Chapter 65

1349 Words
Betty Kinaumagahan, maaga akong nagising dahil darating ngayon ang sinabi ni Lolo na magiging designer ng gown ko. Nagpalit na ako ng school uniform para pagkayari akong sukatan ay didiretso na ako sa school. Mamayang hapon na ang laban nila Hunter, kaya napag-usapan namin ni Jinie na agahan para paghandaan ang gagamitin naming mga banner para icheer sila. Pagkababa sa hagdan, unang bumungad sa akin ay si Lolo na nasa sala. Pormal na pormal ang awra nito habang may kausap na dalawang babae. Nilapitan ko na sila. "Good morning Lo!"sabi ko at humalik sa pisngi nito. Nakangiting binati din ako nito. Umupo na ako sa tabi niya. Nginitian ko naman ang dalawang babaeng nasa harap. Ngumiti din pabalik ang katapat ko while the other one maintain her stoic face. Napalingon ako kay Lolo ng magsalita ito. "Hija, I want you to meet K and her assistant Lily. They will design your gown."anya nito. Tiningnan ko na ulit sila. "Hello po."pagextend ko ng kamay. Tinaasan lamang ako ng kilay ng pinakilala ni Lolo na si Ate K habang nakaangat ang sulok ng labi nito. Nawala ang ngiti sa aking mukha ng ilang segundo pa rin nitong hindi kinukuha ang aking kamay. Samantala yung assistant nito ay palipat-lipat ng tingin sa kamay ko at sa kaniyang boss. Tumikhim naman si Lolo ng mapansin ang katahimikan. May pilit na ngiting ibababa ko na sana ang aking kamay ng kuhanin ito ng kaniyang assistant at ito ang nakipagkamay sa akin. Nahawa naman ako sa ngiti nito. Tinawag naman ito ng kaniyang katabi. "Lily!" "Ah yes po."aligagang may kinuha ito sa dala-dalang bag. Pagkakuha sa parang isang brochure ay inabot niya ito sa akin. Nagtatakang tinanggap ko iyon at binuklat. Namangha ako sa mga disenyong nakita. It is not just an ordinary gown because it has its own unique style. "Those are the designs of the gown for your debut. If you want to change something just say it, I will change it immediately."seryosong anya ni Ate K. Napalingon naman ako sa kaniya. Marami akong magagandang nakitang gown pero isa lang ang nakapukaw sa aking interes. "I wan--." Naudlot ang sasabihin ko sana ng tumunog ang telepono malapit sa amin. Kinuha naman ito ni Lolo dahil siya ang malapit doon. Tumahimik kami saglit. Maya-maya pa nagexcuse na si Lolo. Pagkaalis ni Lolo, napansin ko ang pag-irap na ginawa ni Ate K. Alam kong nakita niya na nakatingin ako ngunit parang wala lang sa kaniya. Patuloy lamang ang masungit nitong pagkakatitig. Samantala ang assistant niya sa kaniyang tabi ay tinitigan ako ba parabg humihingi ng tawad sa asal ng boss niya. "Ahhmm..."nag-iwas na ako ng tingin. Di ko alam ang sasabihin ko. Ano ba problema nito sa akin, kanina pa ito. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama. Ngayon nga lang kami nagkakilala eh. Hmp. Mabuti pa yung assistant niya maayos kausap. Hindi siya propesyonal para sa akin kung ganyan siya makitungo sa mga customer nila. "What? Wala ka pang napili?"masungit na tanong nito. Binaling ko na ulit sa kaniya ang aking tingin. Nakaangat naman ang isang kilay nito habang hinihintay ang aking sasabihin. Magtimpi Betty. Breath in, breathe out. Isipin mo na lang na parang si Camille din yan, version 2.0 nga lang. Mukha kasing mas mataray ito sa huli, wala pa nga akong ginagawa sa kaniya galit na sa akin. "I prefer the light orange applique off-shoulder dress."tipid na sabi ko. Sa lahat ng gown na nakita ko, iyon lamang ang feeling kong nararapat para sa akin. It is not revealing but it is very simple and elegant. Hindi sa ayaw ko ang ibang gowns, magaganda sila kung tutuusin kaya lang I prefer a cute simple gown. Halos lahat kasi sa gowns ay medyo revealing siya at kita ang hubog ng katawan. Hindi pa naman ako ganun ka confident sa hubog ng katawan ko. Nangunot naman ang noo nito pagkarinig sa aking napili. "Lily!"mariing bulong nito. Kita ko naman ang dumaang takot sa mga mata ng assistant niya. "Bakit may ganung design sa brochure ko!?" Namumula ito sa pagpipigil sumigaw at sa galit nito. Nagtaka naman ako sa narinig. Bakit, hindi ba dapata kasali iyon? Nagpalitan ng tingin ang dalawa. Bumuntong hininga si Ate Lily. "I'm sorry po ma'am Betty pero hindi po kasali yung gown na napili niyo po."anya nito. Nangunot naman ang noo ko sa narinig. "Why?"tanong ko. Base sa tono ng boses nito at sa maya't mayang pagkagat nito sa kaniyang labi, alam ko na may iba siyang gustong sabihin ngunit natatakot lamang. Napansin ko na kanina sa kaniya na sa tuwing titigan siya ni Ate K ay kakagatin niya ang kaniyang labi. Maging kanina din ng pinakuha sa kaniya ang brochure. Mukhang takot siya kay Ate K, na kahit anong sabihin nito ay susundin lamang niya. Kahit pa labag sa kaniyang kalooban. Si Ate K ang sumagot sa aking tanong. "Simple. Because it is not my design."ani nito. Tiningnan ko naman siya. "Sino po ang nagdesign non kung ganon?"tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ng walang nagsalita. "Aa--"tiningnan ko naman si Ate Lily. Ngunit tinikom din nito ang bibig ng samaan ng tingin ni Ate K. Huminga ako ng malalim sa napansin. Nakapagdesisyon na ako. Kakausapin ko na lang si Lolo about dito. Maya-maya pa bumalik na ulit si Lolo. Bumalik sa pagiging pormal ang awra ni Ate K. Tahimik lang ako, tatango na lamang ako kapag kakausapin. Nang tinanong ni Lolo kung may napili na ako. Sinabi ko na lamang na pag-iisipan ko pa. Sinukatan na nila ako. Pansin ko ang maya-mayang paninitig ni Ate Lily habang sinusulat nito ang mga sinasabing sukat ni Ate K. Hindi ko na lamang pinuna ang maya't mayang paghigpit ni Ate K sa medida sa tuwing susukatin ang bewang at ilalim ng kili-kili ko. Sabi nga nila, mas mainam ng manahimik ka kaysa patulan ang pagiging childish nila. Sa ganung paraan, nakaiwas ka ng makagawa ng masama. Hindi kasi porket, binato ka ng bato eh babatuhin mo ng hollow blocks. Mas mainam ng huwag patulan at manahimik na lang. Natapos na nila akong sukatan. Kasalukuyang kausap pa ni Lolo si Ate K sa may sala. Pasimple kong nilapitan si Ate Lily na naghihintay sa may pintuan. Mabuti na lang at palagi akong may ballpen na dala sa may bulsa ng palda ko. Palagi kasi kaming may pinipirmahan na kung anong survey sa school na natataon pang nasa canteen kami ni Jinie. Palagi kaming naghahanapan ng ballpen kaya naisipan ko ng palaging magbulsa nito. Nagtataka naman ito sa paglapit ko. "Your right palm ate."bulong ko. Kunot noong pinakita naman nito ang kaniyang palad. Hinawakan ko ito at sinulatan ng aking numero. Binitawan ko na ito pagkayari. "Ano po ito?"tanong nito. Narinig ko ng nagpapaalam na si Ate K, mabuti na lamang hindi gaanong kita ang pintuan dahil may nakaharang na pader mula sa sala. "Number ko po, kung may gusto po kayong sabihin. At may gusto din po akong itanong sayo."anya ko. Nakakunot pa rin ang noo nito. Narinig ko na ang yabag na papalapit. "Huwag mo pong sasabihin kay Ate K."bulong ko at dumistansiya na sa kaniya. Saktong paglabas ni Ate K sa may sala kasunod si Lolo ay nakalayo na ako kay Ate Lily. Hinihingal pa ako dahil sa kabang naramdaman. Napansin naman ito ni Lolo. "May problema ba apo?"tanong nito. Naramdaman ko naman ang pagtitig ni Ate K. "W-wala po."may hilaw na ngiti na anya ko. Mabuti na lamang at naniwala sila sa sinabi ko. Nagpaalam na sila at muli ko pang sinulyapan si Ate Lily. Sakto namang lumingon din ito kaya binigyan ko siya ng thumbs up na nagpailing sa kaniya ngunit may multo ng ngiti sa kaniyang mga labi. Napangiti naman ako sa nakita. "Why are you smiling, hija?" Hindi ko na napansing kasama ko pala si Lolo. Natatawang inaya ko na si Lolo sa hapag para mag-agahan na at makapasok sa school. Habang papasok, patuloy pa rin ito sa pagtatanong kaya hindi ko maiwasang mapanguso dahil sa kakulitan nito. Imbes na magalit, tinawanan ako nito at siya na ang umakbay sa akin papunta sa dining.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD