Chapter 46

1464 Words
Hunter   Hindi maalis-alis ang tingin ko mula sa kaniya. “What are you doing in my house!” bulyaw na anya nito pagkalapit sa amin ni Tita. “At may gana ka pa talagang tumapak sa pamamahay ko mula sinuway mo ako!” dagdag nito  habang naglalabasan ang ugat sa kaniyang leeg dahil sa galit. “Tumigil ka na Alfred!” saad ni Tita. “Ano kakampihan mo yan?!” galit pa rin anya nito. “Walang ginagawang masama sayo ang bata.” Mahinang saad ng huli na tila ba pagod na pagod ng makipagtalo sa aking Ama. Hinawakan ko si Tita sa balikat para pakalmahin. “Ako na po bahala.” Mahinang bulong ko sa kaniya. Muli kong itinuon ang tingin kay Papa. “Bakit ka naparito? Ano manghihingi ka ng pera?” saad ni Papa. Hindi ko naman napigilan ang pag-angat ng sulok ng aking labi dahil sa kaniyang sinabi. “Wala kang mahihita sa akin, hangga’t hindi mo sinusunod ang gusto ko!” maawtoridad na anya nito. Hindi pinansin ang kaniyang sinabi at hinarap si Tita. “Tita, kanina pa po kayo hinahanap ni Jinie.” Mahinahong wika ko dito. “Narinig niya po ang pagtatalo niyo.” Pagkarinig sa aking sinabi bumakas agad sa kaniya ang pag-aalala “Nasa sala po siya.” Saad ko habang nakatuon sa kaniya ang tingin. Tila nagdadalawang-isip naman ito kung iiwan ako o hindi. “Kaya ko na po.” Binigyan ko siya ng maliit na ngiti bilang assurance na wala siyang dapat ipag-aalala sa akin. Hinawakan naman ako nito sa pisngi at nginitian bago umalis para puntahan si Jinie. Pagkaalis na pagkaalis ni Tita ay muli kong hinarap si Papa na nakatiim ang bagang. “Kamusta ka na...Papa” sarkastikong saad ko sa kaniya. Mas lalong bumangis ang itsura nito matapos marinig ang aking sinabi. “Huwag na huwag mo akong matatawag na Papa, wala akong inutil na anak!” nanggagalaiting bulyaw nito habang nakaduro sa akin ang kaniyang daliri. “Huwag na ho tayong magmalinisan dito.” Patuloy pa rin ako sa sarkastikong pakikipag-usap sa kaniya. “Tumigil ka!” pagpapatahimik nito sa akin. Sumeryoso naman ang aking mukha. “August 28, alas-diyes ng gabi.” Tila nagtataka naman ito sa aking sinasabi. “Umuulan ng mga oras na iyon, ngunit hindi ito ang nagpapigil sayo para pumunta sa kainan ilang metro lamang ang layo mula dito.” Seryosong anya ko mula sa kaniya. At nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon nito. Kung kanina para itong tigre na manglalapa, ngayon naman para itong isang maamong pusa. “Cat got your tounge, Pa?” nakangising anya ko sa kaniya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” Hindi makatinging saad nito. “Sa office ako pumunta ng mga oras na iyon para icheck dahil nagkaroon ng problema.” Patuloy pa rin na pagsisinungaling nito. “Pero Pa, ang alam kong yari ng office hours sa kompanya ay hanggang alas-nuebe lamang.” Patuloy pa rin na pagdidiin ko sa kaniya. Bumuntong hininga naman ito at wala na akong nakuhang sagot mula dito. “Ano ang kailangan mo?” mahinahon ng wika nito. “Sigurado ka ho ba na dito natin pag-uusapan?” seryosong saad ko sa kaniya. “Sa study room tayo.” Seryoso ring anya nito at nauna ng pumasok sa loob. Pagkapasok sa loob, sinara ko ang pinto at sumunod sa kaniya. “Maupo ka.” Maawtoridad na wika nito. Agad naman akong umupo sa sofa kaharap siya na seryoso lamang ang ekspresyon ng mukha. “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy, ano ang kailangan mo? Pera?” tila ka-business partner kung kausapin ako nito at hindi ko maiwasang masaktan dahil hanggang ngayon itinuturing ko pa rin siyang Ama ko. Hilaw akong ngumiti sa kaniya. “Gusto ko lamang pong malaman ang totoo mula sa inyo.” “Kung tama po ba ang narinig ko.” Anya ko habang nakatuon sa kaniya ang tingin. Malalim itong humugot ng hininga na tila ba kumukuha ng lakas para siya ay makapagsalita.   “Oo.” Tila bombang sumabog ang narinig kong sagot niya na nagpakuyom sa aking kamay. Hindi ko na napigilang ang mapatayo dahil sa galit na gustong lumabas mula sa akin. “Bakit?!” puno ng galit na saad ko sa kaniya. Anong klase siyang Ama at Asawa, na nagawa niyang lokohin ang pamilya niya. Tanggap ko na, na nagawa niyang ipagalit si Mama ng ganoon kabilis. Pero ang lokohin ang tumayong pangalawang Ina ko yoon ang hindi ko kayang palampasin. “Bakit mo yon nagawa hah?!” sigaw ko at nawala na ng tuluyan ang pag-galang ko sa kaniya dahil sa nalaman. Halo-halo na ang aking nararamdaman mula sa nalaman. At ang sakit pala kapag sa Ama mo mismo nanggaling ang totoo.   Hindi naman ito kumibo habang hindi makatingin sa akin. “Nasaan sila?!” tiimbagang na tanong ko. “Nasaan ang anak mo sa ibang ba--.” Hindi ko pa man natutuloy ang aking sasabihin ng makarinig ako ng kalabog sa pintuan. Wala pang ilang segundo... “Mama!” umiiyak na sigaw ni Jinie. Agad naming pinuntahan ang pintuan at mula doon nakahandusay si Tita habang kalong-kalong ito ni Jinie. “Pa, tulungan mo si Mama dalhin natin siya sa ospital!” patuloy pa rin sa paghagulgol na anya nito. Tila natauhan kaming dalawa ni Papa at agad niyang binuhat si Tita. Pinuntahan ko naman si Jinie at inalalayan saka kami sumunod kila Papa.   Isa lamang ang tumatakbo sa isip ko ng mga oras na iyon... Na sana mali ang nasa isip ko na narinig kami ni Tita.   Pagkarating sa ospital, inassist agad si Tita ng mga nurse at doktor at saka pinasok sa operating room para obserbahan habang naiwan naman kaming tatlo sa labas. “Ano ang nangyari Jinie?” seryosong tanong ni Papa habang mababakas mo sa pagmumukha nito ang pag-aalala sa kalagayan ni Tita. “N-Nagpaalam lang po siya sa akin saglit na may k-kukunin sa kuwarto.” Garalgal na wika nito habang hindi pa rin matigil sa pag-iyak. “Nagt-taka po ako ng ilang m-minuto na hindi pa siya bumabalik, kaya n-naisipan ko po siyang puntahan.” “Nana---“ tila hirap na hirap na anya nito. “Nakita k-ko na lamang po s-siya sa harap ng pinto ng study room na n-nakahandusay.” Pagpatuloy nito habang hindi pa rin maampat ang luha. Hindi ko siya malapitan para patahanin at pagaanin ang kaniyang loob dahil alam ko na kasalanan ko ang nangyari. At hindi ko mapigilang sisihin ang sarili dahil sa nangyari. Isa lang ang sigurado ako, narinig kami ni Tita.   Isang oras pa ang itinagal ng lumabas ang doktor. Agad naman namin itong nilapitan. “Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?” tanong nito. “Asawa niya ako.” Maawtoridad na wika ni Papa. “Ikinalulungkot ngunit nasabi ba sayo ng iyong asawa ang kaniyang sakit?” malungkot na anya ng doktor. “Sakit po? Ano pong sakit? Healthy po ang Mama ko.” Nagtatakang anya ni Jinie habang mababakas ang pangingilid ng luha sa narinig. “Apparently, may nakita kaming butas sa kaniyang puso at base sa findings namin medyo matagal na ito.” Nagsimula ng umiyak si Jinie dahil sa narinig. Napakuyom naman ang aking kamay. Walang may alam ni-isa sa amin ng pinagdadaanan ni Tita. Na sa kabila ng mga ngiting palaging ipinapakita niya sa amin ay mayroon na pala siyang iniindang sakit.   “Kailangan niya ng magundergo ng operation para maiwasan ang paglaki pa nito, at kailangan niyo din pong ihanda ang inyong sarili dahil maliit lamang po ang chance na maging successful ito.” Pagpatuloy ng doktor. “Gawin niyo lahat ng makakaya niyo para iligtas ang asawa ko, magbabayad ako kahit magkano!” Maawtoridad na saad ni Papa ngunit mababakas ang kalungkutan sa gitna nito.   Nakuhanan na ng kuwarto si Tita at kasalukuyan siyang binabantayan ni Jinie. Samantalang, andito lamang ako sa labas ng kuwarto at nakaupo habang sising-sisi sa nangyari. Maya-maya pa may humintong sapatos sa aking harapan. Mula sa pagkakadukdok sa aking braso, inangat ko ang aking tingin at nakita sa aking harapan si Papa. “Mag-usap tayo.” Seryosong anya nito.   Napagpasyahan naming mag-usap sa rooftop ng ospital. “I want you to cooperate with me.” Seryosong anya nito.  “Ipapadala kita sa U.S habang hindi pa umaayos ang lagay ni Samantha, doon ka muna pansamantala.” Maawtoridad na saad nito. “Kailangang pag-gising niya ay hindi ka niya makita para hindi niya maalala ang nangyari dahil makakaapekto ito sa kaniyang kalusugan.” Patuloy na saad nito. Tango lang ang sinagot ko. Hindi na lamang ako nakipagtalo sa kaniya at alam kong para rin ito sa ikabubuti ni Tita.   At ng araw ding iyon umalis ako ng bansa ng si Papa lang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD