“Robb, ikaw nga ba iyan?” tanong ng kanyang ina sa binata. Titig na titig ito rito at halatang hindi makapaniwala. Hinaplos pa nito ang mukha ng binata na nakangiti lang sa kanyang ina. “Ako nga po ito, Inay,” tugon ni Robb. Kahit matagal nang panahon, parang sanay na sanay pa rin itong tawagin ang kanyang ina na Inay. “Ang laki ng pinagbago mo, hijo. Mas gumwapo ka ngayon,” papuri pa ng kanyang ina. Tumawa naman si Robb at kumamot sa batok. “Hindi naman po gaano,” sabi pa nito. “Saan pala kayo nagkita nitong anak ko?” tanong pa ng kanyang ina. “Diyan po kami nagkita sa grocery store. May bibilhin lang din po sana ako kaya lang nakita ko si Kate na namimili kaya lumapit ako. Ang totoo, hindi ko po agad siya nakilala. Mas gumanda rin po siya ngayon.” Tumingin pa ito sa kanya at ngumit

