Chapter 67

1180 Words
Betty   Mga bandang ala-dos pa lang ng hapon ay dagsa na ang mga estudyanteng gustong manood sa gym. Ang ilan sa mga ito ay may dala-dala pang mga banner. Dinaig pa ako sa effort ng pag-gawa dahil ang iba ay may picture pa na kasama. Dahil sa dami ng tao wala ng maupuan ang iba kaya pinili na lang nilang sumalampak at ang iba ay tumayo basta makanood lamang. Mabuti na rin at ipinagtabi na kami ng puwesto nila Hunter. Ginala ko ang tingin sa mga nanonood. Mayroon ding mga taga-ibang school base sa uniform na kanilang suot. May isang oras pa bago ang laro nila. Kasalukuyan ng nagpeperform ang cheering squad ng magkabilang panig. Bawat segundong lumilipas ay kinakabahan ako sa nalalapit nilang laban. Naka-ilang inom na ako ng tubig sa sobrang nerbiyos. Kailangan ko na ata magbawas ng pag-inom ng kape. Nangunot na ang noo ni Jinie sa akin. “Beshy, okay ka lang?”tanong nito. Nagthumbs-up naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. Hinanda na namin ang banner na dala-dala namin ng matapos na ang pagpeperform ng mga cheering squad. Maya-maya pa, dumagundong na ang buong gym dahil sa pagpapakilala kila Hunter. Advantage talaga kapag homecourt dahil mas madami ang nagchicheer. Hindi rin kami nagpahuli ni Jinie sa pagchicheer sa kanila. Sabay pa kaming tumayo at winagayway ang mga banner namin. Hindi na kami magkarinigan sa sobrang lakas ng hiyawan. Maging ang boses ko ay hindi ko na marinig. Isa-isa ng nagsilabasan ang mga players sa dug out. Iba ang awra nila, tila mga seryoso silang leon na handang lapain ang babangga sa kanila. Tinawag na ang first five na sila Elliot, Caden, Collin, Cole na kumindat pa kay Jinie at kahuli-hulihang tinawag si Hunter bilang team captain. Gumilid na sila ng tinawag na ang defending champion. Hindi din nagpatalo ang cheer para sa kabilang grupo. Nangunot naman ang noo ko dahil sa napansin sa kanila. Lahat ng players nila ay nakangising nakatingin kila Hunter na tila ba may masamang binabalak. Huling lumabas si Brandon. Imbes na sa gitna ng court pumunta, nagulat ako ng mapansing papalapit siya sa gawi namin. Napalingon ako sa aking likod, ngunit lalaki naman ang nakaupo dito. Unti-unti na siyang lumalapit habang hindi nawala ang nakapaskil na ngisi sa kaniyang mukha. Tiningnan ko si Jinie, ngunit puno din ng kalituhan ang kaniyang mukha. Huminto ito sa aking harap. Marami ang nagreact sa nakitang paglapit ni Brandon sa akin. Lamang ang nagagalit kung bakit ako nilalapitan ng kanilang kamahalan. Aba malay ko dito, eh hindi ko nga siya kilala. Nakakunot noo na nag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Long time no see, Betting iyakin.”anya nito. Betting iyakin? Saan ko ba narinig yun? Umangat naman ang sulok ng labi nito sa nakitang pagtataka sa aking mukha. “You don’t remember me? Tsk. Too bad.”nanghihinayang na anya nito at umalis na. Nakasunod lamang ang tingin ko sa kaniya. Teka, teka... Parang...   Gulat ang tingin na naituro ko siya. Huminto naman ito na tila naramdaman ang pagduro ko. Humarap ang unggoy at nakuha pang kumindat bago sa puwesto niya. “Kilala mo siya?”tanong ni Jinie. Wala sa sariling tumango ako. Naibaba ko naman agad ang daliri ng naagaw ni Hunter ang aking atensiyon dahil sa intensidad ng pagtitig nito. Mukha siyang galit na ewan dahil sa mariing tikom ng labi nito. Napakagat na lamang ako sa labi dahil sa ekspresyon nito. Nawala lamang ang pagkakatitig nito ng pumito na ang referee hudyat ng kanilang warm-up. Napabuntong hininga na lang ako. “Uy!”pagkalabit ni Jinie. “Hindi mo naman sinagot ng maayos tanong ko.” Nagtatakang tiningnan ko siya. “Sinagot ko naman, tumango ako.” Umirap naman ito. “Duh, siyempre may follow up yun kung saan kayo nagkakilala.” Napailing na lang ako sa pagiging chismosa nito. Hindi ka pa nasanay Betty, ilang taon na kayo magkaibigan. Huminga muna ako ng malalim. Mabilisang kinuwento ko sa kaniya ang nangyari.   “So, he is your childhood crush?”gulat na anya nito. “Sa kasamaang palad oo.” Ang naaalala ko lang kasi noon, labing-dalawang taong gulang ako ng makilala ko si Jiro. Nagkasama kaming dalawa sa bahay ampunan. Siya palagi ang nakalaro ko dahil ilap sa akin ang ibang mga bata. Naging close na close kaming dalawa at umabot pa sa point na nagkacrush ako sa kaniya. Naalala ko pa noon, labing-apat na taong gulang na kami ng umamin ako sa kaniya. Seryoso lamang ang ekspresyon ng kaniyang mukha noong mga panahon na iyon samantalang ako ay kasing pula na ng kamatis ang pisngi sa sobrang hiya. Napayuko ako ng ilang minuto na siyang hindi nagsasalita. Maya-maya pa nagpaalam siya na may kukuhanin lang at babalikan niya ako. Tinanguan ko naman siya. At pagbalik na pagbalik niya, doon ko nalaman ang dahilan kung bakit hindi niya ako sinagot sa pag-amin ko. Hanggang ngayon, sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko maiwasang matawa sa aking sarili. Ang corny ko pala nung bata, masyado akong easy to get. Imbes na ang lalaki ang mauunang umamin at gumawa ng damoves, inunahan ko na sa sobrang pagkainip. “Pero, curious lang ako ano yung dahilan kung bakit mo nasabing hindi ka niya gusto?”tanong ni Jinie. Tiningnan ko naman siya sa mata. “Kase...”pambibitin ko. Nakita ko naman ang kuryosidad sa mukha nito. Nang bigla kong maalala yung mga panahon na iyon, napatawa na lang ako sa hindi malamang dahilan. Nagunot naman ang noo ni Jinie. “Uy ano nakakatawa, ano na nga?”nauubusan ng pasensiyang tanong nito habang nakataas ang kilay sa akin. “Dahil i---pffftttt.” Naudlot ang sana’y sasabihin ko ng pumito na ang referee hudyat ng pagsisimula ng laro. Itinuon ko na ang atensiyon sa court. “Uy ano iyon?”pangungulit ni Jinie. “Mamaya sasabihin ko sayo, hmmm?”saad ko at kinidatan siya. Bumuntong hininga naman ito, kalaunan ay tumango rin. Nawala na ang aking pokus tungkol kay Brandon ng makitang sila ang unang nakakuha ng bola. Siya ang kasalukuyang may hawak ng bola habang binabantayan siya ni Hunter. Nakita ko pang bumuka ang labi nito na ikinatiim bagang ni Hunter. Dahil sa kung ano mang sinabi nito, mas binantayan siya ni Hunter. Halos wala ng espasyo ang katawan nila dahil sa pag-gigitgitan. Si Hunter na pilit inaagaw ang bola habang si Brandon na inilalayo ito. Pinasa na nito ang bola sa kakampi niya ng muntikan ng masundot ni Hunter ang bola. Napansin kong naglikot ang mata ni Brandon na siyang ikinangisi ko. Napansin naman ito ni Jinie. “Ano yung nginingiti mo diyan, wala naman sa atin ang bola?”tanong nito. “Wala may naalala lang ako.”sagot ko.   Kung alam mo lang Jinie kung bakit ako nangingiti, tiyak ko na magdududa ka sa dahilan. Dahil sa naisip napatawa na ako ng tuluyan. Tiningnan naman ako ni Jinie na tila ba may tumubong isa pang ulo sa akin dahil sa pagtawa ko mag-isa ng wala namang dahilan. Kung alam mo lang talaga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD