Kabanata 12 Balang araw Gaya ng sabi ko, pinahirapan ko talaga siya. As in hirap na hirap talaga. Well, para sa akin naghihirap na siya dahil hindi ko lang naman pinapansin ng isang buwan. Oo, isang buwan ko na siyang nilalamigan. Minsan, alam kong nagagalit na siya. Minsan naman pilit niyang kino-kontrol ang inis, galit at pagtitimpi sa akin. Minsan, iniiwan ko siya sa school at tumatakas ako para makauwi ng hindi siya kasabay. Lahat ginagawa ko para magalit ko siya ng husto. At dahil sa mga pinaggagawa ko, nahulog siya sa ibang mga quizzes nila. Nakonsensya pa nga ako dahil sa akin kung bakit siya bumagsak. Pero kahit ganoon pa man, tinitibayan ko parin ang sarili para hindi lumambot sa kanya. I ignore every time he sighed problematically in front of me. I ignore every time he burst o

