******
NAGPAGULONG gulong si Kyle at ang bangkay. Sinadya ni Kyle na makipagbuno dito para nakapag hanap ng magiging armas ang lahat. Hindi nya agad naisip na may baril nga pala sya sa kanyang bewang at saka nya lang naramdaman yun nang nagpapambuno na sila ng nilalang. May pagsisisi sya pero andun na. Naamoy nya ang mabaho at nakakasulasok na amoy nito. Halos masuka sya pero hindi na nya magawa dahil sasakmalin na sya nun. Tumulo pa ang laway nito sa kanyang mukha.
"KYLEE!!"
Tawag ni Kysler at nakita nyang may hawak itong malaking kahoy at binabalaan sya. Buong pwersa nyang tinulak ang nilalang at gumulong palayo dito. Agad na hinampas ng malakas ni Kysler ang bangkay. Hindi man lang ito dumaing. Bagkus ay tumawa pa.
"HAHAHAHAHA mga HANGALLL!!! Ako'y matagal ng patay at wala nang mararamdamang sakit. Kaya't ibigay na ninyo ang inyong mga sarili sa akin dahil matagal tagal na kong hindi nakakatikim ng laman ng mga buhay!"
Wika nito habang nagpapalipat lipat ng tingin sa kanila. Kinabahan sila sa tinuran nito. Kung ganoon ay ano ang maaari nilang gawin para matalo ang nilalang? Ganung hindi naman pala ito nasasaktan.
"Padaanin mo kami kung ayaw mong ma double dead na BWESIT KAAA!!!"
Sigaw ni Steve at nilabas ang balisong na ibinigay sa kanya ni Ivan bago ito mawala. Ibinigay nito iyon sa kanya nang magkaroon sila ng pagkakataon na makapag usap saglit at sinabi nitong baka mas kailanganin ito ni Steve. At tama naman si Ivan pagkat hindi nya dala ang kanyang arnis lalo na sa pagkakataon na ito.
"Aalis lamang ako kung iaalay nyo sakin ang isa sa inyong kasamang babae."
Malalim ang boses na wika nito. Malaki ang katawan nito at paniguradong mahihirapan silang labanan. Pero hindi nila ibibigay ang gusto ng kalaban.
"Ha! HAHAHAHA patay kana pero gusto mo pa ring manchix?? HAHAHAHA putchaa!"
Halakhak ni Kysler at dumura pa sa damohan.
"Pwee!"
Sabay tawa nanaman na ikinagalit ng nilalang pero nanatili itong kalmado. Lingid sa lahat ay nagdadasal si Andoy sa isang tabi habang hawak ang isang maliit na sanga.
"IKAW ANG UUNAHIN KO KUNG DI NYO IBIBIGAY SAKIN ANG ISA SA INYONG MGA KASAMANG BABAE!"
Sigaw nito at napatigil si Kysler sa pagtawa. Bahagya kase lumakas ang hangin na nagdala muli ng kilabot sa lahat.
"Nararamdaman kong isa sa mga kasama nyong babae ang nagdadalang tao. Ibigay nyo sya sa sakin dahil baka magsisi pa kayo. Hindi nyo magugustuhan ang gagawin ko."
May pagbabantang sabi pa nito sa kanila.
"Magkamatayan muna tayo bago mo makuha ang mag ina ko!"
Sumugod si Steve at inundayan ng saksak ang bangkay kahit na alam nyang hindi naman ito masasaktan pero isa lamang itong patibong sa nilalang at nagsenyasan sila habang nililito nila sa pamamagitan ni Kysler ang nilalang.
Nalaslas nya ang lalamunan nito ng makailag sya sa ganti ng nilalang matapos nya itong madaplisan sa tagiliran. Binilisan nya ang kilos dahil baka sya naman ang matyempuhan at mapatay nito. Naging mabilis ang kilos ni Kyle at Kysler. Inasinta ni Kyle ang ulo nito at tatlong beses nagpaputok ng baril. Halos maghiwahiwalay ang bungo nito at nagtalsikan pa ang mga utak sa paligid, kumapit pa ang laman sa mga dahon at d**o.
Ngunit nanatili itong buhay at nakakakilos pa. Nawala na rin ang isang mata nito at di na nakakakita. Ginagamit naman nito ang kanyang pang amoy para matukoy kung nasan sila. Naging maliksi ang kilos nito at napapailag sila kapag napapalapit ito sa kanila.
Nagliparan ang mga uwak sa paligid. Napakadami nun dahil na rin sa ingay ng baril Kyle. At Siguradong hindi lang uwak ang nagambala nila.
"MAGBABAYAD KAYO!"
Sigaw ng nilalang. Hahampasin sana nila uli ito ng mga kahoy pero nagsalita si Andoy.
"Ito ang gamitin nyo."
At inabot nito ang piraso ng sanga kay Kysler. Nangunot naman ang noo ng binata.
"Sanga?? Ano namang magagawa nito e kahit isang taon na bata kaya tong putulin, yan pa kayang halimaw na yan?"
Nagtaka rin naman ang iba. Seryuso lamang si Andoy at may tinuro sa hindi kalayuan.
"Ilapat nyo lamang yan sa kanyang katawan, kahit na kaunting lapat lang nito sa kanya ay hindi na sya makakagalaw. Panatilihin nyo itong nakadikit sa kanya at kunin nyo ang mga bagin na iyon. Gamitin nyo para hindi sya makaalpas at makasunod satin."
Seryusong sabi nito at hindi man lang natatakot sa nagwawalang nilalang sa kanilang harapan. Hindi sila nito naririnig dahil sigaw ito ng sigaw dahil sa galit sa kanila. Ginawa nga nila ang iniuutos ni Andoy. Kumuha ng bagin si Steve gamit ang balisong na sadyang napakatalas. Si Kysler at Kyle ay nag aabang sa magiging kilos ng nilalang kahit na nahihirapan ito dahil hindi sila makita. Ang pang amoy nitoy hirap nadin dahil halos nabasag na ang kabuuan ng ulo nito.
Nang handa na ang bagin ay sabay sabay nilang sinunggaban ang nilalang at pinagtulongang igapos. Napasuka si Kysler dahil sa amoy nito at ganun din si Steve. Pigil hininga naman si Kyle at hinigpitang mabuti ang pagkakatali dito. Tinalian nila ang kamay at paa nito at para makasiguro ay paulit ulit nilang iniikot ang bagin sa katawan ng buhay na bangkay. Para na itong mummy.
"Parang zombie .."
Bulong ni Sheena habang nakatitig sa nilalang. Hindi nya inakalang makakatagpo sya ng ganuon sa buong buhay nya. Sino ba sa kanila ang mag iisip na aabot sila sa ganoong sitwasyon na kung ano anong nilalang ang kanilang makikita na mahirap naman talagang paniwalaan.
Nang maayos na ay kumuha ng malaking bato si Steve at buong pwersang ipinukpok sa natitirang bahagi ng ulo nito. Basag iyon ngunit buhay pa rin ang nilalang.
"Amaranhig ang tawag sa kanila. Sila ay nabubuhay pagkatapos nilang mamatay ng isang linggo. Binabalikan nila ang natitira nilang kamag anak upang isalin ang batong itim na sekrito nila para mabuhay sila ng matagal, sa oras ng kanilang kamatayan ay kailangan nila itong ipasa sa isa sa kanilang kamag anak kundi ay mamamatay sila na dala ang sumpang iyon, pagkalipas ng isang linggo ay mabubuhay sila kahit na ganyan na ang kanilang itsura, hahanapin nila ang pinakamalapit nilang kamag anak at pilit na isasalin dito ang kanilang itim na anting anting. Pero sa lugar na ito ay laganap na ang katulad nila. Naisalin man o hindi ay magiging kagaya nila sa oras na ikaw ay kanilang makagat, kamag anak man o hindi. Ang mga tulad nila ay kumakain ng laman ng mga buhay na tao dahil sa bawat pagkain nila ng mga laman ng buhay na tao ay naghihilom ang kanilang mga sugat at napapalitan ng panibago kung ano mang parte ng katawan ang kinain nila mula sa kanilang biktima."
Mahabang paliwanag ni Andoy habang nakatitig sa kumakawalang nilalang.
"s**t! Baka nakagat tayo!"
Tarantang kinapa kapa ni Kysler ang sarili. Pinakiramdaman din ni Kyle at Steve ang sariling mga katawan at sa kabutihang palad ay wala naman. Nanlilimahid lang sila dahil sa ilang dumikit na lamang loob sa kanila at may mga uod pa. Agad agad silang nagpagpag at muli nanamang nasuka dahil sa mabahong amoy. Ngayon ay hindi na napigilan ni Kyle at nasuka na sya ng tuluyan.
Sa tabi ay binabantayan pa ding mabuti ni Sheena at Carla si Jane.
"Baka pwede na tayong magpatuloy? Kailangan na ni Jane ng tulong."
Agad namang kumilos si Steve at binuhat muli ang nobya. May kabigatan man ay hindi nya ininda.
"Kailangan na nating umalis. Masyadong naging maingay ang sandata mo kaya't alam na nila kung nasaan kayo."
Lingon nito kay Kyle at nauna na muling maglakad. Napanatili nilang wag lumingon sa kanilang pinanggalingan kahit na nakipag buno ang tatlong lalaki sa nilalang na yun.
"Bilisan nyo. Malapit na tayo."
Nagkaroon sila ng pag asa ng marinig iyon kay Andoy. Nakahinga sila ng maluwag at natutuwang maisip na magiging ligtas na sila, makakakain at makakapagpahinga.
"At malapit na rin nila tayong maabotan."
Dugtong ni Andoy at bigla nilang narinig ang napakaraming tumatakbo sa paligid. Napakabilis ng mga iyon at pakiramdam nila ay ano mang sandali ay maaabotan sila ng mga yun.
"TAKBOOO!!!"
Sigaw ni Kysler ng Makita sa itaas ang lumilipad na isang malaking nilalang at nasa tapat na nila ito. Napakalaki nun at halos mahawi ang mga dahon at sanga ng mga puno dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa pagpagaspas ng pakpak nito. Kinuha ni Kyle si Jane kay Steve dahil kita nyang nahihirapan na ito. Mas malaki ang kanyang katawan kumpara dito at may lakas pa sya para mas makatakbo ng mabilis kesa kay Steve na kanina pa buhat si Jane at napalaban din.
Rinig na rinig ang malakas na huni ng halimaw na lumilipad sa itaas. Kahit na pagod ay nagagawa pa nilang tumakbo ng mabilis. Madami dami na din silang napagdaanan ngayon pa ba sila susuko? Kahit na anong nilalang pa yan ay kailangan na nilang ihanda ang sarili. Kailangan nilang maging matapang.
"Dito!"
Sigaw ni Andoy at sumuot sa isang malaking lagusan na gawa sa mga pinagsabid sabid na mga bagin at mga naglalakihang halamang gubat.
Pagkatapos nun ay nakasalubong nila si Sonya at tatlong kalalakihan na may mga hawak na tabak na dali daling lumapit sa kanila at iginaya sila papasok ng isang bukas na kawayang pintuan. May nag aabang na mga tao sa loob at pinagmamadali din sila. Sinalubong sila ng mga ito at napaupo silang magkakaibigan sa lupa dahil sa pagod.
May mga lumapit naman sa kanila at nag abot ng tubig, ng makainom sila ay may nagsabi kay kyle na dalhin si Jane sa isang silid at sundan sya, sumunod agad si Kyle at Steve.
Pumasok sila sa isang bahay kubo at inilapag sa isang banig si Jane at inupisahan na gamotin ng ilang kababaihan doon.
Susunod na din sana si Carla at Sheena pero ng lingunin nila ang tarangkahan na pinasukan nila ay nagimbal sila sa nakita.
Halos hindi sila makakilos at parang bumara sa lalamunan nila ang sarili nilang mga laway.
"A-ano yang mga yan??"
Nangangatal na tanong ni Sheena at hindi halos maialis ang tingin sa kanyang natatanaw. Kausap ng mga iti si Sonya at Andoy, kasama nila ang isang matandang babae na nakatalikod sa kanila.
"T-Tikbalang. Tikbalang ang mga yan Sheena."
May katal na sagot ni Carla habang nakatitig din sa mga tikbalang sa labas.
Kalahating tao at kalahating kabayo, ang ibabang bahagi nito ay sa kabayo at sa bewang naman pataas ay tao. Makakapal ang mga balahibo nito sa mukha at dibdib, sa tenga rin ng kabayo ang meron sila at kahit malayo ay naaamoy nila ang mga ito. Humahampas hampas pa ang mga buntot nila sa kanilang mga binti at likod.
Napaiwas sila ng tingin ng lumingon ang isa sa kanila at ngumiti.
Napatayo ang dalawa at napatakbo at nabangga si Kyle.
"Anong nangyare? Bakit tumatakbo kayo?"
May takang tanong ni Kyle at napatingin sa likuran nila at katulad ni Sheena at Carla at ganoon din ang kanyang naging reaksyon.
"T*NG*INA .."
Mura ni Kyle at di rin maialis ang tingin nya sa mga ito.
"Tama ang tinuran mo kanina Babae, Tikbalang nga ang mga iyan at sadya nila ang kasama nyong babae na ginagamot sa loob."
Sabi ng isang babaeng nasa trenta na pataas sa tantya nila. Nakasuot ito ng bestida na may mga tahi at hindi na matukoy ang kulay dahil sa kalumaan.
"Hindi sila makakapasok sa ating puder kung walang pahintulot ni Inang, lahat ng nilalang na nandito sa baryo, makapangyarihan man o ang pinakamahina ay hindi makakapasok dito kung hindi sila papayagan ng aming pinuno."
Patuloy nito habang nagsasalin ng mga lutong bungang kahoy sa tatlong bao at ibinigay sa kanila.
"Kumain muna kayo at magpahinga. Narito ang inyonh maiinom kumuha na lamang kayo. Wag na kayong mabahala dahil sina Sonya at Inang na ang bahala sa huklubang nakita nyong lumilipad sa itaas kanina at sa tikbalang."
Marami pa sana silang itatanong pero umalis na ang babae at humalubilo na ito sa mga taong nandoon.
Pinagmasdan nila ang paligid.
Isa iyong compound at nababakuran ng mga nagtataasang bakod na gawa sa kawayan. Marami ring kabahayan at may mga batang naglalaro sa paligid. May mga kakalikahan na nagsisibak sa paligid at mga dalaga na inaalagaan ang mga nakatanim na mga ibat ibang uri ng makakain na nakatanim sa mga lupa. May mga gulay at prutas. Nagbubungkal ang iba at nagtatanim pa habang nagkukwentuhan. Hindi alintana ang mga nilalang sa labas at para bang sanay na sanay na sila sa ganoong eksena.
Madaling araw na ng mga sandaling iyon at nakita nilang umalis na ang mga tikbalang, nakita nilang yumuko pa ang ulo ni Sonya, Andoy at ang tinatawag nilang Inang sa mga ito. Nasilayan din nila na lumipad na papalayo ang nilalang na halos madala na sila ng hangin dulot ng pagpagaspas ng pakpak nito ng sila ay hinahabol pa nun.
Pumasok na sa tarangkahan sina Sonya at isinara naman ng mga kalalakihan ang malaking kawayan na pansara. Lumapit ang mga ito sa kanila.
"Ito nga pala ang aking Lola. Mas kilala sya sa tawag na Inang Ludeng, at sya ang namununo sa amin dito."
Pagpapakilala ni Sonya.
"Inang, sila po ang mga dayo."
Magalang na wika dito ni Sonya at tumango ang matanda. Nakatitig ito sa kanila at silay inuusisa sa pamamagitan ng tingin.
Ngumiti sila dito at nagpakilala isa isa.
Seryuso pa din ang matanda at tumalikod sa kanila.
"Sumunod kayo sakin."
May ma-awtoridad na utos nito sa kanila. Napatingin sila kay Sonya at tumango lamang ito sa kanila.
"Sasamahan ko kayo."
At nauna ng maglakad si Sonya kasunod si Andoy.
***
To be continued