Third person
“Nagawa mo na ba yung pinapagawa ko?”saad nito.
Kasalukuyan itong may kausap sa telepono habang nasa garden ng kaniyang mansiyon. Tila inip na inip ito sa sasabihin ng kausap dahil sa pabalik-balik na paglakad nito.
“Collin? That d*ckhead. Nag-usap na kami tapos bigla-bigla siyang magbaback-out. For what? Because he already fall for that girl.? That’s a bullshit!”nanggagalaiting saad nito.
Kumunot ang noo nito at natahimik sa sinabi ng nasa kabilang linya.
Huminto ito sa paglalakad at napangisi sa narinig.
“I like your idea. Well Lolo will approve us on this. How can I forget that the birthday of that b*tch is already coming.”saad nito at tumawa.
Makikita sa mukha nito na may hindi ito magandang binabalak.
Maya-maya pa dumating ang katulong dala-dala ang miryenda nito. Tumatawang umupo siya sa kaniyang upuan at sinenyasan ang katulong na ibaba na lang sa table.
“Maaasahan ka talaga. Just call me if you need anything.”
Pagkatapos ibaba ang tawag, ininom na niya ang juice. Hindi nawala ang ngisi nito sa mukha. Umiiling ang katulong na umalis ng makita iyon.
Ang nasa kabilang linya naman ay ibinaba na ang tawag habang nakasulyap kila Hunter na kasalukuyang naglulunch. May misteryosong ngiti ito sa mukha. Naglakad na siya pabalik sa table niya at kumain na parang walang nangyari.
________________________________________________________________________________________________________
Betty
Humihikab na bumaba na ako para makapag-agahan. Mabuti na lamang at sabado ngayon, hindi kasi ako tinigilan ni Jinie kakatanong kagabi kaya anong oras na din ako nakauwi. Nakakahiya pa kila Lolo at siya na ang nagbukas sa akin dahil tulog na din ang mga katulong. Mabuti na lang talaga naintindihan ni Lolo, kaya lang si Papa ang inaalala ko.
Pagkababa ng hagdan, may maliliit na hakbang akong dumiretso sa dining.
Ginagala ko ang tingin, dahil may pinagtataguan ako.
Pagkaharap ko sa lamesa ako ang nagulat sa nakita.
“Pa!”saad ko.
May alanganing ngiti na nakapaskil sa aking mukha, pagkakita kay Papa na kanina pa pala ako pinagmamasdan. Nakita ko naman sa tabi nito si Lolo na may tinatagong ngiti.
Kakamot-kamot sa batok na lumapit ako.
Pagkatapat kay Papa hindi ko alam kung hahalik ako dahil sa tinging ibinibigay nito. Para akong may nagawang kasalanan sa mariing tingin nito. Bakit Betty wala ba?
“Good morning Pa.”saad ko.
Sa huli humalik din ako sa kaniyang pisngi.
Humalik na din ako kay Lolo na kanina pa kami pinagmamasdan na tila naaaliw sa aming mag-ama. Bumati ito pabalik hindi katulad ni Papa na tumango lang sa akin kaya hindi mawala-wala ang kaba ko.
Umupo na ako sa usual spot ko kung saan katabi ko si Papa habang pinapakiramdaman ito.
Nakatingin lang kami ni Lolo sa kaniya ng basagin niya ang katahimikan.
“Let’s eat first before we talk young lady.”he said.
Tumingin naman ako kay Lolo, tumango naman ito.
Nagsimula na kami kumain ng tahimik. Tanging mga kubyertos lamang ang maririnig sa bawat sulok ng dining. Nakakabingi ang katahimikan ng magsalita si Lolo.
“Hija did you already choose your gown?”he asked.
Lumingon naman ako sa kaniya at nilunok ang nginunguyang pagkain.
“Well about that Lo, there is a certain gown that I want but according to Ate K it is not her design. Pero nakainclude kasi siya sa brochure kaya po balak ko pong kausapin si Ate Lily .”saad ko.
Nakita ko naman mula sa sulok ng aking mata ang pakikinig ni Papa sa pinag-uusapan namin.
“Choose what you want hija.”he said.
Yun pa nga pala ang isang nakalimutan ko kagabi, hindi ko na nacheck ang phone ko dahil nadeadbat ito baka mamaya kanina pa ako kinokontak ni Ate Lily.
Pagkatapos kumain, nauna na si Lolo dahil may aasikasuhin pa daw ito.
Habang paalis ito kanina ay malungkot na nakatingin lang ako sa kaniya. Ang mangyayari kasi maiiwan ako kasama ni Papa. Alam kong nakita ni Lolo na sinusundan ko siya ng tingin habang palabas siya, ngunit kumindat lang ito sa akin at lumabas pa rin.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Papa.
“Come to my office.”maawtoridad na saad nito.
Tumayo na siya at naglakad palabas ng dining. Hindi na ako napagsalita sa maawtoridad na tono ng boses ni Papa.
Huminga muna ako ng malalim at napagpasyahan ng sumunod kay Papa.
Maiintindihan ko si Papa kung magagalit siya sa akin, dahil iniingatan lang naman niya ako. Ngunit hindi ko maiwasang kabahan, iba pa rin talaga kapag may nagawa kang kasalanan at alam mong guilty ka. May nakasalubong pa akong katulong na pababa ng hagdan. Bumati ito kaya binati ko rin pabalik.
Pagkatapat sa opisina ni Papa, mas dumoble ang t***k ng puso ko. Ngayon lang ako makakapasok dito, at ito pa ang dahilan ng pagpasok ko, ang pagalitan.
Kumatok muna ako, ng marinig si Papa na pinapapasok na ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Unang tumambad sa akin ay mga libro at mga papeles na nasa lamesa.
Napalingon ako ng tawagin na ako ni Papa.
Nakita ko ito sa gilid na nakaupo sa kaniyang swivel chair. May maliliit na hakbang akong lumapit sa kaniya. Sumenyas ito na umupo ako sa sofa na nasa gilid ng kaniyang table kaya doon ako umupo.
Tumayo na rin si Papa at naglakad palapit sa akin, umupo siya sa katapat ko na upuan.
Napapikit na lang ako ng hindi agad ito magsalita, tanging nakakabinging katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa.
“Why are you so tense, young lady?saad nito.
Napadilat ako sa kaniyang sinabi at pagkaharap ko kay Papa ay may aliw na sa mga mata nito. Maaliwalas na ang mukha nito.
Pinakawalan ko na ang kanina ko pa palang pinipigilang paghinga at sinamaan ng tingin ang kaharap.
“Pa naman eh.”saad ko.
Hindi ko maiwasang mapanguso dahil parang tuwang-tuwa pa ito na nakikita ang reaksiyon ko.
“If it is about last night, don’t worry about it. Naiinitindihan ko na kailangan niyong magcelebrate dahil sa pagkapanalo nila Hunter. And I trust those kids.”sabi nito.
Napakunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
“Eh bakit po kanina parang galit po kayo?”tanong ko.
Tumawa naman ito na lalong ipinagtaka ko.
“It’s your Lolo’s idea. He wants to scare you and I can’t say no to him.”anya nito.
Si Lolo talaga, kaya pala kanina ko pa napapansin na parang natutuwa pa ito sa nangyayari.
“And I also want us to have some alone time together. I know that I’ve been busy this past few days, that’s why if it’s okay with you or if you do not have any plans. Let’s go out?”he said.
Napangiti ako ng malaki sa narinig at tumango agad-agad.
Napangiti din ito.
“Okay it’s settled then.”
Namimiss ko na rin kasi si Papa, madalang na namin siyang makasabay sa pagkain dahil palagi itong busy. Naiintindihan ko naman na tungkol sa business kaya siya abala. And this day, it’s me and Papa day.
Pagkayari namin mag-usap ni Papa dumiretso na agad ako sa kuwarto para makaligo na at makapag-ayos. Excited akong makasama si Papa dahil ngayon lang kaming magbobonding na dalawa.
Pagkaligo ang naisipan ko na lang isuot ay isang jeans at white shirt na pinartneran ko ng doll shoes. Pinoni ko ng isang buo ang buhok ko dahil medyo naiinitan na ako sa haba nito. Pagkayari bumaba na ako.
Nadatnan ko naman si Papa na naghihintay na sa sala. Inaya na ako nito sa kotse. Pagkasakay ay tinanong ako ni Papa kung saan kami una pupunta, isa lang naman ang nasa isip kong unang puntahan kaya sinabi ko sa kaniya.
Habang nasa biyahe, naisipan kong magpatugtog.
Pagkarinig sa musika, hindi ko maiwasang pasabay dahil isa ito sa mga paborito ko.
Playing: Somewhere down the road by: Barry Manilow
We had the right love
At the wrong time
Guess I always knew inside
I wouldn't have you for a long time
Those dreams of yours
Are shining on distant shores
And if they're calling you away
I have no right to make you stay
Napalingon na lang ako kay Papa ng sabayan niya din ito.
But somewhere down the road
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me
“That you belong with me.”pagkanta ko.
Pagdating ng dulo hindi na ito sumabay na siyang ipinagtaka ko. Sinulyapan ko si Papa at hindi nakatakas sa paningin ko ang lungkot na nakabalatay sa kaniyang mukha.
“Pa.”pagtawag ko dito.
Sinulyapan naman niya ako ng tingin at binalik na ulit ito sa daan.
“I just remember your mother.”anya nito.
Halata sa mga mata nito ang lungkot.
Alam ko na napakahirap ng pinagdaanan ni Papa, alam ko dahil araw-araw ko siyang sinisilip sa office niya para tingnan kung andun na siya at palagi ko siyang nakikita na malungkot na nakatingin sa litrato namin ni Mama sa table niya. Alam ko na parati niyang sinisisi ang sarili niya, ngunit walang may gusto ng nangyari.
Ang hirap ng kaniyang pinagdaanan ng mawala kami ni Mama. Parehas kaming nawala sa kaniyang paningin at alam kong grabe ang sakit na naihatid nito kay Papa. Kinuwento sa akin ni Lolo na walang tulog o pahinga man lang si Papa sa paghahanap sa amin. Imbes na pabayaan sa pulis ang paghahanap, sumasama pa ito mismo. Sa tuwing walang balita, bagsak ang balikat daw itong didiretso sa kuwarto nila Mama at magpapakalasing. Naririnig na lang daw ni Lolo na nagwawala ito at umiiyak. Parati nitong sinisisi ang sarili dahil sa kapabayaan.
Noong mahanap ang katawan ni Mama na walang buhay, halos masiraan si Papa ng bait ng mga panahon na yon. Lahat ay inaway niya at sinisigaw na ibalik sa kaniya si Mama. Nang mailibing daw si Mama, palagi na lang tulala si Papa. Nagkukulong ito sa kuwarto at madalang kung lumabas. Ang laging bukambibig ay ang pangalan ni Mama.
Ngunit isang araw nagulat daw sila Lolo ng lumabas ito sa kuwarto na parang walang nangyari. Ang sabi daw nito, nagpakita daw sa kaniya si Mama at sinabing hanapin ako. Ilang taon ang lumipas sa kanilang paghahanap, sinuyod daw ni Papa ang bawat sulok ng mundo mahanap lang ako. Inabot pa ng labing-tatlong taon ang paghahanap nila. Sa tuwing maiisipan daw ni Papa ang sumuko, palagi daw nitong tinititigan ang litrato naming dalawa ni Mama. Parang doon siya kumukuha ng kalakasan. Umabot pa ng labing-pitong taon ang paghahanap nila. Inamin sa akin ni Lolo na nawalan na siya ng pag-asa dahil sa tagal ng panahon ngunit si Papa ay naniniwalang mahahanap ako. Kahit anong pilit ni Lolo na tigilan na ang paghahanap, hindi daw ito nagpapigil dahil naniniwala siyang buhay pa ako. Hanggang sa lumapit daw sa kanila si Nanay at nagpakilala na siya ang nag-aruga at nag-alaga sa akin.
Naalala pa nga daw niya, noong magkikita-kita na kami hindi daw mapakali si Papa na akala mo may bulate sa pwet. Natawa naman ako sa pagkukwento niya. Pilit daw nitong inaayos ang buhok at damit kahit ayos na. Palakad-lakad pa daw ito at panay buntong hininga. Tinatawanan na nga lang daw siya ni Lolo, pero imbes na magalit namumula pa daw si Papa sa hiya. Si Papa parang matatae sa pwet daw ang itsura samantala siya chill at cool lang. Sobra ang tawa ko nun dahil may muwestra pa ang pagkukuwento ni Lolo.
Natawa na lang ako ng maalala ang kakulitan ni Lolo. Noong una nagiiyakan kaming dalawa sa kinukuwento niya, maya-maya nagpapatawa na.
Nangunot ang noo ni Papa ng mapansin ako.
“Why are you laughing?”tanong nito.
Tumikhim naman ako.
“Pa, I know that you miss Mom and I also miss her a lot. Alam kong masaya na siya kung nasaan man siya ngayon dahil natupad ang kahilingan niya.”saad ko.
Nginitian ko ito ng hindi pa rin nawala ang kunot noo nito.
“Ang wish niya na magkasama na tayo nila Lolo.”I said and started crying.
How I wish nakasama ko ng matagal si Mama, naramdaman ko ang pag-aaruga niya at kalinga ng isang Ina. How I wish nandito siya sa amin ngayon at kasama namin ni Papa. Kung kasama lang namin siya hindi ko sana mararanasan ang mga hirap at sakit ng pag-iisa ko noon. Ang pambubully sa akin na hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko. Yung mga panahon na may sakit ako at tanging sarili ko lang ang karamay ko at isang manipis na kumot at unan.
Sasabihin ko sa kaniya ang mga problema ko at sabay naming sosolusyunan. Sabay kaming tatawa. Sabay kaming iiyak. Magkasama kami sa pagkain maging sa pagtulog. At nayayakap ko siya at nahahalikan. At lahat na yun ay puro sana, dahil iniwan na niya kami.
Tumulo ang luha nito.
“I know your Mom is very happy and proud of you anak.”he said wholeheartedly.
“Yeah I know Dad and I’m so proud and thankful to God that you are both my parents. I love you Dad.”umiiyak na anya ko.
Hindi ako magsasawang magpasalamat sa Panginoon na binigyan niya ako ng pagkakataon na makilala ang tunay kong mga magulang at tunay kong pagkatao.