Chapter 73

1473 Words
Betty Dumaan muna kami sa flowershop ni Papa para ibili ng favorite niyang tulips si Mama. Hindi na ako makapaghintay ulit na bisitahin siya, matagal-tagal na din kasi ng huli kong mabisita si Mama. Pagkadating, binaba ko na ang bulaklak kay Mama at binati siya. Tahimik kaming nag-usal ng munting panalangin. Pagkatapos manalangin binigyan ko ng time si Papa na makausap si Mama. Alam ko na ang dami niyang gustong sabihin dito, lalo pa at sabi ni Lolo madalang daw ito makabisita dahil sobrang busy sa company. Pinagmasdan ko na lamang ang mga magagandang bulaklak sa hardin, nang tumunog ang aking cellphone. Hunter: Where are you? Napakunot noo naman ako sa nabasa. Madalang kasi ito magtext at halos puro tawag ang ginagawa niya, dahil ayon sa kaniya hindi siya fan ng text. Me: I’m with Papa. And I put a smiley. Pinamulahan naman ako sa pisngi. Sa tuwing naaalala ko yung paginitiate ko ng halik kagabi na hindi mawala-wala sa isip ko. Why so sweet kasi Hunter? Nadala kasi ako sa sobrang lambing nito ng pagkakasabi na mahal niya ako. Ramdam ko yung sincerity niya. Pagkababa namin nun sa rooftop, mas pinili niyang magcuddle kami sa kuwarto niya. Noong una ayaw kong pumayag dahil baka hinahanap na kami nila Jinie, pero nakita ko na lang ang sarili ko na nagpapahila na sa kaniya sa kuwarto niya. Sinulyapan ko si Papa at muling nagreply dito ng makitang hindi pa ako nito tinatawag. Me: Why? Isang minuto ang lumipas ng sumagot ito. Hunter: I miss you. Napakagat ako sa labi para pigilan ang ngiting gustong lumabas dito. Hindi talaga ako masanay-sanay kapag ganito siya sa akin. Automatic na pumindot ang mga kamay ko ng isasagot sa kaniya. Me: I miss you too. Namumulang itinago ko na ang cellphone. Maya-maya pa naramdaman ko na si Papa sa aking likuran. Inaaya na ako nito papunta kay Mama. Pagkalapit dito, umupo ako sa kaniyang harap. Nakatayo naman si Papa sa aking likuran. Kinamusta ko si Mama hanggang sa ikuwento ko ang mga nangyari sa akin sa nakalipas na araw. Kinuwento ko sa kaniya nangyaring pagkapanalo nila Hunter maging ang nalalapit kong birthday. Kahit na hindi ko siya makakasama sa special day ko physically, but deep in my heart I know that Mom is always beside me. Tumagal pa kami ni Papa ng isang oras at nagpaalam na kami. Sunod kaming pumunta sa isang restaurant para mananghalian. Ayon kay Papa, favorite daw nilang kainan ito ni Mama noong mga kabataan nila. Pag daw magdedate sila dito sila madalas kumakain. Ginala ko ang tingin sa loob pagkapasok. The restaurant is not that fancy or luxury, pero masasabi mong maganda ang ambiance dito dahil sa friendly ang mga nagtatrabaho. They always put a smile on their faces while serving and greeting their customers. And there is no dress code, kahit ano suot mo its okay hindi katulad sa mga fancy restaurant na ang mga customers nila ay halos formal ang mga suot. Mahihiya ka na lang talaga kapag pumasok ka na naka-uniform. Napili naming umupo ni Papa sa bandang gilid dahil halos puno na ang mga upuan sa harap. Kaunti na lang ang mga bakante dahil sa dami ng mga customer nila. Masasabi mo talaga na patok na patok ito. Nang iabot ang menu, tiningnan ko ang mga nakalagay dito. The food here is all Filipino style. Nagutom tuloy ako bigla, namimiss ko na din kasi kumain ng kare-kare at lumpiang shanghai kaya iyon ang inorder ko. Si Papa naman ay paksiw na bangus at putok batok. Pagkakain namin, sunod na pupuntahan namin ay ang mall. Habang nasa sasakyan, hindi ko maiwasang mapaburp dahil sa kabusugan. Sinulyapan naman ako ni Papa sa narinig at sabay kaming natawa. Worth it ang kain namin dahil napakasarap ng pagkain. Now I know why Mama and Papa preferred to date there than in a fancy restaurant. I should recommend that place to Jinie, if ever na magcrave ako aayain ko siya doon. Pagkadating sa mall, sa arcade kami nagpunta ni Papa para maglaro at malibang. Una naming nilaro ay basketball, padamihan kami ng score. Tawa lang ako ng tawa kay Papa sa tuwing sumasablay ang mga tira niya. Samantalang ganun din naman ang akin. Kaya ang ending hindi naman ganun kataasan ang score namin, napakalayo nga sa high score at hindi rin ganun ang lamang. Nanalo lang si Papa na lamang ng