Chapter 34

1168 Words
Betty   Pagkatunog ng bell hudyat na yari na ang umagang klase, agad-agad akong pinalo-palo ni Jinie sa braso. Samantalang ako naman ang kanina ko pang pinipigilan na tawa ay agad kong pinakawalan. Naudlot lamang ang aming pagaasaran ng may tumikhim sa aking gilid. Presensiya pa lamang kilala ko na, maging ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango. “Cassandra can we talk?” paos na wika nito habang ang mga mata ay taimtim na nakatingin sa akin. Maging si Jinie ay napatigil din sa kaniyang pangaasar. Sinenyasan ako nito sa kaniyang pagtango na tila sinasabing kausapin ko si Hunter. At itinuro nito ang papel na kanina niyang sinulatan. Oo nga, kahit anong iwas ko kailangan talaga naming dalawa na mag-usap. Tinanguan ko si Hunter bilang pagsang-ayon. Nauna siya sa aking naglakad palabas ng silid-aralan at tahimik ko lamang siya na sinusundan. Pagkahinto sa isang classroom, agad pumasok sa loob si Hunter.  Isa itong abandonadong silid-aralan at walang gaanong tumatambay na estudyante sa lugar na ito. Maingat akong pumasok sa loob at nakita ko si Hunter sa gawing bintana habang nakatingin sa akin na tila hinihitay ako sa paglapit sa kaniya. Dahan-dahan akong pumasok at napagpasyahang huwag gaanong lumapit sa kinaroroonan ni Hunter. Presensiya pa lamang niya ay nagbibigay na sa akin ng kaba kaya napagdesiyonan kong huwag ng lumapit. Pagkakitang huminto ako sa paglakad, napansin ko kung paano kumuyom ang kaniyang mga kamay na tila pinapakalma niya ang kaniyang sarili. “Ah Hunter, ano yung sasabihin mo?” hindi makatinging wika ko. “Alam ko na nasaktan kita Cassy at patawad.” May malamlam na mga matang saad nito “Ramdam ko din na iniiwasan mo ko at alam kong kasalanan ko pero sana naman pagkatiwalaan mo ko. Lahat ng ito ginagawa ko dahil may dahilan ako, gi-.” Dagdag nito na tila nahihirapan sa bawat letrang lumalabas  sa kaniyang bibig. “Nagtiwala ako sayo Hunter.” Pagputol ko dito. “Buo ang pagtitiwala ko sayo, ikaw ang hindi nagtiwala. Dahil kung pinagkatiwalaan mo din ako sasabihin mo sa akin ang dahilan mo.” Nanunumbat na anya ko habang nakakuyom ang mga kamay. Nararamdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib. Tanging siya lamang ang nakagagawa nito sa akin. “Para sayo kaya ko to ginagawa.” Nahihirapan nitong anya habang ang mga mata ay tila ba maraming gustong sabihin sa akin. “Para sa akin, nagpapatawa ka ba?” natatawang wika ko habang nararamdaman ko na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa pagpatak. “Dahil kung para sa akin yan ba’t ang sakit naman.” Dagdag ko at naramdaman ko ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Dahil sa nakitang reaksiyon ko, iniiwas nito ang kaniyang paningin at nagngalit ang kanyang ngipin na tila ba pinipigilan ang emosyong gustong sumabog sa loob niya. “Nasasaktan ako Hunter at umabot pa sa point na sa  sobrang sakit hiniling ko na sana ako na lang si Camille. Ganun kasakit na gusto kong maging siya at kalimutan ang Betty na ito. Betty na mahina, Betty na kaawa-awa at ang Betty na parati na lang nasasaktan.” Umiiyak na saad ko. “Tingan mo ako Hunter, please.” Pagkarinig sa aking sinabi naluluhang itinuon niya ang kaniyang paningin sa akin. “Nakakalimutan ko na ang sarili ko sa sobrang pagmamahal ko sayo eh, healthy pa ba ito?” hindi maampat ang pagpatak ng luha sa aking mga mata habang sinasabi ko ito sa kaniya. “Ituon mo na lamang ang atensiyon mo kay Camille, kahit masakit.” Seryosong anya ko habang pinupunasan ang mga luha sa aking mg mata. “About sa research project natin, itetext na lang kita kung may kailangan pag-usapan.” Dagdag ko habang nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. “May sasabihin ka pa ba?” paos na wika ko mula sa pag-iyak “Dahil kung wala na, mauna na ako sayo.”   Walang lingon-likod na pinagpatuloy ko ang paglabas sa silid. At sa pagtapak pa lamang ng aking mga paa sa corridor, naguunahan na ang aking mga luha. Hindi maawat ang kanilang pagbagsak at sobra ang paninikip ng aking dibdib dahil sa sakit na nararamdan. Dinala ako ng aking mga paa sa cr at doon sa cubicle, iniiyak ko ang lahat ng sakit. Pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak, napagpasyahan kong lumiban sa klase upang hindi mapansin ang pamumugto ng aking mga mata dahil sa pag-iyak. Nagtext lamang ako kay Jinie na hindi na ako makakapasok at uuwi na dahil masama ang aking pakiramdam upang hindi na siya gaanong magalala.   Pagkauwi sa mansiyon, naisipan ko na lamang na magkulong sa kuwarto ng hindi madatnan si Papa at Lolo sa bahay. Ayoko din silang pagaalalahanin kapag nakita ang pamumugto ng aking mga mata. Pagkatapos magbihis, napagpasyahan kong umidlip muna dahil medyo maaga pa naman at wala naman akong gagawin na importante. Kahit papaano gusto kong ipahinga ang aking isip at puso.   Alam ko na hindi ko maiiiwasan na makasama si Hunter dahil ang circle of friends namin ay iisa lamang ngunit kahit papaano gusto kong dumistansiya upang protektahan ang aking puso. “Totoo nga na pagdating sa pag-ibig hindi natin matuturuan ang ating puso kung sino ang mamahalin.” Turan ko sa aking sarili matapos mamigat ang talukap ng aking mga mata.   Naalimpungatan lamang ako ng makarinig na tila may kumakatok sa aking kuwarto. “Ma’am Betty?” pagtawag ni Ate Maya ng makilala ko ang boses nito. “Bakit po?” pupungas-pungas na saad ko. “Ipinapatawag na po kayo nila senyor para sa hapunan.” Magalang na anya nito. “Sige po, pakisabi susunod na po.” Magalang ding wika ko.   Pagkaalis ni Ate Maya, naisipan kong tingnan ang aking sarili sa salamin kung halata pa ba ang pamamaga ng aking mata dahil sa pag-iyak. Nang makitang hindi ito gaano halata, napagpasyahan ko ng bumaba. “Lo, where’s Papa?” nagtatakang tanong ko pagkakita kong nag-iisa lamang itong nakaupo sa kabisera. “Naku ang Papa mo sinipag na naman magtrabaho.” natatawang anya nito. “Wala naman po bang poblema sa trabaho si Papa?” nagaalalang wika ko. “Huwag naman po sanang abusuhin ni Papa ang kaniyang katawan.” Dagdag ko pa ng hindi maiwasan ang pagaalala sa kalusugan ni Papa. “Don’t worry too much hija, trust your father.” Pagpapakalma sa akin ni Lolo. “Let’s eat.” Dagdag nito Habang kumakain, hindi ko ipinahalata kay Lolo ang kalungkutang aking nararamdaman. Ayokong maging selfish at ayokong dagdagan pa ang kanilang alalahanin ni Papa. “About your outing with your friends?” pagbasag nito sa katahimikan. “Bakit po Lo?” tanong ko habang tahimik na nginunguya ang pagkain. “Kasama niyo ba si Collin?” seryosong anya nito habang nakatuon sa akin ang paningin. “Hindi ko lang po alam Lo, tanong ko po mamaya kay Jinie.” Nagtatakang saad ko. Pagkasagot ko sa kaniyang tanong hindi na muling nagsalita si Lolo hanggang sa pagkayari ng aming hapunan.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD