Betty
Malimit-limit ko na talagang batukan si Jinie. Kanina ko pa siya kinukulit na pahiramin ako ng ibang damit, aba tinatawanan lang ako. Namumula na ang mukha ko sa inis dahil sa pang-aasar niya. Naalarma lang ako ng tumayo na ito mula sa pagkakahiga.
“Wait, saan ka pupunta?”natatarantang saad ko.
Nginisihan lamang ako nito at dire-diretso akong nilagpasan.
“Hoy Jinie!”
Tuloy-tuloy pa rin ito kaya hinabol ko na siya at pinigil sa kaniyang braso. Nagmamakaawang tiningnan ko siya.
“Please naman iba na lang, hindi ako makakalabas ng ganito.”saad ko.
Hindi ako makakuha ng damit sa kaniyang closet kahit gusto ko kasi nilock niya yun. Tila alam na alam niya ang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko yung nakalagay sa t-shirt ko. Bakit ba kasi ang tanga mo Betty, bakit hindi mo muna tiningnan bago mo isuot.
Hinawakan nito ang balikat ko.
“Trust me, it’s for your own future.”saad nito
“Anong fu---.”
“Ciao!”
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ng bitawan na nito ako at kumaripas na ng labas.
Napanganga na lang ako sa tulin nito.
Limang minuto na ako dito sa loob at nagtatalo pa rin ang isip ko kung lalabas ba ako o hindi. Nilapitan ko ang salamin at tiningnan ang aking sarili.
Naisipan kong iparagan sa short ang t-shirt ng makita kong high waist ito. Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok para matakpan kahit papaano ang nakalagay sa gawing dibdib ko.
Nang mapansing hindi na siya gaanong halata, napagpasyahan ko ng lumabas. At tiyak din akong kanina pa ako hinahanap ni Hunter. Mahirap pa namang amuin yun.
Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad.
Pababa na ako ng hagdan ng may makita akong babae at lalaki sa sala na magkayakapan. Unti-unting bumagal ang aking paghakbang at hindi gumawa ng ingay para hindi nila ako mapansin. Grabe ako pa talaga ang nahiya para sa kanilang dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako ng makalayo sa kanila ng matiwasay. Hindi pa rin masanay-sanay ang aking mga mata sa ganoong bagay kahit pa araw-araw nakakakita ako sa campus ng mga couple na mas intimate pa sa isa’t isa kaysa kanina.
Nasa pintuan pa lang ako, napatakip na agad ako sa tenga sa sobrang lakas ng music. Ginala ako ang tingin sa garden na pinagdadausan ng party. Nakakahilo ang mga kumikislap na ilaw, mayroon silang mini bar sa kanang gilid pagkalabas at mayroon ding DJ sa kaliwa ko. May mga bisita nasa table lang nagkakainan at nagtatawanan habang may mga nakaharap ng alak. Mayroon ding mga nasa swimming pool at mayroon ding mga sumasayaw sa saliw ng tugtugin.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad para hanapin yung babaitang iyon. May mga mukha akong kilala at nakikita sa campus, mayroon namang ngayon ko lang nakita.
Nakipagsiksikan ako sa mga nakakasalubong ko na tuloy lang sa pagsayaw.
Ginala ko ang aking mata. Hanggang sa natanaw si Jinie na nakaupo sa gawing dulo kasama sila Cole. Hindi ko na pinigil ang mga paang kusang naglakad papunta sa kanila. Patuloy lang ako sa pakikiraan ng mahinto dahil sa may biglang humigit sa kamay ko at dinala ako sa dagat ng mga taong nagsasayaw.
“Ano ba!”daing ko ng masaktan sa pagkakahigit nito.
“Saan ka pupunta? Sayaw muna tayo.”saad nito.
Hindi ko siya kilala at base sa pamumungay ng mga mata nito at amoy ng hininga. Lasing na siya. Patuloy naman siyang sumasayaw sa aking harapan habang hawak ang isang kamay ko. Pilit kong kinukuha ito ngunit mahigpit ang kaniyang pagkakahawak.
“Ano ba! Bitawan mo nga ako!”galit na sigaw ko.
Napipika na ako sa lalaking ito. Gusto ata makatikim sa akin hah. Puwes pagbigyan ang kaniyang kahilingan.
Inangat ko ang aking paa para sipain ang kaligayahan niya ng mahinto dahil bumulagta ito sa sapak ng kung sino.
Natigil ang tugtugan sa komusyon maging ang mga bisita ay natigil din sa pagsasayaw. Maya-maya pa pinapalibutan na kami ng mga tao.
“Ano ba problema mo pare!”sigaw ng lalaki na ngayon ay hawak-hawak ang labi niyang duguan.
Napatitig naman ako sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan na tila pinoprotektahan ako mula sa lalaking kaniyang sinuntok. Hindi ko maiwasang kilabutan at matakot sa awra ngayon nito. Ramdam ko na matindi ang galit nito base sa panginginig ng kaniyang nakakuyom na kamao.
“Problem!?”mapanganib na anya nito.
Inabot niya ang kanang kamay ko na kaninang hawak ng lalaki. Mahigpit ang kaniyang hawak ngunit andun ang pag-iingat. Napatingin naman ako dito.
“Hunter!”mahinang bulong ko na kami lang dalawa ang makakarinig.
Alam kong narinig niya ako dahil hinimas niya ang kamay kong hawak-hawak niya.
Ngunit hindi kayang takpan ng boses ko ang galit niyang nararamdaman.
“This girl is mine! Anong karapatan mo na hawakan siya!”sigaw nito nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sa lalaki.
Para siyang isang leon dahil sa boses nito na nagpatahimik sa mga nagbubulungan.
Ang kaninang matapang na lalaki ay naglulumikot ang mga mata dahil hindi makayanan ang tingin na ibinibigay sa kaniya ni Hunter.
Maya-maya pa nakita ko na sila Jinie kasama sina Cole na palapit na sa amin. Hinawi nila ang mga tao at natagpuan kaming dalawa ni Hunter.
Tumakbo palapit sa akin si Jinie, samantalang inalalayan naman nila Cole ang lalaki.
“What happened?”tanong ni Jinie sa akin.
“Get his ass out of here!”sigaw ni Hunter.
Inilabas naman agad nila Cole ang lalaki. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Hunter.
Patuloy naman ako tinatanong ni Jinie kung anong nangyari, ngunit tila walang lumalabas na salita sa aking labi dahil sa pagkagulat.
Pagkaalis ng lalaki, ako naman ang hinarap ni Hunter. Kung kanina mabangis na ang itsura nito mas mabangis ngayon.
“You, follow me!”maawtoridad na anya nito.
Ang bilis ng t***k ng puso ko. Lagot ako nito, hindi pa nga kami nagkaka-ayos kanina may panibago na namang dahilan ng galit nito.
Tumingin ako kay Jinie.
Nakakaintinding tumango naman ito.
Sumunod na ako kay Hunter. Ramdam ko ang tinginan ng mga bisita habang papasok kami ng mansiyon ngunit ipinagwalang-bahala ko na lamang dahil ang mahalaga ngayon ay si Hunter.
Nagtatakang nakasunod lang ako sa kaniya habang umaakyat na kami ng hagdan. Mabibigat ang paghakbang nito. Hindi niya ako nililingon man lang. Huminto lang siya ng natapat sa harap ng pintuan ng kanilang rooftop.
Naramdaman kong haharap ito sa akin kaya parang automatic ang mga mata ko na pumikit. Nagdaop pa ang mga palad ko sa takot.
“Sorry na please! Hunter sorry.”nagmamakaawang anya ko.
Napakunot ang noo ko ng ilang segundo na wala pa rin akong nakuhang sagot.
Hindi ko naman maiwasang mag-isip ng kung ano. Baka nakaabang na ang kaniyang kamao pasuntok sa mukha ko. Pero grabe naman ata yun, hindi naman malala ang kasalanan ko...yata.
Dahan-dahang idinilat ko ang isang mata. At tuluyan ko ng idinilat parehas ng wala naman siya sa aking harapan. Nagtatakang iginala ko ang tingin sa hallway nila. Saan nagpunta yun? Iniwan ako dito mag-isa, may pafollow me follow me pa siyang nalalaman.
“What took you so long!?”
“Ay bipolar!”
Napatakip agad ako sa bibig. Kaya ayoko ng nagugulat eh kung anu-ano ang lumalabas sa bibig ko na hindi dapat.
Ang kanina ko pang hinahanap ay bigla na lang sumulpot sa pintuan ng rooftop habang nakakunot ang noo. Tila inip na inip na ito sa akin.
“What?”seryosong tanong nito.
Nandun na naman ang mukha niya na walang ekspresyon, kaya ang hirap niyang basahin eh. Hindi mo malaman kung galit, masaya o malungkot. Kaya tamang-tama nga sa kaniya ang bansag na cold-hearted prince.
Binigyan ko siya ng pekeng ngiti.
Umirap lang ito, at walang sinabi na pumasok na sa rooftop.
Hmfp. Ang arte naman, may pairap-irap pa ang Lolo niyo.
Sinundan ko na siya sa loob.
Pagkapasok nakita ko itong nakaupo sa mini bar na nasa gilid habang mayroon ng iniinom na whiskey sa kaniyang harapan.
Nagtama ang aming matang dalawa kaya nahinto ako sa paglalakad.
Hindi ko makayanan ang intensidad sa tingin niya habang patuloy sa paginom ng whiskey. Napalunok naman ako ng di oras. Parang gusto ko na lang maging baso. Feeling ko ako ang nalalasing dahil kay Hunter. At feeling ko din inaakit niya ako sa mga simpleng galaw niya ng pagkagat sa labi at dahan-dahang paglunok kung saan kitang-kita ang paggalaw ng kaniyang adams apple.
“Cassandra!”
Natigil naman ako sa pagkakatula dahil sa sigaw nito. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya. Namula naman agad ang aking pisngi sa sobrang hiya nahuli ako nito.
“Come here.”saad nito.
Dahan-dahang lumapit ako sa kaniya habang sa baba nakatingin dahil sa pagkapahiya.
Huminto ako sa tapat niya na may sapat na layo mula sa kaniya.
“Sit down.”saad nito.
Andun pa rin ang kagaspangan sa kaniyang boses kaya hindi pa rin makampanti ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito na tanging si Hunter lang ang nakakagawa.
Umupo ako sa kaniyang tabi.
Dahil medyo mataas ang stool, nagmistulan akong bata dahil hindi abot ng paa ko ang sahig. Samantala siya ay parang nasa isang photo shoot sa klase ng pag-upo niya na suwabeng-suwabe.
Nakaharap lang ako sa table habang nasa kaliwa ko siya. Naramdaman kong humarap ito sa akin.
“Your late!”masungit na saad nito.
Napakagat naman ako sa labi. Bakit ba ganito na lang ang epekto mo sa akin Hunter, alam ko na galit ka pero parang ang sarap sa pandinig ng boses mo.
“And Jinie said you are out with a friend!”
Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya. Natense ako ng ipatong nito ang kaliwa niyang kamay sa table. Kaunti na lamang ay magkakadikit na ang palad naming dalawa. Kitang-kita ko ang mga nagagalit na ugat sa kaniyang kamay at pansin ang kagaspangan nito.
“Boy or girl!?”
Nagtatalo ang isip ko kung sasabihin ko sa kaniya na kasama ko kanina si Brandon. Alam ko na una pa lang ay ayaw na niya dito, paano pa kaya kapag nalaman niya na ito ang kasama ko.
Pero kapag nagsinungaling naman ako sa kaniya may tendency ding malaman niya ito at mas lalo pa siyang magagalit dahil sa pagsisinungaling ko.
“Cassandra boy or girl!?”
Base sa tono ng boses niya mukhang naiinip na ito sa sagot ko at mukhang nakakaramdam na din siya dahil sa pagtagal kong sumagot kaya...
“Boy.”mahinang pag-amin ko.
Tumahimik ito sa naging sagot ko at kita ko ang pagkuyom ng dalawa nitong kamay.
Hinarap ko na siya ng hindi ko na makayanan ang katahimikan. Ito ang ayaw na ayaw ko kay Hunter ang silent treatment. Mas gusto ko na nagagalit siya sa akin kaysa hindi niya ako papansinin at kakausapin. Feeling ko kasi kapag ganun wala na siyang pakielam sa akin.
“Pero kaibigan ko lang si Brandon, matagal na kami magkakilala bago ko pa makilala sila Lolo.”paliwanag ko.
“At ikaw ang mahal ko.”
Hindi niya pa rin ako pinapansin at nanatili sa iba ang direksiyon ng kaniyang tingin. Ngunit alam kong naririnig niya ako base sa pagtiim ng kaniyang bagang at pagkagat sa kaniyang labi.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“Pumayag pa nga akong suotin itong damit na ito kahit na nakakahiya. Dahil totoo din naman ang nakasulat dito, ikaw ang nagmamay-ari sa akin Hunter.”saad ko.
Nabuhayan ako ng loob ng sulyapan niya ang suot kong t-shirt. Nakita ko kung paano mamula ang dalawang tenga nito kaya napangiti ako.
Binalik naman nito sa dati ang walang ekspresyon niyang mukha ng makita ang reaksiyon ko.
Natatawa na lang ako sa loob-loob ko. Para kasi siyang babae sa inaasta niya ngayon. Ang cute lang ni Hunter.
“How about the guy I punched?”tanong nito.
Alam kong itatanong niya din ito.
“Hindi ko nga kilala yun eh, bigla-bigla na lang akong hinitak kanina.”pagsasabi ko ng totoo.
Tinitigan naman nito ang mukha ko kung nagsasabi talaga ako ng totoo.
Bumuntong hininga na ito na tila nabunutan ng tinik sa aking sinabi.
Nang makita kong ayos na kaming dalawa, tumayo na ako at lumapit sa kaniya.
Hinawakan ko ang kaniyang balikat habang sa kaniya lang nakatuon ang aking tingin.
Umangat naman ang titig nito sa akin.
“Ang cute mo magselos.”hindi ko na napigilang sabihin.
Namula naman lalo ang tenga nito.
Hindi ko na napigilan ang sariling dukwangin siya at patakan ng magaang halik ang kanina pang nag-iimbita niyang labi.
“Ikaw lang ang mahal ko.”bulong ko pagtapos siyang halikan.
Namungay parehas ang aming mga mata. Tila nag-uusap ang mga ito base sa tinginan namin at mapupunta ang tingin sa labi ng isa’t-isa.
“Ma---.”
Hindi ko na natapos ang sana’y sasabihin ng hilahin nito ang aking bewang kaya napaupo ako sa kaniyang kandungan. Sinalubong agad nito ang mga labi ko ng mainit na halik na agad kong sinuklian.
Napapikit ako at automatic na pinulupot ang mga braso sa kaniyang leeg.
Hinihingal na binitawan namin ang labi ng isa’t-isa.
“Mahal din kita, Cassandra.”paos na anya nito.
Pagkarinig sa kaniyang sinabi, ako na mismo ang humalik sa kaniya.
At sa gabing iyon kung saan nagkakasiyahan ang lahat sa baba, natagpuan namin sa isa’t isa ang kaligayahang matagal ng hinahanap.