukas.” Wika niya kaya lumawak ang ngiti ng bata sa kanya. “Sure ka po Ate, Nanami? gagawa ka ulit nito?” “Oo naman, pangako!" Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa. “Sige po tara na.” At kinuha na ni Amalie ang tray mula kay Nanami. “Wait pala, huwag mo palang sabihin sa kanya na ako ang gumawa niyan ah?” “Bakit naman po?” “Huwag ka nang magtanong basta dalhin na mo na lang iyan sa kanya.” Nagkibit-balikat na lang si Amalie saka lumabas na ng kusina habang hawak-hawak nito ang tray na may lamang pagkain. Sana tanggapin ng ama nito ang pagkain. At hindi sabihin ni Amalie na siya ang naghanda niyon. Tama nang isipin na lang nito na si manang Eve ang naghanda ng pagkain na niyon para dito. Sinundan na niya si Amalie at tinitingnan tingnan kung mabibitiwan nito o hindi ang dala at nang maka-aykat sila ay maayos naman nitong nadala ang tray. Pumuwesto si Amalie sa kwartong nilabasan ni Manang Eve kanina, kaya doon niya nalaman na silid pala iyon ng kanyang amo. Kinatok niya ang pintuan at agad na umalis doon at iniwan si Amalie na nakatayo sa pinto. Mayamaya lang ay iniluwa doon si Venom na pupungas-pungas pa ng mata. NAKAHIGA naman si Venom sa kama tulad ng dati habang dilat ang mga mata. Hindi naman kasi ito sumabay sa anak dahil wala siyang ganang kumain. Mahigit tatlong oras na niyang sinusubukang makatulog at mukhang hindi talaga siya dalawin na naman ng antok. Kaya heto na naman siya, gising na gising pa rin. “Daddy!” Narinig niya ang boses ng kanyang pinakamamahal na anak matapos niyang marinig ang katok sa pinto. “My Princess?” dali-dali siyang bumangon sa kama at binuksan ang pinto. Nakatayo ito sa harap niya habang may hawak-hawak itong tray. “Ano 'yan, may Princess?” “Pagkain po, hindi ka naman kasi sumabay sa akin sa pagkain kaya dinalhan na lang kita ng makakain mo po.” Nilagpasan siya nito at pumasok sa loob ng kwarto kahit hindi pa niya ito pinapatuloy. Isinara na lang niya ang pintuan at sumunod sa anak. “Bakit mo ako dinalhan niyan? At hindi ba dapat tulog ka ngayon?” tanong niya. “Gusto ko po kasi na kumain ka po, at kaya po hindi pa ako tulog ay wala naman ako pasok bukas, remember.” Sagot nito at umupo ito sa kanyang kama matapos nito ilapag ang tray sa may table na malapit sa kanyang kama. “Come here dad, kumain ka na po at sasamahan kita dito.” Tinapik nito ang bakanteng side ng kama kaya tumabi na lamang siya dito. “Sino ang nagbigay sayo ng ideya na dalhan mo ako ng makakain?” nagtatakang tanong niya. “My ya. . . lumunok naman si Amalie dahil muntik na niyang masabi na si Nanami ang nagpadala nito sa ama. “Dad, hindi mo na dapat malaman, sige na dad, kumain ka na.” Lambing nito sa kanya. “Sorry my princess, kung masasayang ang effort mo, hindi kasi ako nagugutom,” Naalala ni Amalie ang pangako ni Nanami sa kanya kaya umiling ito sa kanya. “No daddy kumain ka, please!” nag-pout si Amalie at sinusubukan niyang gamitin ang isang emosyonal na blackmail para mapilitan itong kumain. “Dad, tinatanggihan mo ba ang effort ko.” Naluluhang sabi nito kaya nataranta si Venom. “No my princess, hindi naman sa ganoon. Hindi kita tinatanggihan, baby. Hindi lang talaga ako gutom at wala talaga akong gana.” “Pwede po bang kumagat ka muna? Kahit kaunti dad, maaari mo naman iyan ibalik kung ayaw mo talaga matapos mong matikman, sige na daddy, please.” Malungkot ngunit nakangiting sabi nito. “At paano kung ayaw ko?” “Hindi na kita kakausapin kahit kailan at maglalayas ako.” Sabi pa nito kaya nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Manang mana talaga ito sa kanyang asawa alam nila kung paano ako kunsinsyahin napapailing na bulong niya at tinitigan ang pagkaing nasa harapan niya. Dahan-dahan naman siyang humiwa ng maliit at saka iyon isinubo. Pinagmamasdan siyang mabuti ni Amalie kung ano ang magiging reaksyon niya sa pagkain na dala nito. Nginuya ni Venom ang piraso ng karne sa kanyang bibig, tahimik at ninanamnam ang lambot at malasang pagkain. “Wow. Si manang ba ang gumawa nito?” tanong niya. “Sinabi ko na po sa iyo na huwag muna pong alamin kung sino ang naghanda niyan.” Nakangiti sabi ng kanyang anak. “So tell me, dad masarap po ba?” “Okay lang masarap naman.” Tumango naman ang kanyang anak at matamis na ngumiti. “Sus, si daddy ayaw pang sabihin na nasarapan siya sa niluto ni ate Nanami.” Pagkasabi niyon ay napatakip ito ng bibig. Napatingin naman siya sa kanyang anak at pinaningkitan ng mata ang bata. “So, ang babaeng iyon pala ang nagluto nito.” Napangisi naman si Amalie at saka bumulong. “Patay lagot ako nito kay Ate,” Habang si Venom naman ay hindi makakaila sa kanyang sarili na masarap ang niluto ng babaeng iyon and the taste is so familiar for him. “HONEY!” She barged the door at pumasok ito sa kanyang opisina nang hindi man lang ito kumakatok. Napaangat ng tingin si Venom mula sa kanyang laptop at agad na ngumiti. “Oh, hi honey.” “May kailangan ka ba?” “Oo, bakit hindi ka bumaba para mag-dinner?” Napabuntong-hininga si Venom. “Hindi pa kasi ako nagugutom, me amore.” “Ano? Wala ka pang kinakain simula kaninang umaga, kaya paanong hindi ka pa rin nagugutom?” tanong nito sa kanya. “Wala pa akong gana. Pero don't worry, kapag nagutom ako ay kakain na lang ako mamaya.” “Hindi, hindi kita hahayaang matulog ng hindi pa naghahapunan. Baka magkasakit ka na niyan!” Nakasimangot na sabi nito at hindi pinansin ang sinabi niya rito. “Don't worry honey. Malakas ang immune system ko. Hindi ako madaling magkasakit.” Pagyayabang niya sa asawa. “Malakas ang immune system mo mukha mo. Halika na at mag hapunan na kapag hindi ka pa kumain, 'di kita patatabihin sa akin sa higaan makita mo.” Sabi nito at pinandilatan siya ng mata. “Wait her, dito ko na lang pala ibibigay ang pagkain mo, hintayin mo ako dito, ah.” Pagkasabi nito ay lumabas na ito nang kanyang opisina na nandito lang din sa kanyang bahay doon niya kasi tinatapos ang kanyang mga trabaho na hindi niya natapos sa kumpanya niya. May ngiti naman sa labi si Venom, habang umiling dahil sa kakulitan ng kanyang asawa. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang ginagawa at maya-maya pa ay bumalik na ulit ang kanyang mahal na asawa. Habang May hawak na itong isang tray na may lamang pagkain. Isa iyong cordon bleu na paborito nitong lutuin at may kasama itong isang baso na may lamang Strawberry juice. Inilapag nito ang tray sa mesa sa harap niya at marahang itinulak ito papalapit sa kanya. Binigyan ni Venom ang asawa ng tingin. “Me amore, hindi talaga ako nagugutom.” Tanggi niya sa asawa ngunit umiling lang ito sa kanya. “Kakainin mo iyan at kapag hindi mo iyan kinain ay . . Putol nito sa sasabihin. “Ay?” ulit niya. “Ay itatapon ko iyang niluto ko at hindi na kita kakausapin o kaya ay maglalayas ako.” Emotional na sabi nito. “Oo na, ikaw talaga hindi ako manalo nalo sayo kahit anong sabihin ko.” Pagsang ayon na lamang niya sa asawa, dahil ayaw niya itong nakikitang nadidisappoint sa kanyang harapan lalo na kapag pinag-effort-an nito ang isang bagay. Nang matikman niya ito ay na sarapan siya, wala talagang kupas ang galing nito sa pagluluto, lahat ng lutuin nito ay walang tapon sa kanya. Napabalik sa realidad si Venom mula sa paggunita niya sa huling masayang alaala niya para sa asawa at napatitig ito sa plato na walang laman. Kinain na niya ang pagkain na dinala sa kanya ng kanyang anak. Inaamin niya na masarap ang cordon bleu na ginawa ng yaya nito at bumalik sa kanyang gunita ang huling araw na pinagluto siya ng kanyang asawa. Cordon bleu din iyon at ganitong ganito rin ang lasa niyon ng matikman niya ito kanina pero ang kaibihan lang ay may sauce ito na kakaiba na ngayon lang niya natikman kaya lalo iyong sumarap sa kanyang panlasa. Napasulyap siya sa kanyang anak na natutulog na ngayon sa kanyang kandungan. Napakuyom niya ang kanyang kamao ng maalala na ang isang babae na may kaparehong pangalan tulad ng sa kanyang asawa ang gumawa ng pagkain na iyon. Dahil matapos niyang matikman iyon ay ipinaalala nito sa kanya ang kanyang yumaong asawa kaya muli na naman niya itong namiss. Napakagandang alaala pero at the same time ay sobrang nakakasakit sa kanya. Pinigilan niyang huwag maiyak dahil kasama niya ang kanyang anak. Ayaw niyang makitang siya nitong umiiyak dahil alam niyang malulungkot ito kapag nakita siya nitong nahihirapan. Binuhat na lamang niya ang kanyang anak sa kanyang mga bisig at saka tahimik na inilapag niya ito sa kanyang kama. Gumalaw ito ng kaunti ngunit hindi nagising. Hinila niya ang duvet sa katawan nito at matapos niyang halikan ang noo ang anak niya ay tumayo siya. Bumalik ulit ang kanyang tingin sa plato at buntong hininga itong kinuha niya iyon at dinala ang tray at lumabas na siya ng kanyang silid para ilagay ito sa hugasan. CHIARA and Ariana walked through the inside of Ariana's house, both having wide smiles on their faces. Iniwan ni Ariana ang maleta ng kanyang matalik na kaibigan sa may pintuan matapos nilang makapasok sa loob ng bahay. Nagmamadaling pumunta sa kusina si Chiara, dahil kanina pa raw ito na uuhaw. “Ghad, kanina pa ako nauuhaw.” Natawa si Ariana habang nakaupo sa sopa. “Ako rin dalhan mo rin ako dito ng tubig!” Sigaw ni Ariana mula sa sala. Makalipas ang ilang minuto bumalik ito na may dalang dalawang baso ng alak at inabot ang isang baso kay Ariana. “Ay akala ko naman sa tubig ka na uuhaw.” Tawa nito. “Oo pero nakainom na ako, at naalala ko palang dapat tayong magdiwang kaya kumuha na rin ako ng alak.” Paliwanag nito. “Magdiwang? Sa pagbabalik mo?” umupo si Chiara sa tabi ni Ariana at saka ibinigay dito ang alak na dala. “Yes, bakit ayaw mo bang icelebrate natin ang pagbabalik ko?” sabi naman nito at sinimsim ang baso. “Syempre gusto ko, so Cheers!” Sabay angat nito ng baso at pinag-untog nila iyon at sabay nilang ininom ang laman niyon. “So, kumusta ang biyahe pauwi?” Nagkibit-balikat naman si Chiara habang umiinom ng alak. “Okay lang naman. Kahit na boring ako sa biyahe.” “I'm happy na bumalik ka na, friend.” Wika nito at muling uminom. “Kaya nga ang sarap sa pakiramdam na bumalik na ako dito. Namiss ko ng sobra ang Pinas.” Nakangiti namang sagot niya sa kaibigan. “Ahm, Chiara?” “Yes, Ariana?” “Alam kong hindi ito tama na itanong ko pa sayo ito, pero nagtataka ako? Bakit ngayon mo pa piniling bumalik? I mean, five years ago, tinawagan kita para ipaalam sa iyo ang tungkol sa pagkamatay ng kapatid mo, pero hindi ka umuwi. So bakit ngayong wala ka na rin naman dito kamag-anak bakit ka pa umuwi?” “Teka, inaasahan mo bang babalik ako dito noon, dahil sa kanya?” “Syempre kapatid mo siya?” “Hindi ko na siya kapatid mula ng masira ang aming relasyon bilang magkapatid, at maraming taon na ang nakalilipas, Ariana. She chose to kick me out of her life, remember!” matigas na saad nito. “Of course, I remember. Kung tutuusin, ako ang nag-udyok sa iyo na umalis dito para ayusin mo ang nawasak mong puso. Kaya naiintindihan kita. Pero kapatid mo pa rin si Nanami, kaya dapat kahit galit ka sa kanya ay inihatid mo man lang siya sa huling hantungan niya.” Sabi naman ni Ariana. “Saka halos dalawang taon na bago namatay ang kapatid mo ay dapat napatawad mo na siya. Pero hindi ka dumating ng mamatay siya. Kaya huwag mong sabihin noon na galit ka pa rin sa kanya, or I should I say na baka kahit hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kanya?” sabi ni Ariana at tiningnan siya nito na may pagdududa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD