Kabanata 13 Best “Ms. Laforteza, this is a great opportunity for you. We’ve seen your performance for the last three years and my co-teachers are agree with me, too. I hope you will think properly about this, it’s the best for you.” Titig na titig ako habang kaharap si Mr. Congo, ang head unit ng Accountancy department. Pinatawag niya ulit ako para linawin ang tungkol sa ino-offer ng department namin sa akin. Last week, I was occupied because of this offer. Punong-puno ng mga malalalim na sitwasyon ang utak ko. Naguguluhan kung bakit ako binibigyan ng ganitong offer ng school. Hindi ko alam kung sino ang nag-sponsor nito para ibigay sa akin pero hanggang ngayon ay gulong-gulo ang utak ko. Hindi ako pinatulog ng ilang gabi nito, palaging pumapasok sa isip ko ang pwedeng mangyari kapag t

