Nang gabi ring iyon, ibinigay kay Kate ang kailangan niyang laptop para maisalin ang kanyang nobela. Inuna na niyang gawin ang unang istorya na binasa at nagustuhan ng chief editor na kausap niya. Ginagawa niya ang pagsasalin ng manuscript tuwing gabi pagkatapos ng kanyang trabaho sa kompanya. Kahit na mahirap para sa kanya ang hatiin ang oras sa pagsusulat ay ginawa pa rin niya. Labing dalawang oras sa kompanya at tatlo hanggang apat na oras naman sa pagsusulat. Hindi naman mahirap iyon dahil isasalin na lamang niya. Dangan nga lang at may ilan siyang napansin na maling salita o kailangan niyang palitan sa istorya habang sinusulat ito. Halos apat na oras na lang din ang itinutulog niya araw-araw. “Anak, ayos ka lang ba? Hindi ka ba napapagod?” tanong ng kanyang ina habang pinagmamasdan

