Chapter 69

1566 Words
Betty   Nakatingin lamang kami ni Jinie habang binabati sila Cole ng mga estudyante. Pagkayaring-pagkayari ng laro ay dinagsa na agad sila ng mga estudyante. Hindi na kami nakipagsisiksikan ni Jinie at napagpasyahang hintayin na lamang sila. Kanina ko pa hinihintay na mapatingin sa gawi namin si Hunter ngunit tila iniiwasan nitong magawi ang tingin sa amin na siyang pinagtaka ko. Ang alam ko wala naman akong ginawang ikagagalit niya. Teka? Meron ba? Binasag ni Jinie ang katahimikan. “Sa labas na lang kaya tayo maghintay, mukhang matagal pa sila eh.”buntong hininga nito. Mukha nga dahil pila-pila ang gustong magpapicture sa kanila. Napangiwi naman ako ng makitang magflying kiss pa si Elliot sa mga kababaihan. Tumili naman ang mga ito, samantala nakatkim naman siya ng batok mula kay Cole. “Hindi pa tayo magpapaalam?”tanong ko. Umiling ito. “Hindi na, naitext ko na si Cole.” Inaya na ako nitong lumabas, sumulyap pa ako ng isang beses kay Hunter nagbabakasakali na tumingin ito ngunit bagsak ang balikat na sumunod na ako kay Jinie. Naisipan naming sa canteen na mag-aya dahil medyo nagutom na ako. Alas-kuwatro na at nakalimutan ko ng magtanghalian sa sobrang excited sa laban nila. Worth it naman ang gutom dahil nanalo naman sila, yun lang bipolar talaga si Hunter. Naupo kami sa bandang likod ng canteen, not on our usual spot dahil may mga nakaupo na doon. Iniwan ko si Jinie at umorder na ng pagkain. Tumanggi ito ng tanungin ko kung mayron gustong bilhin. Habang palapit sa counter, naningkit ang aking mata ng may mapansing pigura. Nakatalikod ito mula sa akin, ngunit parang kilala ko ito base sa pagcross ng kaniyang mga binti. Tila nag-iisip ito kung ano ang oorderin. Inip na inip na ang itsura ng may-ari dahil sa tagal ng pagpili nito. Nakatanaw lamang ako sa kaniya at ramdam ko na ang pagkulo ng tiyan ko sa gutom. Kanina naman habang nanonood kami hindi naman ito kumakalam. Ganun siguro talaga kapag kinakabahan ka, wala ng gutom gutom. Lumingon sa gilid ang mukha nito ng may tumawag dito. Hindi na ako nagulat ng tama ang aking naisip na si Brandon ito. Nilapitan ko na siya ng mapansing may nakapila na rin sa aking likuran. Kinilabit ko siya. “Huy.” Humarap naman ito ng may inis sa mukha “Baki...” Hindi na nito naituloy ang sana ay sasabihin niya ng makilala ako. Tila nasa commercial ito ng toothpaste ng binigyan niya ako ng nakakasilaw na ngiti. Napairap na lang ako. Ode ikaw na may magandang set ng ngipin. “How may I help you Bettina?” Sinamaan ko naman siya ng tingin ngunit tinawanan lang niya ako. Alam na alam niyang ayokong tinatawag akong Bettina. It’s okay if Betty, Cassy or Cassandra but not Bettina. Feeling ko kasi ang tanda ko na kapag Bettina ang tinatawag sa akin. “Bilisan mo naman pong mamili, ang dami ng nakapila.”masungit na anya ko. Sinilip naman nito ang likuran ko. “Oorder ka rin ba?”tanong niya. “Oo.” Napahinto na lang kami ng magreklamo na ang mga nasa likod. “Matagal pa ba yan?” “Kung magkukwentuhan kayo, umalis na lang kayo diyan.”masungit na anya ng may-ari. Nahihiyang humingi ako ng dispensahan dito at sa mga estudyante sa likod. Samantala yung kasama ko, cool lang. Palibhasa nakahoody kaya hindi siya makikilala. Hinila ko na siya sa gilid. “It’s your fault. Nangdamay ka pa, napalayas tuloy tayo.”mariing anya ko. Nagkibit lamang ito ng balikat. Napalingon ako sa mga tao sa canteen. Mabuti na lamang at iilan lamang ang mga kumakain at nakahoody siya kaya hindi kami pagchichismisan ng mga tao. Napalingon na ulit ako sa kaniya ng magsalita siya. “Gutom ka. Gutom rin ako. Binawal tayo, edi sa labas tayo kumain.”nakangiting anya nito. Tiningnan ko lamang siya kung seryoso ba siya. Umangat naman ang kilay nito. “Ano? Libre ko. Gaya ng dati.”anya nito. Pagkarinig sa libre umaliwalas na agad ang aking mukha. Lalo pa at nabanggit niya ang gaya ng dati. Alam na alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Sa totoo lang namimiss ko na rin yun. Nagseryoso na ulit ako ng makitang lumapad pa ang pagkakangiti nito. Pinigil ko ang multo ng ngiting gustong lumabas sa aking labi. Tipid na tumango lang ako sa kaniya. “Oh ano na? Arat na.” Naalala ko naman bigla si Jinie. Oo nga pala, tiyak nagtataka na yun at katagal ko. “Wait lang.” Iniwan ko naman siya at bumalik sa kinaroroonan ni Jinie. Nangunot ang noo ko ng malayo pa lang ay hindi na makita si Jinie doon. Sakto namang tumunog ang aking cellphone. Huminto ako at binasa ang text. Jinie: May imemeet lang ako saglit beh. Babalik din ako kaagad. Nagreply naman ako kaagad. Me: Huwag ka ng bumalik ng canteen. Lumabas ako kasama ang isang kaibigan, hindi ko alam kung anong oras ako babalik or didiretso na ako sa mansiyon. Binulsa ko na ang aking cellphone at bumalik na sa kinaroroonan ni Brandon. Nakita ko namang may kasama itong tatlong lalaki na namukhaan kong mga nakalaban din nila Hunter kanina. “Alfredo!”pagtawag ko sa kaniya. Sinamaan naman ako nito ng tingin. Pinigilan kong matawa ng mangunot ang noo ng mga kasama nito. Ang totoo kasi niyan ang full name niya ay Brandon Alfredo Cruz. Ayaw na ayaw niya ang second name dahil sa parehong dahilan ng akin. Ako lamang at mga magulang niya na umampon sa kaniya ang may alam ng second name niya dahil hindi niya to ginagamit sa school base sa narinig ko nung tinawag siya kanina sa court. “Don’t mind her.”saad nito. Napansin ko naman ang paghagod ng tingin sa akin ng mga kasama niya. Nawala ng pang-aasar sa aking mukha ng makaramdam ng pagkaasiwa sa kanilang tingin. Tila napansin naman ito ni Brandon dahil nakaharap ako sa kaniya. “Mauna na kami sa inyo.”tipid na anya nito. Pinigil naman siya sa braso ng lalaking nasa kanan niya ng lalapitan na niya ako. “Pre, hindi mo ba muna kami ipapakilala.”maangas na anya nito. Sumang-ayon naman ang dalawa nitong kasama. Nakita ko ang dumaang iritasyon sa mukha ni Brandon. Inalis niya ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki at lumapit na sa akin. Nakatalikod siya sa mga kasama habang sa akin lang nakatuon ang tingin. Nawala ang nararamdaman ko ng mapansin ang pamumula ng kaniyang dalawang tenga. Hindi ko maiwasang mapangisi sa nakita, pinandilatan at sinamaan niya naman ako ng tingin. Bumalik ang pagseseryoso ng mukha nito at humarap sa kaniyang mga team mates. “No need, because she’s off limits already.”matigas na anya nito at hinila na ako palabas ng canteen. Lumingon naman ako sa mga kasama niya na. nakasunod lang ang tingin nila hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Patuloy lamang sa paglakad si Brandon at dahil hawak niya ang kanang kamay ko ay nakasunod lamang ako sa kaniya. Tumigil lang kami ng nasa tagong parte na kami. Binitawan na nito ang aking kamay. Minasahe ko naman ito. Ilang segundo na ang lumilipas ngunti nanatili itong nakatalikod mula sa akin. Maya-maya pa humarap na ito. Nagpakawala ito ng hininga at matinis na nagsalita. “OMG! Kilig to the bones! Matagal na akong kinikilig kay Felix buti napigilan ko ang sarili ko kanina na sagpangin siya! Bettina!”niliglig nito ang balikat ko. Yaan ang isa pang sikreto na pilit niyang tinatago sa madla. Pinapalis ko ang kaniyang kamay dahil nasasaktan na ako ngunit patuloy lamang ito. Naiirita na ako kaya ginawa ko na ang alam kong makakabalik sa kaniya sa katinuan. “ALFREDO!”hiyaw ko. Binitawan niya ako agad-agad habang gulat na gulat na maarteng nakahawak sa kaniyang dibdib. Napatakip naman ako sa tenga ng tumili ito. “Don’t you ever and ever call me with that disgusting name.”nakataas na kilay na anya nito.   Ito ang dahilan kung bakit hindi niya nagawang sagutin ako nung sinabi kong crush ko siya. Noong umalis siya nun, pagbalik niya aba’y nakapalda na at nakalipstick pa at maarte niyang sinabi na lalaki din daw ang gusto niya. Doon ko nalaman na hindi kami talong dalawa. Hanggang ngayon pala ay hindi niya pa rin nasasabi sa kaniyang mga magulang ang totoong katauhan niya. Nagpapanggap pa rin siyang tigasin kahit na sa loob nito ay isa talaga siyang bulaklak. Sayang nga lang talaga at guwapo talaga si Brandon kung naging tunay siyang lalaki. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ang dami niyang fans maging dito sa school namin. Patuloy lang sa talak ang aking kaharap ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at pinatigil sa pagsasalita si Brandon. Tumigil naman ito ngunit andun pa rin ang sama ng tingin sa akin. Binasa ko na ang message na galing kay Jinie. Jinie: Sinong friend yan? Lalaki o babae? Chika mo yan hah? At huwag ka nga pala mawawala mamayang 8 dahil magcecelebrate sila Kuya sa bahay. Napailing na lang ako sa pagiging chismosa nito. Pagtingin ko sa orasan mayroon na lamang akong dalawang oras. Tiyak lalong magagalit si Hunter bipolar kapag hindi ako nakapunta. Inaya ko na si Brandon, nagrereklamo pa ito ngunit ng sinabi ko ang dahilan ay nagpahila na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD