Ikasiyam na Kabanata

3429 Words
**** "MULA noon tuwing araw ng byernes ay dinadala ko kay Inang ang mga panganay na anak ng aming mga taga baryo, nung una ay isa lamang dahil nangangamba akong mahalata iyon ni Teodoro pero ng aking makasanayan ay umabot na sa apat, iilan pa lamang ang nadadala konnun kay Inang ng sabihin ko kina Itay na isasama ko na din sila. Pumayag naman sya at si Andoy, pero si Sonya ay hindi. Natatakot na din kase ako nun dahil sa kakaiba nyang kilos, lalo na't malakas ang aking kutob na may kinalaman sya sa mga nabibihag na pinapatay sa aming baryo. Palage syang wala at sa tuwing tatanungin ko naman ay lage nyang sinasabi na kung saan lamang. Hindi ko na sya pinipilit pa dahil nauuwi lamang sa pagtatalo na isang beses lang nangyare, sa tuwing sinusundan ko sya ay bigla nalang syang nawawala sa paningin ko kaya hindi ko matukoy kung saan sya naglalage. Wala akong mapatunayan." Malungkot na sabi ni Sonya. Nakiramdam ang lahat at walang nangahas na magtanong. Saglit silang natahimik at nagmuni muni sa nakaraan na patuloy na inilalahad ng mag Lola. "Kyle!" Humahangos na dumating si Kysler at napahawak pa ito sa tuhod. "Anong nangyare Kysler?" Tanong ni Kyle dito at huminga muna ito ng malalim bago sumagot. "W-wala naman, gusto ko lang ibalita na nasa maayos ng kalagayan si Jane at binabantayan sya ni Steve. At isa pa .." Napalunok pa ito bago tumikhim at nagsalita. Inaabangan naman ng lahat ang kanyang sasabihin. "Gutom na din kase ako." Napapangiti nitong sabi sabay kamot sa kanyang batok. Napahinga ng malalim ang lahat at saka bumalik sa pwesto. Kumilos naman agad si Sonya at lumabas. Pagbalik nito ay may dala na itong bandihado at may lamang nilagang kamote. May tubig na rin itong dala bilang panulak dahil halos maubos na ang tubig na nandun kanina sa kanilang piling dahil kakainom ng tatlo dahil halos matuyuan na ito ng mga laway sa pananabik sa kwento nila ni Inang .. "Pasensya na kayo. Yan lamang ang kinakain namin dito at iba pang mga gulay at prutas para mabuhay. Wala kaming kanin na maihahandog sa inyo dahil wala kami noon. Maliit lamang ang aming sinisilungan para makapagtanim ng palay dito, bukod pa doon ay wala kaming sapat na tubig. May maliit lamang kaming bukal sa bandang Likod na ginagamit ng lahat para sa lahat ng pangangailangan namin." Sabi ni Inang at ngumiti naman ang apat. Noon lang sila nakatikim ng kamote maliban kay Carla na laking bukid din at nasarapan sila dito. Hindi kase nakain nina Kyle ang ibinigay sa kanila nung babae dahil na din kahit gutom sila ay parang wala pa silang gana dahil sa mga nangyare. Nagkataon din na inakit na sila nina Sonya na pumasok sa bulwagan na yun. Hindi na rin nila matandaan kung saan nila naipatong yun. Siguro ay iniligpit na din ng kaninang babae na naglilinis habang sila ay nakikinig sa kwento ni Inang. "Okay lang po Inang. Masarap pala po ang ganito. Ngayon lang po kami nakakita at nakakain ng ganito kase alam nyo na po, hindi po namin nakalakihan." Sabi ni Kysler at sarap na sarap sa kanyang pagkain. Nabulunan pa nga sya at naabotan naman agad ni Sheena ng tubig. Ngumiti lang si Inang at tumango tango. "Inang ... Paano natin ibabalik ang anak ni Osdongan sa kanya gayong hindi natin matukoy kung nasaan ang babaeng nawawala?" Biglang singit ni Andoy. Napatigil naman ang lahat at napatingin kay dito. "Anong ibig mong sabihin? S-Sinong nawawala?" Tanong ni Carla at inilapag ang kinakain. Ganun din ang ginawa ng iba at bago may sumagot ay inantay muna nilang makainom ang mga ito. "Nawawala ang kasama nyong babae." Sabi ni Sonya. At napatulala naman ang apat. "S-Sino? Si Jane??" Pagtatanong ni Kyle. Tumango si Inang at napailing. "Pero andito po sya diba? Kasama namin na nakapasok sa lugar nyo. Paanong nawawala?" Naguguluhan na tanong ni Sheena. "Kasama nyo lamang ang kanyang katawan ngunit naiwan nyo sa labas ang kanyang kaluluwa. Hindi pa namin alam kung nasaan sya." Nangunot muli ang kanilang mga noo. Labis silang nagugulohan. Paanong nangyare yun? Mula ng mag umpisa ang lahat ay wala namang nabago kay Jane. Wala naman silang napansin na kakaiba dito. "Hindi ho namin kayo maintindihan. Wala naman ho kaming napansin na kakaiba kay Jane kaya paano hong nangyare yun?" Sabi ni Kysler at napahawak pa sa kanyang baba. Napatango naman ang iba at iniisip ang mga nangyare sa mga nakalipas na sandali ng kanilang mga napagdaanan. "Wait guy's.. Hindi kaya yung nauna sa Jane satin nung nagalit sya?" Tingin pa sa kanila ni Sheena. Napaisip nanaman sila. "Tama.. Pero paano nga nangyare yun?" Pagtatanong ni Kyle. Tahimik namang nag iisip si Carla. Mahirap nga namang paniwalaan dahil wala naman talagang kakaiba kay Jane maliban nalang ng malaman nilang buntis ito. "Malalaman natin ang lahat sa Sandaling magising sya. Itatanong natin sa nananahan ng pansamantala sa kanyang katawan ang nangyare." Sabi ni Andoy. "Kung hindi si Jane ang nasa katawan na yun..Sino yun??" Tanong ni Carla at gumapang ang kilabot sa kanilang katawan na maisip nilang hindi talaga si Jane ang kanilanb kasama. Kaya pala nawika na lamang yun ni Sonya. "Mabuti pa ay puntahan na natin sya." Sabi ni Inang at inalalayan naman ito ni Andoy at Sonya. Naglakad sila palabas ng bulwagan at namalas nila ang labas. Tirik na ang araw at hindi na nila yun namalayan. Masaya ang lahat sa paligid at may sarisariling gawain mapabata man o matanda. May ibang tumitingin sa kanila ngunit umiiwas din agad. "Kahit na napapalibutan kayo ng panganib ay masaya pa rin ang lahat dito sa inyong munting tuloyan." Napapangiting sabi ni Carla. Inilibot nila ang kanilang oaningin at nakaramdam ng kapayapaan ang apat at kahit papaano ay naramdaman nilang ligtas sila doon. "Panatag naman ang lahat dahil alam nilang may kapangyarihan si Inang lara maprotektahan ang lahat dito sa lugar na to, wag lamang silang lalabas basta basta lalo na kung walang pahintulot ni Inang. Tanging kami lang ni Andoy at ang mga labis ng malalim ang kaalaman sa mga turong mahika ni Inang ang nakakalabas ng malaya dito." Sagot ni Sanya at nakasalubong nito ang isang tumatakbong bata na naglalaro at bumangga sa kanyang paahan, muntik na itong matumba ngunit naagaran agad ni Sonya ang pagsalo dito. Nakangiting pinisil ni Sonya ang ilong nito at hinalikan sa pisnge, ngumiti naman ang bata na nasa edad limang taong gulang at nahila nito ang belo ni Sonya na tumatahob sa kanyang mahabang buhok, parang unti unting umikot ang sandaling iyon sa mga magkakaibigan dahil namalas nila ang napakagandang hugis ng mukha ni Sonya, tunay na pinagpala ang dalaga sa kagandahan. Bagsak na bagsak ang buhok nito at kahit walang pamula sa labi ay namumula iyon ng natural. Kahit napagmasdan na ito ni Carla ay namamangha pa din sya, kung sila nga ni Sheena ay labis na nabighani dito ay paano pa kaya ang dalawang lalaki na kasama nila. Halos matulala si Kysler at Kyle ng masilayan ang kabuuan ng mukha ni Sonya. Bilang lalaki ay hindi nila maiwasan na humanga dito. Natatabunan kase ang mukha ni Sonya ng belo at lage nya itong kapit na para bang ayaw nitong ipasilip ang kanyang mukha kaya't ngayon nila ito nakita ng ganoon dahil hindi naman din nila ito napapagmasdan. Naisip nila si Sanya, siguro ay kasingganda din ito ni Sonya gayong kambal sila. Pinulot ni Andoy ang nahulog na belo at sya na ang nagbalik sa ulo ni Sonya at inayos naman ito ng dalaga, tumakbo na muli ang bata at pinagmasdan pa nila ito habang sinasalubong ang kanyang Ina. Ngumiti sa kanila at napayuko naman sila ng ngiti dito. "Sonya may naging boyfriend-- i mean nobyo o katipan kana ba?" Napapangiting tanong ni Kysler at siniko naman ito ni Kyle. Napapailing naman na napairap si Sheena at natawa sina Sonya, Carla at Inang. Napatingin naman ng masama si Andoy kay Kysler dahil mukhang kursunada pa nga nito ang ate niya. Dadaan muna ito sa kanya kung sakali man bago nito mapalapit sa kanyang ate. Ganun nya kamahal ang kanyang kapatid. "Wala .. at wala din sa isip ko yan Kysler. Masyado na kong matanda para isipin pa yan." Sabi ni Sonya at umakbay kay Inang at Andoy, "Si Inang, si andoy, ang aming mga kasama at ang baryo ang aking prayuridad. Ang mahalaga sa akin. At ang matulongan na din kayo. Kahit kayo man lang ang mailabas namin dito." Naging seryuso ito sa huling sinambit. "Ano nga pala po ang mga nangyare sa mga dating dayo na pumunta noon dito? Kung tinutulongan nyo naman po sila e bakit hindi po sila nakakalabas at hindi na natagpuan?" Tanong ni Carla dahil matagal na iyong palaisipan sa kanya at sa kanyang mga kasama sa kanilang lugar. Lage lang nya noong naririnig na may nangahas nanamang pumasok sa baryong malihim kung tawagin nila ngunit kailanman ay wala syang nabalitaan na nakalabas dito, magmula pa ng bata sya hanggang sa sya na mismo ang mapadpad sa lugar na yun. "Dahil ang lugar na to ay punong puno nang pagkukunwari. Dadayain ka ng iyo h sariling mga pandinig at paningin. Halos lahat sila ay pasaway at di marunong makinig sa aming mga tagu-bilin. Sila sila din ang naglalagay ng kanilang mga sarili sa kapahamakan kaya't nauuwi sila sa kamatayan at di na nakakalabas dito." Sabi ni Andoy at tiningnan pa sila nito ng matalim. "Kaya kung kayo ay nagtitigas ang ulo ay magagaya din kayo sa kanila." Hindi naman sila nakasagot dahil sa nakakatakot sa sinabi ni Andoy. Umiwas na si Andoy ng tingin at nagpaalam na kay Inang na may pupuntahan lamang sya at tumango naman ang matanda bago ay binilinan na mag iingat. Kasalukuyan na silang nasa tapat ng kubo na tinutuloyan ni Jane. Marami pa silang gustong itanong kay Inang pero bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Steve na namumuo ang pawis sa noo. Takot na takot ito at hindi halos makapagsalita. Hindi na nila kailangang magtanong at dali dali na silang pumasok sa kubo. Labis ang kanilang pagkagimbal sa nakita. "I-Inang.. A-Anong nangyayare kay Jane?" Tanong Sheena at napatutop ang palad sa kanyang bibig. Dali daling lumapit si Sonya at Inang dito at kinapa kapa ang mga binti at braso ng nakahigang babae. Wala pa rin itong malay. "A-Ano nangyayare sa Girlfriend ko? Bakit sya nagkakaganyan?!" Natatarantang tanong ni Steve at di sya mapakali. Agad syang pinakalma ng kanyang mga kaibigan ngunit sila man ay natataranta din. Si Jane. Tinutubuan ng mga balahibo sa mukha at nag iiba rin ang hugis ng tenga nito. Nasira na rin ang suot nitong pantalon dahil nagbabago na rin ang hugis ng balakang, hita at hanggang sa paa. Nagiging hugis ng paa ng kabayo. Nagpapalit ito ng anyo bilang isang tikbalang. Nagsisimula na ding kumalat ang amoy nito na tanging maaamoy lang sa mga kabayo. "Kunin mo Sonya ang lahat ng ating kailangan. Kailangan nating mapigilan ito bago mahuli ang lahat." Seryusong sabi ni Inang at tumingin sa mga magkakaibigan. "Lumabas muna kayo at kami na ang bahala dito." Ayaw man ni Steve lumabas ay wala syang magawa dahil hinila na rin sya ng kanyang mga kasama. Sumilong muna sa katabing kubo dahil may kainitan na. Hindi sila mapakali at labis labis ang pag aalala kay Jane at sa dinadala nito. "Sana hindi nalang tayo pumunta dito.." Umiiyak na sabi ni Steve. Hindi na nya napigil ang kanyang emosyon. Napaluhod siya sa lupa at paulit ulit na sinuntok yun hanggang sa magsugat ang kanyang kamay at awatin ni Kyle at Kysler. "Nawala na si Ivan, ngayon may kakaiba kay Jane .. Ang anak namin.. paano kung mawala din sila sakin??" Maluha luhang tanong ni Steve sa kawalan, hindi na napigilan ng magkakaibigan na mapaiyak. Bumalik ang kanilang lungkot dahil sa tinuran ni Steve. Kahit na may tumutulong sa kanila ay hindi pa rin nila nasisiguro na makakalabas nga sila doon. "Manalig lang tayo .. Tutulungan nya tayo .." Pagpapalakas ng loob ni Carla sa mga kasama. "Paano Carla? Eh mukhang hindi na tinatapunan ng pansin ng diyos ang lugar na to?!" Mahina ngunit may gigil na sabi ni Carla. Hindi nya masisisi ang sagot ni Steve. Wala na syang ibang masabi dahil baka magsimula pa iyon ng pagtatalo. Nagdasal na lamang sya ng tahimik. Nakita nilang may mga dalang kung ano anong dahon, mga ugat na nakalagay sa garapon, at apoy sa isang lalagyan na hindi basta basta masusunog si Sonya. Hindi na sila pinansin nito at di na rin sila nagtanong pa dahil alam nilang kailangan nitong magmadali. Tumagal na kalahating oras bago muling lumabas si Sonya at hinikayat silang pumasok muli. Nauuna naman si Steve at nadatnan nilang mausok usok pa sa loob dahil sa incenso at mga sinunog na mga ugat at tuyong dahon ni Sonya at Inang na alam nilang ginamit ng mga ito para pagalingin si Jane. Lumaopit sila kay Jane at natatahuban ito ng kumot. Bumalik na muli ang dati nitong anyo ngunit wala pa ding malay. "Magaling na po ba sya? Ang anak namin? Okay lang po ba sila?" Nag aalala at sunod sunod na tanong ni Steve. Napahinga ng malalim si Inang at hinawakan si Steve sa kamay. "Iho, tatapatin na kita. Nanganganib ang buhay ng mag ina mo. Maayos na sila at pansamantala lamang iyon." Mahinahon ngunit madiin na sabi ni Inang. "Bakit po? Ano po ba talagang nangyayare sa kanya?" Tanong ni Kyle at nagkatinginan pa si Sonya at Inang bago ito sumagot. "Ang anak ni Osdongan na si Hanaya ang nananahan ngayon sa katawan ng inyong kaibigan. Sa palagay ko ay nagkapalit sila ng katawan. At kung hindi natin sila maibabalik sa sarili nilang mga katawan ay maaaring mahuli na ang lahat." Sabi ni Inang na ikinagulat ng magkakaibigan. Lalo na ni Steve na natutulala na lamang. Pinagmasdan nito si Jane at hinawakan sa kamay. Hinalikan nya iyon at hindi binitawan. Napaiyak na lamang sya at napayakap dito. "A-ano pong dapat naming gawin Inang??" Pagtatanong ni Sheena na lumuluha na din dahil sa awa sa kaniyang mga kaibigan. "Nakapahirap ng dapat nyong gawin. Ngunit iyon na lamang ang paraan .." Sabi ni Inang at inantay nila ang sunod na sasabihin nito. "Kailangan nyong bumalik sa kagubatan at hanapin ang katawan ni Hanaya, nasisiguro kung nandoon sa katawan nya ang kaluluwa ng inyong kasama." Nagulat muli ang lahat at hindi makapagsalita. Gumaoang muli ang takot sa kanilang katawan at hindi nila maisip kung paano iyon magagawa dahil sa takot at kanilang mga naging karanasan. Kung sila ay tatanongin ay ayaw na nilang bumalik pa doon. "Kailangan nyong gawin dahil dalawang araw nalang ay muli nanamang bibilog ang pulang buwan. Bago mangyare yun ay kailangan nyo ng makalabas sa lugar na ito bago mahuli ang lahat." Isa pang nakakatakot na pahayag ni Inang. Hindi sila makapagsalita. Ilang minuto pang naghari ang katahimikan hanggang sa tumayo si Steve. "Hahanapin ko si Jane." Buo ang loob at punong puno ng determinasyon na sabi nito. Sabay na tumayo si Kyle at Kysler. Nagtinginan si Sheena at Carla at tumango sa isa't isa. "Sasama kami Steve. Walang iwanan. Hahanapin natin si Jane at lalabas tayo ng baryong to." Sabi ni Kyle at hindi maiwasan ni Steve na mapaluha dahil sa nakikita nyang pagdamay sa kanya ng mga kaibigan. "Maiwan na kayo Sheena at Carla, kaya na namin to." Sabi ni Kysler at hindi naman pumayag ang dalawa. "Hindi. Sasama kami. Walang iwanan diba? Kailangan natin magtulongan." Sabi ni Sheena. "Tama si Sheena. Mas marami, mas makakalaban tayo." Sang ayon pa ni Carla. "Kailangan may maiwan dito para pag bumalik na si Jane sa tunay nyang katawan kung sakali ay may makikita syang kakilala nya." Sabi ni Kyle at nagtinginan muli si Carla at Sheena. "Sheena ikaw nalang. Total ay mas malapit kayo ni Jane sa isat isa." Sabi ni Carla dito, hindi nakasagot si Sheena dahil gusto man nyang sumama ay kailangan nya ring maiwan. Nag aalala din talaga sya kay Jane pero baka may maiitulong din sya sa mga kaibigan. Tumango na lamang si Sheena. "Sasama ako." Sabi ni Sonya at napatingin sa kanya ang lahat. "Kaya na ni Inang dito. Mas kailangan nyo ng tulong ko. Magsipaghanda na kayo." Sabi pa ni Sonya bago muling lumabas para maghanda. Kinakabahan ang lahat sa kanilang paglabas. Kailangan nila iyong gawin. "Bukas bago sumikat ang araw kailangan nyong maibik ang kaluluwa ni Jane dito, isa man syang ispirito o nasa loob ng katawan ni Hanaya. Dahil pag lumagpas kayo sa sinabi kong oras ay tuluyan ng hindi mababalik ang kanilang mga kaluluwa sa sarili nilang katawan, hindi nyo rin maaring isama si Jane sa paglabas, maalin man sa kanila, katawan man o kaluluwa nya." Mas lalong nanaig ang determinasyon nila na maibalik si Jane. Habang nag aantay sila kay Sonya ay hindi maiwasan ni Carla na mapaisip. "Paano pong nangyare na hindi man lang namin napansin na hindi na pala si Jane ang kasama namin?" Tanong nya na sinang ayunan naman ng lahat. Lalo na si Steve. "Opo nga Inang. Kahit ako na boyfriend nya at lage nyang kasama saming lahat ay hindi yun napansin. Yun at yun pa din ang nakikita namin sa kanya. Yung Jane na kasama na namin noon pa man." Tumayo si Inang at tinignan isa isa. "Dahil sa sandaling mapasok ng iba ang katawan ng isang tao lalo na kung dayo lamang dito samin ay mag iisa ang kanilang puso at isip. Mahahalukay nila ang nakaraan at kung ano man ang tunay na nararamdaman ng taong nalipatan nila ng katawan. Malakas ang kutob kong namatay na ang babaeng kasama nyo bago pa ito lipatan ng dungan ni Hanaya. Nararamdaman ko dahil hindi na ganoon kalakas ang t***k ng puso nya. Hinahanap ng kanyang katawan ang sarili nyang kaluluwa." Napapikit pa ang matanda at itinaas ang kamay sa ere na para bang nararamdaman nyang nasa harapan lamang nya ang dalawang imahe ni Hanaya at Jane. "Malalaman natin ang lahat sa sandaling magising ang babae nyong kasama. Kami na ang bahala sa kanya at gawin ninyo ang parte nyo." Sabi na nito pagkatapos magmulat at saktong dumating na si Sonya. Ganun pa din naman ang porma nito, may mga dala na nga lamang na sa tingin nila ay mga hindi basta bastang sandata. Mga maliliit na punyal na maaari nilang itago sa kanilang kasuotan at di mamapansin ng kung sino man. Iniabot ito ni Sonya kay Inang at itong dinasalan. Pagkatapos ay binigyan sila ng tigitigisa. "Magagamit nyo ito para ipagtanggol ang inyong mga sarili sa kahit na ano mang nilalang ang nandito. Ang mapapayo ko lamang ay iwasan nyo ang Kulto na namamalagi sa aming lugar dahil sila ay taga sunod ni Teodoro. Maraming nakakatakot na nilalang sa lugar na to pero ang kulto ni Teodoro ang pinakamapanganib sa lahat." Taimtim naman silang nakikinig kay Inang. Tumingin si Inang kay Sonya at hinawakan ito sa balikat. "Apo, mag iingat ka. Mag iingat kayo. Gaano man kalawak ang naituro ko sayo ay hindi ko nasisigurong kaya kang panatilihing ligtas nito. Nararamdaman kong ito na ang panahon upang wakasan ang kasamaan ni Teodoro at mapalaya ang baryong ito." Naluluhang wika ni Inang at niyakap agad ito ni Sonya. "Wag kang mag alala Inang. Ginagawa namin ni Andoy ang lahat upang matapos na ang paghihirap nating lahat dito. Mag iingat ako Inang, mag iingat kami. Sana ay ganun din kayo dito." Humalik si Sonya sa kamay ng kanyang Inang. Pagdakay tumingin sa kanila at tumango. "Kailangan na nating umalis. Magdadapit hapon na." Sabi ni Sonya sa kanila at tumango naman ang iba. Si Steve ay lumapit kay Jane, humaplos sa tiyan nito at hinalikan iyon. "Babalik ako, babalikan ko kayo ng anak natin. Alam kong wala rito pero sayo pa rin ang katawan na to at nandito pa rin ang anak natin. Gagawin ko ang lahat mahal maibalik ka lang." Bulong nya kay Jane at hinalikan ito sa noo. Nakita nyang tumulo ang luha sa gilid ng mata ng babae kahit wala pa din itong malay at pinunasan nya yun. Naghanda na ang lahat at lumabas na. Nagyakap pa si Carla kay Sheena at Inang bago sila tuluyang lumabas. Nakaharap sila sa malaking tarangkahan at unti unti iyong nabubuksan sa tulong ng mga nagbabantay dito. Nakatingin sa kanila ang lahat at kahit na hindi sila magsalita ay nakikita nilang nag aalala ito sa kanila. Nang tuluyang bumukas ang tarangkarahan ay nagtinginan muna sila bago tumango sa isa't isa at lumabas. Si Sonya, Kyle, Kysler, Carla at Steve. To be Continued ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD