Chapter 39

1415 Words
Betty   Pagkayari naming magprepare, kaniya-kaniya na ng upo para kumain. Ang katabi ko sa upuan ay si Jinie sa kanan at sa kaliwa naman ay si Collin, habang katapat ng upuan ko ang kay Hunter na katabi si Camille. Nagsimula na kaming kumain. Ang maririnig lamang sa paligid ay tanging kalansing ng mga kubyertos. Pagkayaring kumain, kaniya-kaniya ng upo sa paligid ng bonfire dahil medyo lumalamig na ang gabi. Tahimik lamang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang pagliyab ng apoy, samantala si Elliot ay nag-gigitara habang si Caden ang kumakanta. Inaasar naman ni Jinie si Caden dahil sa boses nito habang nakasandig kay Cole. “Tigilan mo nga yan! Baka bigla pang umulan.” Natatawa nitong anya. “Bakit hindi si Betty ang pakantahin natin?” sabat ni Cole. “Huh?” nabibiglang anya ko pagkarinig sa kaniyang sinabi. “Oo nga naman Betty, sakit na sa tenga ng boses nitong si Caden eh.” Pagsang-ayon ni Elliot. “Sige na beh, please.” Wika ni Jinie pagkalapit sa akin habang nakakapit sa braso ko. Bumuntong hininga muna ako bago tumango bilang pagsang-ayon. “Isa lang hah?” paninigurado ko. “Ba’t isa lang bitin!” nakangusong saad ni Jinie “Oh sige wag na.” Masungit na anya ko sa kaniya. “Sige na nga.” Napipilitang saad nito bago bumalik sa puwesto niya kay Cole. “Elliot, pahiram ng gitara.” Pagkakuha sa gitara, agad ko itong tinipa.   (Playing: “Apologize” by Timbaland)   Bawat salita na lumalabas sa aking bibig ay tila ba nagdudulot ng sakit sa aking puso. Naalala ko ang mga panahon noong una tayong nagkakilala. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtagpo ang ating mga landas na tila ba para tayong itinadhana sa isa’t isa. Ikaw ang naging tulay sa pagbuo ng aking pagkatao. Ikaw ang dahilan kung bakit muling tumibok ang aking puso. Sayo ko naramdaman na kaya ko pa palang sumugal. Sayo ko naramdaman ang kasiyahan. Ngunit ikaw din pala ang magdadala sa akin sa matinding kalungkutan. Pinagkatiwalaan kita dahil iyon ang sabi ng puso ko. Nagtiwala ako dahil mahal kita. Ngunit ngayon nasaan ka? Bakit kapiling ka na niya? It's too late to apologize, it's too late I said it's too late to apologize, it's too late I said it's too late to apologize, yeah, too late I said it's too late to apologize, yeah, too late I'm holding on your rope Got me ten feet off the ground   Pagtatapos ko sa kanta habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman. Agad kong iniwas ang tingin kay Hunter ng madaan ang aking tingin sa kaniya.   Hindi ko na nakita kung paanong pasimple nitong pinunasan ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata habang nakakuyom ang mga kamay.   “Okay na yon hah with feelings pa yun.” Natatawang anya ko habang pinupunasan ang aking mga luha. “Beh?” nag-aalalang saad ni Jinie. Binigyan ko lamang siya ng thumbs up na okay lang ako. “Cr lang ako.” Paalam ko sa kanila pagkababa ng gitara. Hindi ko na sila inantay na sumagot, agad akong naglakad papasok sa loob dahil feeling ko anytime babagsak na naman ang mga luha ko. Pagkarating sa Cr, binuhos ko lahat ng sakit na aking nararamdaman. Ito na naman ako, paulit-ulit na lang. “Ang hina mo naman Betty, move on na.” Lumuluhang saad ko sa aking sarili.   Ilang minuto ang inilagi ko sa Cr at ng mahimasmasan ay napagpasyahan ko ng lumabas, baka nagtataka na sila at katagal ko sa banyo. Pagkalabas sa pinto hindi ko inaasahan ang taong bubungad sa akin. “Princess.” Mahina nitong anya. “Okay ka lang?” Kita ko sa mga mata nito ang sinseridad na pag-aalala sa akin. “Okay na okay, arat na?” pag-aaya ko dito kahit na sa loob ko kailan man ay hindi ako magiging okay. Bumuntong hininga muna ito bago ako sundan pabalik kila Jinie.   Pagdating namin nakita ko na silang kaniya-kaniya na ng bote ng alak na iniinom. “Beh!” pagtawag sa akin ni Jinie. Nilapitan ko siya at umupo sa kaniyang tabi habang sumunod naman sa tabi ko si Collin. “Okay ka lang ba talaga?” bulong nito pagkaupo ko. “Oo nga.” “Iinom mo na lang yan.” aya sa akin ni Jinie sabay abot ng alak. “Ang bad influence mong kaibigan.” Iiling-iling kong anya pagkaabot sa alak. “Cassandra konti lang hah?” pagpapaalala naman ni Collin sa tabi ko. Tinanguan ko lamang siya sabay tungga sa inumin.   Kahit ngayon lang gusto kong makalimot. “Hinay-hinay naman Cassandra.” Nagaalalang saad ni Collin habang nakaalalay ang kamay sa akin. “Huwag ka ngang kj diyan Collin, minsan lang eh.” Segunda naman ni Jinie. Ang babaeng ito talaga bad influence eh.   Lumipas ang isang oras na hindi ko na namamalayan kung nakailan na ako ng bote. Nakaramdam na lang bigla ako ng pagkahilo, nang tingnan ko si Jinie, nakatulog na ito sa lamesa dahil sa kalasingan. Maging si Collin din ay tulog na, tanging sila Cole, Elliot, Hunter at Caden na lang ang umiinom. “Babe, tara na matulog.” Rinig kong pag-aaya ni Camille kay Hunter habang patuloy pa rin sa pagtungga ang isa. Hindi ito pinansin ni Hunter, ngunit ng makitang tinitingnan ko silang dalawa agad itong may ibinulong kay Hunter. Nakita ko kung paano magbago ang itsura ng isa maging ang pag-galaw ng panga nito. Ngiting tagumpay naman si Camille ng tumayo si Hunter at nauna ng maglakad sa kaniya papasok.   Inalis ko na ang tingin sa kanila at napagpasyahan na lang na magpahangin sa tabing dagat. Pagkaupo sa buhanginan nanginig ako sa lamig ng simoy ng hangin. Ang tahimik ng paligid. Nang iangat ko ang aking tingin, namangha ako sa dami ng mga bituing nakikita.   Limang minuto pa lamang akong nakaupo ng may tumabi sa akin. Pag-tingin ko dito, nagulat ako ng makita si Hunter na nakatingin sa dagat. Aalis na sana ako ng pigilin nito ang kaliwang kamay ko. “Please, stay.” Paos na saad nito. Nagdadalawang-isip ako kung mananatili o hindi. Sabi ng isip ko layuan ko na siya dahil masasaktan lang ako ngunit kilalang-kilala siya ng puso ko dahil sa bilis ng t***k nito. Napagpasyahan kong manatili sa kaniyang tabi. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. “I know I already said this a million of times but I’m really sorry.” Pagbasag nito sa katahimikan. “Ang laki ng kasalanan ko sayo.” Garalgal na saad nito. Napatingin ako sa kaniya sa narinig, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata kahit pa madilim sa aming kinaroroonan. Bakit ka nasasaktan Hunter? Hindi ba dapat masaya ka na. “Kapag nakikita kitang nasasaktan doble ang sakit na aking nararamdaman.” Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa kaniyang mga mata. “Sabi ko poprotektahan kita, pero anong ginawa ko?” natatawang anya nito habang patuloy pa rin sa pagluha. “Ang ga** ko.” “Ang totoo niyan, duwag ako at takot ako.” “Hindi ko kayang may mangyaring masama sayo, hindi ko kakayanin.” Umiiyak na anya nito. Ngayon ko lang nakitang ganito si Hunter na tila ba bumalik ito sa pagkabata na takot na takot at nasasaktan akong makita siyang ganito. “Kahit isakripisyo ko pa ang kasiyahan ko para sayo gagawin ko.” Patuloy pa rin si Hunter sa pagluha at bawat salitang kaniyang binibigkas ay iba ang hatid sa aking puso. “Kahit buhay ko ibibigay ko para sa kaligtasan mo.” “Hindi ko na kaya na hindi ka makasama at maka-usap.” “Dahil —.” Agad itong humarap sa akin at hinawakan ang aking pisngi para punasan ang mga luhang hindi ko man lang napansin. Pagkatapos punasan ang luha sa aking mga mata, kinuha nito ang aking kanang kamay at dinala sa kaniyang puso. Hindi ko maiwasan ang tingnan siya sa kaniyang mga mata. “Mahal na mahal kita Cassandra.” Sinserong anya nito habang patuloy sa pagluha. Pagkarinig sa kaniyang sinabi hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya at sa kaniyang bisig ako lumuha. Kay tagal kong hinintay ang araw na ito, ang marinig na mahal niya ako. “Mahal din kita Hunter.” Bulong ko dito.     Hindi alam ng dalawa na may nagngingitngit ang loob na nakatingin sa kanila mula sa malayo. “Traydor ka Hunter, tingnan na lang natin.”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD