**********
"ANO pong sunod na mangyare?"
Tanong ng nabitin na si Sheena. Sabik na sabik silang malaman sa katotohanan. Sa kwento ni Inang, sa malagim na nakaraan ng baryo.
"Ikaw ba Sonya at Andoy ang tinutukoy sa kwento?"
Nakakunot na tanong na kwento ni Kyle. Napatingin din ang lahat kay Sonya at Andoy na tumango ng dahan dahan sa kanila.
Manghang mangha ang tatlo.
"Grabe! Kung ganoon ay hindi na pala biro ang inyong mga edad. Dekada na ang nakalipas pero napakabata nyo pa din."
Manghang dugtong ni Kyle ng makupirma na sila nga ang tinutukoy sa kwento.
"Tulad nga ng sabi namin ay may dahilan ang lahat."
Seryusong sabi ni Andoy at humalukipkip at tumingin sa malayo.
Napailing iling si Inang Ludeng sa reaksyon ng mga dayo.
Pasimple namang tumingin si Carla kay Sonya. Hindi makita ang buong kaanyuan ni Sonya dahil napakahaba ng palda nito na halos umabot na sa talampakan, ni hindi nga masilayan ang paa nito. Ang damit naman nito ay napakahaba ng manggas. Napansin nyang ang kasuotan nga ng mga ito ay mga yari pa nang matagal ng panahon. May belo din si Sonya kahit hindi mapagmamasdan ang mukha nito pero dahil sa kanyang pagtitig ay namalas nya nga ang kagandahang taglay ng dalaga. Napakahaba ng mga pilik, singkit ang mga mata, may kakapalan ang kilay pero bagay na bagay sa kaniya, pakorteng puso ang kanyang mga labi at sadyang napakakinis ng balat. Para bang may gamit ito sa mukha kung ito ay nasa labas ng baryong yun pero alam nyang natural na ang ganun kay Sonya. Naisip nya ang kambal nito.
"Ano ng nangyari sa Kambal mo Sonya? Bakit hindi nyo sya kasama?"
Pagtatanong nya at nagkatinginan si Andoy, Inang Ludeng at Sonya.
Natahimik ang mga ito, waring nagmumuni muni. Napayuko si Sonya at bahagyang sinipa ang isang maliit na bato sa kanyang harapan at gumulong ito sa malapit sa ilalim ng mesa. Pinagmasdan yun ni Sheena at nagulat sya ng may biglang maputlang kamay ang kumuha sa batong yun kaya't dagli siyang napatayo.
Nagulat naman ang lahat sa kanya kaya't napatayo din ang mga ito.
"Anong problema Sheena?"
Pagtatanong ni Kyle dito. Napalunok ng laway si Sheena at nakatitig pa rin sa ilalim ng mesa na natatabunan ng mahabang tela kaya't hindi kita ang ilalim nun.
"M-May .. May tao sa ilalim."
Sambit nya at itinuro ang ilalim ng mesa. Tumayo naman sila at si Andoy ang kusang lumapit at nanghas na itaas ang kurtina.
Parang naging marahan ang oras ng itinataas iyon ni Andoy. Inaasahan nga ng lahat na may tao at pigil hininga si Sheena habang hindi kumukurap na nakatingin dun.
"Wala naman ah."
Sabi Andoy habang sinisipat pa ang ilalim.
"But I swear! I saw someone .. kinuha nya yung bato na sinipa mo Sonya."
Giit nya at nakatingin pa kay Sonya at ibinalik din ang tingin sa ilalim ng mesa. Umalis na dun si Andoy at bumalik sa pagkakapwesto.
"Baka namamalikmata ka lang. Na ito ang batong tinutukoy mo Sheena."
Pagtukoy ni Kyle habang pinulot nito ang bato na nasa paahan ng bangko. Napasabunot si Sheena at tingin nya sa sarili nya ay nababaliw na sya. Napaupo siya at napapaisip.
"M-May babae. May babaeng nagpapakita sakin."
Panimula niya habang nakatitig sa lupa. Napatingin sa kanya ang lahat at inaantay ang suaunod nyang sasabihin.
"Una ko syang nakita sa camp site namin ng una naming gabi dito. Hindi ako nag ha-hallucinate lang. Alam ko ang mga nakita ko."
Giit muli ni Sheena dahil baka may magsabi nanaman sa kanya na namamalikmata lamang sya.
"Nagsasabi ng totoo si Sheena dahil nakikita ko din ang babaeng yun."
Singit ni Carla at hindi naman yun lingid sa kanilanh tatlo no Kyle.
"Aalamin natin ang tungkol dyan. Kung sino ang babaeng tinutukoy nyo dahil, sa lahat ng napadpad aa lugar namin ay wala naman nakapagsabi samin ng katulad ng nakikita ninyo."
Sagot ni Inang at sumenyas ito ng kamay kay Sonya. Kumilos ito at naghalungkat sa isang pitak ng mesa. Akala nila ay kung ano yun pero ayun para ay isang dahon na pinatuyo at ginawang sigarilyo. Tabacco. Yun ang ginagamit ni Inang Luding upang makapag yosi.
Napasinghot ang tatlo dahil sa aruma nun. Napakabango para sa kanila kahit na noon lang sila nakaamoy nun.
Sinindihan iyon ni Inang luding ng maiabot sa kanya ni Sonya.
"Pero bago ang lahat ang dudugtungan ko nang muli ang aking kwento upang mas maliwanagan kayo."
Nagsi-ayos naman ng pwesto ang tatlo at mataman na nakinig sa karugtong ng kwento ni Inang Ludeng.
Para silang mga bata na dinadala sa alapaap ng kanilanh imahinasyon habang nagsasalita ang matanda at para bang nakikita nila ang mga sinasabi nito.
**********
"SANYA!?"
Nag aalalang salubong ni Sonya sa kanyang kambal. Ngumiti ito sa kanya upang ipakita na ayos lamang sya.
"Bakit naman balisang balisa ka Sonya? Humahangos ka diyan na parang pastol na nawalan ng tupa."
Biro ni Sanya sa kanyang nag aalalang kapatid pero hindi ito tumawa. Imbis ay niyakap sya nito ng mahigpit.
"Pinag alala mo ko Sanya! Pinag alala mo kami nina Andoy at Itay. Hinahanap ka namin alam mo ba yun? Saan ka ba nagtungo?"
Nag umpisa na ailang maglakad pauwi at dala dala ni Sonya ang isang sulo na nagsisilbing tanglaw nila sa gabing iyon. Pinauwi na nya ang kanyang mga kabaryo at Itay dahil nagbulontaryo siyang siya na lamang ang maghahanap dahil baka pagala gala si Teodoro at mayare pa silang lahat..
Ayaw man ng kanyang tatay ay wala din itong nagawa sa pagmamatigas ng kanyang matapang na anak.
"Patawad kung kayo ay nag alala sakin, naabala ko pa tuloy ang lahat imbis na nagpapahinga kayo."
Malungkot na turan ni Sanya at humawak sa bisig ni Sonya. Napangiti naman ang kanyang kapatid dahil sa kanyang paglalambing.
"Hay naku. Paanong hindi kami mag aalala e ito ang unang beses mong lumisan sa ating tahanan ng hindi man lang nagpapaalam kahit pa si Andoy lamang ang nandoon."
Napasimangot naman si Sanya.
"Kayo naman oh, namasyal lang naman ako dahil nababagot ako sa bahay. Ang tagal tagal nyo kase ni Itay."
Pangangatwiran nito pero mahinahon pa rin ang tuno ng pagsasalita. Inakbayan na lang ito ni Sonya.
"Hay naku ulit. Wag mo ng uulitin to ah. Labis talaga kaming nag alala sa iyo. Ang itay kanina pang umiiyak sa pag iisip sayo."
Ngumiti naman si Sanya at tumango tango.
"Magmadali na nga tayo para mapawi na ang pag aalala ni Itay---"
Napatigil sa paglalakad si Sonya ng makita nyang napakarungis ng Laylayan ng damit ni Sanya. May dugo rin ang ilang bahagi ng damit nito.
"S-Sanya anong nangyare sayo?"
Pagtatanong nya at sinuring mabuti ang kanyang kambal. Ngumit lamang ito at hinawakan siya sa balikat.
"Sonya ayos lamang ako. Akoy nadapa lamang kanina at nagalusan kaya't ganito ang aking itsura hehe, wag ka ng mag alala diyan. Gusto ko nang umuwi at makakain dahil gutom na gutom na ako."
At nauna na itong maglakad sa kanya. Natatanaw na nila ang kanilang bahay at hinayaan nyang mauna ang kanyang kambal. Nanatili siyanh nakatigil sa daan at nag iisip. Nakita nyang sa labas ng bahay ay sinalubong ito ng Mang Carding at Andoy. Humagulhol ang matanda habang yakap si Sanya at Inalo alo naman ito ng dalaga pagdakay pumasok na sa loob.
'Anong ginawa mo Sanya?'
Ang tanong ni Sonya sa kanyang isip na muling inalala ang hitsura ng kapatid.
Para itong nakipagbuno sa kung sino pero malabo naman iyon dahil hindi naman nakikipag away ang kanyang kapatid. Kahit na bihira itong lumabas ng bahay ay kaibigan naman nito ang lahat tulad nya, mapamatanda man o bata.
******
"Itay kailangan kong puntahan si Inang. Sya lamang ang makakatulong satin."
Pabulong na wika ni Sonya sa kanyang Ama. Nangunot ang noo ng kanyang ama at tumingin tingin sa paligid, nag iingat na may makarinig sa kanila.
"Paano ka makakatungo dun? e hindi nga natin matukoy kung saang parte siya ng kagubatan ng ating baryo naninirahan. Ayaw nyang magpakita satin Sonya dahil masama pa rin ang kanyang loob dahil sa nangyare sa iyonh Ina dalawang taon na ang nakalilipas."
Napayuko si Sonya at pinagkuskos ang mga palad. Naisip naman na nya ang sinasabi ng kanyang Ama ngunit yun na lamang ang kanyang naiisip na paraan.
"Hindi ako susuko 'tay. Nangangamba ako na kung hindi ako kikilos agad ay mas marami pa ang mapahamak."
At sumagi sa kanyang isipan si Sanya. Palaisipan pa rin ang kakaibang tagpo nila ng kanyang kapatid kagabi ng masalubong niya ito. Nasisiguro nyang may kakaiba dito.
"Kung ganoon ay mag iingat ka."
Napipilitan na bilin sa kanya ni Carding. Tumango naman si Sonya at yumakap sa ama. Aalis na sana siya at lalabas na ng pinto ng tawagin siya ni Sanya.
"Saan ka tutungo Sonya? Parang nagmamadali ka ata."
Nakadungaw ito sa pinto at kagigising lamang. Inantay nya munang makababa ito bago sumagot.
"May kailangan lang akong ayusin Sanya. Wag ka na ulit lalabas ng walang kasama at paalam ah. Mapanganib ang ating baryo. Baka makita ka ni Teodoro, may nangyari kahapon sa pagpupulong kaya't hindi ka nya pwedeng makita dahil baka mapagkamalan ka nyang ako."
Tumango naman ng dahan dahan si Sanya at niyakap si Sonya.
"Mahal na mahal kita Sonya. Kayo ni Andoy at Itay."
May lambing ngunit malungkot na wika nito. Napangiti naman si Sonya at may bahid man ng kaunting pag aalala dahil parang may ipinapahiwatig ang kanyang kapatid ay isinawalang bahala muna niya iyon dahil kailangan na nyang magmadali dahil tirik na ang araw.
"Mahal na mahal din kita Kapatid ko, kayo nina tatay."
Balik nyang yakap dito. Naramdaman nya ang masugid nitong yakap sa kanya bago sya inihatid sa labas ng bahay at kumaway sa kanya. Si Carding naman ay natulalang nakaupo at nag aalalang labis sa anak.
*******
Malayo na ang nararating ni Sonya at puro galos na din ang kanyang binti. Pawis na pawis na sya dahil hindi sya tumitigil na matunton ang kanyang Inang Ludeng. Hindi nya alam kung saan sya tutungo pero umaasa syang mararamsaman ng kanyang Inang ang kanyang presensya.
Ang tinutukoy ng kanyang ama kanina na masama ang loob nito sa kanila ay ng mamatay ang kanyang Ina dahil sa atake sa puso ay nais ibalik ni Inang Ludeng ang kalag nito dahil sa pagmamahal ng labis sa kanyang Ina na anak nito. Si Inang Ludeng ay kanyang Lola. Hindi sila pumayag sa kagustohan ni Inang Ludeng dahil nais na nilang maging mapayapa na ang kanilang Ina hindi dahil sa ayaw na nila itong bumalik sa kanila. Mabuting tao ang kanyang Ina at alam nyang sa piling ng diyos ito mapupunta. Nagdamdam Si Inang Ludeng ngunit iginalang naman nito ang kanilang disesyon, mula nga lang noon ay hindi na nila nakita ang matanda na kilalang manggagamot at gumagamit ng puting kapangyarihan. Kilalang kilala ang matanda sa baryo, ngunit hindi ito kilala ni Teodoro dahil wala naman nagtatangka na makipag usap sa kanya. Hindi niya alam na meron pang isang may kapangyarihan ang naninirahan sa lugar na kanyang pinapamunuan, ang sumasalungat sa kanyang masamang pamamalakad at adhikain.
"INANGGG!!!"
Tawag ni Sonya habang patuloy sa paglalakad. Maya't maya ang kanyang hawi dahil sa mga d**o at dahon na kanyang nasasalubong at nadadaanan.
"INANGGGGG!!! Si Sonya po itooo!"
Patuloy niyang sigaw at paulit ulit nya ngang ginawa iyon. Halos mamaos na sya ngunit hindi sya tumigil. Umaalingawngaw ang kanyang timig sa kagubatan. Nangangamba siyang marinig siya ni Teodoro dahil sa kapangyarihang itim nito pero wala syang pagpipilian.
"Inanggggg!!!!"
Patuloy pa nya at napaupo nalang sya sa isang damohan habang hinihingal. Pinunasan niya ng kanyang braso ang pawis na namumuo sa kanyang noo.
Halos nauubusan na sya ng lakas kalalakad at kakasigaw. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil hindi man lang sya nakakain bago umalis sa kanilang bahay.
"Inang ..."
Nanghihina nyamg sambit at bago oa sya matumba at mawalan ng malay ay agad syang naalalayan ng isang Matanda.
"Uminom ka Sonya."
Malamyos na wika nito sa kanya at pinainom sya nito ng tubig na dala nang matanda.
"Andito kana sa bahay ko."
Dugtong pa nito at ngumiti.
Gumaan ang pakiramdam ni Sonya at parang napawi ang kanyang pagod at gutom dahil sa pinainom ng kanyang Lola.
"Inang .."
Naluluha niyang wika dahil matagal siyang nasabik dito. Niyakap nya ito ng mahigpit at natawa naman ang matanda.
"Magpahinga ka na muna at saka natin pag usapan ang pakay mo."
Tumayo na sila at namangha si Sonya dahil iba na ang kanyang paligid. Napapaligiran ito ng mga naggagandahang mga halaman at mga pananim na prutas at gulay. May isang malaking bahay din na gawa sa kahoy ang nasa kanyang harapan. Napakasimple ngunit napakaganda nun. Tunay ngang mahiwaga ang kanyang Lola dahil na rin siguro sa lahi nitong puting mangkukulam.
Nagpahinga si Sonya at pinakain ng kanyang Lola. Ginamot din nito ang kanyang mga sugat at nakaramdam siya ng kakaibang ginhawa. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Batid ko ang nangyayare sa ating baryo."
Napaayos ng upo si Sonya.
"Kung ganoon Inang ay bakit nagkukubli lamang po kayo dito? Masama pa din po ba ang loob ninyo samin ni Itay?"
May lungkot na tanong ni Sonya.
"hindi sa ganun apo, tanggap ko na ang nangyare sa iyong Ina. Alam kung darating ka at pupunta dito kaya't nanatili akong nagkubli dahil hindi pwedeng malaman ng Teodoro g iyon na naririto ako. Wala siyang alam. Hindi nya ako nararamdaman dahil sa proteksyon na ginawa ko sa lugar na to. Dahil pag nalaman nyang nandito ako ay siguradong mauuwi sa isang laban ang aming pagtatagpo. Kailangan na mapaghandaan ang lahat. Hindi ako sigurado kung matatalo ko sya, pero paniguradong madami madadamay na inosente kapag nilabanan ko sya ng wala sa panahon."
Mahabang litanya ni Inang at napaisip si Sonya.
"Kung ganoon ay ano pong gagawin natin Inang?"
Matagal bago nakasagot ang matanda. Napahinga ito ng malalim bago nagsalita.
"Dalhin mo dito ang mga anak na panganay nang ating mga taga baryo upang maturuan ko kung paano gumamit ng mga salamangka. Malaking tulong iyon para magapi si Teodoro. Wag mon silang pagsasabay sabayin dahil baka makahalata si Teodoro. Tuturuan kita ng dasal upang magamit mo sa kanila na makita ang lugar na ito. Kailangan iyon para hindi matukoy ng demonyong yun."
Napatango si Sonya.
"Dalhin mo na rin dito ang dalawa ko pang apo at si Carding upang maging ligtas sila at malayo sa Demonyong yun."
Napalunok ng sariling laway si Sonya bago nag umpisang magsabi kay Inang.
"May naging pagpupulong Inang kahapon sa pamumuno ni Teodoro. Ako ang gagawin nyang alay sa susunod na pagbilog ng buwan kapalit ng pakiusap ni Itay at ng mga kabaryo natin na wag ng kumuha ng mga kadalagahan sa labas."
"Hindi na lingid sa akin iyon. Alam ko na ang tungkol dyan at yan ang kailangan nating mapigilan. Lalo na't hindi ka basta basta Sonya. Kailangan natin magmadali bago mahuli ang lahat."
Sagot agad ni Inang Luding kay Sonya. Napatayo si Sonya at nagpalakad lakad.
Hindi sya mapakali.
"Isa pa Inang .. May kakaiba kay Sanya. Hindi ko maipaliwanag pero nahihiwatigan ko na may kakaiba sa kanya. Natatakot akong baka may koneksyon iyon kay Teodoro."
Nangunot ang noo ni Inang at tumitig kay Sonya.
"Kung ganoon ay kailangan mong obserbahan si Sanya. Hangga't maaari ay dalhin mo sya dito."
Muling bilin sa kanya ni Inang at saglit pa silang nag usap. Tinuruan na nya ng dasal at ilang mga importante si Sonya bago ito lumisan sa lugar ni Inang.
*****
Nang makauwi si Sonya ay nagtataka sya dahil walang tao sa kanila, sinipat nya rin ang bahay ng kanyang mga kapit bahay ngunit wala din ang mga iyon kaya't dali dali syang lumunta sa bulwagan dahil panigurong nandoon ang mga iyon.
"IBITIN SA PUNO ANG MGA TAONG YAN NG PATIWARIK AT PUGOTAN NG MGA ULOOOO!"
Sigaw ni Teodoro at humalakhak ng tawa. May limang kalalakihan ang mga nakapiring at nakatali ang mga braso sa likuran ang makikita sa unahan, puno ito ng mga sugat at halatang nanlaban pa bago mabihag . Hindi ito mga taga roon at nasisiguro nyang taga kabilang baryo o bayan ito.
Talagang mas lalo pang tumitindi ang kasamaan ni Teodoro.
Nagngangalit ang ngipin ni Sonya habang pinagmamasdan ang nangyayare. Napipilitan na sumunod ang kanyang mga taga baryo kay Teodoro dahil nagbanta ito na kung sino man ang sumuway sa kanya ay ganoon din ang sasapitin.
Nakikiusap at nagwawala ang mga bihag dahil sa takot.
"Pakiusap! Uuwi na po kami! May pamilya pang naghihintay samin!"
Pakiusap ng isang lalaki pero nagulat ang lahat ng lumutang ito sa hangin at may pwersang humila dito papalapit kay Teodoro at walang sabi sabi na dinukot ang puso ng kaawa awang lalaki. Nangisay ito at inihagis ni Teodoro sa mga tao.
Nagsigawan sa takot ang lahat pero wala ring nagawa.
"Ito ang aking magiging haponan ngayon. HAHAHAHAHA!"
Humahalakhak na wika nito at iniabot sa nagiisa nitong kasama sa bahay ay puso. Sumunod naman ito at dinala sa kabahayan upang ihanda para sa pagkain na Teodoro para sa haponan.
"Ano pang hinihintay nyo mga Hangal!? Dalhin nyo na ang lahat ng iyan at ibitin sa puno! Sundin nyo lahat ng utos ko kung ayaw nyong mapagaya sa mga yan!"
Sigaw pa nito at sumunod naman ang lahat. Patuloy na nagmamakaawa ang mga natitirang buhay ngunit wala na, huli na. Ibinitin sila sa puno ng patiwarik. May kababaan lamang iyon upanh maabot ng mga magpupugot ang kanilang ulo.
"UMPISAHAN NYO NA!!!"
Sigaw ni Teodor at pikit mata ang lahat sa mga nagaganap. Napaluha ang mga nagpugot ng ulo ng mga bihag. Ayaw man nilang gawin ay kailangan dahil buhay naman nila ang kapalit kung hindi. Nag iyakan ang karamihan at nagyakapan. Gustong gusto nilang lumaban pero wala.din silang magagawa.
"Wag na wag nyo silang ibababa, dyan lamang sila dahil napakasarap pag masdan ang kanilang hitsura. HAHAHAHA. Itaas nyo pa ang pagkakabitin sa kanila para mas makita sila ng maayos!"
Sabi at utos nito na sinunod naman agad ng iba. Tawang tawa ito at halos mapunit ang bibig dahil sa labis na kasiyahan sa nakikita at nangyayare.
"Hayop ka ..."
Mahinang bulong ni Sonya. Tumulo ang kanyang mga luha dahil sa galit, at awa sa mga bihag.
Nakita nyang nasa may gitna ang kanyang Tatay at Andoy na magkayakap. Naaawa sya sa mga ito, hindi man ito agad malapitan dahil sa dami ng taong nagsisiksikan dahil sa takot.
Inilibot niya ang tingin at hinanap si Sanya dahil hindi ito kasama ng kanyang Tatay at Andoy.
Ngunit kahit anong hanap nya ay wala ito doon. Napalingon sya sa bandang kagubatan at nakita doon si Sanya na nagkukubli sa isang puno.
Pinagmamasdan nito ang mga patay na nakabitin sa puno at wala ng mga ulo.
Mapupungay ang mga mata na pinagmamasdan lamang iyon ni Sanya. Hindi mababasa ang kahit na ano sa mga yun. Nakatulala lang ang iyon at napaka blanko.
Pinagmasdan ito ni Sonya at nakitang marumi nanaman ang kasuotan nito. May bahid nanaman ng mantya ng dugo ang ilang bahagi ng kasuotan nito at may sira pa.
Ngunit hindi iyon alintana ni Sanya. Bumilis ang t***k ng puso ni Sonya na makitang lumipat ang tingin nito kay Teodoro, napatingin din sya dito at kitang kita nya kung paano ito kumaway at ngumiti kay Sanya. Si Sonya lamang ang nakapansin nun, walang reaksyon si Sanya at tumalikod na lamang ito basta basta.
To be continued