“I WILL never forget the past, especially now that Venom is still mad at me.” Sagot naman ni Chiara sa tanong ng kanyang kaibigan tungkol sa nakaraan nito.
“Paano mo nasabi na galit pa sayo si Venom?”
“Actually, tinawagan ko siya bago ako bumalik dito.”
“Tinawag mo siya?” hindi makapaniwala na tanong ni Ariana.
“Yeah.”
“Bakit?”
“Well, tinawagan ko siya dahil naaalala ko pa rin ang number ng telepono nila hindi na naman pala nagpalit ng landline iyon. Huwag mo akong bigyan ng ganyang tingin.” Sabi niya at paningkitan nito ng mga mata ang kaibigan ng tingnan siya nito ng makahulugan.
“Sus, talagang sabihin mo tinandaan mo talaga lagi ang landline nina Venom, para na tatawagan mo pa siya.”
“Pero maiba ako, pwede ba akong magtanong?” buntong hininga ni Ariana.
“Like what?”
“So ano ba ang rason kung bakit ka talaga bumalik pa rito?” Inilibot ni Chiara ang kanyang mga mata sa tanong na iyon ni Ariana.
“Kanina mo pa talaga gustong malaman!”
“Answer my question na lang kasi, Bakit ka nga umuwi?
“Nandito ako dahil kay Venom at wala nang iba.” Nakangiting sagot niya bago ulit ito uminom ng alak.
“Sinasabi ko na nga ba.” Iling ni Ariana dahil tama ang iniisip niya sa pag-uwi ng kanyang matalik na kaibigan.
“So, hanggang ngayon ay siya pa rin ang gusto mo at kaya ka umuwi dito dahil sa kanya.” Dugtong pa nito.
“Akala ko ba ay galit ka rin kay Venom dahil siya ang dahilan kung bakit kayo nagkasirang magkapatid?” naguguluhang tanong ulit nito.
“Diyan ka nagkamali, bestie. Hindi ko sinisisi si Venom sa kung ano man ang nangyari sa pagitan namin ng kapatid ko. Pinili ni Ate Nanami na hayaan kaming mawasak dahil sa panghihimasok niya sa buhay namin noon ni Venom. Si Ate ang sinisisi. . .
“Chiara.” Pinutol siya ni Ariana sa pagsasalita.
“Kung bumalik ka dito para lang muling buhayin ang anumang katangahang nararamdaman mo para kay Venom, ipapayo ko sa iyo na bumalik ka na lang sa Las Vegas.”
“At bakit?”
“Seryoso ako. I won't let what happened years ago repeat to yourself again, never. Ayoko na ulit na masaktan ka dahil sa isang lalaki lang dahil sakis ako kung paano ka nabaliw dahil lanh kay Venom.” Pagtutol nito sa binabalak ni Chiara.
“Anong sinasabi mo, Ariana? Una sa lahat, bumalik ako para kay Venom. At pangalawa, wala akong nakikitang dahilan para hindi ko mulinh makuha si Venom, patay na rin naman si Ate Nanami.” Mariing tangi niya sa sinasabi ng kaibigan.
“Ang ibig mong sabihin magpapakatanga ka naman sa lalaking iyon?”
“Bakit wala na rin naman si ate Nanami. Wala na akong karibal sa kanya kaya alam ko sa pagkakataon na ito ay makukuha ko rin sa wakas si Venom.” Determinadong saad ni Chiara at saka ngumiti ng nakakaloko.
Pinanliitan ni Ariana ng mata ang matalik nitong kaibigan.
“Grabi ka, almost seven years na ang nakakalipas ay hindi ka pa rin nakaka-move on sa kanya, I can't believe this.” Wika ni Ariana sa kaibigan.
Pinagmamasdan ni Ariana ang matalik niyang kaibigan na may ngiti sa labi nito habang umiinom sa baso ng alak.
PUMASOK si Venom sa kusina bitbit ang kanyang pinagkainan, at inilagay ang maruming plato sa lababo. Sumandal siya sa counter at dumungaw sa labas ng bintana, nakapasok ang mga kamay niya sa bulsa ng kanyang joggers habang nakatanaw sa labas.
Ang dami niyang iniisip pero parang hindi siya makapag-concentrate. Bakit pareho sila ni Nanami na aking asawa na magluto ng cordon bleu at ng Nanami na yaya ng kanyang anak.
Napaisip siya habang nagtatagis ang kanyang mga panga. Gusto niyang parusahan ito dahil nasasaktan siya dahil pinaalala nito ang masaya nilang araw ng asawa, noong nabubuhay pa ito. Dahil lamang sa niluto nito ang specialty ng kanyang yumaong asawa.
Pumikit siya at huminga ng malalim.
Sa unang pagkakataon sa halos limang taon mula ng mamatay ito, ay na aalala na naman niya ang magagandang alaala ng kanyang yumaong asawa at lahat ng iyon ay dahil sa cordon bleu lamang na niluto ng yaya ni Amalie.
Nakakabaliw talaga ang buhay. Kung kailan ay handa na siya kalimutan ang masasayang alaala nila ng mag-asawa para mabawasan kahit papaano ang sakit na kanyang nararamdaman noon. Pero bumalik naman ang mga iyon dahil lamang sa babaeng iyon na nangangalang din Nanami.
Dahil sa mga alaala naman ng kanyang nakaraan kasama ang kanyang asawa ay nagsimula naman siyang mag-hyperventilate kaya hindi na naman siya makahinga at nanginginig naman ang kanyang mga kamay. Para na ring napako naman ang kanyang mga paa sa sahig.
Tapos sabay niyon ay ang pagbabalik naman ang mga alaala nito noong namatay ang kanyang asawa kaya sumisikip na naman ang kanyang hininga. Magandang alaala man iyan o hindi, ang guilt ay laging nandoon sa puso niya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at sinubukang maglakad papalabas sa kusina upang umakyat siya sa kanyang silid.
Para makainom siya ng gamot na nagpapakalma sa kanya.
Ngunit hindi na siya makahakbang at tuluyan na siyang bumagsak sa sahig. Masakit at mabigat ang kanyang puso. Nanginginig na rin ang kanyang mga kamay kaya wala na siyang oras para pumunta pa sa taas. Pero kahit na, na iyon ang nararamdaman niya ay pinilit niyang inilalabas ang isang pocket knife mula sa kanyang bulsa at nagmamadali siyang kunin iyon.
Kailangan na naman niyang maibsan ang sakit na nararamdaman at isa lang ang paraan na magagawa niya. Na kahit ’di siya makainom ng iniinom niyang pampakalma. Ay kailangan niyang saktan ang sarli para lamang maibaling ang sakit ng damdamin niya sa sakit sa katawan na kanyang gagawin sa sarili.
Kaya kahit malakas ang pagkukombulsiyon niya ay pilit pa rin niyang inilalagay sa kanyang braso ang talim ng kutsilyo upang hiwain niya iyon at nagtagumpay naman siyang nahiwa nang dalawang beses ang kamay.
Ilang segundo lang ang nakakalipas ay nakakahinga na siya ng maluwag lalo na ng makita niya ang pagtulo ng dugo sa kanyang mga sugat at pumatak iyon sa puting tiles ng sahig.
As usual, wala na naman siyang nararamdamang sakit pero kahit paano ay naibsan nito ang panginginig ng kanyang katawan kaya tuluyan na siyang nakabawi ng lakas.
Pero bigla siyang napakunot ng noo nang makarinig siya ng mahinang hikbi mula sa pintuan. Dahan-dahan siyang tumingala at hinanap ang taong huling inaasahan niyang makikita. Tumingin siya sa mga mata nito at ang nakita niya ang kalungkutan sa mga iyon.
Umiiyak ba ito o nalulungkot dahil ba sa kanya?
Gaano na kaya siya katagal na nakatayo doon? Nakita ba nito ang lahat ng mga nangyari?
Pumasok ito sa kusina at tahimik na lumapit sa kanya. Hindi inaalis ang tingin nito sa sugatan niyang kamay.
“Bakit, b-bakit mo ginagawa iyan?” bulong nito sa kanya, habang dumadaloy ang mga luha sa magandang mga mata nito.
Kaya lalong lumalim ang pagkunot ng noo niya dahil sa nakikita niya sa reaksyon nito.
Bakit ba ito naapektuhan sa mga nakita nito sa kanya?
Nagmamalasakit ba ito sa kanya o na aawa?
Hindi naman ito si Nanami na kanyang asawa kung may magkapareho sa dalawa ay iyong mga mata nitong namumungay at parang nangungusap o dahil ba sa magkapareho sila ng pangalan kaya parang nakikita niya ang kanyang asawa dito kahit hindi sila magkamukha?
Naputol ang pag-iisip ni Venom nang bigla siya nitong hatakin sa kanyang mga braso at patayo siya nitong inalalayan.
NANLAKI ang mga mata ni Nanami ng mapagtanto niya ang kanyang ginagawa. Hindi siya natatakot dito pero alam niyang lumagpas na siya sa kanyang obligasyon sa bahay na ito.
Dahil halos lahat ng staff sa bahay na ito ay nagbababala sa kanya na huwag ko raw pakialaman o magkrus man lang ang landas namin ng amo namin.
Kaya umiiwas talaga siya hangga't maaari sa lalaking ito kahit na madalas ay gusto niyang sundin ang kuryosidad na kilalanin pa niya ng lubos ang lalaki.
Pero heto siya, nilapitan pa rin niya ang lalaki at tinulungan niyang tumayo kaya ngayon ay nakayakap na ito sa kanya.
Hindi rin niya maiwasang huwag umiyak dahil sa kahabag-habag nitong itsura kanina habang namimilipit ito sa sakit at pinipilit nitong tumayo.
Pero ang lalong nagpaiyak sa kanya ay ang makita niyang may inilabas itong maliit na kutsilyo at dalawang beses nitong hiniwa-hiwa ang sarili nitong bisig.
Nakatingin siya ngayon sa lalaking nalilito ang mga mata habang may malalim itong gitla sa noo nito na parang takang taka. Pero maya-maya lamang ay napalitan iyon walang emosyong tingin pero binaliwala niyon at naka-focus lang siya sa naririnig na pagtibok ng kanilang mga pus.
Ito na ba ang oras na sinasabi nina manang na pwede akong mamatay kapag nakagawa ako ng mali? sa isip niya.
Pero nanatili lang itong tahimik na nakatingin sa kanya. Sa totoo lang, hindi siya nagsisisi na nilapitan niya ito at tinulungang makatayo. Kung iyon lang ang paraan para ma-comfort niya ito dahil alam niyang may bigat itong pinagdaanan.
Lalo na ng makita niya ang lahat ng nangyari sa kusina kani-kanina lang. At ito siguro ang dahilan kung bakit iyon ang unang salitang lumabas sa bibig niya nang makalapit siya dito.
“Bakit, b-bakit mo ginagawa iyan?” bulong niya dito, habang hindi niya maiwasang dumaloy ang mga luha niya sa kanyang mga mata.
Pero hindi man lang ito sumagot sa kanyang tanong at patuloy lang itong nakatingin sa kanya.
Ano kaya ang sakit na nararamdaman nito, dahil kita niya ang sakit, lungkot, at dalamhati sa mga mata nito. At para bang ang pananakit sa kanyang sarili sa pisikal na aspeto ang makakapawi sa nararamdaman nitong pasakit.
Pero kung ano man iyon ay dapat wala na siyang pakialam doon. Sapat na, na tinulungan niya itong tumayo kaya ipinilig na niya ang kanyang ulo at kailangan na niyang bitiwan ang lalaking ito.
“A-Anong ginagawa mo rito?” Ang madilim at nakakatakot na boses nito ay umalingawngaw sa katahimikan ng kusina at umagaw sa atensyon ni Nanami.
Kaya sinamantala niya ang pagkakataon para bitiwan na niya ito ng tuluyan.
Pinahid muna niya ang kanyang mga luha at mabilis na humingi ng paumanhin dito.
“Sorry, h-hindi ko sinasadyang makita ka at hawakan.”
Naging matigas ang mukha nito kaya kung ang mga bato ay itinuturing na may buhay na bagay, ang mukha ni Venom ang pinakamagandang paglalarawan para dito. Sasagot na sana si Nanami nang masulyapan niya ulit ang dumudugong bisig nito.
“Dumudugo ang sugat mo.” Nangangambang tinuro niya ang kamay nito; “Wait here, kukuha lang ako ng first aid ki. .
“Hindi ka naman bingi diba?” Putol nito sa sinasabi niya.
Umiling naman siya rito. “Hindi ako bingi, malinaw kong naririnig ang sinabi mo.” Sabi niya.
“Pero mamaya ko na sasagutin ang tanong mo, kailangang magamot ang mga sugat mo, kaya dito ka lang at kukuha lang ako ng first aid kit.” Inulit niya ang sinabi niya at muling pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha. At tumalikod na siya para umalis nang muling magsalita si Venom.
“Bakit mo ako binibigyan ng dahilan para patayin ka?” Huminto siya sa pag-hakbang. Inaasahan na niyang he threatened her with her job for crossing the line.
Pero kamatayan ba talaga ang gagawin nito sa kanya eh nagmamalasakit na nga siya dito?
Normal lang ba talaga dito na magsalita ito ng ganitong pagbabanta na para bang ang pagpatay ay tulad lang sa pagtapon sa gamit na hindi na mahalaga dito?
Para sa isang tao na tulad nito siguro ay simple lang ang pagpatay, sa mga tauhan nito kapag lumagpas na sila sa limitasyon o gumawa ng ilang hindi katanggap-tanggap na mga bagay para dito.
Pero hindi siya natatakot sa gagawin nito sa kanya, dahil nararamdaman niyang hindi na naman talaga ito, ganoong klaseng tao.
Lumapit siya dito kaya kunti na lang ang agwat ng kanilang mga mukha.
“At sa anong dahilan para patayin mo ako wala naman akong ginagawang masama sa'yo?” walang takot na tanong niya.
Napataas naman nang kilay si Venom at pinagmasdan nito ang kanyang mukha.
Lumapit din ito sa kanya; “Dahilan ba kamo, marami, una ilang beses mong nakalimutang may inaalagaan ka dahil sa unang trabaho mo pa lang ay nakalimutan mong papasukin ng maaga ang anak ko, pangalawa muntik mo ng hindi masundo ang anak ko sa school kung hindi pa sana ito sinundo ni Mela ay baka inabot na iyon doon ng gabi at pangatlo itong nakita mo sa akin ngayon gabi. (Pang-apat dahil diyan sa pangalan mong Nanami, hindi mo dapat naging pangalan iyan).” Mahabang saad nito, pero iyong panghuling binangit nito ay hindi niya masyadong narinig dahil pabulong na lang iyong sabihin ni Venom.
“Paano mo nalaman iyang mga nauna mong nabanggit?” nagtatakang tanong niya dito.
“Miss Dela Cruz lahat ng nangyayari dito ay madali ko na lang malaman dahil dito ako nakatira at lahat ng bawat kilos ninyo ay alam ko dahil marami akong mata dito.” Naniningkit na sabi nito sa kanya.
“Okay alam ko naman, pero bakit hindi mo na agad ako kinompronta sa mga iyan noon pa?”
“Dahil kay Amalie na baka madisappont ito sa akin kapag pinaalis or pinatay kita, pero kung tutuusin ay pwede na sana kitang patayin na iyon lang ang dahilan.” Pananakot nito sa kanya pero hindi pa rin siya nagpatinag dito.
“Pero iyong nakita mo sa akin na hindi mo dapat makita ay pwede ko na iyong kuning dahilan para bawian ka ng buhay. Lalo na kapag may nakaalam na kahit na sino sa mga nakita mo at nalaman mo sa akin.”
Nakangising sambit at babala nito kaya napalunok si Nanami ng maraming beses sa mga sinabi ni Venom.