Chapter 41

1261 Words
Hunter Hindi ako mapakali habang nakaupo lamang habang kasama ni Collin si Cassandra. “Pre kanina ko pa napapansin na tingin ka ng tingin sa relo mo.” “May problema ba?” saad ni Cole habang nakatuon ang pansin sa akin. “Oo nga para kang natataranta.” Segunda naman ni Elliot. Tiningnan ko lamang silang dalawa. “May pupuntahan lang ako.” Paalam ko sa kanila at saka dire-diretsong umalis sa canteen. Hindi ako mapapakali dito hangga’t magkasama ang dalawa dahil masama ang kutob ko sa ginagawang paglapit ni Collin kay Cassandra. Isa-isa kong pinuntahan ang mga classroom ngunit wala silang dalawa. Hanggang sa napadpad ako sa dulo na may lalaking tila nagbabantay sa may pintuan. “Hoy!” tawag pansin ko sa lalaki at saka ito nilapitan. Nanlaki naman ang mga mata nito pagkakita sa akin. “Anong ginagawa mo diyan?” matigas na anya ko habang masama ang tingin sa kaniya. “Wa-wala.” Malikot ang mga matang wika nito. “Padaan ako!” bulyaw ko dito ng mapansing nagsisinungaling ito. “Boss, bawal pumasok.” Kinakabahang saad nito habang hindi pa rin umaalis sa pintuan. “Hindi ka aalis hah?” agad ko siyang inundayan ng suntok sa mukha ng mapika na ako sa kaniya. Sumadsad ito sa pintuan na duguan ang labi. Nilapitan ko naman siya at hinawakan sa kuwelyo. “Ano!” uundayan ko na sana ulit ito ng suntok. “Huwag po Boss.” Nagmamakaawang anya nito. Huminto sa ere ang sana’y isasapak ko sa kaniya. Kilala ko ang lalaking ito, isa siya sa mga problema ng paaralan kung saan naninikil siya ng pera sa mga estudyanteng walang kalaban-laban. “Kumatok ka.” Maawtoridad na utos ko at hindi pa rin siya binibitawan. Pagkabukas ng pintuan, tumambad sa akin si Collin at Cassandra. “Co-collin kase.” Kinakabahang anya ng lalaki at itinuro ako. “Ayaw ko po siyang papasukin, pero pinilit niya ako.” Binitawan ko siya pagkapasok. Agad kong nilapitan si Cassandra at hinila sa aking likuran para protektahan kay Collin. “Kung gusto mong gumanti, huwag na huwag mo siyang idadamay dito.” Seryosong saad ko habang nakatuon ang paningin sa lalaking nasa harapan ko. “Gumanti?” natatawa nitong anya. “Wala na akong balak na gumanti, pero naaalala mo pa ba yung sinabi ko noon.” Biglang nagbago ang awra nito at tumingin sa akin ng masama. Lumapit ito sa akin at may ibinulong. “Kukuhanin ko kung ano ang nagpapasaya sayo.” Agad humigpit ang hawak ko kay Cassandra matapos marinig ang kaniyang banta. Sinamaan ko siya ng tingin habang nagngangalit ang aking panga. Sinuklian naman niya ako ng tingin na tila naaaliw sa nakikita. “Paano ba yan Ethan? Gusto ko din si Cassandra.” Mahina itong tumawa na tila nang-aasar at saka lumayo sa akin. Hindi ko pinansin ang kaniyang pag-tawa. Kanina pa ako napipika sa lalaking ito. Tinalikuran ko siya ng walang sinasabi at tuloy-tuloy na lumabas sa classroom habang mabibigat ang mga paa sa paghakbang. “Hoy, sandali lang.” Patuloy ako sa paglakad habang hindi pa rin humuhupa ang galit na aking nararamdaman. Palaging umuulit sa aking isipan ang kaniyang sinabi na siyang nagdudulot ng pagkulo ng aking dugo. “Hunter ano ba!” hiyaw ni Cassandra na siyang nagpabalik sa akin sa huwisyo. Agad akong napahinto at tiningnan siya. “Sinabi ng sandali lang eh.” Hingal na anya nito. Hindi ko namalayan na nasa field na pala kami dahil sa lalim ng aking iniisip. “Ano bang problema?” “Maglalunch kami eh, nagugutom na ako tapos bigla kang manghahatak diyan.” Nakangusong saad nito. “Diba sabi ko sayo huwag kang lalapit kay Collin!” bulyaw ko dito. Ang kulit at ang tigas ng ulo talaga ng babaeng ito. Ilang beses ko na siyang sinabihan na layuan si Collin. Hinatak naman nito ang kamay niya na hindi ko na pala binitawan at saka dinala sa kaniyang bewang. “Hoy! Sinisigawan mo ba ako?” sigaw din nito. “Huwag mong ibahin ang usapan Cassandra.” Napipikang anya ko. “Hunter, hindi na kita boss kaya bakit umaasta ka parin hanggang ngayon?” Dahil sa kaniyang sinabi tila ba napipi ako. Alam ko na wala akong karapatan na pagbawalan siya lalo pa at hindi na siya nagtatrabaho sa akin. Dahil doon tinamaan ako ng husto. “J-just don’t talk to him, don’t go near him.” “Avoid him if possible.” Mahinang saad ko. “Napaka selfish mo!” sigaw nito at saka ako tinalikuran. “Masama bang maging selfish kung para rin sayo ang ginagawa ko? Gusto lamang kitang ingatan at protektahan masama ba yun?” piping saad ko habang nakatingin sa kaniyang likuran. Agad ko siyang hinabol para humingi ng tawad dahil alam kong ako ang mali sa parte na ito. Bigla ko na lang siya pagbabawalan sa isang bagay na wala naman siyang kaalam-alam at alam kong unfair sa part niya. “Wait,Cassy.” Pagtawag ko dito habang patuloy pa rin ito sa paglakad. “Cassy, I’m sorry.” Sinserong saad ko. Huminto naman ito pagkarinig sa aking sinabi. “Ayoko lang na madamay ka sa problema naming dalawa at gamitin ka niya para maghiganti sa akin.” Patuloy na saad ko. Humarap ito at tila nagtaka sa kaniyang narinig. “P-pero bakit ako? Wala naman akong kinalaman sa away niyo?” saad nito. Hindi ko siya sinagot sa kaniyang tanong dahil maging ako ay naguguluhan din sa nararamdaman ko. “Huy? Bakit ako?” “Anong kinalaman ko dun?” “At saka ano yung binulong sayo ni Collin kanina? Uy ano yu-..” pangungulit na tanong nito. “Nothing, huwag mo ng itanong kung ano yon at hindi ko rin naman sasabihin sayo.” Pagputol sa sasabihin niya. Nagsimula na akong lumapit sa kaniya at saka siya nilagpasan. Sinundan din naman ako nito at patuloy pa rin sa pangungulit. “Ano nga iyon?” “Nacucurious ako.” “Wala yun.” Seryosong anya ko habang diretso lang ang tingin. “Pero?” nakangusong anya nito ng bigla na lang... *kruuuuu... Pasimple ko siyang tiningnan at nakita ko kung paano mamula ang mukha nito. “Cute.” Mahinang bulong ko. “Ano yon?” tanong ko pagkahinto habang siya naman ay hindi makatingin sa akin ng diretso. Tumahimik din, gutom na ang prinsesa. Iiling-iling na inaya ko siya para kumain. Pagkabili namin ng pagkain, naisipan ko na sa gym na lang kumain dahil puno na sa canteen. “Huncher, bat dicho mo naman ako dinala paya kumain.” Bulol na anya nito dahil punong-puno ang bibig sa pagkain. Tingnan mo to parang hindi babae kung kumain. “Tsss... Don’t speak when your mouth is full.” Panenermon ko sa kaniya habang patuloy lang siya sa pagkain. “Hehehe, sorry.” Saad nito. Pagkayaring kumain, naisipan naming manatili muna dahil maaga pa naman bago magsimula ang klase. “Nga pala Hunter.” Pagbasag nito sa katahimikan. “Hindi sa nanghihimasok ako, pero ano ba talaga nangyari sa inyo ni Collin?” Alam ko na itatanong din niya ito. “He believe that I stole her girlfriend.” Huminga muna ako ng malalim at kinuwento sa kaniya ang nangyari. Magmula ng bantaan ako ni Collin, palagi ko ng minamatyagan ang kaniyang mga kilos pati na rin ang paglapit niya kay Cassandra.  Iba ang ipinapakita niya kay Cassy na tila ba wala siyang masamang plano ngunit alam ko kung ano ang totoo. May natuklasan ako...                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD