Chapter 42

1645 Words
Hunter   Ang totoo niyan hindi kami gaanong close ng Papa ko. Simula ng mamatay si Mama lumayo ang loob ko kay Papa dahil nagkaroon siya ng bagong pamilya. Ngunit hindi ko sinisisi ang mama ni Jinie sa nangyari dahil napakabait sa akin ni Tita kahit hindi niya ako tunay na anak. Sa lahat ng desisyon ko sa buhay pinakikielaman ni Papa. Gusto niya kung ano ang sabihin niya yoon ang masusunod. Umabot pa sa puntong napabayaan ko ang pag-aaral dahil sa pagrerebelde sa kaniya. Sa tuwing may nakakaaway ako sa school dahil palagi nilang sinasabi na wala akong Mama, mas pinaniniwalaan niya kung ano ang sinasabi ng iba kaysa sa mismong anak niya. Hindi niya ako pinakikinggan kahit minsan, hindi niya ako tinatanong kung ano ang gusto ko at higit sa lahat hindi ko ramdam na may ama ako.   Umabot na sa puntong pati ang kukunin kong kurso ay gusto niya siya ang magdedesisyon kaya ko napagdesisyunang ipagpatuloy ang pagmomodelo sa ibang bansa. Gusto kong makapagpahinga naman kahit papaano sa pangongontrol ni Papa. Hindi ko sila tinawagan o kinamusta man lang. Napalayo ng tuluyan ang loob ko kay Papa.   Isang taon din ang lumipas ng maisipan kong umuwi dahil na rin sa pagmamanage ko ng business ng pinsan kong babae. Mula ng umuwi ako pormal kung kausapin ko si Papa. Alam ko na napapansin ni Tita iyon pero hindi na lang siya nagsasalita. Kapag may tinanong siya sa akin, pormal kong sasagutin at tila walang kaso ito sa kaniya. Nakasanayan ko na ang ganoon kahit pa ama ko siya.   Natatandaan ko pa noong hign school ako...   Pagkauwi sa bahay, tumungo na agad ako sa kuwarto. Kasalukuyan akong nagbibihis pagkatapos maligo ng may kumatok sa pintuan. “Sir?” pagtawag ng katulong. “Ipinapatawag po kayo ni Senyor.” Dagdag pa nito. “Susunod ako.” Maawtoridad na wika ko. Pagkabihis pinuntahan ko na si Papa sa kaniyang office, dahil pag ganitong oras nandoon lamang siya. Kumatok muna ako bago pinihit ang doorknob para pumasok. Pagkapasok naabutan ko itong nakaupo sa kaniyang swivel chair at hinihilot ang kaniyang sintido. “Pinatawag mo daw po ako.” Pormal na anya ko. Inangat nito ang paningin sa akin. “Umupo ka Ethan.” Utos nito. Agad akong lumapit sa upuang katapat lamang ng kaniyang lamesa at umupo roon. “Malapit ka ng pumili ng kurso tama ba?” tanong nito habang sa akin pa rin nakatuon ang tingin. Tinanguan ko lamang ito bilang sagot. Alam ko na ang pupuntahan ng usapang ito. Bumabalik na naman siya sa dati niyang ginagawa. Ang pangunahan ako. “Ano ang kukunin mo?” “Engineering.” Walang kakurap-kurap na anya ko sa kaniya para malaman niyang ito talaga ang gusto ko. “You should consider taking up Business Administration, because in the future you will handle our business.” Maawtoridad na saad nito na tila ba hindi pwedeng baliin ang kaniyang sinabi. “Pero engineering po ang gusto ko.” Matigas kong anya. “Ano ang mahihita mo sa engineering!” hiyaw nito, tila napatid na ang kanina pang pasensiyang mayroon siya. “Palagi mo na ako sinusuway!” “Noong umalis ka papunta sa US para magmodelo hindi kita pinigilan dahil desisyon mo yon at ayaw kitang pakielaman!” “Puwes