Ikasampung Kabanata

3336 Words
*** "Sana ay makabalik sila dito ng ligtas. Sana magtagumpay sila." Hindi mapakali si Sheena habang maya't maya ang tanaw sa tarangkahan. Nasa labas sila ng kubo ni Inang at kahit may kalahating oras na ng lumabas sa tarangkahan na iyon ang kanyang mga kaibigan at si Sonya at hindi nila magawang umalis dun. Para pang nasa gunita pa nila na nakatayo dun ang lima. Lalo na si Sheena na labis na nag aalala at pinagkukoskus pa ang palad. "Huwag kang mag alala, kasama nila si Sonya. Kabisado ni Sonya ang lugar na ito kaya't hindi magiging mahirap sa kanila ang hanapin ang katawan ni Hanaya at ang si Jane." Napakagat ng labi si Sheena at napakuskos naman sa magkabila nyang mga braso. "Ang mga tikbalang ang tanging nilalang sa lugar na ito ang aming kasundo. Sila ginambala lang din ni Teodoro sa kanilang tahanan dahil nais nitong magpatulong na matukoy ang aming lugar. Ngunit ang aking Lolo ay kaibigang matalik ni Osdongan kaya't hindi kami nito isinuplong sa kanila. Kaya't nababatid kong magiging maayos din ang pagpapalit ng dalawa kung sakali mang walang aberya." Kwento sa kanya ni Inang Ludeng. Napatingin sya sa matanda at lumapit dito. Tinabihan nya ito sa bangkito at mataman na nakinig dito bagos nagtanong. "Kaya po ba nandito ang mga tikbalang kahapon at hinahabol kami dahil kasama namin ang anak ng kanilang pinuno?" Tumango naman si Inang. Napaisip si Sheena at naalala ang tikbalang na tumingin sa kanila ni Carla at ngumiti. Natakot lang talaga sila pero mukha namang mabait ito. "Alam na ni Osdongan ang nangyare. Napaliwanag na namin sa kanya. Akala ni Osdongan ay kinuha ninyo ang kanyang anak kaya't hinabol kayo ng kanyang hukbo, kasama pa ang hukluban na alaga ni Osdongan. Umaasa din siya na mapagpalit na ang dalawa at ng makuha na muli nya ang kanyang anak. Babalik sila dito bukas dito pag sumikat na ang araw dahil yun ang sinabi kong oras nang pagounta nila dito. Sa sandaling matapos na natin ang kanilang paglipat sa sarili nilang katawan." Parang natutuyuan ng laway si Sheena habang nakikinig kay Inang. Hanggang ngayon ay hindi nya lubos akalain na mararanasan nila ito. Napakalayo sa kanyang hinagap. "Tulad namin ay gusto din nila ng kapayapaan pero ang hirap makamit yun lalo na at hari ng kadiliman ang aming kalaban. Hindi man sya mismo ang humaharap samin ngunit talagang malakas ang kanyang alagad na si Teodoro. Wala kaming alam lahat sa pagkakakilanlan ni Teodoro maliban nalang sa kapatid nya sa ina ang aming dating pinuno na kanya ring pinaslang." Magsasalita pa sanang muli si Inang ng marinig nila ang munting ungol na nagmumula sa silid ni Jane. Dali dali silang pumasok doon at nakitang nagpipilit bumangon si Jane o Hanaya. "Wag mong pilitin. Hindi mo pa kaya. Magpahinga kana muna." Kumuha naman ng tubig si Sheena at dali daling iniabot kay Jane. "Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Sheena. Kahit na alam na nyang hindi ito ang kanyang kaibigan ay nag aalala pa din sya dito lalo na't katawan pa rin ito ni Jane at andito pa din ang sanggol na anak nito. "M-Maayos naman. Nasaan nga pala tayo?" Tanong nito at inilibot ang paningin. Mahina at malamyos ang tinig nito hindi katulad ng dati na kakaiba ang tono dahil na rin sa kakaibang lag uugali nito. "Andito ka sa puder ko .. Hanaya." Napalingon si Hanaya kay Inang at nanlalaki ang mata. "H-Hindi ako si Hanaya. J-Jane ang pangalan ka. Nagkakamali ka..." Hindi makatingin ng diretso si Hanaya na nasa katawan ni Jane si Inang. Nagpumilit itong bumaba ng hinihigaan ngunit agad syang pinigilan ni Sheena. "Alam na namin ang lahat. H-Hindi ikaw si Jane." Sabi ni Sheena dito at nakaalalay pa din sa babae. Nakakunot ang noo nya ngunit hindi naman sya galit. Nag aalala lang sya dahil baka makasama sa katawan ni Jane kung magpupumilit itong magkinilos agad gayong nanghihina pa ito. "H-hindi nga ako si Hanaya. Hindi ko sya kilala. A-Ako to Sheena. Si J-Jane! Ano kaba girl?? Napunta lang tayo sa lugar na to kung ano ano na inii--" Napatigil si Hanaya sa pagdadahilan, sinubukan oa nyang gayahin ang paraan ng pananalita at pag uugali ni Jane ngunit hinawakan sya ni Inang sa kamay at naramdaman nya ang kapangyarihan nito. Matinding init, kaya't naiwaksi nya ang pagkakahawak ng matanda sa kanya at nanlalaki ang matang gustong makalayo dito. "P-Pakiusap Luding .. W-wala akong masamang balak sa katawan ng babaeng ito. H-Hindi ko na kase alam ang gagawin ko kaya't napilitan akong pumasok sa kanyang katawan .." Nakikiusap at naluluhang sabi ni Hanaya. Matagal na pinagmasdan sya ni Inang at pagdakay tumango tango. "Alam ko, nakasama na kita ng ikay musmos pa lamang at napalapit na din sa akin at hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kabutihan ng iyong puso Hanaya. Wag kang mag alala. Hindi ako galit dahil sumapi ka sa katawan ng dayo kahit na alam mong pinagbabawal ito sa lugar natin maliban nalang sa mga masasamang nilalang na hindi naman talaga nakikinig." Kumalma si Hanaya at umupo ng maayos. Napadaing pa ito at agad naman syang inalalayang muli ni Sheena para makasandal sa dingding sa bandang ulunan ng kanyang hinihigaan. "S-Salamat Luding. A-Akala ko ay kataposan ko na, masyadong mabilis ang mga pangyayare. Sinubukan kong iligtas ang nag mamay ari ng katawan na to pero ganito ang aming sinapit. Nagkapalit kami ng katawan Luding." Nahihintakotan na sabi ni Hanaya. "A-At nararamdaman ko ang buhay ng isang supling sa kanyang sinapupunan. Naamoy ko na ito ng makita ko syang nasa panganib kaya't ninais ko syang tulongan ngunit ganito nga ang nangyare, nailigtas ko nga sya ngunit nagkapalit kami. H-Hindi ko na alam kung nasaan ang aking katawan at ang kaluluwa ng babae na nananahan doon." May pag aalalang sabi ni Hanaya. Nanghihina siya at ngayon nya lang ito naramdaman. Sadyang mahina nga pala ang katawan ng tao. Kaya't madali silang magapi ng mga kalaban. Lalo na ng mga nilalang sa kanilang lugar. "Ano ba ang nangyare sa inyo ni Jane, Hanaya? Wala kaming kaalam alam na ikaw na pala ang kasama namin. Paanong nangyare ang lahat?" Halos sunod sunod na tanong ni Sheena. Napayuko naman si Hanaya at nag umpisang maglahad. ****** Naglilibot si Hanaya dahil hinahanap nya ang kwintas na gawa pa sa dyamante at may dugo at luha ng kanyang Ina. Ipinamana iyon sa kanya ng kanyang Ina, ang kanyang ama na si Osdongan na ang nagbigay nun sa kanya dahil hindi na nya nakita ang kanyang ina hanggang sa siya ay magkaisip. Namatay ang kanyang Ina dahil sa panganganak sa kanya. Hindi man nya ito nakita ay labis labis ang pagmamahal nya dito at sa tuwing nalulungkot sya ay para bang nararamdaman nyang kasama nya ang kanyang Ina kahit wala na ito dahil sa pamana nito sa kanya. Hindi nya alam kung paano iyon nawala, hindi nya napansin pero natatandaan nya na malapit lang iyon sa isang malawak na parangan kung saan lage siyang nagpupunta sa tuwing siya ay malungkot. Labis labis ang kanyang pag aalala dahil naiwala nya ito kaya't kahit magagalit ang kanyang ama ay tumakas nanaman sya sa kanilang tahanan para hanapin ito, dahil mas lalo itong magagalit pag nalaman nitong nawala ang importanteng bagay na iyon. "Nasaan kanaaa ..." Patuloy ang kanyang paglalakad at pagtingin tingin sa daan. May kadiliman na kaya't nahihirapan syang hanapin iyon lalo na't may kataasan ang mga d**o. Kinakabahan na sya dahil baka hindi na nya ito matagpuan. Tumulo na nga ang luha sa kanyang mata at mabilis nyang pinahid yun dahil naiinis na din siya sa sarili. "H-Hindi ka pwedeng mawala .. Inaaa ..." Ungot nya pa at ayaw ng paawat ng kanyang mga luha. Nag ikot ikot pa sya at konti nalang ay mararating na nya ang parang ngunit natanaw nyang may kakaiba dito. May mga nakatayong parang mga bubungan at nagsisilbing bahay kaya't namangha sya at dali daling lumapit. "May mga dayo.." Sabi nya sa sarili at nilibot ang paligid. Nakita nya ang mga gamit nina Sheena at namangha sya sa nakita. Tumingin tingin sya sa paligid at nakiramdam kung may paparating ngunit wala naman. Dali dali nyang pinasok ang loob ng dalawang tent nina Sheena at ng sa lalaki. Pinagmamasdan at hinahaplos nya ang mga bagay na kanyang makita. Nakita nya ang isang Piattos na nakapatong sa isang Storage Box na pag aari ni Jane, hindi pa iyon bukas. Kinuha nya iyon at inalog alog. "Ano naman ang bagay na to?" Pinakinggan nya pa ang tumutunog sa loob kapag iwinawasiwas nya ito. Dahil sa kanyang kuryusidad ay kinagat ito ginawan ng butas. Nalanghap nya ang amoy nun at napapikit sya dahil sa mabangong aroma nun. Nasasabik syang sinilip ang loob nun at pinalaki pa ang pagkakabukas na ginawa nya. "Pagkain hehe, ganito pala ang pagkain ng mga tao sa labas." Pinagmasdan muna nya iyon at kumuha ng isa. Itinaas nya ito at sipat. Inamoy nya muli at napabahing sya dahil sa nasinghot nya ang mapipinong piraso na nakadikit dito. Napangiti sya at dali dali iyong sinubo. Natigilan sya at lalong lumawak ang kanyang ngiti dahil sa sarap nun. Noon lang sya nakatikim ng ganun, hindi kase ganoon ang kanilang pagkain. Yun na yata ang pinakamasarap na nakain nya sa buong buhay nyang ilang daan na ang itinatagal. Halos maubos nya yun ng makarinig sya ng nagsisigawan sa malayo. Nataranta sya at dali daling lumabas. Sinipat nya ang pinagmumulan nun at dahil sa pambihira niyang kakayahan ay kahit may kalayuan at natatahuban ng mga puno, malalagong dahon at mga matataas na d**o ay nakita nya ang mga dayo. Ang grupo nina Sheena at nakita nyang sinampal ng isang babae ang isang lalaking kasama nila. Nataranta sya ng tumakbo ito papunta sa direksyon nya, magtatago na sana sya ng makita nya ang isang babae na inaabangan ang pagdaan ni Jane. Para bang inaantay nito si Jane, masama ang kutob nya kaya't binitawan nya na ang kinakain at itinapon kung saan. Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan para maagaw ang pansin ng babae. Umihip siya sa hangin at lumakas iyon, papunta sa direksyon ng nakabestidang babae, nakatalikod ito sa kanya ngunit nakikita nya ang maputla nitong mga balat, ang madumi at duguan nitong bestida, hanggang bewang ang buhon ng babae. Lumingon ito sa kanya at kahit na siya'y kakaiba ring nilalang ay natakot sya sa itsura ng babae, Nangingitim ang oaligid ng mata nito at lumuluha ng dugo. Bakat na bakat ang mga ugat nito sa mukha. Para na iyong maagnas dahil sa pagkaube na may pagkaputla. Itim na itim ang mga labi nito at may tumutulong dugo mula sa bibig nito. Ngumit ito sa kanya ng nakakaloko bago muling hinarap ang babaeng parating. Lalo syang nahintakotan ng makitang naglabas ng punyal ang babae at isasaksak ni kay na tumatakbo, parang hindi na nito napapansin ang nasa unahan dahil sa pag iyak. Konting konti nalang at para bang bumagal ang oras, malapit na si Jane at nakaangat na ang kamay ng babae na hawak na punyal. Sasaksakin nito si Jane at hindi na sya nag aksaya ng oras. Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang makalapit ng mabilis at maagaw ang punyal. Sa isang pikit mata lamang ay nasa harapan na ng babaeng nakabestida si Hanaya at sinampal ito. Pinatigil nya ang oras ngunit saglit lamang ang epekto ng kapangyarihan nyang yun na tatagal lamang ng dalawang minuto. Sa lakas ng kanyang sampal ay tumilapon ang babae ngunit hindi pa din nito binibitawan ang punyal. "MAPANGAHASSSS!!!" Parang nanggagaling sa ilalim ang boses ng babae. naghanda si Hanaya sa muling pagsugod nito ng makita nyang may kakaibang nangyayare sa babae. Bumubulong ito sa sarili at pumipitik pitik ang ulo. Hindi nya masyadong maintindihan ngunit parang may nangyayareng kakaiba sa babae. "T-tama na .." Napakiling ang kanyang ulo ng marinig ang sinambit nito. Biglang nagbago ang boses nito at naging mahinahon. Nagmamakaawa pero sino ang kausap ng babae? Tatlo lang naman sila dun, may ilang hakbang pa ang layo ng ibang dayo at natatahuban pa ng mga halaman, imposible naman na ang babaeng kanyang inililigtas. "Manahimik ka! Hindi mo ko mapipigilan--" Biglang sabi nanaman ng babae ngunit nagbalik nanaman ito sa pagiging mabangis. Natigilan nanaman ito at kuling kiling. "P-Pakiusap---" Hindi na natuloy yun dahil bigla na lamang lumiyad ang babae kasabay ng malakas nitong sigaw. Umangat ito sa ere at nakita nyang nagbabalibalikad ang katawan nito. Kumapit ito sa puno at para itong gagamba na gumapang dun. Hindi na mahitsurahan ang babae dahil sa magulo nitonh buhok, naninigas ang mga binti at braso nito pero malambot naman ang katawan dahil pabalibaliktad yun na para bang sinasaniban. Napaiktad sya ng umikot ang ulo nito ng mabilis at tumigil sa pagkakatingin sa kanya. Hindi naman sya ganun katapang kaya't natigilan din sya sa takot. Bigla itong sumigaw ng nakakapangilabot at itinaas ang kamay na may hawak na punyal. Tumalon ito at lumipad papunta sa direksyon nila ngunit napansin nyang hindi para sa kanya ang saksak na igagawad nito kundi sa babae. agad nyamg isinalag ang sarili at tinulak ang babaeng dayo at nagpagulong gulong ito sa damohan. Sya naman ay halos mahimatau dahil sa labis na sakit. Nakita nya ng malapitan ang babae at ngumisi ito sa kanya. Lumabas ang halos mga ngipin nito na nagingitim na sa pagkatingkad ng pinaghalong dugo at itim na likido. Napahiga sya at nasa ibabaw nya ang babae ng muling pumitik pitik ang ulo nito at nagsisigaw. Dali dali itong umalis sa kanyang ibabaw, inilibot nya ang paningin ngunit hindi na nya makita ang babae pero naririnig nya ang sigaw nito. Umiiyak at natatakot, tapos ay biglang mapapalitan ng pagalit at mabangis na sigaw, naghalo halo yun at hindi na nya malaman kung saan yun nagmumula dahil parang kumakalat iyon sa kagubatan. Hinanap nya ang babae at pinilit makagapang papalapit dito. Gusto nya itong iligtas dahil nararamdaman nyang may kakaiba sa babae. Hindi ito nag iisa. May supling sa sinapupunan nito at kailangan nyang magmadali dahil nauubusan na sya ng oras. Nang makalapit sya dito at itinapat niya ang kanyang bibig sa bibig nito at nagkaroon ng munting liwanag sa pagitan nun. Ginagamot nya ang babae at ang sanggol, pansamantala lamang iyon ngumit malaki ang maitutulong sa kaunting sandali. Nanlaki ang kanyang mga mata na para pang hinihigop sya kasama ng gamot na isinasalin nya. Sinubukan nyang bumangon ngunit hindi sya makagalaw. Makikitang unti unting nagliliwanag ang dalawang babae, si Hanaya At Jane. Hinihigop nila ang enerhiya at kaluluwa ng isat isa. Walang magawa si Hanaya dahil nanghihina din sya dahil sa saksak. Lumipas pa ang ilang sandali pagmulat ni Hanaya ay nasa katawan na sya ni Jane, mabilis na nakita nya ang mga alala ni Jane mula ng ito ay isilang hangggang sa kasalukuyan. Napahigop sya ng hangin at Bigla syang nagkaroon ng lakas at napabangon. Dali dali nyang nilapitan ang kanyang katawan at sinusubukang bumalik pero ayaw gumana. Tarantang taranta na sya dahil ilang segundo nalang ay muli na nanamang iikot ang oras, isang beses nya lang yun kayang gawin kaya't wala ng panahon. Nanlaki na lamang ang mga mata nya ng dahan dahang nilalamon ng lupa ang kanyang katawan. Hinawakan at niyakap nya yun ng mahiglit ngumit hindi sapat lakas nya. Hanggang sa nagiging mabilis ang pagpailalim ng katawan nya sa lupa at wala na syang pagpipilian kundi bitawan ang kanyang katawan dahil pati siya at ang babaeng kanyang nalipatan ay mapapasama din. Halos maluha si Hanaya. Hindi na nya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Naguguluhan sya. Sakto namang tumigil na ang epekto ng kanyang kapangyarihan at andyan na ang mga dayo. Napatakbo sya sa loob ng tent at doon napasubsob sa kanyang braso. Naririnig nyang papalapit na ang mga dayo at tinatawag sya ni Steve. Naluha na lamang sya sa kaba at takot, lumaoit sa kanya ang lalaki. "Jane please .. Wag namang ganito." Pakiusap ni Steve pero natulak nya ito. Nabigla sya sa kanyang nagawa ngunit, napaiwas nalang sya ng tingin dito. Napahagulhol nalang sya dahil sa takot at taranta. Naisip nya ang huling eksena ni Jane sa mga kasama at naisip na magpanggap na lamang. "G-Get outtt!!" Nag aalangang na sigaw nya dito. Kakaiba ang mga salita na yun ngunit parang nagkaisa yata ang kanyang kaluluwa sa sistema ng babae. Napapayuko namang umalis si Steve at napasubsob nalang ulit sya sa braso. Saka nya napag isipan sa kaunting sandali na magpapanggap na lamang sya hanggang sa makahanap sya ng tyempo para mahanap ang kanyang ama at makabalik sa sariling katawan. ****** "Kakaiba talaga ang lugar na to. Nakakatakot. Parang .. Parang hindi ko kayang magtagal pa dito." Mahinang sabi ni Sheena matapos marinig ang pahayag ni Hanaya. Napayuko naman si Hanaya at hinaplos ang kanyang sinapupunan. "Hindi man sya sakin pero pakiramdam ko ay akin sya. Nararamdaman ko ang munti nyang pagpintig." Nakangiting sabi ni Hanaya at napatingin naman sa kanya si Sheena. Nadala sya sa ngiti nito dahil si Jane ang nakikita nya dito. Kung si Hanaya nga ay masaya, si Jane pa kaya. Nag umpisang mag kwentuham si Sheena at Hanaya. Nagkakasundo sila at kahit papaano ay naibsan ang kanilang mga isipin. Saglit pay napansin nila si Inang na nakatulala. Malungkot ang matanda. "Inang bakit po?" Tanong ni Sheena. Napangiti ng mapait ang matanda at nagpipigil ng pagluha. "A-ang babaeng tinutukoy nyo, yung nagpapakita sayo Sheena at kay Carla. At ang sayo naman Hanaya .." Hindi agad iyon madugsungan ng matanda, napalunok siya at napayuko. Dinukot sa bulsa ng kanyang palda ang isang larawan. "S-sa palagay ko ay sya ang aking apo. Sya si Sanya." Pagkatapos nun ay tuluyan ng naluha ang matanda. Nilapitan naman ito ni Sheena at niyakap. Naaawa sya kay Inang. Nasasaktan sya na makita itong umiiyak lalo na't may edad na ito. "Paano po kayo nakakasiguro Inang?" Tanong dito ni Sheena habang inaalalayan maupo ang matanda. "Malakas ang aking kutob Sheena. Hindi ako maaaring magkamali." Tingin sa kanya ng matanda. "Ano ang maaari kong maitulong Luding? Gusto kitang tulongan. Gusto kong makatulong." Tanong ni Hanaya habang sinserong nakatingin kay Inang Luding. Napangiti naman ang matanda. Bagamat bakas pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata at tuloy tuloy pa din ang ragasa ng mga luha sa kanyang kulubot ng pisnge. "H-Hanaya. Wala. Wala kang gagawin. Labis kang iniingatan ng iyong ama at ayaw ka nyang madamay sa gulong ito kaya nga't ayaw ka nyang payagang lumabas sa inyong paraiso hindi ba?" Napayuko si Hanaya at nalungkot. "Ganun na lamang ba? Mananatili akong nagkukubli lamang kahit alam kong may maitutulong na ako? Hindi na ako paslit Luding. Kaya ko ng lumaban. Uunahan ko na ang aking takot. Kakayanin ko." Matigas at may paninindigan na wika ni Hanaya. Sasagot na sana si Inang Luding ng makita nyang tumulo din ang luha ni Hanaya. Makikita ang lungkot at desperasyon dito. "At isa pa .. Sa kaunting oras na naramdaman ko ang t***k ng puso ng supling na ito sa sinapupunan ko, ay napamahal na sya sa akin.. ganito pala ang pakiramdam ng isang magiging ina na.. siguro ay ganito din ang nararamdaman ni ina noon sakin ng akoy nasa sinapupunan pa nya. Sayang nga lang at .. hindi kami nagkasama. Gusto ko syang iligtas at ilabas sa lugar na to. Kaya Luding, pakiusap." Nakikiusap si Hanaya at pinilit pa nitong makabangon. Tutulongan na sana to ni Sheena pero nakatayo na ito. Nanghihina itong nakatingin sa kanila. Pinagmasdan ito ni Inang at napaisip. Napayuko siya at napabuntong hininga. Tumingin itong muli kay Hanaya at dahan dahang tumango. Napangiti si Hanaya at napahawak sa kanyang sinapupunan. Si Sheena man ay napangiti din dahil, hindi man si Jane ang kanyang kasama nya ay alam nyang mabuti ito at hindi pababayaan ang supling sa sinapupunan nito. "Ngunit papayagan lamang kitang makatulong pagkatapos ninyong makapagpalit ng katawan. Kailangan ay nasa sarili mong katawan ka Hanaya. Para na rin sa kaligtasan ng sanggol." Tumango naman ng marahan si Hanaya at muling umupo. Natahimik sila at nag iisip. Pumasok sa kanilang Isipan ang mga nangyayare, ang mga mangyayare at sina Sonya. ******** To be continued ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD