Hunter
Ilang araw na ako dito sa U.S na wala man lang balita sa nangyari kay Tita.
Pinadalhan ako ng pera ni Papa kaya nagkaroon ako ng pansamantalang titirhan.
Naisipan kong bumalik sa pagmomodelo hangga’t narito ngunit hindi rin matatahimik ang aking isip hangga’t hindi nalalaman ang kalagayan nila Jinie.
Ilang araw na din akong narito lamang sa hotel na tinutuluyan habang hindi mapakali sa pag-aalala.
Ilang araw ko na ring sinusubukang tawagan si Jinie para makibalita ngunit palaging unattended ang tawag.
Maging si Papa ay hindi rin sinasagot ang tawag, kaya lalo akong nag-aalala.
Kinabukasan habang abala ako sa pagkain ng umagahan nakatanggap ako ng tawag mula sa hindi ko kilalang numero.
Pagkasagot na pagkasagot ko, sigaw ng isang lalaki ang siyang bumungad kaya nailayo ko ng di oras sa tenga ang telepono.
“Pre! Asan ka ba?” sigaw ni Cole ng mabosesan ko ito.
“Ang ingay mo.” Naiiritang anya ko sa kaniya.
Atsaka ko lang naalala na hindi ko nga pala sila nasabihan tungkol sa nangyari at ang huling pagkikita pa namin ay noong pumunta sila sa condo para mag-aral.
“Hindi ka nagtake ng exam. May nangyari ba?!” may pag-aalalang wika nito.
“Pinuntahan ka namin nila Elliot sa condo mo ngunit wala ka at ilang araw na din kami pabalik-balik doon.”
“Something came up.” Buntong hininga na panimula ko habang hindi napigilang mapahawak sa sintido dahil sa p*******t nito.
Ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip.
“Asan ka ba talaga miss ka na nila Caden.” Pagbibiro nito habang rinig ko sa kabilang linya ang pigil nito sa pagtawa.
“An emergency came up!”
“And I want you to do me a favor.” Seryosong saad ko sa kaniya.
Pagkarinig sa tono ng aking pananalita, agad itong tumikhim.
“Anything, sa long as I could help you.” Sinserong anya nito.
Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nakakausap si Jinie.
Ilang araw ang hinintay ko ng muling tumawag si Cole.
“Pinuntahan ko ang sinabi mong ospital pati ang room number.”
Inutusan ko si Cole na kung maaari ay tingnan niya ang kalagayan ni Tita at sabihin kay Jinie na tawagan ako kaagad.
“At dahil na rin sa sinend mong picture ng kapatid mo nakilala ko siya.”
“Ayon sa kapatid mo, ilang araw niya ng hindi hawak ang kaniyang cellphone dahil kinuha ito ng Papa niyo.”
Dahil sa narinig hindi ko maiwasang magalit para sa matanda. Talaga namang pinagbabawalan niyang malaman ko ang mga nangyayari.
“Kamusta sila?” madiin na tanong ko sa kabilang linya.
“May malay na ang Tita mo.”
Agad akong nakahinga ng maluwag dahil sa narinig.
“Kaya lang pre, wala siyang maalala sa mga nangyari ayon sa kapatid mo.”
Upon hearing what he said, I suddenly became at ease.
I don’t want Jinie and Tita to suffer because of my Father’s doing, that’s why I will do my best to keep them away from this truth.
“Thank you Cole, you helped me a lot.” Sinserong saad ko sa kaniya.
“Welcome bro, just call me if ever you need my help.” He said after he hung up the phone.
Saktong pagkababa ng tawag ni Cole ay siya ring pagtawag ni Jinie.
“Kuya?” malungkot na pambungad nito.
Nagunot naman ang aking noo dahil sa tono ng kaniyang pananalita.
“Asan ka ba? Hindi ka na bumalik, ilang araw na kita tinatanong kay Papa, maging si Mama hinahanap ka rin sa akin.”
“May pumunta ditong kaibigan mo at tinanong ko kung nasaan ka pero hindi din daw niya alam.” Saad nito.
“Nandito ako sa U.S.” pag-aamin ko dito.
Ayokong magsinungaling kay Jinie kung nasaan ako, tama ng ipinagkakait ko sa kanila ni Tita ang kasalanan ng aking Ama na pinagtatakpan ko.
“What are you doing there?” tila nagtatakang anya naman nito.
“May inaasikaso lang ako.”
“Mas mahalaga pa ba sa amin yan ni Mama?” makungkot na saad nito habang naiisip ko na ang pagnguso nito habang nagsasalita.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa kaniyang sinabi.
“Trust Kuya okay?” I apologetically said.
“Always take care yourself and your mom.”
“Take care too.” Malungkot pa ring anya nito.
“Don’t worry, I will come back anytime soon. I’ll just handle some things.”
“And I will call you regularly.” I said.
“Promise?” she said.”
“Promise.” Seryosong saad ko before she ended the call.
Pagkatapos ng aming pag-uusap, hindi ko mapigilan ang galit na kanina pa gustong lumabas mula sa aking dibdib. I trusted you. Hindi ko maiwasang isantinig sa sarili habang ang nasa isip ay ang aking Ama.
Naniwala ako sa kaniya na para sa ikabubuti ni Tita ang pag-alis ko ngunit para lang pala ito sa sarili niya.
Napakuyom ang aking kamay dahil sa realisasyon.
Wala kang intensiyon na sabihin ang totoo? Puwes ako mismo ang aalam kung nasaan ang bastardo mo.
Sa loob ng isang buwan kung ano-anong raket ang pinasok ko para makapag-ipon at makabalik ng Pilipinas ng hindi nalalaman ni Papa.
Hindi ko na ginalaw kahit kailan pa ang ibinigay niyang card para hindi niya malaman ang gagawin kong mga transaksiyon.
Hindi nawala ang komunikasyon namin ni Jinie, palagi kong tinatanong sa kaniya ang kalagayan nilang mag-ina maging ang ginagawa ni Papa.
Ayon sa kaniya, sa loob ng isang buwang pagpapagaling ni Tita sa ospital, madalang lang kung makadalaw ang huli at palagi nitong dahilan ang trabaho nito.
Dahil sa narinig patuloy lamang ang pag-usbong ng pagnanais ko na makita ang tinatago ni Papa.
Umabot ng limang buwan at nakatapak na ulit ako sa bansa.
Unang tinawagan ko ay si Cole para ipaalam na nakabalik na ako.
Agad naman itong sumagot pagkatapos ng ilang ring.
“Nandito na ako.” Seryosong anya ko sa kabilang linya.
Nakita ko naman ito sa di kalayuan na wagas kung makakaway na akala mo kay tagal naming hindi nagkita.
Pinatay ko na ang tawag ng makita ito at agad ko siyang nilapitan.
“Kamusta na!?” nakangusong pagbungad nito habang nakadipa ang kamay na tila hinihintay akong yakapin siya.
Hindi ko naman maiwasang tapikin ang kaniyang kamay sa kaniyang inakto.
“Shut it Cole, let’s go.” Madiing bulong ko dito ng mapansing pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Napakamot naman ito sa ulo.
“Tara na.” May hilaw na ngiti na anya nito.
Pagkasakay sa kaniyang sasakyan, hindi ko maiwasang indahin ang p*******t ng ulo dahil sa jetlag.
“Ano ng plano mo?” pagbasag nito sa katahimikan habang sa daan nakatuon ang mata.
Naikuwento ko na sa kanya ang dahilan ng biglaang pag-alis ko pati na rin ang plano ko.
“Ang plano ko muna sa ngayon ang magpahinga.” Maikling saad ko habang nakapikit ang mga mata.
Maya-maya pa nakaidlip na ako sa biyahe.
Nagising lamang ako ng maramdamang huminto ang sasakyan.
“Nandito na tayo.” Saad nito at bumaba na.
Naalimpungatang kinusot ko ang mga mata at ginala ang tingin mula sa kilalang hotel sa Pilipinas.
“Dahil sabi mo wala ka pang matutuluyan, naisipan ko na dito ka na muna sa condo ko tutal sa mansiyon naman ako naglalagi at ginagamit ko lang ito.”
“Alam mo na kapag may iuuwi akong babae.” Saad nito habang may nakakalokong ngiti.
“Nagtaka pa ako.” Naiiling na saad ko naman sa kaniya.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang aking gamit at nagsimula na itong pumasok sa loob na sinundan ko naman.
“Nasa 12th floor ang condo ko.” Saad nito habang nakasakay kami sa elevator.
“Huwag kang mag-alala tungkol sa paglilinis nito dahil may regular na pumupunta dito para maglinis.” Litanya nito pagkatapat sa kaniyang condo at binubuksan ang pinto.
Pagkapasok namin sa loob, mas malawak pa ito kung tutuusin sa condo ko.
“You really helped me a lot Cole.”
“And I’m very thankful.” Sinserong saad ko sa kaniya.
“No problem bro, just call me if you need anything.” Inabot nito sa akin ang keycard at nagpaalam na para umalis dahil may date pa daw itong pupuntahan.