Kabanata 16 Pinanood "Clean my house." Napapikit ako habang pinapahid ang pawis sa noo. Kakatapos ko palang sa paglalaba ng mga suits niya maging ang mga pambahay niyang ginagamit na damit. Huminga ako ng malalim at tinago ang pagod sa sarili. Alas-tres akong nagising dahil gusto niyang labhan ko ang mga damit niya. Hindi nalang ako umangal dahil ito naman ang pinasok ko e. Kahapon, sinabi niya sa akin na hindi lang ako magiging secretary kung 'di isang kasambahay din. Whole package ang gagawin ko dahil iyon ang nakasaad sa pinapirma niya sa akin kahapon din. Gusto kong umurong kasi over the belt naman iyon pero wala akong nagawa dahil pinasok ko na din naman e. I tried to calm myself as he treat coldly. Gusto kong umalma kung bakit may pinirmahan pa ako, hindi naman kailangan iyon d

