Hunter
Ilang araw ang lumipas na inabala ko ang sarili sa pagfocus sa pag-aaral.
Ilang araw na din daw hindi umuuwi si Papa sa mansiyon ayon kay Jinie at may kutob ako kung nasaan siya.
Mas pinili ko munang ituon ang focus sa pag-aaral lalo pa at exam week na namin.
Palabas na ako ng classroom ng mabungaran ko sa pinto ang tatlong ugok.
“Uy!” pagbati ni Cole at mahina akong tinapik sa balikat.
Tinguan ko lamang sila at nagpatuloy sa paglakad.
Sumunod naman sila agad.
“Hunter, group study naman tayo sa condo mo.” Suhestiyon ni Elliot.
“Exam week na pero ala pa rin kaming natututunan.” Tila problemadong anya naman ni Caden.
“It’s not my problem.” Masungit na saad ko at pinasakan ng earphone ang tenga.
“Ang problema kasi sa inyong dalawa, palagi na lang kayo nagbubulakbol.” Tila nanay na panenermon ni Cole.
Napailing naman ako sa kaniyang tinuran.
Rinig ko pa rin sila dahil mahina lamang ang music at walang-wala sa lakas ng boses ng tatlo.
Nagsalita, siya nga kahit pumapasok natutulog naman sa klase kaya parang wala lang din.
Palabas na kami ng campus nang may humarang sa aming grupo ng mga kababaihan na nasa lima.
May tinulak sila na babae na agad ko namang nasalo para alalayan.
“Careful.” Mahinang bulong ko sa kaniya at natanggal na mula sa tenga ang earphone.
Tila nahihiyang nagsorry naman ito.
“Kaya mo yan Jenny!” sigaw kababaihan habang nakatingin sa babaeng inalalayan ko.
Lumayo ito sa akin at biglang yumuko habang may inaabot na tila sobre sa akin.
“Uy Pre love letter ata yan ah.” Mahinang bulong sa akin ni Cole.
“Iba talaga charisma ni Hunter.” Naiiling na saad naman ni Elliot.
Nakatingin lamang ako sa babae at imbes na kunin ang sulat, gumilid ako sa kanila at nagpatuloy sa pagdaan.
Rinig ko pa kung paano magreact ang mga babae na hindi ko naman pinansin.
Sumunod din naman ang tatlo.
“Lamig talaga ni Hunter.” Natatawang pang-aasar ni Caden.
“The cold-hearted prince.” Sabay na saad nilang tatlo.
Hindi ko pinansin ang kanilang sinabi at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pagkarating sa parking, nagsisakay na kami sa sasakyan ni Cole.
Yung dalawa ay sa likod habang sa passenger seat ako sumakay.
“Ano Hunter sa condo mo tayo hah?” paninigurado ni Cole habang sa daan nakatingin dahil siya ang nagmamaneho.
Habang ang dalawa sa likod ay abala sa kani-kaniyang cellphone.
Hindi ko siya sinagot.
Maya-maya pa nasa tapat na kami ng condo ko.
Alam na nila na kung ano ang sabihin ko sa kanila ay kabaligtaran ng gusto ko talagang sabihin.
Tuloy-tuloy na pumasok ang tatlo na akala mo condo nila to.
Mas pinili kong iwanan sila sa sala para magshower sa kuwarto.
Labing-limang minuto din ang itinagal ko ng maisipang silipin ang ginagawa ng mga ugok.
Napailing na lamang ako sa nakita.
Imbes na mag-aral at iyon naman talaga ang ipinunta nila, nanonood ang tatlo at mga nakataas pa ang mga paa habang may kinakaing kilalang fastfood.
“Akala ko ba pag-aaral ang ipinunta niyo dito.” Masungit na anya ko sa kanila.
“Yariin lang namin to.” Saad ni Cole habang sa telebisyon lang nakapokus ang mga mata.
Pasimple ko silang nilapitan at agad kinuha ang remote mula kay Elliot.
“Hun—“ hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng patayin ko ang telebisyon.
Tumingin naman sa akin ang tatlo na tila ba inagawan ko sila ng candy.
“My house, my rules!” Seryosong anya ko sa kanila.
Maya-maya pa kaniya-kaniya na kami ng pinagkakaabalahan habang nag-aaral.
Kapag may hindi sila naiintindihan, maya’t maya silang nagtatanong sa akin at seryoso ko naman silang sinasagot.
Iniwan ko muna sila saglit ng mapatingin sa oras at naghanda na ng hapunan.
Mula ng umalis ako sa puder ni Papa natuto ako sa lahat ng bagay, maging sa pagluluto ng sarili kong pagkain.
Pagkayari na pagkayaring kumain bumalik na ulit sila sa pag-aaral lalo pa at simula na bukas ng exam.
Naisipan kong tulungan na lang sila at mamayang pag-uwi na lang nila magreview.
Alas-onse ng matapos kami at napagpasyahan na nilang umuwi.
“Una na kami Hunter.” Paalam ni Cole.
“Salamat ulit.” Anya ni Elliot.
Tumango naman sa akin si Caden.
Tinanguan ko lamang sila.
Pagkaalis ng tatlo, kahit inaantok nagsimula na akong magreview para bukas lalo pa at may kailangan akong imaintain para sa scholarship.
Kinabukasan.
Dali-dali akong gumagayak dahil tinanghali ako ng gising, madaling araw na kasi ako natapos sa pagrereview.
Paalis na sana ako sa condo ng makatanggap ng tawag mula kay Jinie.
Pagkasagot sa tawag, walang nagsasalita sa kabilang linya na ipinagtaka ko.
“Jinie?” saad ko sa kabilang linya.
Maya-maya pa nakarining na ako ng munting hikbi at lumakas na ito.
“Kuya!” wika nito habang garalgal ang tinig.
“Andito si Papa, nag-aaway na naman sila ni Mama!”
Pagkarinig sa kaniyang sinabi agad-agad akong bumaba at pumara ng taxi para pumunta sa mansiyon.
“Calm down Jinie.” Mahinahong anya ko sa kanya.
“Where is Tita?” tanong ko.
“Nasa study room sila ni Papa.” Humihikbing anya pa rin nito.
“Papunta na ako.” Seryosong anya ko sa kaniya.
“Sige Kuya.” Garalgal na saad nito at tinapos ko na ang tawag.
Pagkarating na pagkarating sa mansiyon binayaran ko agad ang taxi at hindi na kinuha ang sukli.
Pagkapasok sa loob naabutan ko si Jinie sa sala na pabalik-balik na tila hindi mapakali.
“What’s the matter?” bungad ko sa kaniya.
Agad naman itong napaharap sa akin ng marinig ang aking boses.
“Kuya!” lumapit ito at hinawakan ang laylayan ng damit ko.
“I don’t know, kagagaling ko lang sa school ng marinig ko sa katulong na umuwi na si Papa.”
“Pupuntahan ko na sana siya ng marinig ko na lang ang boses nila ni Mama na nag-aaway.”
“Bubuksan ko sana iyong pinto, ngunit nakalock iyon.” Mahabang litanya nito habang nanginginig ang kamay.
“Just stay here okay? Puputahan ko sila.” Mahinahong saad ko sa kaniya.
Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Tila nawaglit na sa aking isipan na exam ko ngayon.
Pagkaakyat na pagkaakyat sa hagdanan, maririnig mula dito ang boses ni Papa at Tita.
Maya-maya pa lumabas mula sa study room si Tita na umiiyak.
Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatungo ito pero ng makalapit ako sa kaniya tila naramdaman nito ang aking presensiya.
Nag-angat ito ng tingin at tila nagulat na nakita ako.
“Hunter!” umiiyak na anya nito habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
Napakuyom ang aking kamay habang naririnig ang pag-iyak mula kay Tita.
“Talk to your dad please.” Mahinang saad nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“I will Tita.” Nakatiim-bagang na saad ko habang nakatuon lamang ang tingin sa pigura ng taong tinuring kong Ama pero kahit kailan hindi ako itinuring na kaniyang anak.
Dahil para sa kaniya isa lamang akong laruan na pwede niyang kontrolin kahit kailan niya gustuhin.