dalawang puntos. Napangiti na lang kami sa isa’t isa. Like father, like daughter. Sunod ay pumunta kami sa KTV. Naunang mamili ng kanta si Papa. Nakatingin lang ako sa kaniya habang naka-upo sa couch at siya naman ay nakatayo sa isang mini stage. Maya-maya pa lumapit na ito at nilagay ang numero ng kaniyang kakantahin. Nakasunod lang ang tingin ko kay Papa kaya pagkabasa sa kakantahin niya. Nanlalaki ang mata na napatingin ako kay Papa sa napili nito. Akala ko ang pipiliin niya yung mga kanta ng westlife, backstreet boys, kaya malayong-malayo sa isip ko na ang pipiliin niya ay kanta ng one direction. Hindi ko na napigilang matawa ng tumalikod pa ito na akala mo nasa concert. Nang magsimula, napahagalpak na ako ng kumendeng-kendeng ito. You're insecure Don't know what for You're turning heads When you walk through the door Napasabay na ako sa kaniya sa pagkanta. Nang dumating ang chorus, inaya ako ni Papa na samahan ko siya kaya umakyat na din ako sa stage habang natatawa sa kalokohan namin. Sabay naming kinanta ang chorus. Baby you light up my world like nobody else The way that you flip your hair gets me overwhelmed But when you smile at the ground, it ain't hard to tell You don't know, oh oh You don't know you're beautifull Only you saw what I could see You'd understand why I want you so desperately Right now I'm looking at you and I can't believe You don't know, oh oh You don't know you're beautiful, oh oh That's what makes you beautiful. Tumatawang inakbayan ako ni Papa. Nginitian ko naman siya.Infairness ng marinig ko ang boses ni Papa, maganda din pala ang boses nito. Napakasaya ko ngayon, isa ito sa mga magandang memories na hindi ko malilimutan. Ngayon ko lang naranasan ang magkaroon ng isang Ama at napakasaya pala talaga. Iba pa rin kapag tunay mong mga magulang ang kasama, andun yung feeling na kasama mo lang sila contented ka na. Feeling mo secure and safe ka, dahil alam mong poprotektahan ka nila. “I love you, Papa.”I blurted out suddenly.Nginitian naman ako nito at niyakap. Naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko. “I love you too, anak.”saad nito. Natapos ang araw namin ni Papa sa pamimili ng mga damit. Noong una ayaw pa niyang pumasok sa pinuntahan namin at pilit akong inaaya na sa mall na lang kami bumili pero napilit ko din siya sa huli. Inaya ko si Papa sa tiangge, namiss ko ding makipagtawaran ng presyo. Kilala na ako ng mga tindera dito dahil dito ako palaging bumibili ng mga damit ko noon. Hila-hila ko si Papa habang tumitingin ako ng mga damit. Binabati naman ako ng mga tindera na nadadaanan ko. Nagtataka pa nga si Papa bakit daw maraming nakakakilala sa akin dito. Sinabi ko naman sa kaniya ang totoo. Inabot kami ni Papa ng alas-singko ng hapon sa paglilibot namin. Habang pauwi, nagkukwentuhan kaming dalawa tungkol sa pamimili ko sa tiangge. First time daw niyang makapunta sa ganon, naririnig na daw niya dati si Mama na bumibili din sa tiangge kasama ang mga kaibigan nito pero never daw siyang sumama. Natatawa na lang ako kanina kay Papa sa pagkamangha nito, sa tuwing tatawad kasi ako ay agad binibigay ng mga tindera hindi katulad sa ibang customer. Gusto pa nga kanina ni Papa na bilhin lahat ng nagugustuhan ko dahil hindi ko naman binibili. Nasanay kasi ako na palagi akong nagtitipid, na kung ano lang ang kailangan yun lang ang bibilhin. Natatawa na lang sa amin ang Ale kapag kinukuha ni Papa ang mga pinipili ko, samantalang binabalik ko naman sa dati yun. Pagkadating sa mansiyon, pinakuha ni Papa sa katulong ang mga pinamili ko. Nag-insist pa nga ako na ako na magbubuhat pero hindi na ako pinayagan ni Papa. “You should rest hija and take a bath. Come down when dinner time.”saad nito. Hindi na ako nakipagtalo at tumango. Umakyat na ako sa kuwarto at nahiga sa kama.Sumakit din kasi ang likod ko pati paa sa paglalakad namin sa tiangge. Ang dami din naming inikot ni Papa. Maya-maya pa may kumakatok sa pintuan, bumukas ito at bumungad ang isang katulong. Pumasok ito at ibinaba ang mga pinamili ko. Narinig ko na lang na nagsara ang pintuan. Sa pagod napahikab ako at naramdaman kong bumibigat ang talukap ng mga mata ko, hanggang sa ginupo na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD