Chapter 32

1189 Words
Betty   Kinabukasan. Pagdating pa lamang sa eskuwelahan ramdam ko na ang pagtitig ng mga estudyante sa akin. Sa mga pagsulyap nila maging sa pagbubulungan, ramdam ko na ako ang kanilang pinag-uusapan. Mas pinili kong huwag na lamang silang pansinin. Pagdating sa aming silid-aralan si Hunter pa lamang ang aking nadatnan. Dahil sa naging pag-uusap namin kagabi, napagdesisyunan ko ng iwasan siya kung kaya tahimik akong naglakad papunta sa aking upuan ng walang kasulya-sulyap sa kaniya. Pagka-upo sa aking upuan, katahimikan ang bumalot sa silid-aralan. Maya-maya pa unti-unti ng nagsisipasukan ang aming mga classmate, hanggang sa makita ko si Jinie kasama sila Cole. “Good morning Betty.” Masayang pagbati nito habang inaayos ang kaniyang mga gamit bago umupo. “Good morning din.” Pagbati ko. At ng tingnan ko ang gawi nila Cole, tinangunan nila ako bilang pagbati.   Sa aming buong klase, hindi ko binigyan ng tingin si Hunter kahit ramdam ko ang maiinit niyang titig sa aking likuran. Mas nagpokus ako sa pakikinig sa lecture ng aming guro. “Oo nga pala class, kamusta na ang research niyo?” pagbasag ni sir sa katahimikan. “I want to remind all of you that your partner’s participation is a must.” Seryosong dagdag nito. Dahil sa narinig, nagaalala ako ngayon kung paano ang gagawin sa research project gayong ang kapartner ko ay si Hunter. Hindi ko alam kung paano siya iaapproach, ngunit importante para sa akin ang aking grado. Nagtatalo ngayon ang aking isipan kung kakausapin ko ba siya.   Nang dumating ang lunch break napagdesisyonan kong kausapin siya about sa aming research. Kinakabahang huminga ako ng malalim. Paglingon ko kay Hunter nakita ko na itong palabas ng aming silid, kung kaya agad akong tumayo upang habulin ito. “Hun-.” “Babe.” Naputol ang aking pagtawag sa kaniya pagkakitang hinihintay siya ni Camille sa labas ng aming silid. Ang kaninang lakas ng loob kong kausapin siya ay naglahong bigla pati ang pigura nilang dalawa. “May mamaya pa naman.” Pagpapalakas ko sa aking loob.   Pagkayari ng lunchbreak, nawalan na ako ng chance na kausapin si Hunter dahil dire-diretso ang aming klase kaya napagdesisyonan ko na sa uwian ko siya kakausapin. “Betty, masusundo ka ba ngayon?” “Umuulan sa labas.” Pagtawag ng pansin ni Jinie sa akin. Pagkakita sa bintana na malakas ang buhos ng ulan, agad-agad akong nagtext kay Manong Bert kung masusundo niya ako. Wala pang ilang segundo, nagreply na agad ito na papunta na siya sa school. “Oo, sabi ni Manong papunta na daw siya.” Anya ko kay Jinie. “Oh paano mauna na ako, andyan na sa baba yung sundo ko.” “’Text mo ko kung nakauwi ka na.” Wika nito habang inaayos ang kaniyang mga gamit. “Geh, ingat ka.” Maikling saad ko. Isa-isa ng nagsisialisan ang aking mga classmate. Maging sila Cole ay wala din dahil may practice sila ng basketball while Hunter is also nowhere to be found. Pero ang kaniyang bag ay nasa kaniyang upuan pa kaya naisip kong hintayin siya upang kausapin. Pagkaraan ng ilang minuto hindi pa din ito dumadating hanggang sa nagtext na si Manong Bert na nasa gate na siya ng school. Naghintay pa ako ng 5 minuto bago napagdesisyonang umalis. Habang naglalakad sa corridor ng aming paaralan, nakikita ko ang mga estudyanteng kanya-kanyang kuha ng mga payong habang ang iba ay nakikisilong sa mga kaibigan. Naisipan kong itext si Manong na ipasok sa loob ng campus ang kotse dahil nakalimutan ko ang payong ko na dalhin. Ang sabi naman kasi sa weather forecast, magiging maaraw daw ngayon ngunit umulan naman. Habang naghihintay naisipan kong umupo muna sa isa sa mga bleacher sa waiting area para doon hintayin ang aking sundo dahil medyo malayo din ang gate dito sa loob ng campus dahil sa lawak ng paaralan. Ilang segundo pa lamang akong nakaupo ng bigla kong maramdaman na may umupo sa aking tabi. Pag-angat ko ng tingin, nagulat ako ng makita si Camille sa aking tabi. “Hi, your Betty right?” tanong nito matapos kilatisin ang aking mukha. Dahil sa pagkagulat tanging pagtango lamang ang aking naisagot. “Camillle by the way, hindi ako nakapagpakilala noong unang kita natin.” Nakangiting wika nito habang nakalahad ang kanang kamay sa akin. “Betty.” Maikling anya ko habang tinanggap ang kamay nito. “Naghihintay ka din ba ng sundo mo?” pagbasag nito sa katahimikan habang nakatingin sa mga estudyanteng paalis ng campus. “Oo.” Maikling sagot ko habang nakatanaw din sa kaniyang tinitingnan. Maya-maya pa may biglang humintong kotse sa aming dalawa. Nang titigan ko itong mabuti, nakilala kong kotse ito ni Hunter. Maya-maya pa bumababa na si Hunter na dala ang kaniyang payong papunta sa gawi namin. Hindi pa niya ako nakikita dahil busy siya sa kakatingin sa kaniyang cellphone. Ngunit ng mag-angat siya ng tingin at magtagpo ang aming mga mata, tila nagulat ito kung kaya bigla itong napahinto. Nakapokus lamang ang kaniyang mga mata sa akin, nawala lang ang kaniyang tingin ng tawagi siya ni Camille. “Babe.” Masayang wika nito bago tumayo at sinalubong si Hunter upang halikan sa pisngi. Matapos makita ang eksena na iyon mas pinili kong ibaling sa iba ang aking pansin dahil nararamdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib. Paulit-ulit kong pinapaalala sa aking sarili na wala akong karapatang magselos dahil walang kami ni Hunter. At yaon ang masakit, umasang mayroong kayo nun pala may ibang nauna kaysa sayo. “Cassandra.” Nawala lamang ako sa malalim na pag-iisip pagkarinig ng malalim na boses na yaon. “Susunduin ka ba ni Manong.” Malalim na wika nito habang ang maiinit na mata ay nakatuon sa akin tila may ibang ipinapahiwatig. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Manong. “Ma’am tara na po.” Magalang na wika nito habang hinihintay akong sumilong sa payong papunta sa sasakyan. “Mauna na ako sa inyo, ito na yung sundo ko.” Saad ko habang ang paningin ay nakatuon kay Camille. Hindi ko kayang tingnan si Hunter sa mga mata dahil baka malaman niya ang aking nadarama. Ayokong magmukhang kaawa-awa dahil sawa na akong kaawaan. “Mag-iingat ka Betty and nice to meet you.” Nakangiting anya ni Camille habang ang mga kamay ay nakalingkis sa braso ni Hunter. Magalang ko silang tinanguan, bago umalis ng hindi tinitingnan si Hunter. Pagkapasok sa sasakyan, tiyaka ko lamang binitawan ang pinipigilan kong paghinga. Hindi ko namalayan na habang mainit ang tingin sa akin ni Hunter pinipigilan ko na pala ang aking paghinga. “May problema po ba ma’am?” saad ni Manong pagkapansin sa ginawa kong pagbuntong hininga. “Wala po, tara na po.” Pilit na ngiting saad ko. Habang mabagal na tumatakbo ang sasakyan hindi sinasadyang napabaling ang aking tingin kila Hunter. At nakita ko kung paano nito alalayan si Camille sa pagpasok sa kaniyang kotse. Dahil sa nakita mas pinili kong ibaling sa iba ang aking paningin upang mawala itong aking nararamdaman.   Hindi ko na napansin na malungkot na nakatingin sa aking sinasakyan si Hunter.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD