NAIKUYOM ng mahigpit ni Venom ang kamao kaya lalong dumugo ang sugat niya sa bisig. Dapat matakot ito sa kanya tulad ng iba. Pero ang lakas ng loob nito ay nakakainis sa kanya at sa bawat segundong lumilipas ay lalong lumalakas ang pagnanasang wakasan niya buhay nito.
Walang sinuman ang nagkaroon ng kumpiyansa na hawakan siya at pagsalitaan siya ng ganito. Hindi lang niya inin-vade ang kanyang privacy para makita siya nito sa ganitong sitwasyon.
Sa totoo lang, noon pa man ay gusto na niya itong patayin ng sandaling magpakilala ito sa kanyang pangalan bilang Nanami. Pero paano nito malalaman na may kinalaman sa pangalan nito ang pinakahuling dahilan kung bakit galit na galit siya rito.
“Bakit ba galit na galit ka sa akin, eh tinutulungan na nga kita?” madiing tanong nito na hindi pinansin ang malamig niyang babala dito?
“Wala ka ng pakialam kung ano ang kinagagalit ko sayo, sapat na ang mga sinasabi kong dahilan.” Matigas na sagot naman ni Venom kay Nanami.
“Umalis ka na lang sa harapan ko, hindi ko kailangan ang tulong mo, umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako.” Wika niya at ibinalik ang pocket knife sa kanyang bulsa.
Isa lang ang dahilan kung bakit hindi niya magawang galawin ito. Dahil hindi niya gugustuhin na malungkot ang kanyang pinakamamahal na anak, kapag nawala ito.
Nakipagtitigan muna si Nanami kay Venom bago ito napabuntong hininga.
Bumaba ang tingin ni Nanami sa bisig ng lalaki at napabumuntong-hininga ulit ito. “Okay, I'm sorry sa pangingialam ko, pero kailangan mo munang gamutin ang sugat mo kapag nagamot ko na iyan, hindi na kita pakikialaman,”
Inabot nito ang kamay niya para sana hawakan ito pero inilayo niya ang kamay niya dito at itinaas niya ang kamay niya sa ere kaya napaatras si Nanami. Dahil akala niya ay sasampalin siya ni Venom pero hindi naman iyon itinuloy ni Venom at ibinaba muli ang kamay nito.
“Maaaring nahawakan mo ako kanina, ngunit hindi ko na iyon hahayaan pa ngayon. Subukan mo ulit na hawakan ako, I swear hindi ako magdadalawang-isip na sirain ang buhay mo. Trust me, it's no threat but a promise.” Nilagpasan na niya ito at tinungo ang pinto ngunit huminto siya pagkatapos.
“At isa pa pala, kung may makakaalam man tungkol sa nangyari sa kusina ngayong gabi o sa nakita mo. Hindi ko na kailangan sabihin sa iyo kung ano ang gagawin ko sa iyo, maliwanag.” Umalis na siya pagkatapos niyang balaan ito.
Naiwan namang mag-isa si Nanami sa kusina na napapailing dahil sa kagaspangan ng ugali ng kanyang amo. Napatingin naman siya sa sandaling iyon sa sahig na may dugo at nagpakawala siya ng malalim na hininga, pinadaanan niya ng daliri ang dugo na nasa sahig. She was curious to know about his past but she doesn't want to push him to telling her, at kahit ipagtanong naman niya iyon sa mga tao sa bahay na iyon ay wala naman siyang mapapala dahil tikom ang mga bibig ng mga ito.
“Ano ba, Nanami, wala kang pakialam sa amo mo dahil hindi naman siya ang obligasyon mo. Nandito ka para alagaan lang ang anak niya at hindi ka naman magtatagal dito.” Pagalit na sita niya sa kanyang sarili.
Kumuha na lamang si Nanami ng maliit na basahan at binasa iyon, bago sinimulan niyang punasan ang dugo sa sahig na nagmantsa doon. Wala dapat makakita niyon kahit isa sa mga tao sa bahay na ito dahil iyon ang bilin ng kanyang among pinaglihi yata sa sama ng loob. Iiling iling na si Nanami habang ginagawa niya iyon.
NAKAUPO ngayon si Venom sa takip ng kanyang toilet bowl habang binibindahan niya ang kanyang mga sugat sa kanyang kamay matapos niya iyong gamutin.
Umigting ang kanyang panga ng maalala niya ang babae kanina, ito pa lang ang bukod tanging naglakas loob na sagutin at kausapin siya ng ganoon. Maliban sa asawa niyang si Nanami.
Kung hindi lang talaga sa kanyang anak siguro ay napilipit na niya ang leeg nito kanina pa. Lumabas na siya sa banyo at agad na nagbihis ng itim na pulo na may mahabang manggas para hindi makita ng kanyang anak ang benda sa kanyang kamay.
Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa kanyang anak at hinila ito palapit sa kanyang katawan at huminga ng malalim.
Maya-maya ay bumalik sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ng yaya nito, kung paano siya nito hilahin patayo kaya napayakap siya dito kanina dahil na rin sa kanyang panghihina.
Bakit ba kasi hindi siya agad umiwas ng itayo siya nito?
And what was that stupid feeling he felt when she embraced her?
Kung hindi siya nagkakamali, parang gumaan ang kanyang pakiramdam ng mapayakap siya sa babaeng iyon at nakatulong din ang init ng katawan nito sa kanya kaya lalong nabawasan ang kanyang sakit na nararamdaman?
Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo para mawala ang kakaibang pakiramdam na naramdaman niya sa babae.
Hinalikan na lamang ni Venom ang noo ng kanyang anak at ipinikit na niya ang kanyang mga mata para matulog.
“Pasensya ka na, my princess, pero hindi ko yata matutupad ng matagal ang pangako ko sayo tungkol sa yaya mo. Dahil sa susunod na lumampas ang babaeng iyon sa linya niya ay. . .hinigpitan niya ang yakap sa kanyang anak bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin dito.
“I will kill her no matter what.” Iyon ang huling namutawi sa kanyang isipan bago siya nakatulog ng mahimbing sa tabi ng kanyang anak.
“ARIANA, gusto ko sana humingi ng favor sayo?”
“Ano iyon?”
“Samahan mo naman ako kina Venom, bukas, alam kung madali ka lang makakapasok doon, gusto ko kasi makita si Ve. . .I mean ang pamangkin ko.”
Gusto kasi niyang puntahan si Venom upang ipaalam dito na bumalik na siya at kailangan niya si Ariana para makapasok doon.
Ninang kasi ito ng kanyang pamangkin at nakakapasok ito doon kahit walang pahintulot ni Venom.
At kung siya naman kasi ang pupunta doon ng mag-isa alam niyang hindi siya makakapasok doon dahil galit nga si Venom sa kanya.
“Sure kang gusto mong makilala ang pamangkin mo?” tanong nito kaya tumango siya dito.
“Sige tiyak na matutuwa ito kapag nakita ka niya at malaman na tita ka niya dahil kapatid ka ni Nanami. Pero siguraduhin mong ang pamangkin mo lang ang dadalawin mo doon.” Nagdududang saad nito sa kanya.
“Oo gusto ko rin makita ang pamangkin ko.”
“Pwede ka naman pumunta kina Venom at bisitahin ang pamangkin mo, pero 'wag na 'wag mong gagawin ang binabalak mo, alam kung may iniisip ka. Tama ng pamangkin mo na lang ang concern mo kung pupunta ka doon.” Sabi pa nito sa kanya.
“Oo naman, salamat, kapag ako kasi baka hindi ako papasukin ni Venom alam mo naman iyon malaki ang galit niya sa akin.” Sagot naman niya rito.
Nakatitig naman si Ariana sa mata ng matalik na kaibigan at sinusuri kung talagang iyon lang ang kanyang dahilan.
Habang si Chiara naman ay napapangiti ng lihim dahil maabot na niya ng kanyang tunay na pakay kung bakit siya bumalik dito sa Pilipinas.
“Salamat bestie, sana makapasok ako doon, madami kasi ako pasalubong na binili sa Las Vegas para sa pamangkin ko.”
“Pumayag ako na makapasok ka doon, dahil sabi mo para sa pamangkin mo lang kaya iyon ang inaasahan kong dahilan mo. Sana wala kang gagawin na ikakapahamak na naman ng puso mo, kung ako sayo ay tuluyan mo ng patayin ang nararamdaman mo kay Venom.” Paalala nito sa kanya at tinapik ang kanyang balikat bago ito umakyat sa taas upang matulog.
“AMALIE?” katok ni Nanami sa silid ng kanyang alaga.
Naglakad si Amalie patungo sa pinto at binuksan iyon.
“Ate Nanami.” Hikab nito.
“Naligo ka na ba?” tanong ni Nanami.
“Uhm, hindi pa po.”
“Bakit hindi ka pa naliligo, kakain ka pa.”
“Hinihintay po kasi kita,”
“Sus magpapaligo ka pa sa akin, ang laki mo na!” Pumasok si Nanami sa loob ng kwarto at isinara ang pinto sa likod niya.
“Pero sige papaliguan kita, halika na!”
Makalipas ang apatnapung minuto, nakabihis na si Amalie at handa na ito para pumasok.
Nakangiti ito habang tinatalian ni Nanami ang kanyang buhok masaya si Amalie kasi naranasan niya na parang may mommy siya sa katauhan ni Nanami.
Bumaba na silang dalawa para mag-almusal bago lumabas umalis. As usual, sila lang ang nag-aalmusal. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi na sila sinasabayan ni Venom sa almusal, baka galit pa ito sa kanya mula ng maganap ang nangyari sa kusina noong nakaraang gabi.
Inayos nina manang Eve at Mela ang mesa at umalis pagkatapos. Hindi siya gaanong kumain dahil wala siyang gana.
Pero ang katotohanan ay naging komportable na siya sa bahay na ito ay nakakapangamba para sa kanya. Magtatatlong linggo na siyang yaya ni Amalie at nasasanay na rin siya sa atmosphere ng mansyon na ito pati na sa mga taong nakapaligid sa kanya, lalong lalo na sa alaga niyang si Amalie.
Hindi pa rin siya nakakabalik sa pagsusulat dahil wala nang pumapasok sa utak niya na kahit ano, sa totoo lang ay nawawalan na siya ng ganang magsulat.
Napapailing na lamang si Nanami sa kanyang sarili, matapos kasi niyang masaktan sa pag-ibig ay parang nawalan na rin siya ng ganang magsulat na may kinalaman sa pag-ibig.
“Tapos ka na ba?” tanong niya kay Amalie.
“Tapos na po,” uminom si Amalie ng tubig at tumingin sa kanya at napakunot ang noo nito ng makita nitong hindi niya nagalaw halos ang pagkain niya.
“Bakit po parang wala kang gana kumain?”
“Sorry, hindi kasi ako gutom.“ Simpleng sagot ni Nanami at tumayo na matapos inomin ang gatas niya.
“Bakit parehas na kayo ni daddy, na halos hindi rin kumakain ng magana kapag ako ang kaharap ninyo? Hindi ba ako masayang kasalo sa hapag-kainan.”
Napabuntong-hininga si Amalie at tumayo na rin.
“Hindi naman sa ganoon, wala lang talaga ako gana ngayon. 'Wag mong isipin ng dahil sayo kaya wala kaming gana wala lang talaga akong ganang kumain ngayon, at kaya hindi lagi nakakasabay ang daddy mo sa hapag-kainan ay baka dahil sobra lang talagang busy ang daddy mo, you know for your future.” Paliwanag naman ni Nanami sa bata.
“Hindi ko po alam ate Nanami, minsan naiisip ko baka hindi talaga ako mahal ni daddy.”
“Naku huwag mong isipin iyon, mahal ka n’on at saka nandito naman ako, 'di kita papabayaan at lagi kita sasabayan sa pagkain. Kaya huwag ka ng malungkot okay, tara at baka mahuli ka pa sa school mo.” Pampalubag loob niya sa bata.
“Sige po, salamat ate Nanami,” masaya ng sabi nito at niyakap siya nito.
“Welcome, tara na!” masaya namang sagot niya sa alaga at niyakap din niya ito pabalik.
“Bye, manang Eve, ate Mela, see you later.” Kumaway naman si Amalie sa dalawa ng makita nitong papalabas and dalawa ng kusina para ligpitin ang pinagkainan nila ni Nanami.
“Bye, iha, ingat kayo.” Sagot naman ni manang Eve sa masaya among batang babae.
Pagkatapos ay hinawakan na nito ang kamay ni Nanami at lumabas na sila ng bahay.
“Ang saya-saya ngayon ng batang iyon manang ano? mula ng maging yaya niya si Nanami?” sabi naman ni Mela sa matanda.
“Nag-aalala lang ako na baka sa sobrang malapit na nito sa kanyang yaya ay baka masaktan ito ng sobra kapag umalis si Nanami sa buhay nito.” Sambit naman ni manang habang nagliligpit ng kinainan ng dalawa.
Huminga ng malalim si Eve at tumalikod na para ipasok sa kusina ang mga hugasin.
“Sigurado akong magiging ayos lang siya manan. Madali lang naman maka move on ang batang iyon.” Sabi naman ni Mela kaya binigyan siya ni manang ng tingin.
“Sana nga ganoon lang kadaling bitawan ang taong napamahal na sayo ng lubusan iha, sana ganun lang!” Sabi naman ni Manang bago ito tuluyang pumasok na sa loob ng kusina.