Chapter 43

1271 Words
Hunter Pagkarinig sa usapan nila agad kong nilisan ang kainan na ang tanging nasa isip ay ang pagkakaroon ng anak ni Papa sa ibang babae. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago, niloko niya na si Mama pati ba naman si Tita.   Mula ng malaman ko ang sikreto ni Papa, palagi ko na siyang palihim na sinusundan. Ngunit isang buwan na ang lumipas, hindi ko pa rin nakikitang pinupuntahan ni Papa ang anak. Gustuhin ko mang tunguhin ang lugar ngunit hindi ko naman alam ang exact address nito. Pasukan na sa isang araw kung kaya naisipan ko na itigil na ang pagmamanman kay Papa dahil wala rin akong napapala. Kolehiyo na ako kaya ang kursong engineering ang aking itinuloy.   Sa isang hindi gaanong kilalang iskuwelahan ako pumasok dahil sa kawalan ng pinansiyal. Itinakwil na ako ni Papa kaya tipid kung gastusin ko ang natitira kong allowance. Gusto man akong bigyan ni Tita ngunit tinanggihan ko siya. Mas pinili kong pumasok na iskolar para mabawasan ang gastusin, ang iisipin ko na lamang ay ang pagbili ng pangangailangan sa araw-araw.   Ilang buwan na ang lumipas ng magsimula ang klase at wala na akong nabalitaan pa kay Papa mula kay Jinie. “Uy Hunter sama ka?” tanong ni Cole. Tila natauhan ako sa malalim na pag-iisip dahil sa kaniyang tanong. Tiningnan ko lamang siya na tila nagtataka sa kaniyang tanong. “Hindi ka na naman nakikinig.” Buntong hininga na anya nito. “Sama ka sa bagong bukas na bar.” Paglilinaw nito. Si Cole ay nakilala ko ng minsan ay pumunta ako sa library para kunin ang librong kailangan ko sa trigonometry. Pagextend ko ng kamay para kunin ang libro ay siya ring pagkuha niya dito. “Uy pare balato mo na sa akin to, medyo tagilid ako dito eh.” Nangaalaskang saad nito. Tiningnan ko lamang siya ng seryoso sa mata at saka siya inilingan. “Kailangan ko din to.” Maikling anya ko. Naniningkit ang mga matang tiningnan ako nito sa malapitan na siyang kinalayo ko ng mukha. “Kilala kita hah?” bulyaw nito. Agad naman kaming binawal ng nagbabantay. “Diba ikaw yung usap-usapan na mani lang daw sayo yung trigo.” Namamanghang anya nito. “Pinasagot daw sayo ni Sir Dimaguiba ang isang equation na ultimo ito hindi alam.” Bulong nito. “Brad, baka naman.” “Baka naman pwede mo akong turuan?” tanong nito. Tiningnan ko lamang siya na tila ba napipikon sa kaniyang kadaldalan. “At bakit naman kita tutulungan.” Masungit na anya ko. “Sige na Pare, magbabayad ako.” Nagmamakaawang anya pa rin nito habang magkadaop ang palad. Pagkarinig na magbabayad siya... “Sige.” Pagtatapos ko sa usapan. “Basta magbabayad ka, wala ng libre ngayon sa mundo.” Agad ko siyang tinalikuran at umalis na sa library. Mula noon palagi na kaming nagkikita sa library para turuan ko siya sa trigo. At doon pinakilala niya ang dalawa pa niyang kaibigan sina Elliot at Caden. Tinanguan ko lamang ang dalawa bilang pagaacknowledge sa kanila.   “Ano na? Kasama naman natin sila Elliot eh.” Pagpipilit nito. “Sige.” Anya ko. Pagkayaring-pagkayari ng klase agad kaming pumunta sa sinasabi nilang bar. Dahil menor de edad pa kami, akala ko noong una hindi kami papapasukin ngunit pinapasok kaming apat. Nakita ni Cole ang pagtataka sa aking mukha. “Hindi ko ba nasabi sayo?” “Pag-aari ito ng pinsan ko.” Malakas na boses na anya nito. Hindi na kami magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog, masakit din sa mata ang patay sindi na ilaw. Inaya nila ako sa counter para umorder ng inumin. “Hunter, ano ang iyo?” tanong ni Caden. Nahinto ang pag-gala ng aking mata dahil sa kaniyang pagtawag. “Juice na lang.” Maikling anya ko, hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-iling ng bartender na tila ba hindi ito makapaniwala sa inorder ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at muling ibinaling ang tingin sa mga taong nagkakasiyahan. Naisipan nila Cole na umakyat sa taas at doon na lamang uminom. Sa lahat ng puntahan nila sinusundan ko lamang sila. Agad akong umupo at doon ipinagpatuloy ang pag-inom ko sa aking inumin, samantalang ang tatlo ay bumaba para mangbingwit ng babae. Habang patuloy sa pag-inom may nahagip na pigura ang aking mga mata na pamilyar sa akin. Tinitigan kong mabuti ang isang babae na tila nakikipagkasiyahan sa kausap niyang lalaki habang ang mga kaibigan nito na kasama ay kaniya-kaniya rin ng lalaking kausap. “Jinie?” mahinang bulong ko. Nakita ko kung paanong pasimpleng hawakan ng lalaki sa hita ang aking kapatid. Hindi na ako nakapagpigil sa nakita kaya agad ko silang pinuntahan. Pagkalapit sa kanila, itataas na sana ng lalaki ang kaniyang paghawak ng kuhanin ko ang kamay niya at pilipitin ito. “Aray!” hiyaw nito dahil sa sakit. “Hunter?” tila nawala ang kalasingan ni Jinie pagkakita sa akin. “Sh*t sino ka ba?!” bulyaw ng lalaki. “Layuan mo ang kapatid ko!” sigaw ko dito. Binitawan ko ng marahas ang kaniyang kamay at agad binalingan si Jinie. “Uuwi na tayo!” maawtoridad na anya ko sa kaniya. Tila hindi pa rin ito nakakabawi sa pagkabigla. Agad ko siyang hinila at tuloy-tuloy na lumabas ng bar. Pagkalabas binitawan ko ang kaniyang kamay habang palakad-lakad ako sa kaniyang harapan dahil hindi pa rin humuhupa ang galit ko. Ayoko siyang pagbuntunan ng galit ko. “Hunter.” Mahinag pagbasag nito sa katahimikan. “I want you to explain why are you here Jinie.” Mahinahon ding anya ko kahit sa loob-loob ko gusto ko na siyang bulyawan. Hindi naman ito makatingin ng diretso sa akin. “Answer me!” napatid na ang pasensiya ko dahil hindi pa rin ito sumasagot. “I just want to hang out with my new friends.” Mahinang paliwanag nito. “Gusto nila dito kami pumunta dahil dito sila makikipagkita sa mga boyfriends nila.” “At pumayag ka?” tila hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. “Your just a minor for Pete’s sake!” sigaw ko dito. “Ayoko ng makikita ka pa ulit dito Jinie, and don’t hang out with your friends anymore because they are not good for you.” Pangangaral ko dito. “At isa pa, anong oras na bakit nasa labas ka pa.” “Baka hinahanap ka na ni Papa.” Dagdag ko. “How I wish.” Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang kaniyang tinuran at kung paano magbago ang ekspresyon nito. “Bakit anong problema?” mahinahong anya ko. Pagkarinig na pagkarinig niya sa aking tanong bigla na lamang itong yumakap sa akin na ikinagulat ko. Tatanungin ko na sana kung ano ang problema, ng marinig ko ang munting hikbi nito na naging hagulgol. Tila ba may mabigat itong problema kaya imbes na pagalitan, hinimas ko ang likuran nito habang siya ay inaalo. Ilang minuto ding kaming nasa ganoong ayos ng siya ay mahimasmasan. “Do you want me to take you home?” mahinahong anya ko sa kaniya. Umiling lamang ito bilang sagot. Hindi ko na siya pinilit dahil mukhang ayaw niyang umuwi dahil sa kalagayan niya ngayon kaya naisipan ko na sa condo ko na muna siya patuluyin. Pagkarating sa condo, hinayaan ko na muna siyang magpahinga at tinext ko na rin si Tita para ipaalam na kasama ko si Jinie para hindi na ito magalala pa. “Jinie?” pagtawag ko dito. Pagkapasok sa kuwarto nakita ko itong mahimbing na natutulog kaya hindi ko na ito inabala pa at naisipang bukas na lamang ito kausapin.                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD