Hindi maipaliwanag na saya ang nadarama niya ng mga oras na ito. Para siyang nakalutang sa alapaap. Hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata dahil tuwing gagawin niya iyon, mukha ni Robb ang pumapasok sa isip niya. Bumabalik sa isip niya ang muli nilang pagkikita. Gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi na para bang hindi iyon mapapalis ng kahit anong isipin. Para siyang nagbalik sa panahong una niya itong naging crush noong high school pa sila. Bumangon siya at kinuha ang kanyang diary. Oo, may diary pa rin siya. Ngunit hindi na niya iyon madalas nasusulatan. Parang tulad din ng sa nobela, nawalan na siya ng ganang sulatan iyon mula nang maging abala sa trabaho. At isa pa, wala namang laman ang diary na iyon kundi ang tungkol sa masasaya at malulungkot na alaala nila ni Robb noong hig

