Chapter 37

1483 Words
Betty   Maya-maya pa dumarating na si Jinie kasama sila Cole, Elliot, at Caden na mga kapuwa naka pang-swiiming na. Napakasexy ni Jinie sa kaniyang suot na white two piece bikini. “Uy kayo hah nagsosolo kayo dito?” nambuburyong anya ni Jinie pagkalapit nila sa amin. Agad ko naman siyang nilapitan at pasimpleng kinurot at pinanlakihan ng mata. “Naku, mahina talaga yung manok ko.” Bulong nito sa akin. Pagkarinig sa kaniyang sinabi kukurutin ko na sana ito ng bigla itong tumakbo at dumila sa akin na tila ba nang-aasar. “Cole pagsabihan mo nga jowa mo masyadong childish.” Anya ko sabay baling ng tingin kay Cole na busy makipag-usap tungkol sa laban nila sa basketball. “Betty di ka pa nasanay diyan sa kaibigan mo.” Iiling-iling namang anya nito. “Oo nga pala Betty manuod kayo ni Jinie sa laban namin hah.” Sabi ni Elliot habang nakaakbay kay Caden. “Oo nga naman para naman ganahan ang dalawa naming player.” Dagdag din ni Caden habang ang nang-aalaska nilang paningin ay na kina Cole at Collin na tila walang pakielam sa kanilang narinig. Si Cole ay busy kakabantay sa jowa niya na parang bata kung magtampisaw sa dagat habang si Collin naman ay tila may malalim na iniisip. “Oo bah, manunuod kami ichecheer namin kayo.” Nakangiting anya ko sa kanilang dalawa. “Nga pala Elliot asan sina Camille at Hunter.” Tanong ni Cole pagkalapit nilang dalawa ni Jinie. “Ewan ko ba sa dalawa na yun, nagsosolo ata, hahaha.” Natatawang sagot nito kay Cole. Agad ko namang ibinaling sa iba ang aking tingin ng saktong masalubong ko ang namumungay na mga mata ni Collin. Binigyan ko lamang siya ng simpleng ngiti na hindi man lang umabot sa aking mga mata at nakita ko kung paano sumara ang kamao nito. Agd ko ding ibinaling na lamang kay Jinie ang paningin ng hindi ko makayanan ang intensidad sa tingin ni Collin. “Ano dito lang ba tayo, arat na magswimming.” Pag-iiba ni Jinie sa usapan habang nasa akin ang nakikisimpatyang mga mata. Tinanguan ko lamang siya bilang sagot na ayos lamang ako. Agad niya akong nilapitan habang ang mga lalaki ay kaniya-kaniya ng punta sa dagat. “Halika samahan kita magpalit.” Anyan nito bago ako hilahin upang magpalit. Hindi na ako umangal at nagpatangay na lamang kay Jinie. Pagdating sa kuwarto na aming tinutuluyan kasama si Camille, agad akong pumunta sa dala-dala kong bag para kumuha ng short at sando pangswimming. Ang magkakasama sa kuwarto ay sina Elliot at Caden, Collin at Hunter na pinlano nila para magkaroon ng time mag-usap ang dalawa, nag-iisa naman si Cole sa isang kuwarto habang kaming tatlong babae ang magkakasama na kay tagal ang naging diskusyon bago pumayag si Jinie na kasama namin sa kuwarto si Camille.   “Uy, ano yan hah?” sabi nito pagkalapit sa akin at nakita ang inilabas kong susuotin. “Hindi yaan ang susuotin mo aber, paano mo matatalbugan ang babaita sige nga!” panenermon nito habang nakapamewang at hawak sa isang kamay ang susuotin ko dahil bigla na lamang nito kinuha sa kamay ko. “Pahihiramin kitang swimsuit, buti na lang talaga kabisado na kita.” Dagdag pa rin nito habang lumapit sa kaniyang bag pagkaabot sa akin ng damit ko para kuhanin ang swimsuit. “Ayoko, nakakahiya hindi naman kagandahan katawan ko. Okay na ito.” Pangongontra ko sa kaniya habang nakasunod ang paningin sa paghahalungkat nito. “Walang pero-pero, ito ang susuotin mo.” Pagtatapos nito sa usapan habang hawak sa kaniyang kamay ang isang itim na two piece bikini. Pagkakita sa bikini, agad ko siyang inilingan. “Ayoko, iba na lang puwede?” pagpapacute na saad ko habang nakatingin sa kaniya. “Wala na akong dala aber, isusuot mo to o tatawagin ko sa Hunter para papuntahin dito?” pananakot nito. Agad ko siyang sinamaan ng tingin sa kaniyang sinabi. Tinamaan ng magaling nanakot pa talaga. “Isusukat ko muna.” Napipilitang anya ko. Nilapitan ko siya sa kaniyang kama at kinuha ang bikini at saka nagtungo sa banyo para magpalit. “Susunod din pala eh.” Masungit pa ring wika nito. Bubulong-bulong ko naman siyang ginaya bago isinara ang pinto ng banyo. Ilang minuto din ang inilagi ko sa banyo dahil nagdadaalawang-isip pa rin ako kung susuotin ito. Nang sukatin ko ito at tingan sa salamin, bigla akong nahiya. Hindi talaga ako sanay magsuot ng ganito lalo pa at string bikini lamang ito. Feeling ko anytime matatanggal ito sa pagkakabuhol. “Katagal mo naman.” Sigaw ni Jinie mula sa labas. “Wait lang pilit ka ng pilit kaya mag-intay ka diyan.” Sigaw ko din sa kaniya. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko napagdesisyonang lumabas. Pagkalabas sa banyo nagtataka ako dahil hindi ko na nadatnan sa kuwarto si Jinie at saktong bumukas ang pintuan at mula doon pumasok si Camille. Agad nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko alam kung tama ba yung nakita kong nagdaang iritasyon sa mukha nito o namamalikmata lamang ako. “Bagay sayo.” Tila napipilitang anya nito pagkahagod ng kaniyang tingin sa aking kabuuan at dire-diretso siyang nagpunta sa kaniyang kama. Sinusundan ko lamang siya ng tingin habang pinakikiramdaman. Hinubad niya ang kaniyang damit at short, mula doon lumabas ang doble niyang red two piece bikini na mas revealing ang design kaysa sa akin. Noon pa man alam ko na kung gaano kaganda si Camille mula ng makita ko siya, hanggang ngayon mas nadagdagan pa dahil mas pumuti siya sa kaniyang suot na bikini. At ang kaniyang katawan ay talaga nga namang parang katawan ng isang modelo. Bigla tuloy akong nanliit sa itsura ko. Siguro kapag pinagtabi mo kami para lamang akong katulong kung tutuusin. Nagising lamang ako sa pag-iisip ng magpaalam na ito para lumabas. “Mauna na ako sayo.” Saad nito pagkalampas sa akin at tuloy-tuloy na lumabas.   Pagkaalis nito agad akong napabuntong-hininga. Muli kong tiningnan ang aking sarili sa isang full length mirror dito sa aming kuwarto. “Hindi ka talaga nababagay sa mundo ng mga mayayaman.” Pag-kausap ko sa aking sarili. Makikita ang kalungkutang nagrereflect sa aking mga mata. “Mula noon hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago.” Malungkot na saad ko. Mas pinili ko na lamang isuot ang aking sando at short habang nakapaloob ang bikining ipinahiram sa akin ni Jinie. Nang maging kuntento na sa aking itsura napagdesisyonan ko ng lumabas. Saktong pagbukas ko ng pintuan sakto ring bumukas ang katapat naming pintuan kung saan naka-kuwarto si Hunter at Collin. Nagulat ako ng makita si Hunter na nakasando at board shorts at tila nagulat din ito sa akin. Isang minuto din kaming nagtitigan lang ng mapagpasyahan ko ng umalis dahil sa hiyang nararamdaman. “Mauna na ako.” Mahinang anya ko ng hindi siya tinitingan at saka dire-diretsong naglakad. Pagkababa ng hagdanan, bigla na lang ako napahawak sa aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito. “Hanggang ngayon pa rin ba Betty?” mahinang anya ko habang pinapakalma ang aking sarili sa pamamagitan ng mabagal na paghinga. Naabutan ako sa ganoong tagpo ni Jinie. “Uy okay ka lang?” nagaalalang anya nito pagkalapit sa akin. “Huh!” “Okay lang ako, tara na?” pag-aaya ko dito ng maramdamang bumalik na ito sa normal. Hihilahin ko na sana ito ng bigla nitong hinawakan ang aking balikat at sinuri ang aking kabuuan bago ako binigyan ng masamang tingin. “Bakit ganyan ang suot mo? Masungit na saad nito. “Hehehe.” Naglilikot na mga mata anya ko dahil di ko makayanan ang tila apoy na ibinubuga ng mga mata nito. “Huwag kang tumawa Betty!” “Alam mo ba na andun na yung mangkukulam na tila ba nasa runway siya kung maglakad.” “Naku nanggigigil ako!” mahabang litanya nito habang nakakuyom ang mga kamay pagkatapos bitawan ang aking balikat. “Okay na sa akin ito Jinie, hindi kasi talaga ako sanay magsuot ng ganun eh.” Nananantiyang saad ko sa kaniya. Agad naman ako nitong binalingan ng tingin. Binigyan ko naman siya ng cute smile ko baka magbago-isip. Bumuntong-hininga muna ito at saka tumango bilang pagsang-ayon. Napangiti naman ako sa kaniya at saka hinawakan ang kaniyang kaliwang kamay, hihilahin ko na sana siya para lumabas na at puntahan sila Elliot ng pinigil nito ang aking paghakbang. “May isa lang akong kondisyon.” Biglang saad nito. Agad ko siyang tiningnan na at tinanong kung ano yun. “Please lang Betty, huwag mo na akong ngingitian ng ganun kinikilabutan ako.” Pang-aasar nito. Bago pa ako makapag-react sa kaniyang sinabi, tinakbuhan na ako nito. Natatawa na lamang ako habang naiiling kay Jinie at kay bilis pang tumakbo, naglaho na lang ito bigla.   Kay sarap ng mayroong tunay na kaibigan, papasayahin ka kapag alam niyang malungkot ka.  At sasamahan ka niya sa pag-iyak mo, maging sa pagtawa.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD