Chapter 70

1918 Words
Betty   Pagkarating sa parking lot ng school, iginiya na ako ni Brandon sa kaniyang sasakyan. Habang nasa biyahe, patuloy lamang ang pagrereminisce namin noong mga bata kami. Naalala ko pa noon kung paano ko siya nakilala sa bahay ampunan.   Araw na iyon ako iniwan ni Nanay sa ampunan. Ilag ako sa mga taong naroroon, wala akong kinakausap na kahit na sino. Kung tatanungin naman nila ako ay tahimik lamang akong tumatango o umiiling. Walang gustong maging kaibigan ako dahil tahimik lang ako. Mas pinipili ko ang mag-isa kaysa makihalubilo sa iba. Isang araw habang pumipila kaming mga bata para sa pagkain namin, pinakilala ni Sister Nella ang isang batang lalaki. Marami ang lumapit na bata sa kaniya para magpakilala, tanging ako lamang ang naiwan sa pilahan. Halos lahat ng mga tao doon ay giliw na giliw sa kaniya dahil sa angkin nitong kakisigan. Ngunit ang napansin ko sa kaniya ay ang kawalang interes niya sa nangyayari base sa coldness ng mga mata nito. Sa araw-araw, palagi ko siyang nakikita na nakaupo sa swing sa may garden ng ampunan habang maraming kasamang mga bata. Nagtatawanan at nakikipaglaro sa kaniya ngunit parating walang ekspresyon ang kaniyang mukha. Ganoon palagi ang nangyayari, parati ko siyang nakikitang nakaupo doon, tila may malalim na iniisip dahil sa pagkakatulala nito. Ngunit nagtaka ako ng sa bawat araw pakunti ng pakunti ang mga nakikihalubilo sa kaniya. Nagtaka ako ng isang araw wala siya doon sa swing, nilibot ko pa ang garden ngunit wala siya doon. Sisilipin ko na sana ang padulasan... “Sino hinahanap mo?” Napalingon ako agad sa nagsalita at ang kanina ko pang hinahanap ay nasa aking harapan. Hilaw na nginitian ko siya. “Hinahanap ko yung nawawalang pusa na nakita ko dito?” Alam ko pong masama ang magsinungaling, pero nahihiya po kasi ako dahil nahuli ako nito. Umangat naman ang sulok ng labi nito at may sumasayaw na aliw sa kaniyang mga mata. “Nauna ka sa akin dito pero hindi mo alam na bawal ang hayop dito? Nakakapagtaka naman yata.”saad nito. Pinamulahan ako sa pisngi sa pagkapahiya. Tama siya hindi inaallow sa ampunan ang pag-aalaga ng hayop. Dahil sa pagkapahiya, walang lingon na iniwan ko siya doon. Narinig ko pa ang pagtawa at pang-aasar nito habang palayo ako. Simula noon palagi na niya akong nilalapitan at inaasar. Akala ko tahimik lang siya na bata nun pala kagaya lang din siya ng iba. Dahil sa palagi kaming magkasama naging close na kami sa isa’t isa. Napanatag ang loob ko sa kaniya dahil masarap siyang kasama. At doon nabuo ang puppy love ko sa kaniya.   “Alam mo mabuti na lang talaga na hindi ikaw ang first love ko kundi kabata kong naranasan ang pagiging heartbroken.”natatawang anya ko. Sinulyapan naman ako nito habang patuloy sa pagmamaneho. “Eh ewan ko naman kasi sayo, napansin mo na nga noon na hindi ako nakikipaglaro o nakikisama man lang sa mga lalaki, nainlove ka pa.”sabi nito. Natatawang hinarap ko siya. Aba sinisi pa ako, kasalanan ko pa nga. “Totoo ngang looks can be deceiving.” Inirapan lamang ako nito. Maya-maya pa huminto na ito. Nauna akong lumabas dahil naghanap pa siya ng pagpaparkan. Ginala ko ang tingin. Parang bigla akong bumalik sa pagkabata. Iba pa din talaga ang mga panahon kung saan naglalaro  kami dito at kumakain. Ngunit marami na ang nagbago dito sa nakalipas na panahon. Ang dating parke kung saan kami madalas ay may mga nakatayo ng mga tindahan at boutique. Ang dating pinaglalaruan namin, ngayon ay parkan na ng mga kotse. Naramdaman ko ng nakalapit na si Brandon. “Ang dami na talagang nagbago hano? Parang tayo, nakilala ko ang tunay kong pamilya samantala ikaw, maayos na ang buhay mo sa mga umampon sayo.”sabi ko. Sa pag-gala ko ng tingin dito hindi ko maiwasang isipin na parang ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nung naglalaro pa kami dito ng habulan. Noong mga panahon na sa tuwing nadadapa ako nauuna pang umiyak si Brandon. Takot kasi siya sa dugo. “Huwag ka ng mag-emote! Chumibog na tayo!”saad nito at iniwan na ako. Napairap na lang ako sa hangin. Ayon na eh feel ko na yung vibes, mapapaiyak na sana ako, char. Panira naman kasi ng trip. Sumunod na ako sa kaniya. Nakita ko siya sa isang food stall na puno ng street foods. Natakam agad ako sa nakita. Isa pang namiss ko ay ang pagkain ng mga ito. Napatingin ako kay Brandon ng tinawag ako nito. “Hoy! Libre na kita nakakahiya sayo.”saad nito. Napatingin naman ang mga bumibili dito maging ang tindero sa lakas ng boses nito. Nilapitan ko siya sa kaniyang gilid at pasimpleng kinurot at binulungan. “Oo na tumahimik ka na! Nakakahiya sa mga bumibili.” Napa-aray naman ito sa pagkurot ko at sinamaan ako ng tingin. Mabuti na lang hindi na siya nagkomento. Pagkabili namin ay naisipan na lang na sa kotse niya kumain. Ang binili ko ay tatlong isaw, dalawang dugo at chicken skin na paborito ko. Si Brandon naman kulang na lang bilhin lahat sa dami ng binili nito. Tahimik lamang kaming kumain. Pagkayaring kumain, pagtingin ko sa orasan sa cellphone tatlumpung minuto na pala akong late. At pagkabukas dito, tadtad na ako ng text at missed calls ni Jinie. Maging si Hunter ay mayroon na ring missed calls. Kinakabahang lumingon ako kay Brandon. Napakunot naman ang noo nito. “Bakit? Natatae ka?”sabi nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin at inirapan. “Natatae agad di ba puwedeng kinakabahan lang dahil lagot ako kay Jinie late na ako!” “Lalo na si Hunter.”bulong ko sa sarili. Nakakaintinding tumango naman ito dahil celebration daw iyon. Mabuti na lang at good mood na si Brandon at nagpresinta pang ihatid ako kahit na naginsist ako na huwag na. Nakakain lang nag-iba din, bipolar din ang isang ito. Tinuro ko sa kaniya ang bahay nila Jinie. Pagkarating doon, rinig mula sa labas ang lakas ng music na nanggagaling sa loob. Mukhang maraming tao base din sa sigawan na naririnig ko. Pagkababa sinilip ko si Brandon at inaya ngunit tumanggi ito dahil hindi daw maganda na kasama siya lalo pa at kalaban ang team nila. Nagpahabol pa ito na kahit daw gustong-gusto na nitong sumama para makabingwit ng Papa. Napailing na lang ako sa kaniya. Nagpaalam na ito. Sinusundan ko ng tingin ang papaalis nitong sasakyan ng may humablot sa braso ko. “Kanina pa kita tinetext saan ka ba galing?”hinihingal na anya ni Jinie. Napakamot na lang ako sa batok at hilaw na ngumiti. “By the way, let’s go na kanina ka pa hinahanap ni Kuya, aburido na yun.” Hinila na ako nito papasok. Napatingin naman ako sa suot ni Jinie na short shorts at crop top na halata ang swimsuit sa loob dahil sa string nito sa kaniyang leeg. Pinigil ko siya. “Hindi ba nakakahiya itong suot ko, nakauniform pa ako.” Sinuyod naman nito ng tingin ang aking kabuuan. “Don’t worry my dear, pahihiramin kita ng swimsuit.”saad nito sabay kindat. Muli na ulit ako nitong hinatak. Mukhang hindi ko gusto ang kindat na yun, pag si Jinie pa naman ang nagsabi, sa hindi malamang dahilan palagi na lang akong kinakabahan. Nagpatianod na lang ako sa kaniya. Sa front door nila ay walang katao-tao sa paligid na siya pinagtaka ko. Saan sila nagcecelebrate? Mukhang narinig ako ni Jinie dahil sinabi nito na sa likod daw kung saan naroroon ang swimming pool nila ang mga bisita. Inaya muna niya ako sa kuwarto niya upang magpalit. Mabuti na lang at wala kaming nakasalubong na mga estudyante, tanging mga katulong lang na busy sa pagseserve ng pagkain. Pagkabukas ng pintuan ng kaniyang kuwarto tinanong ko sa kaniya kung nasaan si Tita. Nasa bahay bakasyunan daw nila ito sa ngayon para magpahinga at magliwaliw. Matagal na daw nila itong pinagbabakasyun dahil sobra na nitong inaabuso ang katawan sa paghahandle ng company nila at mabuti na lang daw pumayag na ito sa tatlong beses na pangungulit niya. Ginala ko ang tingin sa loob ng kaniyang kuwarto habang naghahalungkat siya sa kaniyang closet. Hindi nalalayo ang laki ng kuwarto ni Jinie sa kuwarto ko. Ang pinagkaiba nga lang mas girly ito tingnan kung para sa akin. Ang kulay ng pintura nito ay baby pink habang may mga nakadisplay na stuff toys. Maluwang ito kung tutusin dahil may sariling banyo ito base sa pintuan na makikita mo sa dulo pagkapasok sa kuwarto. Mayroon din itong sariling walk in closet na nasa tapat ng paanan ng kama na nasa gawing kaliwa pagpasok. May sarili din siyang lugar kung nasaan ang kaniyang mga make-up kit at full length mirror na katabi ng kama. At higit sa lahat na nagustuhan ko sa kuwarto niya ay ang pagkakaroon ng mini library at study table. Tila ineengganyo ako ng mga libro na basahin sila base sa pagkinang nito sa aking mga mata. Sinilip ko si Jinie at ng makitang busy pa ito, pinagbigyan ko na ang aking sarili. Namamanghang hinawakan ko ang mga libro na naroroon. Kumuha ako ng isa at nagustuhan ko agad ang nilalaman nito. Halos mga discovery and mystery ang mga libro dito na siyang gustong-gusto ko. Nahinto lang ako sa pagbabasa ng lumbas na si Jinie. “Beh! Ito na lang ang suotin mo.”sabi nito. Nangunot naman ang noo nito pagkakita sa hawak kong libro. “Nacurious lang ako sa mga libro mo, alam mo naman na hilig kong magbasa.”saad ko at binalik na sa dati ang libro. Umiling naman ito. “Naku ano ka ba ayos lang.”lumapit na ito at umupo sa kaniyang kama habang hawak pa rin ang damit. “Alam  mo namang wala akong kahilig-hilig sa pagbabasa, display lang diyan yan.”natatawang anya nito. Naaawang napatingin naman ako sa libro. Display lang pala kayo, kung sa akin kayo matagal ko na kayong nabasa lahat. “Magpalit ka na at bumaba na tayo, kanina ka pa hinahanap ni Kuya.”saad nito at inabot na ang damit. Kinuha ko naman iyon ng hindi tinitingnan at dumiretso na sa kaniyang banyo. Hindi ko na tiningnan at basta na lang isinuot ang damit. Isa siyang short shorts at white t-shirt. Lumabas na ako. Hindi ko naman mapigilang maasiwa sa ikli ng short. Hindi ako sanay magsuot ng ganito kaya pilit kong hinihila pababa ang short habang naglalakad palapit kay Jinie. Nagsalubong naman ang kilay nito pagkakita sa aking ginagawa. Tumayo ito at hinila ako papunta sa kaniyang salamin. Tinitigan niya ako mula sa salamain. “Betty, kaya nga short dahil maikli, so stop what you are doing.”nakataas ang kilay na anya nito. Tiningnan ko naman siya. “Hindi lang ako sanay.”sabi ko. Napatingin naman ako sa t-shirt na may nakalagay pa--- “JINIE! ANO TO!?”sigaw ko ng mabasa ang nakalagay. Nakaawang ang bibig na nakatingin ako sa nakaprinted na naka-capslock pa na ‘HUNTER’S PROPERTY.’ Tumatawang lumayo naman ito sa akin ng samaan ko siya ng tingin. Sinabi ko na nga ba at mahirap pagkatiwalaan si Jinie sa ganitong bagay. Paano ako bababa nito? Nakakahiya naman kung uniform ang isusuot ko. Arghhh, Jinie naman kasi. “Ayaw mo ba nun? Ginawan ko na ng paraan para maamo mo ang tigre.”saad nito Tila aliw na aliw pa ito sa sitwasyon, samantalang stress na stress naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD