Betty
Agad ko ding sinundan si Jinie at natagpuan ko ito na nakaupo sa tabi ni Cole.
Naisipan kong umupo sa isa sa mga ito dahil sa init ng araw.
Pagtingin ko sa aking tabi, nakita ko na lamang dito na nakahiga si Camille.
Habang sina Elliot at Caden ay nagaasaran sa dagat.
Teka, ala ata si Collin. Nagpalinga-linga ako para hanapin kung nasaan si Collin ng may tumakip sa aking mga mata mula sa aking likod.
“Teka, uy Jinie?” panghuhula ko.
Ngunit ilang segundo lamang ng humangin biglang naamoy ko ang pamilyar na pabango ng panlalaki na hindi gaanong matapang, sakto lang kaya hindi masakit sa ilong.
“Collin, alam kong ikaw yan.” Habang tinatanggal ang kaniyang mga kamay sa aking mata.
“May lahi ka talagang mangkukulam, paano mo nalaman?” tila gulat na gulat na anya nito.
“Haha, tatawa na ba ako?” pag-irap ko sa kaniya.
Bigla na lamang itong umupo sa tabi ko kaya agad akong dumistansiya sa kaniya ng maramdamang nagdidikit na ang aming mga siko.
“Akala ko pa naman nakaswimsuit ka.” Tila nanghihinayang nitong wika pagkatapos igala ang tingin sa aking kabuuan.
“Asa ka!” irap ko pa din sa kaniya. “Suwerte mo kung mak-“
“Collin, pwede ba tayong mag-usap?” pagputol sa akin ni Camille.
Ang tingin lamang nito ay na kay Collin lamang.
Nang tingnan ko ang reaksiyon ni Collin, seryoso lamang itong tumango kay Camille bilang pagsang-ayon.
Tumayo si Collin at hinimas ang aking ulo bago umalis kasama si Camille.
Sinusundan ko lamang sila ng tingin na ang tanging nasa isip ay kung bakit pa kakausapin ni Camille si Collin kung gayong jowa niya na si Hunter.
Mga ilang oras pa ang lumipas ng hindi pa rin bumabalik ang dalawa.
Naisipan nila Jinie na maglaro ng volleyball tutal hapon na rin naman hindi na sikat ang araw.
Sumali ako sa kanila upang mawaglit sa aking isipan si Collin at Camille.
“Lima lang tayo, kulang ng isa.” Saad ni Elliot.
“Ganito na lang tatlo kayo nila Betty at Caden, kami ni Jinie.” “Ano call?” mayabang na wika ni Cole.
“Ang hangin pare hano?” iiling-iling na anya ni Caden.
“Oh ayan solve na problema!” Biglaang saad ni Jinie habang may tinitingnan.
Nang sundan ko ito ng tingin, nakita ko na lamang si Hunter na naglalakad patungo sa amin.
“Pare sali ka?” pag-aaya dito ni Caden pagkalapit sa amin.
Sinulyapan niya ako ng tingin bago tumango bilang pagsang-ayon.
“Since dalawa kaming babae ni Betty tig-isa kami ng team.” “Jack en poy tayo, ang mananalo pipiliin kung sino kateam niya.” Dagdag na saad ni Jinie.
Nagsimula na kaming mag jack en poy, natalo ako sa una at as usual yung jowa niya pinili niya.
Sumunod na jack en poy, as usual din talo ako.
Kaya ang mag ka-team; Jinie, Cole at Elliot while ako, Hunter at si Caden.
Nagsimula na kami sa pagseserve ni Jinie.
Agad pumasok ang bola papunta sa akin, titirahin ko na sana ito ng agawin ito ni Hunter.
Pinasa niya kay Caden samantala nagset ito at inispike ni Hunter.
Hindi na nahabol ni Elliot ang bola kaya nakascore kami.
Paulit-ulit na ganoon ang nangyayari na sa tuwing gagawi sa akin ang bola aagawin ni Hunter, kung kaya nakakaramdam na ako ng pagka-irita sa kaniya.
Kukunin ko na sana ang bola na paparating sa akin ng makita ko sa gilid ko na kukunin din ito ni Hunter, imbes na umiwas itinuloy ko pa rin kaya ang nangyari nagkabungguan kaming dalawa.
“Aray!”
Agad akong napaupo sa buhanginan ganun din siya.
Nakaramdam ako ng hapdi sa gawing kanang kamay ko, ng tingan ko ito nagkasugat ito.
Lumukot ang aking mukha dahil sa hapding naramdaman.
Agad naman kaming pinuntahan nila Jinie.
“Uy, Betty okay ka lang?” pag-alalang wika nito habang tinutulungan akong tumayo.
Nang magawi ang mata nito sa kamay ko.
“Dumudugo kamay mo!” pagpapanic nito.
Agad naman akong nilapitan ng mga lalaki, kasama na siya.
“Ano ka ba, malayo sa bituka to?” mahinang saad ko ngunit makikita sa mukha ko ang sakit na nararamdaman.
Maya-maya pa lumapit siya sa kinaroroonan ko.
“Sorry” mahinang anya nito habang ang mga mata ay nakatuon sa aking kanang kamay.
“Diyan ka naman magaling eh sa puro sorry!” pagoutburst ko.
Agad naman akong hinawakan sa braso ni Jinie para pakalmahin.
“Alam mo kanina ko pa napapansin na kapag nagagawi sa akin ang bola palagi mo na lang kinukuha, ano bang problema mo hah Hunter?” galit na saad ko habang nakatingin sa kaniya.
Nag-angat ito ng tingin at tiningnan ako ng malalim bago sumagot.
“Baka kasi matamaan ka ng bola, malakas pa naman ang pagpalo nila Cole. Nag-aalala lang ako sayo.” mahina nitong anya habang malamlam ang mga mata.
“Nagtaka pa ba ako.” Saad ko pagkarinig sa kaniyang sagot.
“Hindi ka nga nagtiwala sa akin, dito pa kaya sa larong ito?” mahinang anya ko.
“Ang hirap kasi sayo Hunter, hirap kang magtiwala sa akin kahit wala naman akong pinakikitang mali sayo.” “Ang unfair mo.” Malungkot na anya ko bago sila iniwan doon.
Agad din naman akong sinundan ni Jinie sa kuwarto.
“Halik dito gamutin natin ang sugat mo.”
Nilapitan ko siya sa kaniyang kama habang kandong-kandong niya ang first aid kit.
“Hindi na kita tatanungin kung ano ang problema niyo ni Hunter ngunit lagi mong tatandaan na kakampi mo ko.” Anya nito habang ginagamot ang aking sugat. “Kahit kapatid ko pa yun, hayaan mo siya.”
“Hindi ko kasi kayang nasasaktan ang baby ko.” Saad nito habang kuro-kurot ang aking pisngi.
Napangiti naman ako sa kaniyang tinuran.
“Ang dami mo ng tawag sakin, Betty, Betty babe tapos may baby pa. Baka naman magselos bigla si Cole niyan.” Pang-aasar ko sa kaniya.
“Huwag kang magalala iba tawagan namin.” Wika nito matapos lagyan ng bandage ang sugat ko.
“Ano?” kuryoso kong tanong.
Lumapit ito sa akin at bumulong.
“Pangga!” maharot nitong bulong.
“Bbwa-“ pagpipigil ko sa tawa.
“Sige tumawa ka na, pipigil pa baka mautot ka diyan.” Dagdag nito habang nililigpit ang kaniyang ginamit.
Agad na sumabog ang aking tawa na maririnig sa bawat sulok ng kuwarto.
“Grabe, ang makaluma niyo hah.” Natatawang anya ko.
“Pangga talaga.”
“Noong una ayaw ni Cole dahil baduy daw, pero sabi ko sa kaniya magbreak na kami kung hindi siya papayag. Ayun alang nagawa. Takot lang sa akin nun hano.”
“Iba ka talaga mag-isip Jinie.” Iiling-iling kong saad.
Iba talaga level ng utak ng babae na ito. Imbes na patanda eh pabalik ang sa kaniya.
“Yeah, I know right!” Pagsang-ayon naman nito.
Napagpasyahan naming dalawa ni Jinie na umidlip muna tutal maaga pa naman hindi pa lumulubog ang araw.
Dahil sa pagod sa biyahe medyo napatagal ang tulog ko.
Nang silipin ko ang bintana, madilim na sa labas.
Nang tingnan ko rin ang higaan ni Jinie, wala na ito.
Napagpasyahan ko ng bumaba para tingnan kung nasaan sila.
May naririnig akong mga tinig sa labas.
Pagkalabas nakita ko silang naghahanda na ng aming hapunan.
May mga naka-assemble na bangko at upuan habang may bonfire din.
Iginala ko ang tingin at nakita ko si Collin na nagiihaw. Nilapitan ko siya upang tumulong.
Samantala sina Jinie at Cole naman ay inaayos ang mga pinggan sa lamesa.
Si Camille naman ay nasa isang sulok, busy kakatingin sa kaniyang cellphone.
“Asan si Elliot at Caden?” nagtatakang wika ko ng hindi sila makita.
“Bumili sila sa katabing-bayan ng alak, alam mo naman yung dalawa na yun alak is life.” “Kasama nila si Hunter.” Dagdag nito habang nakatingin sa akin ang mga mapanuring mata.
“Hindi ko tinatanong kung kasama siya.” Irap ko dito. “At nasusunog na po niluluto mo.” Pagpapaalala ko dito.
Agad naman nitong tiningan ang kaniyang iniihaw.
“Hindi naman eh, fake news ka hah.” Irap din nito.
“Para kang bakla.” Natatawang anya ko pagkakita sa pag-irap nito.
Bigla naman sumeryoso ang mukha nito pagkarinig sa aking sinabi.
“Halikan kita diyan para malaman mo kung sino bakla.” Paos na anya nito bago ituon ang mapupungay niyang mga mata sa akin.
Natameme naman ako sa kaniyang tinuran at agad pinamulahan ng pisngi.
“Bahala ka nga diyan!”
Agad ko siyang tinalikuran ng hindi pa rin nawawala ang pag-iinit ng aking mukha.
Saktong pagharap ko ay ang pagdating nila Elliot.
“Ito na ang beer guys!” masayang anya nito.
Nang iangat ko ang tingin sa gawi nila, hindi inaasahang magtagpo ang aming mga mata.
Agad kong binawi ang tingin dito at mas piniling lapitan sina Jinie para tumulong.