Betty
Dikit lang ang laban at napaos na kami ni Jinie kakahiyaw. Lamang ng dalawa ang kalaban, hindi makalamang sila Hunter dahil sa tuwing makakashoot sila ay makakashoot din ang mga ito. hindi magkamayaw ang mga nanonood sa paghiyaw sa kaniya-kaniya nilang chinicheer na players.
Pansin ko ang tagatak na pawis ng lima, ngunit mas malala ang paghingal ni Hunter. Halos siya kasi palagi ang binabantayan kahit na wala sa kaniya ang bola kaya hindi siya mapasahan nila Cole. Napapansin ko rin ang pagtatalo ni Hunter at Collin. Sa tuwina kasi na libre si Hunter ay hindi dito pinapasa ni Collin kaya imbes na makscore sila naaagaw pa ng kalaban ang puntos.
Hawak na ni Hunter ang bola, binabantayan siya ngayon ng isang lalaki na napakalaki ng katawan at matangkad pa sa kaniya. Pansin ko na nahihirapan ito na ipasa ang bola dahil sa laki nito. Maging sila Cole, Elliot at Caden ay hirap ding makaligtas sa mga nagbabantay sa kanila. Tanging si Collin lamang ang hindi gaanong binabantayan dahil kanina pa ito wala sa mood maglaro.
Patuloy ang gitgitan ni Hunter at ng nagbabantay dito. Sampung segundo na lang sa shotclock nila. Napadaop na lang ako ng palad sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Maya-maya pa nakahanap si Hunter ng butas, nagfake siya at naihakbang ang panga ngunit...
“pfffttt. Foul #12. Offensive foul.”
Bumagsak sa sahig si Hunter. Nakita ko kung paano ngumiwi ang mukha nito sa pagbagsak.
Napatayo kami ni Jinie sa nakita.
Ang daming nanonood ang nagreklamo sa tawag dahil kita naman na pinatid si Hunter.
Agad nilapitan nila Cole si Hunter ng hindi pa rin ito tumatayo. Tila may iniinda sa kaniyang kanang paa base sa paghawak nito doon at sa pagngiwi nito.
Inalalayan siya ni Elliot at Cole at dahan-dahan siyang dinala sa bleachers nila.
Nagcheer naman ang mga tao para kay Hunter samantala galit sila sa maling pagtawag ng referee.
Bumakas naman sa aming mukha ang matinding pag-aalala.
Tumawag ng time out ang coach nila.
Hindi na namin napigilan ni Jinie na lapitan sila.
“Coach I’m okay, I can handle it.”
Rinig namin na sabi ni Hunter.
“Mas magandang matingnan ka.”saad nito at umalis.
Napakuyom naman ng kamao ang tatlo.
“Madumi talaga sila maglaro kahit kailan!”tiim bagang na anya ni Caden.
Tahimik lamang ang dalawa ngunit bakas sa mukha nila ang matinding galit.
Lumapit na kami ni Jinie.
Nakita naman ako agad ni Hunter.
Mariin niya akong tinitigan habang palapit kami sa kaniya.
“Are you really okay, Kuya?”tanong ni Jinie.
Matipid na tumango lamang ito habang sa akin nakatuon ang tingin.
Napatingin kami sa nananahimik na si Collin ng magsalita ito.
“Malayo sa bituka yan.”sabi nito.
Pagsasabihan ko na sana siya ng maunahan ako ni Cole.
Galit na nagmartsa ito palapit kay Collin at kinuwelyuhan.
“You shut up! Kung inaayos mo lang ang paglalaro mo hindi sana mangyayari to!”galit na saad nito.
Umangat naman ang sulok ng labi ng huli.
“Why me? Bakit hindi sarili niyo ang pagsabihan niyo?”pang-aasar pa nito habang hindi naaalis ang ngisi sa labi.
Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Nagtataka ako sa kinikilos nito. Ang alam kong Collin ay hindi gagawa ng dahilan para mapahamak ang kapwa niya. Kilala nga ba talaga kita o ibang Collin ang nakilala ko at ito ang tunay na ikaw.
Nakita kong sumulyap ito ng tingin sa akin.
“Aba’t---.”
Susuntukin na sana siya ni Cole ng pigilan nila Elliot at Caden.
“Stop it Cole!”buntong hininga ni Hunter.
“Mas magandang ang game ang pagtuunan natin ng pansin.”seryosong anya nito na sinang-ayunan ni Elliot at Caden.
Bumuntong hininga na binitawan na ni Cole ang kuwelyo ni Collin.
Nilapitan naman agad siya ni Jinie upang pakalmahin.
Maya-maya pa dumarating na ang medic kasama ang coach nila, ngunit umiling lang si Hunter at pinagpilitan na kaya pa niya.
Tumayo ito at pinadyak ang kanang paa niya.
Bumuntong hininga ang coach nila na kalaunan ay pumayag na rin.
Nilapitan ko na siya ng maiwan kaming dalawa.
“Hunter.”mahinang anya ko.
Hindi ako nito pinansin o nilingon man lang.
Tatawagin ko na sana ulit siya ng pumito na ang referee hudyat na magpapatuloy na ulit ang laro.
“Not now Cassandra!”malamig na anya nito at nilampasan ako.
Napakagat na lang ako sa labi sa lamig ng pakikitungo nito. Sa hindi malamang dahilan, nangilid ang luha sa gilid ng aking mga mata. Okay lang yan Betty, may game kasi sila kaya niya nasabi at nagawa yun.
Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili.
Bumalik na sila Hunter sa laro kaya bumalik na din kami ni Jinie sa upuan namin.
Kanina pa ako tinatanong ni Jinie kung bakit ang tahimik ko at hindi ako nagchicheer. Sinabi ko namang okay lang ako para hindi na siya magalala kahit gusto kong magsumbong sa kaniya dahil sa cold na pagtrato sa akin ng Kuya niya.
Nagpatuloy ang laro at pinalitan nila si Collin ni Jiro na team mate nila. Tila walang iniinda si Hunter habang patuloy ito sa pagtakbo at pagshoot ng bola.
Dalawa lamang ang kalamangan ng kalaban at isang minuto na lang ang natitira sa orasan. Nasa kalaban na ang bola habang dinidribble ito ni Brandon. Nakalusot siya kay Cole sa three point area. Nang bigla na lang tinira niya ang bola at hindi na nakaabot si Cole.
‘Sumablay ka please. Sablay yan.’piping panalangin ko. Pigil ang hininga ko maging ng mga manonood ng tatlumpong segundo na lang ang natitira sa orasan.
Tumalbog ang bola sa ring at unti-unti itong nahulog sa labas ng net.
NapaYes naman kami ng sabay ni Jinie.
Narebound ni Elliot ang bola at pinasa niya kaagad kay Hunter na tumatakbo na sa kabilang court.
Nasalo nito agad.
Dalawampung segundo na lang ang natitira.
Hiyawan ang mga tao habang pigil ang hininga ko sa nangyayari.
Nakahabol kay Hunter si Brandon at hinarangan agad siya.
Sampung segundo na lang.
Nakita kong bumuka ang labi ni Hunter habang mariin na nakatingin kay Brandon na ikinatulala ng huli. Tumalon si Hunter at tinira ang bola mula sa three point line.
Saktong tumunog ang buzzer.
Hiyawan ang mga manonood ng pumasok ang bola.
Napahiyaw na rin kami ni Jinie habang magkayakap sa isa’t isa.
Nanalo ang school namin na lamang ng isa dahil sa puntos na nagawa ni Hunter.
Dinumog agad ng team mate niya si Hunter at hinagis sa ere. Nakita ko pa ang paglisan ni Brandon at ng team mate niya sa court.
Tinanghal na bagong kampiyon ang school namin sa basketball.