*****
Lakad takbo ang gawa ng lahat. Hindi nila iniinda ang pagod at gutom. Naliligo na sila sa pawis at nanlilimahid na rin dahil hindi naman sila nakaligo mula ng dumating sa lugar na yun. Ang paghahanap ng maliliguang ilog ay napunta sa kinalalagyan nila ngayon.
Di nila alintana ang mahahapdi nilang mga galos sa binti. Gusto na nipang marating ang Lola ni Sonya para makapagpahinga na rin at kung sakali ay makakain na din.
Maya't maya nilang tinatawag ang isa't isa dahil baka may kulang nanaman sa kanila.
Tumawid sila sa isang tuyong sapa. Pagkatawid dun ay masukal na daanan naman. Hindi nila alam ang tamang direksyon pero tulad ng sabi ni Sonya ay magtuloy tuloy lamang sila at mararating din nila ang lugar na yun.
Bago makalagpas sa masukal na yun ay may naririnig sila sa bandang unahan. Mga yabag ngunit dahan dahan, para ring may umaawit, may mga nagsasalita ngunit mahihina. Nakakakilabot dahil sabay sabay ang mga iyon. Parang dinadala ng hangin ang mga ingay na yun papunta sa kanila.
Nagdahan dahan silang kumilos at naglakad para mas makalapit pa, napayuko naman silang agad ng makitang napakadaming tao ang samasamang naglalakad.
Mga taong nakakasuot ng itim. Hindi mo makikita ang kanilang kaanyuan dahil ang kanilang mukha ay kasing dilim ng gabi. tanging mga kamay lamang ang nakalabas at may hawak na mga itim na kandila.
"Prusisyon.."
Bulong ni Carla na narinig ng lahat.
"P-Para silang mga kulto."
May hilakbot na sabi Sheena. Napasang ayon ang iba habang pinapanuod ang mga tao, dahan dahan itong mga naglalakad, parang kaka daan pa lang ng mga ito dahil natatanaw pa nila ang unahan neto. Tinitingnan nila kung amo ang nasa unahan, medyo may kalayuan kaya't gumagawa sila ng paraan para masilip iyon.
Sa hindi sinasadya ay naapakan ni Steve ang isang putok na sanga na lumikha ng ingay.
Halos mabingi sila sa kaba dahil tumigil ang mga tao at sabay sabay na lumingon sa dako nila. Natatahuban sila ng matataas na mga d**o at pilit na ikinubli ang sarili dun.
Bumilang ng sampung segundo bago sabay sabay na tumungong muli ang mga tao, halos hindi nila mabilang sa dami ang mga tao. Sabay sabay ang hakbang ng mga ito, umaawit ang iba at nagdadasal naman ng kakaibang salita ang karamihan. Kay sarap sanang pakinggan dahil sabay sabay ang mga ito kung di lang nakakatakot ang mga itsura at ikinikilos ng mga ito. Dagdag pang alam nilang isa itong kulto.
Naginhawaan sila ng hindi naman sila ganung inusisa ng mga nasa prusisyon. Sinikap muli nilang makita ang nasa unahan ng prusisyon at labis nanaman ang kanilang kilabot ng makita kung ano ang nandoon.
May mga taong nagtutulong tulong mabuhat ang isang papag na gawa sa kawayan. May taong nakahiga dun at nasisiguro nilang wala ng buhay yun dahil hiwahiwalay na ang parte ng mga katawan ng taong yun.
Muli silang napaiyak at nanghina ng makilala nila kung sino yun. Nakikilala nila ang taong yun dahil sa kasuotan nito. Lalong higit dahil nakaharap ang pugot nitong ulo palunta sa kanila. Mulat ang mata at parang nakatingin pa sa kanila.
Si Ivan.
Wala na talaga si Ivan.
"Diyos ko .."
Natutop ni Carla ang kanyang bibig dahil at tahimik na napahagulhol. Ganun din si Jane at Sheena. Umiwas sila ng tingin dahil hindi na nila kayang makita si Ivan sa ganung sitwasyon.
"Mga hayop silaaaa .."
May gigil na sabi ni Kysler habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Si Kyle at Steve ay pinigilan si Kysler na tumayo dahil sa galit papunta sa mga taong nagpuprusisyon at agad nilang pinakalma. Umiiyak din ng tahimik ang dalawa ngunit kailangan din nilang lakasan ang loob para makapag isip ng maayos.
"P-paano natin ipapaliwanag sa pamilya ni Ivan ang nangyare? Walang maniniwala satin .."
Bulong ni Jane at nakatingin sa kanila habang nakakunot ang mga noo, napupuno pa rin ng luha ang kanyang mga mata at nilapitan sya ni Steve. Hinalikan sya sa noo at niyakap.
Walang makasagot. Dahil kahit anong gawin nilang pagpapalakas ng kanilang loob ay andun pa rin ang katotohanan na malabo ng malabas sila doon.
"Mamamatay tayong lahat .."
Pabulong na sabi ni Sheena. Nakayuko ito at natatabunan ng nakalugay na buhok ang mukha. Napatingin sa kanya ang mga kasama.
"Hindi na tayo makakalabas dito.."
Dagdag pa nito at nagtataas baba ang balikat dahil sa unti unti itong nagpapakawala ng munting tawa.
Parang masisiraan ng bait si Sheena.
"Mamamatay tayong lahat ..."
Muli nitong sabi at napahagulhol nanaman.
Agad itong niyakap ni Carla.
"Hindi Sheena. Kakayanin natin. Makakaligtas tayo. Kailangan lang nating makagawa ng paraan. Kailangan lang nating magdasal."
Pagpapakalma ni Carla dito.
Umiiyak pa din si Sheena at buti nalang medyo malayo na ang mga kulto ngunit natatanaw pa din nila.
Naghintay pa sila ng Ilang minuto bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Tumawid sila sa daanan at pumasok muli sa kagubatan.
Nang mapatigil sila ng may magsalita sa kanilang likuran.
"Mga dayo..."
Boses ng isang bata.
Gusto nilang tumakbo at sumigaw pero hindi nila magawa. Lumingon man ay hindi din nila ginawa dahil alam nila ang mangyayare.
"Tara na .."
Walng lingon lingon na sabi ni Kysler na nauna nang humakbang. Susunod na rin sana ang iba at di nalang sana papansin ang nilalang sa kanilang likuran ng pigilan sila ng bata.
"Sandali!"
Lumakad ito paunahan nila at hinarap sila. Isang batang sa kanilang hula ay nasa 9 o 10 taong gulang. Isang batang lalaki.
Nakasuot ito ng katulad ng kasuotan ng sa mga kulto at may dalang itim na kanila.
"Sino ka!?"
Matapang na tanong ni Steve. Nilingon sya ng bata at sumagot naman ito.
"Ako si Andoy. Mukhang isa nanaman kayo sa mga tinutulungan ng ate ko."
Seryusong sabi nito. Bata man ay para itong matanda kung umasta at mag isip, ganun din kung makatingin.
"You mean? Kapatid mo si Sonya?"
Tanong ni Jane at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Tumango ang bata.
"Ganun na nga. Kaya't sumama kayo sakin. Alam ko kung saan kayo patungo, dadalhin ko kayo dun. Pauwi na din ako."
Naglakad ito sa paunahan ngunit walang sumunod sa kanya.
"Paano kami maniniwala sayo kung kasama ka rin ng mga kultong pumatay sa kaibigan namin?"
May galit na tanong ni Kysler sa kanya. Napangisi nan ang bata.
"Kumalma ka binata. Isa lamang iyong pagpapanggap. Lahat ng nandito ay gumagawa ng paraan para mapalaya ang lahat ng nandito, para maging ligtas. Kailangan gamitin ang utak para sa sarili nating mga buhay."
Seryuso at malalim nitong wika sa kanila. Bakas naman ang paghanga sa mga dayo.
"Kaya't magtiwal kayo sakin at humayo na tayo. Bukas ng umaga ay baka nandoon na din ang Ate Sonya ko."
Napahinga ng malalim ang lahat bago sumunod sa bata. Tahimik ang lahat ang naglalakad. Napagpapakiramdaman.
Kumalam ang sikmura ni Jane at napahawak dun. Gusto man nyang magreklamo ay para saan pa? Nahihilo syang napahawak kay Steve.
"Okay ka lang ba Babe?"
Nag aalalang tanong ni Steve sa kasintahan.
"Nahihilo lang ako, okay lang babe."
Napapapikit na sabi ni Jane. Iniupo sya ni Steve at lumapit naman si Carla at Sheena para kahit papaano ay mapaypayan gamit ang sarili nilang mga palad at mapisil pisil ang mga braso at kamay neto. Nakaramdam naman ng ginhawa si Jane at ngumiti sa mga kaibigan.
"Pwede ba tayong magpahinga kahit saglit lang?"
Tanong ni Kyle kay Andoy. Tumango naman ang bata ay hinubad ang kanyang kapa. Iniabot nito kay Jane iyon.
"Kailangan mo ito para hindi ka malamigan. Masama sa iyo ang mahamugan."
Hinubad din nito ang kwentas na may pangontra.
"Isuot mo rin ito at wag iwawala. Sa inyong lahat ay ikaw ang madali nilang mahahanap at maaamoy. Kailangan mo ito para mawala ang atensyon nila sa iyo."
Nagtatakang tinanggap iyon ni Jane.Ganun din naman ang iba.
"Anong meron kay Jane? Bakit saming lahat ay sya ang mas binibigyang pansin ng mga nilalang dito?"
Lumingon ang bata sa nagtatanong na si Kysler.
"Bakit? Gusto mo ba ay sayo nalang ibaling ang kanilang atensyon? Naiinggit kaba binata?"
Nangutngutyang sabi ng bata at nagpakawala ng mahinang tawa. Napipikon na tiningnan ito ni Kysler. Kung di lang ito bata ay nasapak na nya ito.
"Binibiro lamang kita. Malalaman nyo din pagdating nyo sa ating pupuntahan. Sa ngayon, palipasin muna natin ang mga oras bago tayo magsimula muling maglakbay. Gising na ang tyanak."
May seryuso nitong wika. At pagkasabi niyon ay narinig nila ang napakaraming iyak ng mga sanggol sa paligid. Pamilyar sila sa mga tyanak dahil nababasa nila ito sa mga libro at napapag aralan din sa school nung mga elementary pa lamang sila dahil kinikilala ang mga tyanak sa mga probinsya bilang mga naagas o tinapon na sanggol na tinapon lamang kung saan. Nagmumulto ang mga ito at sa paniniwala ng karamihan ay hinahanap nito ang kanilang mga ina.
Napayakap sa isa't isa sina Jane, Sheena at Carla. Nagsipaghanda naman ang mga lalaki. Naglabas ng isang maliit na kutsilyo ang bata.
"Wag kayong mag alala. Hindi nila tayo mapapakialaman dahil nabigyan naman pala kayo ng pangontra ng aking kapatid. Ingatan nyo lamang ang inyong kasamang babae."
Tinuro nito si Jane.
Nagtaka nanaman ang lahat. Hindi na sila nagtanong at tumayo na para maghandang umalis.
Bago iyon ay nakita nilang hinawakan ng bata ang patalim at hinila iyon ng nakatikom pa ang kanyang mga palad. Pumatak ang mga dugo sa kanya palad. Nanatili iyong nakatikom. Lumapit ang bata sa isang puno ang nagsulat doon gamit ang dugo. Hindi na nila iyon naintindihan pero kitang kita nila na hinigop ng puno ang kanyang dugo. Pagkatapos nun ay narinig nila ang iyak ng mga sanggol na para bang papalapit na sa kanila. Nataranta sila.
"Andyan na sila!!!"
May tarantang sigaw ni Sheena. Ayaw nyang makita ang mga tyanak. Hindi nya maimagine ang itsura ng mga ito.
Kumilos na ang lahat at sumunod na sa bata.
"Sumunod kayo sakin."
At nagmamadaling pumasok sa isang masukal na daanan. Mas masukal ito sa lahat ng kanilang nadaanan dahil kailangan pa nilang hawiin ang mga nagtataasang mga d**o para makadaan sila.
****
Sa puno na iniwan nila at sinulatan ng dugo ni Andoy ay naglalapitan ang mga gumagapang na mga sanggol. Walang itong mga saplot at meron pang may mga pusod. Mga payat at parang mga natuyo ang katawan dahil sa pagkapayat. Nakakakilabot ang kanilang mga luwang mga mata, matatalim na mga pangil at ang kanilang mga iyak. Ang puno ay parang may buhay, naglalabas ito ng dugo sa kanyang katawan at pinapainom ang mga tyanak na pinapadaan nya sa mga dahon at ipapatak sa mga bibig ng mga tyanak. Gutom na gutom ang ito at patuloy ang pagnganga dahil nakukulangan pa. Umakyat na ang iba sa puno at doon ay pinagkakagat ang puno, mas lalong dumadami ang lumalabas na dugo sa mga pinagkagatan ng mga tyanak. Halos mag agawan ang mga ito sa tuwing bumubulwak ang dugo dun. Nag aaway pa nga ang iba at nagkakagatan.
****
Sa kanilang paglalakad ay hindi na kinaya ni Jane.
"JANE!"
natatarantang lapit nila dito at buti nalang ay nasalo agad ni Steve bago ito bumagsak. Inihiga nya ito at inuunan sa kanyang hita ang ulo ng babae.
"Kailangan na nating makarating ng mas maaga doon bago mahuli ang lahat, kailangan syang magamot. Makakain at makainom ng tubig dahil humihina na rin ang pintig ng puso na nasa loob ng kanyang sinapupunan."
Napamulagat ang lahat dahil sa sinabi ni Andoy.
"B-Buntis si Jane?"
Gulat na gulat na tanong ni Sheena. Sa kanilang magkakaibigan ay sila ang talagang magkalapit, wala silang sekrito sa isa't isa at sinasabi nito ang lahat lahat sa kanya kahit na ang tungkol sa kanila ni Steve.
Wala naman itong nasabi sa kanya bago sila pumunta doon.
"Alam mo ba to Steve?"
Tanong ni Kyle. Napamaang ang binata. Makikita ang tuwa sa kanyang mukha.
"Hindi. Ngayon lang din, at masaya ako. Magkakababy na kami."
Hinaplos nito ang mukha ni Jane, tinggal ang mga buhok na nasa mukha nito at hinalikan sa noo.
Natuwa din naman ang magkakaibigan. Masaya para sa dalawa pero natatakot din. Ito pala ang tinutukoy ni Andoy na kakaiba Kay Jane. Kaya pala mas lalo itong sumungit nitong mga nakaraang araw.
"Tayo na. Malapit na tayo, kailangan na nating makarating sa pupuntahan natin. Masama ang kutob ko. May nakasunod satin."
Nakatingin sa hulihan nila si Andoy at nakikiramdam. Tumayo na ang lahat at binuhat ni Steve si Jane. Inalalayan sya ng mga kaibigan at bago pa man sila makapaglakad muli ay sumulpot sa kanilanh unahan ang isang naagnas na bangkay.
Napasigaw ang lahat at napaatras. Gusto nilang bumalik sa pinaggalingan nila pero alam nilang hindi pwede. Ni lumingon nga ay hindi rin. Naghanda sina Kysler at Kyle pati na rin si Andoy.
Ibinaba ni Steve si Jane at sumenyas kay Carla at Sheena na bantayan ito. Lumapit agad ang dalawa at tumango.
Nakakatakot ang nilalang na nasa harapan nila. Iisa na lamang mga mata nito at kita na ang ilang buto sa katawan at ulo. Gumagapang din ang mga uod sa kahit na saang parte ng katawan ng nabubulok na nilalang. Paika ika itong humakbang papalapit at para pang gutom na gutom at gusto silang kainin.
"Tama ang aking hinala .. May mga dayo, nakapagtago lamang kayo kanina kaya't hindi ko kayo nakita."
Malalim na sabi nito at tumatawa tawa pa.
Nakilala ng magkakaibigan ang nilalang sa kanilang harapan. Ito ang naaagnas na nilalang na nilalang na sumilip at parang nakakaamoy sa kanila nung nandoon pa sila sa bahay.
Halos hindi sila makahinga sa kaba at takot.
Lalo na ng bigla itong sumugod sa kanila.
To be continued