Chapter 40

1066 Words
Third Person   “Sigurado ka ba na buhay nga ang apo ni Don Alfonso?” paninigurado ng isang matanda sa lalaki. “Opo senyor.” “Ayon po sa pinadala kong magmatyag sa bahay ng Don mayroon daw po ditong dalagita na hatid sundo sa iskuwelahang pagmamay-ari nito.” Anya nito. “Ito po ang nakuha naming litrato.” Saad nito at iniabot ang sobreng naglalaman ng mga litrato. Agad kinilatis ng matanda ang mukha ng dalagita. “Ano ang pangalan niya?” “Betty Cassandra Diwata po.” Magalang na sagot ng lalaki. “Sige maaari ka ng umalis, ipagpatuloy mo ang pagmamatyag.” Maawtoridad na wika nito.   “Iba din ang suwerte mong bata ka, nabuhay ka pa pala.” Pagka-usap nito sa litrato. “Pero sisiguraduhin ko na mawawala ka na sa mundong ito.” Buong poot na anya nito matapos lukutin ang litrato na may mukha ni Betty.   Hunter   Ilang buwan na ang nakalipas ng lumipat kaming magkakaibigan sa paaralan na pagmamay-ari ng Lolo ni Cassandra. Papasok na sana ako sa paaralan ng naisipan kong daanan si Cassandra sa mansiyon. “Oh sir Hunter.” Pagbati ni Manong Bert pagkakita sa akin. “Naihatid niyo na po ba si Cassandra?” magalang na tanong ko dito. “Yon nga po sir ang problema, hindi po siya nagpahatid.” Kakamot-kamot sa ulong wika nito. “Ganun po ba? Sige po.” Paalam ko dito. “Tigas talaga ng ulo ng babaeng yon.” Bulong ko sa sarili. Pagkasakay sa sasakyan agad ko itong pinaandar paalis sa mansiyon. Ilang bahay na lang palabas na ako sa subdivision ng may mataan akong babae at lalaki na magkayakap. Nang humarap ang mukha ng babae sa gawi ko, agad kong hininto ang sasakyan. Agad ko silang nilapitang dalawa at hinaklit ang braso ni Cassandra mula kay Collin. "What's that look on your face Ethan? *smirk*" Collin said. Hindi ko napigilang ikuyom ang aking kamay dahil sa kaniyang tinuran. "We're leaving." I said to Cassandra. Hinila ko siya patungo sa aking sasakyan habang ramdam ko pa rin ang galit at pagkainis. "Eh? Hoy teka paano ung bike? hiniram ko lang kay butler Kan yun eh." Pagpupumiglas na anya ni Cassandra. Tila napatid na ang pasensiya ko pagkarinig sa inaalala niya. "JUST LEAVE IT HERE AND GO WITH ME!” sigaw ko sa kaniya na siyang nakapagpatahimik sa kaniya. "O-opo..." tila maamong tupa na sagot nito. Habang nagmamaneho hindi ko maiwasang hindi siya tingnan dahil ang tahimik niya. "What are you doing there?" pagbasag ko sa katahimikan. "Nawala ako eh." Sagot naman nito habang ang mga mata ay nakatingin sa aming dinadaanan. "Right, Cassandra nawala ka pero hindi mo ba naisip na tumawag?" bulyaw ko dito matapos maalala na naman ang kaninang ginawang pagyakap sa kaniya ni Collin. "And what the f**k was that?" tanong ko dito ng magawi ang aking tingin sa kaniyang suot. "Wala ka na dun at pwede ba wag mokong pakialaman." Masungit na anya nito at saka ako inirapan. "Next time don’t go near Collin." Seryosong saad ko sa kaniya. "Don’t go near eh ni hindi ko nga kilala kung sino yung binabanggit mo eh, abno lang?" pabalang na anya nito. "Collin the guy who just f*ckng hug you a while ago." Naiiritang saad ko. "Teka nga dati kong boss na may saltik pa rin, nagseselos kaba?" biglang saad nito. Dahil sa pagkagulat sa aking narinig, hindi ko napigilang maapakan ang break. *Screeeeeecchhhhhh "Huwaaaaaaa! hoy Hunter magpapakamatay ka ba? kung gusto mong magpakamatay ikaw na lang oy! idadamay mo pa kako!" nakapikit na tili nito. "The nerve of you!" sigaw ko sa kaniya habang iniiwas ang aking paningin para hindi niya mahalata ang pamumula ng aking mukha. "Oh yeah! the nerve of me!" sigaw din nito. Pinaandar ko na ang sasakyan ng maging maayos na ang aking pakiramdam samantala siya ay busangot na nakatingin sa bintana. “Cute.” Hindi mapigilang bulong ko sa aking sarili. Pagkadating sa paaralan, dire-diretso itong bumaba hindi man lang ako tinapunan ng tingin o thank you man lang. Pagkaparada sa sasakyan pumasok na din ako sa silid-aralan. Nagtatakang iginala ko ang tingin sa loob ng wala ang babae sa kaniyang upuan.   Maya-maya pa pumapasok na ito na busangot ang mukha. Dire-diretso itong umupo sa kaniyang upuan at inilabas ang kaniyang mga gamit. “Stupid, stubborn, brain dead lady.” Pagtawag ko sa pansin nito. “Pwede ba Hunter tumahimik ka kung ayaw mong ipasak ko sa bibig mo tong notebook ko.” Galit na anya nito habang hindi pa rin ako tinitingnan. “Ano yan Hunter, change move? Hahaha.” Pang-aasar ni Caden. “Ganyan mo ba paiibigin si Miss Diwata?” segunda naman ni Elliot. Agad ko silang sinamaan ng tingin. “Shut up!” bulyaw ko sa dalawa.   Pagkayari ng klase naisipan kong dumaan muna sa banyo, pabalik na sana ako sa canteen ng mamataan ko si Cassandra at Jinie kasama si Collin. “Napipika na ako sayo, huwag mo kong subukan.” Rinig kong anya ni Cassandra pagkalapit sa kanila. Agad kong hinawakan ang kamay nito. At nakita ko kung paano ngumisi si Collin sa akin. “She’s not going with you!” matigas na saad ko habang nakatingin sa kaniya ng masama. “Talaga, well papiliin natin siya.” Nakangisi nitong anya. Lumapit ito sa gawi ni Cassandra at tila may ibinulong dito. “Okay, Jinie mauna na kayong maglunch sasabay ako sa kaniya.” Cassandra said. Pagkarinig sa kaniyang sinabi, mas lalong sumama ang tingin ko kay Collin. Alam kong may sinabi siya kay Cassandra kaya nagbago ang isip nito. Nagkibit balikat lamang ito at ngumiti sa tinging ibinibigay ko. “Tara na little princess.” Aya nito kay Cassandra. Walang pasabing inagaw nito ang kamay ni Cassandra na hawak ko at tuloy-tuloy na umalis. Nakasunod lamang ang tingin ko sa dalawa hanggang mawala sila.   Natapos ang lunch na ang nasa isip ko ay sa mga kinikilos ni Collin.   Dati kaming matalik na magkaibigan at dahil lang sa isang babae nagkasira kaming dalawa. Huwag lang niyang idamay si Cassandra sa gulo naming dalawa dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya. Matatanggap ko pa na masama ako sa tingin niya at ako ang saktan niya pero hindi ko matatanggap na gagamit siya ng ibang tao masaktan lang ako lalo na kung mahalaga sa akin ang taong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD