Chapter 33

1442 Words
Betty   Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si Lolo at Papa sa sala na tila may seryosong pinaguusapan. Mahina lamang ang mga boses nila, tila ayaw na may makarinig sa kanilang pinag-uusapan. “Pa, Lo.” Pagtawag ko sa kanilang atensiyon pagkalapit upang bumeso. Agad umayos ng upo si Papa at binigyan ako ng ngiti na tila hindi ito seryosong nakikipag-usap kanina kay Lolo. “Kamusta ang araw mo hija.” Pagbasag ng katahimikan ni Lolo. “Okay lang po Lo, medyo pagod lang po pero kaya naman.” Magalang kong saad bago umupo sa tabi ni Lolo. “Anak, malapit na nga pala ang birthday mo.” Biglang saad ni Papa. “Oo nga hija, anong gusto mo sa birthday mo?” wika ni Lolo habang ang mga malalamlam na mga mata ay nakatuon sa akin. “Gusto ko po sana yung dinner lang kasama po kayo ni Papa.” Saad ko habang tinitingnan silang dalawa. “Pero hija, maganda sana kung maipakilala ka na namin ng Papa mo bilang apo ko.” “Ilang buwan na rin ang lumipas hija.” Dagdag pa nito. Ilang buwan na ang lumipas ng malaman ko ang aking tunay na pagkatao, ngunit parang kay bilis lamang nito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa karangyaan, maging sa apelyido na aking dala-dala.   Nagdadalawang isip ako sa pagsang-ayon kay Lolo dahil makikilala na ako hindi bilang ordinaryong si Betty kundi ang nag-iisang apo ni Mr. Alfonso Sandoval Choi, isa sa pinakamayamang negosyante sa buong mundo. Higit sa lahat malalaman na sa buong school ang totoo kong identity, at iyon ang ayoko. Ayoko na itrato nila akong espesyal dahil lamang isa akong Choi. “Lo, maaari po bang pag-isipan ko po ito?” nahihiyang anya ko. “Pero-“ naudlot ang dapat sanang sasabihin ni Papa ng tinanguan siya ni Lolo. “Sige apo.” Pagsang-ayon nito “Alam ko na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nakakapag-adjust, ngunit sabik lamang kami ng ama mo na ipakilala ka na hija, kaya sana huwag sasama ang iyong loob sa amin ng Papa mo.” Pagpapaliwanag nito. “Opo naman po Lo, Pa.” Nakangiting saad ko “Dahil masayang-masaya po ako na nakilala ko kayo ni Papa.” Dagdag ko habang yakap-yakap ko sila ni Papa. Matapos ng pag-uusap namin ni Lolo at Papa about sa birthday ko, napagdesiyonan ko na silang iwan upang magpalit ng damit at gawin ang aking mga takdang-aralin. Pagkatapos maglinis ng katawan sinimulan ko ng gawin ang aking mga takdang-aralin. Napahinto lamang ako sa pagsasagot ng marinig na may tumatawag sa aking cellphone.   Jinie calling... Hello? Bakit Jinie? Anya ko “Betty, may gagawin ka ba this coming saturday?” magiliw na anya nito habang naririnig kong tila nasa labas ito dahil sa mga ugong ng dumadaang sasakyan. “Wala naman, bakit?” “Arat sa beach house nila Cole.” Masayang saad nito “Bakit may ano?” kuryoso kong tanong. “Ala naman.” “Bonding na din tayo, dahil malapit na ang exam week hindi na tayo makakapagchill-chill.” Dagdag pa nito. “Ano sama ka?” tanong nito. “Sige.” Pagsang-ayon ko. Gusto ko ring marelax naman kahit papaano dahil this past few days puro si Hunter at Camille ang nasa aking isipan, idagdag pa ang napag-usapan namin nila Papa. “Sama daw si Betty guys!” malakas na hiyaw nito tila hinihitay lamang ang aking pagsang-ayon. “Ayos pala eh.” Paos na boses ng isang lalaki. Nagtaka ako bigla sa aking narinig. “May kasama ka ba Jinie?” kuryosong tanong ko. “Oo, kasama ko sila Hunter and  the gang.” Pagbibiro nito habang tumatawa. “Hoy the gang ka dyan, ayusin mo naman gawin mo namang Hunter and friends.” Pagbibiro ding anya ni Elliot matapos kong marinig ang boses nito sa background.   Pagkarinig sa asaran sa kabilang linya, bigla-bigla ko na lang silang namiss. Hindi na kami masyadong nagkakasama dahil busy din sa kaniya-kaniyang ginagawa, samantalang si Jinie kahit madalas ko kasama madalas din siyang nakatutok sa kaniyang cellphone tila palaging may hinihintay na tawag o text. Nawala ako sa malalim na pag-iisip ng basagin ito ni Jinie. “Miss ka na din daw ng isa dito.” Pagbuburyo nito at narinig ko din ang pagsipol sa kabilang linya na tila ba may inaasar sila. “Oh sige na Betty babe sunduin ka na lang namin at kanina pa may masamang nakatingin sa akin eh. hahaha” Wika nito habang hindi pa rin mapigilan ang pagtawa sa kabilang linya. “Sige.” Maikling sagot ko bago ibinaba ang tawag.   Kinabukasan. “Good morning Lo and Papa.” Masayang bati ko pagkakita ko sa kanila sa dining table. “Mukhang good mood ang munting prinsesa namin hah.” Nakangiting wika ni Papa pagkatapos sumimsim sa kaniyang mainit na kape. “Pa, Lo.” Pagtawag pansin ko sa kanila pagkaupo upang sumabay magbreakfast. Saglit na ibinaba ni Lolo ang diyaryong kanyang binabasa habang si Papa ay nakatingin na din sa akin, iniintay ang aking sasabihin. “Pwede po ba akong sumama sa beach house po nila Cole this Saturday po?” kinakabahang anya ko habang papalit-palit ang tingin sa kanila. “Oo naman hija, at nasabi na din sa akin ni Jinie ang tungkol diyan.” “Hindi ka naman namin pipigilan ng Papa mo, para naman makapagrelax ka kasama ang iyong mga kaibigan.” Wika ni Lolo. Nakita ko rin ang tahimik na pagtango ni Papa bilang pagsang-ayon. Dahil sa pagsang-ayon nilang dalawa hindi ko napigilang mapangiti at magpasalamat. “Thank you Pa at Lolo.”   Pagkatapos ng agahan, napagdesisyonan ko ng gumayak para sa aking pagpasok. Pagkababa ko galing sa kotse, nagpaalam na ako kay Manong at sinabing malalate ako ng konti kung kaya itetext ko na lamang siya pag ako’y susunduin. Habang naglalakad papasok sa campus, nagtataka ako sa mga estudyante dahil kaniya-kaniya sila ng kumpulan na tila may pinag-uusapan. Pagkalapit sa isang grupo ng mga babaeng aking madadaanan, saktong narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. “Oo, nakita ko si Camille na sumabay kay Hunter pauwi.” Saad ng isang babae. “Diba sa canteen nga lang ang sweet nila sa isa’t isa kaya hindi na nakapagtataka.” Saad ng isa. “Hindi na nakapagtataka na may relasyon na silang dalawa, bagay naman sila sa isa’t isa.” Anya ng isa ring babae na namukhaan kong isa sa classmate ko. Sumang-ayon din ang iba sa kaniyang sinabi. Pagkarinig sa kanilang pinag-uusapan, mas pinili kong huwag ientertain ang aking narinig dahil alam kong masasaktan na naman ako. Pagkapasok sa silid-aralan, unang nakita ko ay si Jinie na kausap si Cole, dahil nakaupo si Cole sa aking upuan. “Uy, Betty babe good morning.” Pagbati ni Jinie pagkatapos kong madaan sa kanilang gilid. “Good morning din.” Pagbati ko pabalik “Sayo din Cole.” “Sama ka Betty hah.” Anya ni Cole pagkatayo upang bumalik sa kaniyang upuan. “Oo, pinayagan na din ako nila Papa.” Pagkaalis ni Cole, napagpasyahan ko ng umupo dahil dumating na ang aming propesor. Naalis lamang ang aking atensiyon sa pakikinig sa aming guro ng maramdaman kong tila kinakalabit ako ni Jinie. Pasimple ko siyang sinulyapan habang nagsusulat ang aming guro sa blackboard, terror pa naman ito. “Bakit?” mahinang tanong ko. “Nakausap mo na ba si Hunter?” tahimik ding anya nito sabay nguso sa aking likuran. Pagkatingin ko sa kaniyang nginungusuan, nakita ko si Hunter na nakatingin lamang sa bintana na tila malalim ang iniisip. “Hah?” naguguluhang saad ko. Pagtingin ko sa harap yari ng magsulat ang aming guro kaya naisipan ko ng huwag tingnan si Jinie. Maya-maya may pasimple na itong inaabot sa akin. Pagkakitang hindi nakatingin ang aming guro, bilis-bilis ko itong kinuha. Ang lola niyo hindi talaga tumigil hanggang hindi sinasabi ang gustong sabihin. Pagkabuklat ko dito, nakita ko ang nakacapslock na “ABOUT SA RESEARCH PROJECT NIYONG DALAWA, AYAN CAPSLOCK PARA DAMANG-DAMA KAHIT HINDI KA DAMA. BOOM.” Matapos ko itong basahin, isa lang ang masasabi ko. Agad kong hinarap si Jinie at binulong sa kaniya ang mga katagang “BERAT.” Pagkarinig sa aking sinabi, aba humirit din ang Lola niyo. “IKAW.” Mahina ding bulong nito. Sa narinig ko agad ko din siyang sinulatan. “WALANG FOREVER, MAGBEBREAK DIN KAYO, OH AYAN CAPSLOCK DIN PARA TAGOS SA PUSO MO KAHIT WALAKA NAMANG SU**.” Pagkaabot sa kaniya ng aking sinulat, agad niya itong tinanggap. Ngunit matapos niya itong basahin, at ng aking makita ang pulang-pula niyang mukha. Pigil na pigil ang aking pagtawa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD