Betty Naalimpungatan ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Pupungas-pungas na inabot ko ito mula sa aking gilid. Wala sa sariling tiningnan ko ang caller. Nagtaka ako na number lang ito. Kunot noo na sinagot ko ang tawag. “Hello po?”saad ko. Napahikab ako sa sobrang antok. Pagtingin ko sa orasan na nasa aking table, alas-otso na pala ng gabi. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ng tatlong oras. Baka mamaya hinihintay na pala ako nila Papa para maghapunan. “Ma’am Betty?”sagot sa kabilang linya. Hindi nawala ang kunot sa noo ko. Teka lang parang kilala ko ang boses na ito. “Yes po?”sagot ko. Ilang segundo ang lumipas na hindi ito sumagot kaya chineck ko kung ongoing pa rin ang call. “Hello?”pag-uulit ko ng ala pa ring sumasagot. Ngunit narinig ko ang naging pagb

