Chapter 35

1390 Words
Betty   Pagkayari ng pag-uusap namin ni Lolo, napagdesisyonan kong tawagan si Jinie para kausapin sa outing bukas at tanungin na rin kung kasama si Collin. Matapos ang ilang ring sinagot na din nito ang tawag. “Bakit Betty?” tanong nito sa kabilang linya. “Itatanong ko lang kung anong oras tayo aalis bukas?” saad ko habang naglalakad papasok sa aking kuwarto. “Mga 6 am dahil malayo-layo din ang biyahe, para masulit naman natin.” Sagot nito. “Magdala ka na din ng pamalit mo at swimsuit dahil 2 days and 1 night tayo doon.” Excited na anya nito. “Nga pala pinatatanong ni Lolo kung kasama ba natin si Collin?” tanong ko habang inaayos na ang aking mga dadalhin para bukas. “Sinabihan ko siya.”   “Dahil kahit naman nag-away sila ni Hunter hindi ko naman siya masisisi at gusto na din namin nila Cole na magkaayos ang dalawa.” “Malay natin itong outing na ito ang maging way para magkabati sila.” Mahabang litanya nito. “Maiba ako, kamusta nga pala ang pag-uusap niyo ni Hunter kanina at bigla ka na lang hindi na pumasok sa klase.” Pag-iiba nito ng usapan. “At huwag kang magsisinungaling, alam ko na iba ang dahilan kaya hindi ka na bumalik.” “Katagal na din nating magkaibigan kaya alam ko na likaw ng bituka mo pati amoy ng utot mo.” Saad nito. Ala talaga akong maitatago sa babaitang ito. “Na-Nagkausap lang kami about sa research project.” Kinakabahang anya ko. “Weh?” paninigurado nito na tila ba may alam siya na hindi ko alam. “Betty.” Mahinahong anya nito. “Kapag may problema ka huwag kang mahihiya magsabi sa akin.” “Hindi kita huhusgahan at higit sa lahat handa akong damayan ka sa lahat.” “Kaibigan mo akong maaasahan sa lahat ng oras.” Madamdaming wika nito. Maiiyak na sana ako sa litanya niya kundi ko lang narinig ang mahina nitong paghagikgik. “Jinie naman eh.” Nakangusong saad ko. “Nakakainis ka naman eh, mageemote na sana ako eh.” Nagtatampong dagdag ko. Pagkayaring ihanda ang aking mga dadalhin, naisipan ko ng humiga sa kama habang kausap si Jinie. “Pero yung totoo Betty, nandito lang ako.” Seryosong anya nito.   Matapos marinig kung gaano siya kaseryoso sa sinabing iyon. Unti-unti na akong nagopen-up sa kaniya. Wala akong itinago, lahat ng nararamdaman ko inilabas ko habang patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata ng di ko namamalayan. Sa sobrang tagal ng aming pag-uusap hindi ko na namalayan kung anong oras natapos ang tawag dahil nakatulugan ko na ang pag-iyak.   Kinabukasan... Pagkatapos ihanda ang lahat ng aking kailangan, narinig ko na ang ugong ng sasakyan. Sila Jinie na ata iyon. Dahil medyo maaga pa at tila tulog pa sila Lolo at Papa kaya itetext ko na lamang sila pagkadating sa aming pupuntahan. Paglabas ng mansiyon, hindi ko inaasahan ang nakita kong susundo sa akin.   Sa tabi ng kaniyang kotse, prenteng nakatayo na parang modelo sa Collin dahil sa kaniyang White polo at blue board shorts na pinartneran ng black adidas na tsinelas at black shades. “Good morning mahal na prinsesa.” Nakangiting anya nito habang ipinapakita ang mga ngipin niya na pwedeng pang-commercial ng toothpaste. “Good m-morning.” Gulat na saad ko dahil hindi ko ineexpect na siya ang susundo sa akin. Lately kasi napapansin ko na naging busy si Collin sa basketball team dahil siya ang captain kaya madalang kami magkita. Ang alam ko hectic ang training nila dahil malapit na ang kanilang laban.   “Uy miss niya ako.” Biglang saad nito habang lumalapit sa akin. Sa kaniyang tinuran hindi ko napigilan ang pamumula ng aking pisngi. Aaminin ko namiss ko ang presensiya niya dahil nasanay ako sa kakulitan niya. Ngunit siyempre hindi ko aaminin baka lumaki pa ulo nito. “Hindi noh, asa ka.” Saad ko sabay irap. “Weh.” Dagdag nito habang nanunudyong nakatingin sa akin ng malapitan. “Tumigil ka nga.” Pagtataray ko pa kahit ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. “Ayan ang mga dala ko pakilagay na lang.” Pagsusungit ko matapos ibigay sa kaniya ang aking backpack at saka ko siya iniwan upang umupo na sa passenger seat. “Taray naman ng prinsesa, huwag masyadong guilty.” Patuloy na pangaalaska nito habang hindi maawat ang ngiting sumisilay sa kaniyang labi. Agad niyang inilagay ang aking gamit sa likod ng kotse at umikot na upang umupo sa driver’s seat at sinimulan ang pagmamaneho. “Bakit nga pala ikaw ang sumundo sa akin?” pagbasag ko sa katahimikan. “Ang alam ko kasi sila Jinie ang susundo sa akin.” Saglit lamang niya akong tiningnan bago sinagot. “Hindi ka na daw kasya doon sa kanila kasi pang-dalawahan daw yung katawan mo.” Pang-aasar nito bago ituon muli ang tingin sa daan. Pagkarinig sa kaniyang sinabi, agad ko siyang sinamaan ng tingin at nakatikim ng sapok sa braso. Aba’t tinawanan lamang niya ako. Pagkakitang nagbibiro lamang siya mas lalo akong nainis. “Aray, aray joke lang naman.” Pagdaing nito matapos ko siyang kurutin sa braso. “Yung unang sinabi ko totoo, pero yung pangalawa hindi.” Natatawa pa ring wika nito. “Hindi ka na daw kasya kasi may witch daw silang kasama.” “Witch?” nagtatakang saad ko. “Kasama nila si Camille.” Bigla ang pagseryoso ni Collin pagkabanggit sa pangalan ni Camille. Sa nakitang reaksiyon ni Collin hindi na rin ako nabigla dahil sa mga kuwento nila Jinie, mahal na mahal ni Collin si Camille na umabot pa sa puntong nagkasira sila ni Hunter. Ang suwerte lang ni Camille, dalawang lalaki ang nagmamahal sa kaniya.   “Malapit na ba tayo?” pagiiba ko ng usapan para mawala ang katahimikang dulot ng pagkabanggit sa pangalan ni Collin. “Oo nga pala unang punta mo pa lamang doon diba?” saad nito. Tumango naman ako bilang pagsagot. “Medyo malapit na rin tayo.” “Pagkayari ng arkong makikita mo na may nakalagay na Sitio Kabukbuk, malapit na doon ang beach house nila Cole.” “Madalas kasi kami mag-outing nila Cole dati.” “Halos tambayan na nga namin yun kapag bakasyon eh.” Natatawa pang kuwento nito. “Naalala ko pa one time, may pasok kami kinabukasan pero dahil sa kalasingan at menor de edad pa kami naisipan naming magpalipas ng gabi doon. Sa sobrang kalasingan hindi na kami nakauwi at nakapasok at malala pa suka ng suka si Hunter parang ginawa ng tirahan ang banyo.” Tuwang-tuwa pa ring kuwento nito. Hindi mawala ang paningin ko kay Collin habang siya ay nagkukwento dahil ngayon ko lang nakita ang kislap sa kaniyang mga mata na tila ba magandang memorya ito na hindi niya malilimutan. Ngayon ko napagtanto na ang dami na pala nilang memories na magkakaibigan at nasira lamang ito sa hindi pagkakaunawaan. Naramdaman siguro nitong tahimik lamang ako kaya sinulyapan niya ako ng tingin bago itinuon ang tingin sa daan. “Sorry napakuwento na ako, nabobored ka ba?” nagaalalang saad nito. “Hindi naman.” Saad ko at binigyan siya ng isang malamlam na ngiti. Gusto kong gumawa ng paraan para magkabati sila ni Hunter. Gusto kong makita sila na magkasundo kagaya ng kuwento niya. Gusto kong makita ulit ang ngiting iyon ni Collin. Lahat gagawin ko makita lamang silang magkasundong dalawa.   “Collin.” Pag-tawag ko dito. “Pwede ba akong magtanong sayo?” nagaalinlangan saad ko. “Ano un?” sagot nito habang ang mga mata ay sa daan nakatingin. “Bakit nasira na lang ng ganun ang pagkakaibigan niyo ni Hunter?”   Pagkarinig sa aking sinabi, nakita ko kung paano humigpit ang hawak nito sa manibela at pagngalit ng kaniyang panga na tila ba may masama siyang narinig mula sa akin. “Pasensiya na Cassandra pero iyan ay hindi ko masasagot.” Matigas na wika nito.   Dahil sa pagsagot niya na iyon, hindi na ito muling nagsalita. At hindi ko namalayan na nakarating na pala kami, kung hindi ko pa narinig ang pagkatok ni Jinie sa bintana sa gawi ko hindi pa ako magigising sa malalim na pag-iisip.   Dahil sa sagot na iyon ni Collin, nahinuha kong may mas malalim pang dahilan ito at hindi lang basta dahil kay Camille.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD