Chapter 66

1131 Words
Betty Pagkadating sa campus, usap-usapan na ang laban nila Hunter mamayang hapon. Marami akong naririnig habang naglalakad na mahirap daw kalaban ang tinatawag nilang defending champion na CTP University. Ngayon ko lang narinig ang college na yun. Ayon pa sa mga naririnig ko, madumi daw maglaro ang mga ito. Hindi ko maiwasang kabahan para kila Hunter, alam kong sinabi na nila sa amin na hindi patas maglaro ang makakalaban nila pero natatakot pa rin ako. Bumuntong hininga ako. Unang bumungad sa akin pagdating sa classroom ay si Jinie. Busy ito sa kung anong pagsusulat sa isang cartolina. Nilapitan ko na siya. "Jinie!"pagtawag ko. Hindi man lang ako nito kinibo o tiningnan. Sinilip ko ang kaniyang ginagawa. Napangiwi na lang ako sa nabasang nakalagay sa cartolina. Umiiling na umupo na ako sa katabing upuan niya, tiyak mahihiya si Cole pag nakita niya to. Naisipan kong mamaya ng lunch gumawa ng banner dahil konting oras na lang magsisimula na ang klase. Dumukdok na lang ako habang iniisip ang mangyayari mamaya. Wala sila Hunter dahil excuse sila. Napaangat na lang bigla ang aking ulo ng marinig na dumating na ang aming guro. Umayos na ako ng upo, kita ko naman sa gilid ng aking mata ang patuloy pa ring pagsusulat ni Jinie. Kinalabit ko siya. "Andito na si Ma'am!" Aba pinalis lang ang kamay ko. Bahala nga siya. "Class, hindi tayo magkaklase ngayon dahil kasalukuyan kaming may ginagawa ng mga faculty teachers." Naghiyawan na ang mga kaklase ko pagkarinig sa sinabi ni maam. Napailing na lang ang aming guro. "Magbehave kayo ah, ngayon lang to."paalala nito. Kaniya-kaniyang sagot naman ng "yes maam" ang mga kaklase kong lalaki habang nakasaludo. Napatawa na lang kaming mga babae maging si maam. "Oh sige na."paalam nito. Pagkaalis na pagkaalis ni maam kaniya-kaniyang hiyawan na ang mga lalaki. Ang iba ay dumiretso na sa labas, mayroon namang mga naiwan na babaeng todo make-up. Narinig ko pang pinag-uusapan nila ang kalaban na team. They mentioned a certain name Brandon Marquez. Napakunot ang noo ko sa tilian nila habang pinag-uusapan ang lalaki na binanggit. Naku mga babae talaga. Napailing na lang ako at tiningnan si Jinie. "Jinie, sa canteen na lang tayo gumawa. Gagawa din ako."sabi ko. Busy pa rin ito sa pagsusulat. Akala ko hindi ako nito narinig ngunit nagliligpit na siya ng gamit niya. "Sige nga doon na lang tayo, makabili na rin ng pagkain."sabi nito. Pagkadating sa canteen, mabuti na lamang at wala gaanong tao. Ngunit habang papunta kami dito ay kadaming estudyante ang lisawan ng lisawan. Siguro wala din silang klase. Napili naming umupo sa usual spot namin. Nagpaalam si Jinie na bibili muna ng pagkain. Tinanong nito kung may ipapabili ako. "Water na lang."sabi ko. Pagkaalis nito, inilabas ko na ang mga gagamitin ko sa banner. Mayroon akong cartolina na blue, marker at coloring pencil. Hmmm. Ano kaya mailagay? Nasa ganoon akong pag-iisip ng may maiingay na grupo ng kalalakihan ang pumasok sa canteen. Napalingon ang lahat ng estudyante na naroon sa canteen sa kanila. Nangunot naman ang noo ko sa nakita na iba ang uniform nila. Napalingon ako sa katabing upuan ng marinig ko ang bulungan nila. "Ang hohot talaga ng mga CTP basketball players."sabi nung isang babae na malapit sa akin "Sinabi mo pa. Lalo na si Brandon."pag-sang-ayon naman ng kasama niya. Napalingon ako muli sa mga lalaki. Natuon ang atensiyon ko sa lalaking nahuhuli ng lakad. Nakasuot siya ng hoody kaya hindi kita ang mukha niya mula sa puwesto ko. Ngunit base sa awra niya, alam ko na siya ang tinutukoy nila na Brandon. Hindi ko namalayang nakabalik na pala si Jinie dahil sa pagsunod ko ng tingin sa mga ito. Umorder lang sila at umalis na rin. Ngunit hindi ko alam kung guni-guni ko lang ang nakita kong paglingon ni Brandon sa gawi ko habang nakaangat ang sulok ng labi. "May problema ba?"tanong ni Jinie pagkaupo sa aking tapat. Nagkibit balikat lang ako. Baka nga guni-guni ko lang dahil nakahoody ito. Nagsimula na ako sa pagsusulat habang si Jinie naman ay kumakain. Nagsulat na ulit siya pagkayaring-pagkayari niya kumain. Lunch time na ng matapos kami. Dahil kumain na si Jinie, naisipan na muna namin ang silipin sila Hunter. Bumili na lang ako ng tinapay para hindi ako magutom. Pagkadating sa gym, nakita namin ang kumpulan ng mga estudyante. Karamihan sa kanila ay mga babae at sobrang ingay nila. Nageecho sa buong gym ang tilian nila. Nakipagsiksikan kami ni Jinie para mapakapasok. Bakit ang dami na agad tao, mamaya pa naman ang laban. Napaaray na lang ako sa tuwing masasagi ako. Nakasunod lang ako sa dinadaanan ni Jinie nang biglang matulak ako ng isang babae. Mariing napapikit ako ng maramdamang masusubsob ako. Ilang segundo na ngunit hindi pa rin ako nasusubsob na siyang ipinagtaka ko. Nangunot ang aking noo ng tumahimik ang paligid. Dinilat ko ang aking mata, ang tumambad sa akin ay dibdib ng isang lalaki. Nang maamoy ko ang pabango nito nakilala ko na siya agad. Ramdam ko ang pagtitig nito ngunit pinili kong hindi siya tingnan, ramdam ko din ang init ng palad nito na nakahawak sa aking bewang. Iginiya niya na ako papunta sa bleachers nila kung saan naroroon na si Jinie. Tahimik lang akong sumunod sa kaniya. Maingat na pinaupo niya ako sa upuan malayo kila Jinie. Tumalungko naman siya sa aking harapan. Ramdam ko ang tinginan ng mga estudyanteng naroroon. Nagiwas ako ng tingin dahil hindi makayanan ang intensidad sa kaniyang tingin. "Why are you here? You have classes."seryosong anya nito. Napanguso naman ako. Hmmpp. 'Bakit ayaw mo ba ako dito?'yan sana ang gusto kong sabihin ngunit pinili ko na lang itikom ang bibig. "Walang klase."matipid na sagot ko habang nakatingin kila Jinie na nakita kong nilalambing si Cole. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. "Eyes on me, baby."sabi nito. Napakagat na lang ako sa labi sa sobrang lambing ng boses niya. Ayan na naman siya, dadaanin na naman niya ako sa damoves ala Hunter. Nakakagat pa rin sa labi na nilingon ko siya. Nangunot naman ang aking noo ng mas lalong naging mariin ang tingin nito habang nakatuon sa labi ko ang kaniyang tingin. Tila ba nagpipigil ito sa kung ano base sa pagtiim nito. Magiiwas na sana ulit ako ng tingin, ng magulat sa sunod niyang ginawa. "Please don't bite your lips like that again."paos na anya nito at iniwan akong gulat na gulat pa rin sa nangyari. Rinig na rinig sa buong gym ang tilian ng mga babaeng nakakita sa nangyari. Maya-maya pa pinamulahan na ako ng pisngi at wala sa isip na hinawakan ang labi ko. That was our second kiss. It didn't last that long though, pero tila ramdam ko pa rin sa aking labi ang labi ni Hunter. Napahawak na lang ako sa dibdib sa sobrang bilis ng t***k nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD