Betty Nagsimula na ang program habang nakaupo ako sa upuang hinanda nila para sa akin. Kasalukuyan ng pinagsasalita ang 18 candles. Unang tinawag ay si Jinie. Nagkanda iyak at tawa ang mga manonood sa mga sinabi nito. Ginawa na niya kasing mmk ang kaniyang sinabi sa sobrang haba nito. Sunod ay si Ate Lily na nagbigay ng isang sweet and thoughtful na message. Na sinundan ni Ate Lay at Ate Freeda. Mayroon ding ilan sa mga kaklase ko na babae ang nagsalita sa harap. Ang ilan ay hindi ko gaanong kaclose. Nasa labing pito na ang candles at tinawag ng emcee si Lola. Napangiti ako dito ng inabot nito ang mike at tumingin sa mga tao. "Nagtataka siguro kayo bakit mayroong matanda na kasali sa candles." "Bakit may batas ba na ginawa na bawal kaming matatanda."saad nito na umani ng tawa sa mga

