Betty
Pagkababa sa sasakyan, hindi ko magawang sulyapan si Collin dahil sa pag-uusap namin.
Maingat nitong ibinaba ang aking mga gamit at inabot sa akin.
“Salamat.” Mahinang anya ko.
Pagkarinig sa aking sinabi tinanguan lamang niya ako at saka iniwan kasama nila Jinie.
“Ano problema non?” nagtatakang tanong ni Jinie ng akbayan ako at makitang umalis na lang bigla si Collin.
Binigyan ko lamang siya ng tipid na ngiti bilang sagot.
“Ano tara na Betty kanina pa sila don?” pag-aaya nito matapos ang isang minutong katahimikan.
Habang naglalakad kaming dalawa ni Jinie hindi ko maiwasang mamangha sa aking nakikita.
Sa aming dinadaanan ay may nakapaligid na iba’t ibang klase ng bulaklak.
Sa kaliwa nito makikita ang asul na dagat na tila kumikinang dahil sa sikat ng araw.
Mayroon ka ring makikita na mga puno ng mangga at saging.
“Sa gawing dulo pa ang beach house nila Cole.” Saad nito.
“Ang ganda dito.” Namamangahang wika ko habang patuloy pa ring ginagala ang mga mata sa bawat nadadaanan namin. “Kaya lang bakit alang tao?” nagtatakang tanong ko.
Ang alam ko kasi kapag beach house tapos ganitong may dagat kadalasan maraming turista na nagbabakasyon. Lalo na kung ganito kaganda ang tanawin, ang sarap lang magrelax.
“Ang private property na ito ay pag-aari nila Cole.” “Ang purpose lang talaga nito ay bahay bakasyonan.” Anya nito.
“So, walang pwedeng makapasok dito na kahit na sino? Pero paano napapanatili ito?” nagtatakang tanong ko.
Patuloy pa rin kami sa paglakad na tila ba wala na itong katapusan.
“Meron silang caretaker na pumupunta dito pero hindi dito natutulog.” Pagkukwento nito.
“Andito na tayo.”
Dahil sa pagkamangha hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa beach house. Ang layo din pala.
Pagkaangat ko ng tingin, ang beach house na sinasabi ni Jinie ay hindi lamang simpleng beach house dahil para sa akin mansiyon ito, hindi lang simpleng bahay bakasyonan.
Mansiyon na spanish style dahil sa kaniyang disenyo na tila ba bumabalik ka sa panahon ng espanyol dahil sa ambiance nito.
“Jinie, yung totoo mansiyon ito diba?” gulat na tanong ko sa kaniya ng nasa tapat na kami ng pintuan upang pumasok sa loob.
“Mag friendship talaga tayo, yaan din ang naisip ko nung unang punta ko dito.” “Pero beach house talaga ito.” Natatawang anya nito.
“Malaki kasi ang pamilya ni Cole kaya minsan kapag gusto nilang magreunion dito na nila ginaganap.”
Grabe hindi pa rin talaga ako masanay-sanay sa buhay na puno ng karangyaan.
“Tara na, andun sila sa kitchen.” Pag-aya nito.
Pagkapasok sa loob, mas namangha ako sa mga dekorasyong nasa loob nito. Ang lahat ng makikita mo ay gawa sa kahoy, maging ang mga upuan at lamesa pati na rin ang bintana at sahig nila.
Habang papasok sa kitchen, naagaw ng isang pigura ang atensiyon ko.
“Hey, asan sila Cole?” pagtawag pansin dito ni Jinie habang abala ito sa pagluluto.
Tila nagulat ata ito dahil sa pag-igtad niya at agad-agad humarap sa amin.
“Ah kayo pala, nasa taas sila nag-aayos ng gamit.” Pagsagot nito habang sa akin nakatuon ang kaniyang paningin.
Pagkarinig sa kaniyang sinabi agad din akong hinila ni Jinie para umalis doon.
“Bakit ba kasi sinama pa ni Hunter yung babae na yun eh.” Inis na saad nito habang patuloy pa rin akong hinihila paakyat sa hagdanan.
Pagkarinig na si Hunter ang nagsama kay Camille, tila nawala ang aking sigla.
“Wala namang masama doon, girlfriend naman niya si Camille.” Pagtatanggol ko habang may pilit na ngiti.
Agad namang huminto si Jinie pagkarinig sa naging sagot ko. Nasa may tapat mismo kami ng unang pintong makikita pagka-akyat sa taas.
“Naririnig mo ba ang sarili mo Betty?” galit na wika nito habang may masamang tingin sa akin. “Kasi sa nakikita ko sa mga mata mo, iba ang sinasabi mo sa tunay na nararamdaman mo.”
Agad niya akong niyakap at hinimas ang aking likod pagkakitang unti-unti ng namumuo ang luha sa aking mga mata.
“Nasasaktan ka parin.” Malungkot bulong nito sa aking tainga.
Pagkarinig sa kaniyang sinabi, hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagpatak.
“Ang sakit pa ring tanggapin.” umiiyak na anya ko pagkatapos yakapin pabalik si Jinie.
Third person
Mula sa pag-uusap ng dalawa, hindi nila alam na kanina pa may nakakarinig ng kanilang pinag-uusapan.
Sa kuwartong hinintuan nila, may isang tao ding tahimik na nasasaktan dahil sa kaniyang mga narinig.