ngayon hangga’t nasa pamamahay kita susundin mo kung ano ang sasabihin ko!” Tila nagpanting ang aking tenga sa kaniyang sinabi. “Tama nga kayo pinayagan niyo ko sa pagmomodelo, pero yoon lang ang time na nagkaroon ako ng sariling desisyon sa buhay ko.” Seryosong anya ko sa kaniya habang nakatingin sa nagbabaga niyang mga mata sa galit. “Hindi naman po ata tama ang ginagawa niyong pangongontrol sa buhay ko.” Magalang pa ring saad ko. Ama ko pa rin siya kaya pipigilan ko hangga’t kaya ko ang aking sarili. “Hindi pa ba kayo nagsasawa? Kasi ako sawa na.” “Kung dahil andito po ako sa pamamahay niyo kaya kokontrolin niyo ulit ang buhay ko, bubukod na lang po ako.” Mahinahong wika ko. Agad itong napatayo sa kaniyang narinig at malakas na pinalo ng dalawang kamay ang lamesang nasa harapan naming dalawa. “Suwail kang bata ka!” “Sige lumayas ka! Pero tatandaan mo na wala kang mahihitang tulong mula sa akin!” pagbabanta nito.   Mula ng pag-uusap namin na iyon, napagdesisyonan kong kumuha ng sarili kong condo at doon tumira. Madalang na lang ako mauwi sa mansiyon at kapag dadalawin ko lang sina Tita at Jinie. Hangga’t maaari iniiwasan ko ang pagkikita namin ni Papa. Sa tuwing may selebrasyon at iimbitahan ako sa mansiyon, nagdadahilan na lamang ako na hindi makakapunta. Ganoon ang nangyari sa amin ni Papa.   Nang makagraduate ako ng high school na valedictorian sina Tita at Jinie lamang ang pumunta. Hindi na ako nagtaka na hindi pumunta si Papa dahil alam ko na hanggang ngayon masama pa rin ang kaniyang loob. Isang araw naisipan kong pumunta sa mansiyon para kuhanin ang iba ko pang natitirang gamit. Pagkaakyat sa kuwarto inayos ko na ang mga naiwan kong gamit para dalhin. Pagkayaring ayusin ito napagdesiyonan ko ng bumaba at umalis. Pagkasara ng pintuan ng kuwarto ko, bababa na sana ako ng may marinig ako sa kuwarto nila Papa. Tila ba may kaaway si Papa dahil sa pagtaas ng boses nito. “Anong hindi mo alam!” bulyaw nito. Nagtataka ako kung sino ang kausap nito kaya naisipan kong lumapit at saktong nakaawang ang pintuan nito. Sumilip ako at nakita ko si Papa na pabalik-balik at tila ba hindi mapakali habang may kausap sa telepono. “Hindi ba kabilin-bilinan ko na bantayan niyo ang kilos nila!” galit pa ring anya nito. “Mga walang utak! Sayang lang ang ibinabayad ko sa inyo!” “Gawan niyo ng paraan yan!” pagkababang-pagkababa nito ng telepono hinawi nito lahat ng nakalagay sa kaniyang lamesa maging ang telepono nito ay hinagis niya sa pader sa galit. “Aaaahhhh! Mga inutil!” sigaw nito habang patuloy pa rin sa pagwawala. Dahil sa takot agad kong nilisan ang mansiyon. Ngayon ko lamang nakitang ganoon kagalit si Papa.   Hanggang sa pagkauwi sa condo, pala-isipan pa rin sa akin kung sino ang kausap ni Papa maging ang pinababantayan nito. Mula noon palagi na akong nakikibalita kay Jinie tungol sa nangyayari sa bahay maging ang behaviour ni Papa at ang pagalis-alis nito. Noong una nagtataka ang huli sa mga itinatanong ko sa kaniya pero hindi din naman siya nagtanong sa akin.   Dahil sa narinig palagi na akong nakamatyag sa labas ng mansiyon habang hinihintay ang paglabas ng kotse ni Papa. Bakasyon kung kaya nagkaroon ako ng time para subaybayan siya. Sa tuwing ipapaalam ni Jinie na umalis si Papa ng bahay at nakikita ko ang paglabas nito, sinusundan ko palagi kung saan siya tutungo. Sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kaniya, palaging sa kompanya lamang ang punta niya. Umabot pa ng isang buwan ang ginawa kong pagsunod. Pasukan na sa susunod na buwan kaya naisipan ko ng itigil dahil wala rin naman akong nahihita.   Isang gabi, malakas ang pagbuhos ng ulan kaya naisipan ko na lamang manatili sa bahay at manood ng tumunog ang aking cellphone. Pagtingin ko nakita kong tumatawag si Jinie. Pagkasagot ko sa tawag nagtaka ako ng marinig ang pagsinghot sa kabilang linya na tila ba kanina pa ito umiiyak. “Hello? Bakit?” pagaalalang tanong ko. “Si Papa at Mama nagtatalo.” Humihikbing saad ni Jinie. “Gustong umalis ni Papa kahit umuulan, pinagbawalan siya ni Mama pero ayaw niya papigil.” “May importante daw siyang pupuntahan, tinatanong naman ni Mama kung saan pero ayaw niya sabihin.” Patuloy nito. Pagkarinig sa kaniyang sinabi agad akong nagbihis at bumaba para pumunta sa mansiyon. Pakiramdam ko ngayon pupuntahan ni Papa ang narinig kong kausap niya. Dali-dali akong pumara ng taxi papunta sa mansiyon. Pagkadating sa mansiyon, tinawagan ko agad si Jinie. “Andyan pa ba siya?” “Pababa na siya.” Tila ba mahinahon na ito base sa boses nito pero halatang galing sa pag-iyak. “Ang sabi niya pupuntahan daw niya yung isa sa planta natin dahil nagkaproblema daw.” Paliwanag nito. “Sasaglit lang daw siya kaya kahit ayaw ni Mama dahil malakas ang buhos ng ulan ala rin siyang nagawa.” “Sige.” Saad ko pagkababa ng tawag ng makitang lumalabas sa mansiyon ang kotse ni Papa. “Manong, pakisundan ang kotse na iyon.” Seryosong anya ko habang sa kotse lamang ni Papa nakatuon ang tingin. Ang layo din ng narating namin ng huminto na ito sa isang hindi kilalang kainan. Lumabas mula sa sasakyan si Papa at pumasok na sa loob. “Dito na lang po.” Saad ko at inabot ang bayad. Pagkababa ng sasakyan pumasok na ako sa loob. Tama ang kutob ko na gumawa lamang siya ng dahilan kina Jinie at mayron talaga siyang kikitain. Ginala ko ang tingin pagkarating sa loob. Nakita ko si Papa sa sulok na parte na mayroong kausap na lalaki. Nilapitan ko sila at puwesto sa tagong parte na malapit sa kanila para marinig ang kanilang pinag-uusapan.   “Kamusta yung pinagagawa ko?” mahinang anya ni Papa. “Kasalukuyan po silang binabantayan ng mga tauhan natin.” Magalang na anya ng lalaki. “Lumabas na ba ang resulta?” maawtoridad na tanong nito. Sinulyapan ko sila ng tingin at nakita kong may inabot ang lalaki na sobre kay Papa. Nakita ko kung paano magbago ang mukha ng huli na tila ba gulat na gulat sa nakita. “Asan sila?” seryosong wika nito ng makabawi. “Kasalukuyan po silang naninirahan sa isang maliit na tirahan sa baryo Makupang.” Sagot ng lalaki.   “Wala akong pakielam doon sa babae.” “Pero kamusta yung anak ko.” Saad nito.   Tila ako nabingi sa narinig mula kay Papa. Anak? May anak si Papa sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD