Betty
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa buhay ko ngayon, parang panaginip lang ang lahat. Darti halos hindi ako magkandaugaga sa mga trabaho na ginagawa ko ngayon naman ay nagbago ang lahat nang makilala ko ang aking tunay na pamilya.
Siguro ganoon talaga sa una ka maghihirap.
Parang panaginip pa rin itong lahat habang naaalala ko ang dati kong naging buhay.
"Bettina... apo? kumain kana, malilipasan kana ng gutom..." sabi nito sa kaniya.
"Anak ano ba ang problema? nandito si lola sabihin mo anong problema?"
Sa gulat ng matanda ay bigla nalang umiyak ng tahimik ang bata niyakap ito ng matanda at inalo alo.
"Anak andito si lola, hindi ka iiwan.. wag kang mag-alala.."
Sa narinig ni Betty ay lalo pa siyang umiyak at sa pagkakataong ito ay umiyak siya ng malakas at inilabas lahat ng mga masasakit na nararamdaman niya.
Simula ng araw nayon ay nakikipag usap na si Betty sa lola niya at nagbabago narin siya nakikipag-usap na siya sa ibang tao at nakikipag laro sa mga bata sobra ang pasasalamat niya sa lola niya dahil kung wala ito ay baka habang buhay na niyang kinimkim ang mga sakit na meron siya lumipas ang mga masasayang taon nagsecelebrate sila ng lola niya ng pasko at bagong taon ng masaya ipinagsecelebrate din nila ang kaarawan niya.
Pero akala niya doon na magsisimula ang masasayang araw niya ng sumapit ang ika 18 kaarawan niya habang nagse celebrate sila ng lola niya at nakita na lamang niya itong nakahandusay sa sahig at walang malay sobra ang takot na naramdaman niya dali-dali siiyang humingi ng tulong sa mga kapit bahay nila at agad na isinugod ang lola rosario niya sa ospital ngunit ng makalipas ang ilang minuto na pananatili ng doctor sa loob ng kwarto ng lola niya ay lumabas din ito at hindi niya nagustuhan ang ekspresyon na nasa mukha nito lalo na ng lapitan siya nito.
“Pasensya na, pero hindi na siya nakaabot."
Napaupo si Betty sa narinig niya, wala na ang lola niya.
Sinabi sa kaniya ng doctor na sakit sa puso ang ikinamatay ng kaniyang Lola Rosario. Naalala niya ang mga ngiti nito sa kanya ang mga pagtawa nila.
Sa araw ng libing ng lola niya pinalayas din siya sa bahay na tinutuluyan nila dahil ang sinisisi ng kamag-anakan ng lola niya kung bakit ito namatay ay siya.
Buti na lamang ay may naitabing pera ang lola niya at ibinigay ito sa kanya nung nabubuhay pa ito marahil ay alam na nito na mangyayari iyon kaya binigyan niya ito ng pera.
Umupa ng matitirhan si Betty at doon niya nakilala ang kanyang kaibigan na si Jinie.
Akala pa niya eh, isa itong magnanakaw dahil dis oras ng gabi ay nakita niya ito na may hinahalungkat na gamit noon pala ay kasama niya ito sa dorm.
Simula ng araw na ‘yon ay naging magkaibigan na sila .
Mula sa hirap na naranasan ko kay mama, sa pagdala niya sa akin sa bahay ampunan hanggnag sa makilala ko ang matandang nag ampon sa akin at hanggang kunin siya ng Diyos. Hindi ko inaasahan na ang lahat lahat ng nangyari sa akin ay may dahilan.
Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa buhay ko.
"Jinie... Jinie...” Tawag ko kay jinie.
"Oh?" tanong niya sa akin.
"Kita mo yon?" Itinuro ko sa kanya yung portrait.
"Wala pa ko dito pinagawan na nila ako ng larawan, hihi ang ganda ko naman diyan." Sabi ko.
Habang pinagmamasdan ko yung malaking protrait parang napapansin ko rin ang kaibahan sa mukha ko, pero hmm, kammukha ko talaga, eh. Infairness! May pa-welcome sila na ganito kahit di pa man sigurado na ako ang hinahanap nila.
"Ahh... Miss Bettina, si Maam Eufemia po iyan." Biglang sulpot ni Butler Kan.
Eufemia? Sino iyon?
"Siya ang tunay mong mama, anak. Si Ma’am Eufemia ang tunay mong ina." Sabi ni mama
Ano?! kaya pala magkamukha kami. Para kaming pinagbiyak na buko! kaso sa itsura niya dito ang ganda ganda niya kumpara sakin ngayon. Parang ako ang simpleng version. Kumbaga lamang siya sa akin ng sampung paligo dito.
Naglakad na ulit kami papunta sa kung saan kami dadalhin ni butler Kan.
At doon nakarating kami sa isang kwarto. napadako ang paninigin ko sa isang napakalaking mesa na kasya ata ang dalawampung tao.
May dalawang lalaking nakatayo yung isa nakatungkod kilala ko yon siya si mr. ALfonso choi at yung isa nakatingin sa gawin namin. ang gwapo parin kahit medyo may edad na siguro mga nasa 40 na ang age niya siya siguro ang anak ni Mr. choi.
"Mr. Alsonso, Sir Cassicor nandito na po sila." Sabi ni butler Kan.
Yung dalawang lalaki hindi maalis ang tingin sa akin. Mukhang nagulat sila nang makita ako. May dumi ba ako sa mukha? Wala naman siguro no?
"Maupo na po kayo." Sabi ni Butler kan
Mukhang bumalik naman sa huwisyo sina mr. choi kaya naupo narinn.
Nang maupo na kami ang daming pagkain! OMG mapapasubo nanaman ako hahaha.
"So? kaibigan niya pala SIYA Jinie? elliot cole? caden at Hunter?" Pagbasag ni Mr. Choi sa katahimikan.
Kagat kagat ko yung pata baboy nung magsalita siya.
Shoot. ang sarap nito nagmemelt sa bibig.
"Yes po Mr. choi."- jinie
"Hay nako ikaw talagang bata ka diba sabi ko sayo dati palang na lolo na ang itawag mo sakin, kayo din twing magkikita tayo Mr. Choi ang tawag niyo."
Sabi niya kila jinie elliot cole caden at hunter.
"Haha eh nakakhiya ppo kase pero kung mapilit po kayo sige.. Lolo."- elliot
Kain lang ako ng kain bahal sila mag-usap. hehehe ang sarap ng mga pagkain nila dito.
"Nagugustuhan mo ba ang pagkain Bettina? "-
Ngayon ako naman ang kinausap ni Mr. CHoi. nagulat ako kaya bigla akong nasamid.
Sa pagkakasamid nayon lahat ng maid pati si Mr. Choi at Cassicor napatayo at akmang lalapit sakin pero nakainom naman ako agad ng tubig na inabot ni hunter.
"Maghinay hinay ka sa pagkain."
Sabi ni Hunter sa akin... nakakahiya... halata na bang patay gutom ako?
Napatingin ako kay Jinie na iiling-iling.
"Are you okay hija?" tanong ni Mr. Cassicor.
"Do you want me to call a doctor?" tanong naman ni Mr. choi
Juicemiyo doctor agad? nasamid lang ako. Hindi pako makapagsalita kase paos pa boses ko kaya nag thumbs up nalang ako.
"Ano daw?" Mr. Alfonso said.
"Dad she said okay daw."- cassicor
Hindi pala sanay sa ganun si Mr. Choi. now I know.
Nang matapos kaming kumain nasa sala kami para magkwentuhan.
Pero MR. choi and cassicor wants to talk to me in private kasama si mama sally kaya naiwan muna sia doon.
"Kan.. noong una mo siyang nakita anogn unang pumasok sa isip mo?"- Mr choi
Ano bang pinag-uusapan nila?
"Siya na nga po. Mr. Alfonso.."
"Tama ka!"
Nagulat ako sa pagsigaw ni Mr. CHOI.
"Sa itsura.. sa lakas kumain.. sa paggalaw.. Dad she resemble a lot from Eufi.."
Nagulat ako ng biglang mamuo ng luha yung mata ni Mr. Cassicor.
Ako ba talaga yung hinahanap nila? from the looks on their face sobrang saya nila na makita ako na sobrang kamukha ng namatay kong ina.
"Sally.. maraming salamat sa pag-aalaga sa anak ko.."-
"hindi po.. malaki po ang kasalanan ko kay bettina.."
"Kung pinapatawad ka na ng apo ko ay pinapatawad ka na namin.. salamat at nung panahon na hiningan ka ng tulong ng anak ko ay hindi ka nag atubiling tulungan siya at iligtas ang batang ito."
Parang naaawa ako na natutuwa at naiiyak kasi umiiyak na sila ngayon.
May plano talaga ang Diyos sa buhay natin, hindi habambuhay ipararanas niya sa atin ang paghihirap.