Betty
Matapos kong mailabas ang aking nararamdaman, napagdesisyonan namin ni Jinie na pumunta na lamang sa dagat para marelax daw ako kahit papaano.
Tahimik lamang akong naglalakad sa buhanginan at pinakikiramdaman ang ihip ng hangin. Buti hindi pa gaanong mainit ang sikat ng araw dahil maaga pa.
Habang si Jinie naman mas piniling sumilong sa isang puno ng niyog sa hindi kalayuan habang nakatanaw sa akin.
Tunay nga na nakakarelax kapag nakita mo ang ganitong tanawin.
Asul na dagat, mga punong tila nagsasayawan dahil sa ihip ng hangin at higit sa lahat katahimikang bumabalot sa kapaligiran.
Dahil sa pagkapagod sa paglalakad, napapasyahan ko na lamang na umupo sa buhanginan.
Habang nakatanaw sa asul na karagatan bigla na lamang may aninong tumabing sa aking harapan.
Pagbaling ko ng tingin sa taong iyon. Nakita ko na lamang ang hubad barong si Collin.
“Bakit nag-iisa ka dito?” tanong nito pagkaupo sa aking tabi na may kaunting distansiyang naghihiwalay sa aming dalawa.
“Hah, kasama ko si Jinie.” Wika ko ngunit pagtingin ko sa kinaroroonan nito, wala na ito doon.
“Aba’t iniwan talaga ako ng babaitang iyon.” Asar na bulong ko sa aking sarili.
“Cassy?” pagtawag nito sa aking pansin. “Sorry.” Mahina nitong dagdag.
Pagkatingin sa kaniya, sa dagat lamang nakatuon ang kaniyang pansin.
“Bakit ka nagsosorry, wala ka namang kasalanan.” Nagtatakang anya ko. “Ako nga ang dapat magsorry dahil masyado na akong nanghihimasok sa buhay mo.”
“Gusto ko.” Mahina nitong saad. “Gusto ko na nagaalala ka sakin.” Seryosong saad nito habang sa akin na nakatuon ang malalalim nitong mga mata na tila ba kay dami nitong gustong sabihin.
Pagkarinig sa kaniyang tinuran maging sa init ng kaniyang tingin sa akin, hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha kung kaya agad kong iniwas ang aking tingin mula sa kaniya.
Okay na sana eh kung hindi lang...
“Kilig ka noh?” biglang saad nito habang ang mga mata ay tila ba naaaliw sa kaniyang nakikitang ekspresyon mula sa akin.
Pagkarinig sa kaniyang sinabi hindi ko mapigilan ang mapatili.
“Nakakainis ka, ang asar mo.” Gigil na wika ko habang pinaghahampas ko siya dahil sa bwisit ko, habang siya tawa lang ng tawa.
Hahampasin ko na sana ulit siya ng makita ko sa kaniyang tabi ang isang star fish.
Agad ko itong ipinakita sa kaniya.
“Ngayon lang ako nakakita ng tunay na star fish, ganito pala itsura non.” Dahil sa pagkamangha, nakalimutan ko na ang kaninang panghahampas ko kay Collin. Ang mga mata ko lamang ay nakatuon sa star fish, ng bigla itong gumalaw.
“Hoy Collin, tingan mo buhay pa siya!” “Hoy gumagalaw tingnan mo!” “Hoy!” Pangangalabit ko dito habang nakatingin pa din sa star fish.
Nang tingnan ko ito, nagulat ako sa nakita na tila ito estatwang hindi gumagalaw sa pagkakaupo.
Kaya pala hindi ito kumikibo, nakaisip ako bigla ng pambawi dito. Hehehe
“COLLIN!” sinigawan ko ito sa tainga para magising siya sa pagkakatulala, habang ang star fish ay tinago ko sa aking likuran.
“Hah? Ano nga iyon?” wala sa isip pa ring tanong nito.
Pagkaraan ng isang minuto ng mahimasmasan ito, gumala ang mata nito sa akin na tila ba may hinahanap.
Agad kong kinuha ng kanang kamay ang star fish at ipinakita sa harap ng kaniyang mukha.
“Ito ba hinahanap mo.” Pang-aasar ko.
Pagkakita sa star fish, agad itong tumayo at kumaripas ng takbo.
Hinabol ko naman siya habang hawak pa rin ang star fish.
“Collin?” pakantang tawag ko sa kaniya habang natatawa dahil ngayon ko lang nalaman na takot siya sa star fish.
“Hinahanap ka ng kaibigan mo.” Tumatawang saad ko habang patuloy pa rin sa paghabol sa kaniya.
“Ibaba mo yan Cassandra, please.” Natatakot at hinihingal na sagot nito habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
“Ayoko nga, sige hah asarin mo pa ako! hahaha.” Sigaw ko habang tumatawa dahil hindi pa rin ito humihinto sa pagtakbo sa buhanginan kaya patuloy ko din siyang hinahabol.
Third Person
Mula sa malayo nakatanaw ang isang pigura na tila ba kanina pa pinapanood ang dalawa base na sa makikitang reaksiyon sa kaniyang mukha.
Galit, poot at lungkot ang siyang makikita mo dito.
“Magsaya ka lang, dahil kukunin ko kung ano ang dapat sa akin sa simula pa lamang.” Puno ng poot na wika nito habang ang mga mata ay hindi inaalis sa pagkakatingin sa isang partikular na tao.