Kabanata 15 Nawala Masayang masaya ako habang nakatitig sa stage dahil kinukuha ni Karlmart ang c*m laude niyang award para sa graduation namin. Hindi matumbasan ang kasiyahan ko ngayon habang nakikita sa kanya ang tunay na saya. Namuo ang luha sa mata ko habang pinagmamasdan siyang kinukuha ang sariling tagumpay. Nagtaka ako kung bakit hindi umakyat sa stage ang mag-asawang Lagunzad, napasinghap naman ako ng tumingin sa akin si Karlmart. Lumapit siya sa podium at nagsalita. “May I invite my girlfriend here.” he said softly. Napanganga ako ng sabihin niya iyon. What? Ako, pinapaakyat niya sa stage? Bakit? Nailang ako ng tumingin sa akin ang mga kapwa graduate ko. Huminga ako ng malalim at tumayo nalang para puntahan siya. My tears flowing as I heading to the stage, nagkatitigan kami a

