Betty Pagdating sa hotel, tama nga si Jinie na marami na ang bisita na nagsisidatingan at tiyak kong marami na rin sa loob. Bumaba na kami ni Hunter sa sasakyan at umikot sa kabilang pintuan kung saan ang daan papunta sa kuwarto na hinanda para sa akin. Naroroon na sila Ate Freeda para iretouch ang make up ko. Pagkabukas ng pintuan bumungad sa akin si Ate Freeda na inaayos ang kaniyang mga gamit. Napalingon ito sa akin. "Andyan ka na pala beh. Umupo ka na dito para maretouch na natin ang make up mo."anya nito. Lumingon ako kay Hunter at tinitigan ito. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. "Sa baba lang ako. Tawagan mo ko kapag okay na hmmm?."paalam nito. Tumango ako. Sinara ko na ang pintuan pagkaalis nito at lumapit na kay Ate Freeda. Nagtatakang ginala ko ang tingin ng

