Betty
Saktong lumingon ito sa gilid kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Mariin niya akong tinitigan at naglakad palapit sa puwesto namin.
“Andiyan na si Camille, mawawala na ang pagiging feelingera ni Betty!”
“Oo nga, pinagtanggol lang ni Hunter ng minsan akala mo na kung sino!”
Ilan lamang yan sa mga naririnig kong bulungan.
Umangat ang tingin ko ng huminto ito sa aking harap. Nakahalukipkip ang dalawang kasama nito na nasa kaniyang likod. Naramdaman ko namang tumayo ang aking katabi.
“What is your problem? Bakit ganyan kayo makatingin, ngayon lang kayo nakakita ng mga diyosa?”taas noong anya ni Jinie.
Lumipat naman sa kaniya ang tingin ng mga ito.
Tumagilid ang ulo ni Camille at umangat ang sulok ng kaniyang labi.
“Jinie, I just want to remind your FRIEND.”pagdidiin nito.
Tila nandidiri ito mula sa pagkakasabi niya ng friend kay Jinie.
Humalukipkip ang kamay nito.
“Nakakahiya naman kasi sa kanya, ilang araw ko lang pinahiram ang BOYFRIEND ko ngunit ayaw na niya atang isoli. Nasiyahan masyado.”ngisi nito at tumingin sa mga nakikinig sa amin.
Sinegundahan naman ng tawanan ng mga kasama nito. Muli kong narinig ang bulungan.
Matapang ka Betty, huwag mong ipakita sa kaniya na naaapektuhan ka sa sinasabi niya dahil lalo lamang siyang masisiyahan. Isa lamang siya sa mga taong pilit kang hihilahin pababa.
“Aba’t--.”pinigilan ko si Jinie sa sasabihin niya. Tiningnan lamang ako nito. Binigyan ko naman siya ng pilit na ngiti.
Mas mainam ng manahimik kaysa sumagot upang hindi na humaba ang usapan. Nakakaintinding umupo na si Jinie ng makita ang tinging ipinapahiwatig ko.
“What? Cat got your tounge?”patuloy ni Camille.
“You shut up wicked witch!”galit na saad ni Jinie.
Napatingin na lang ako sa kamay nito na nakakuyom. Hinawakan ko ito para iparamdam sa kaniya na ayos lang.
Ang mga ganitong klase ng tao kapag pinatulan mo ay ikaw ang talo. Sila yung mga nagpapadala sa emosyon na hahanap ng paraan para masira ka sa ibang tao.
Puwes ibahin niya ako, hindi ako ang tipong iiyak sa isang tabi at papaapekto sa kaniyang sinasabi dahil malala pa diyan ang naranasan ko sa kamay ng kinilala kong Ina.
Tumingin naman ito kay Jinie.
“You don’t tell me to shut up. Tell it to your friend to stop daydreaming!”sigaw na anya din nito.
Nagecho sa buong gym ang lakas ng boses nito kaya natigilan na ang mga naglalaro.
“What’s happening?”anya ni Cole pagkalapit.
Sinulyapan niya kami ni Jinie.
Nakalapit na rin sa amin maging sina Elliot at Caden at mga players na nakikiusyoso sa nangyayari.
Kahit na naabala na ang mga naglalaro sa sigaw ni Camille ay nagpatuloy pa rin ito.
“Listen up guys!”pagkuha nito ng atensiyon.
Napaikot na lang ang aking mga mata sa pagiging attention seeker nito.
“I want you to know that this girl.”she pointed her finger at me and eyed me intently.
Sinuklian ko naman ang kaniyang titig na puno ng intensidad. Una itong nagiwas ng tingin.
“What’s happening here?”
Tumahimik naman ang paligid.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Mula sa grupo ng mga kalalakihan, lumabas mula doon si Hunter.
Sinulyapan niya ako ng tingin at may mabibigat na paa na nilapitan si Camille.
“Hunter, don’t you dare stop me!”galit na saad nito.
Tiningnan lamang siya ng mariin ni Hunter.
“What is this? You tell me!”anya nito.
Tila walang pakielam ito sa nakikitang itsura ni Camille, napilitan lamang dahil sa kumusyon na nangyayari.
Nagbago ang itsura ni Camille. Kung kanina ay para itong leon sa sobrang tapang, ngayon naman ay para itong maamong pusa sa harap ni Hunter.
Sumulyap ito sa akin.
Taas noo ko naman siyang tinitigan. Ano akala niya papaapi ako sa kaniya. Wala ka pa sa kalingkingan ng nanay ko ghurl.
Tila nainis naman ito sa nakitang ekspresyon ko kaya muling bumalik ang kaniyang matapang na awra.
“This girl is stealing you away from me!”paghihisterikal nito
Tiningnan ko lamang siya.
Natahimik kami ng dumaan ang coach ng basketball team.
“What is this Hunter?”ani nito.
Ginala nito ang tingin at tumigil kay Hunter.
“Settle this once and for all.”mariing bulong nito at tinapik ang balikat ni Hunter.
“Break 15 minutes!”sigaw nito at nilisan na ang gym.
Sumama naman lalo ang tingin ni Hunter kay Camille.
“Stop your sh*t Camille!”mahinang anya nito at rinig sa kaniyang boses ang pagtitimpi.
“Totoo naman eh, inaagaw ka niya sa akin!”patuloy pa rin nito.
Tila napatid na ang pasensiya ni Hunter base sa kaniyang pagtiim bagang.
“Stop this nonsense! Walang inaagaw sayo sa simula pa lang.”pagsabog nito.
Nagecho sa buong gym ang sinabi nito. Ang kanina pang pagbubulungan ng mga nandoon ay natahimik din.
Ngayon ko lamang nakitang napatid na ang pasensiya ni Hunter. Kilala siya bilang cold-hearted na tao pero hindi siya basta-basta nagagalit ng mababaw lamang ang dahilan.
Nagtaka ako sa narinig na sinabi ni Hunter. Walang inaagaw? Hindi ba ay girlfriend niya si Camille. Napalingon ako kay Jinie kung may alam siya sa nangyayari ngunit nagkibit balikat lamang ito sa akin. Nang nilingon ko sina Elliot, Cole at Caden ay tila wala din silang kaalam-alam sa nangyayari base sa ekspresyon ng kanilang mga mukha.
Napatingin na ako kila Hunter.
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Camille sa itsura niya. Naglikot ang mga mata nito.
“What are you talking about? You are my boyfriend.”mahinang saad nito.
“Let’s stop this act already.”buntong hininga ni Hunter.
“We both know that you are not my real girlfriend.”
Tila bombang sumabog ang sinabi ni Hunter. Nagsimula na naman magbulungan ang mga estudyanteng naroroon. Kung kanina about sa akin ang pinag-uusapan nila, ngayon ay tungkol kay Camille na.
“Assumera naman pala iyan eh!”saad ng isang babae malapit sa amin.
“Oh my G! sinungaling pala siya.”
“Eh siya naman pala talaga ang totoong assumera eh!”
Ilan lamang iyan sa mga naririnig naming bulungan.
Natahimik si Camille at naluluha na tumingin kay Hunter. Tinitigan lamang siya ng huli.
Isang sulyap ang ginawa nito sa akin bago luhaang nilisan ang closed gym kasunod ang mga alipores nito.
“The show is over!”pagbabasag ni Cole sa katahimikan.
Isa-isa ng nag-alisan ang mga estudyanteng nagkumpulan sa gawi namin. Maging ang mga players ay nilisan na ang gym upang magbreak. Nakita ko namang nilapitan ni Elliot at Caden si Hunter at marahang tinapik sa balikat.
Nanatili kami ni Jinie sa bleachers habang pinoproseso pa rin ng aking isip ang nalaman mula kay Hunter. So… all along hindi naman pala talaga sila ni Camille, but for what reason? Bakit siya pumayag na magpanggap na boyfriend ni Camille gayong alam niya na masasaktan ako.
Maya-maya pa lumalapit na sa amin sila Cole.
“Are you both okay?”tanong ni Elliot.
Nangunot naman ang noo ni Jinie. “Of course were okay, akala naman ng bruhang iyon.”sagot nito.
Pinalo ko siya sa kamay. Kung anu-ano na naman kasi ang binibigay niya na palayaw kay Camille.
Tiningnan lamang ako nito at pinanglakihan ko naman siya ng mata.
“Oo na po, shut up na me.”pagzipper nito sa kaniyang labi.
Napailing na lang ako. Tinawag na ito ni Cole kaya tumayo na siya para lapitan ang huli. Naiwan naman akong mag-isa habang si Elliot at Caden naman ay nagpatuloy na ulit sa pageensayo.
Naramdaman kong may umupo sa kabilang gilid ko. Base sa amoy ng pabango nito na kilalang-kilala ko na, hindi ko na kailangan siyang tingnan para malamang si Hunter ito.
Ramdaman ko ang intensidad ng titig mula sa aking gilid ngunit isinawalang bahala ko na lamang.
Binasag naman nito ang katahimikan.
“Cassandra?”tawag nito.
Manigas ka diyan kakatawag.
“Baby?”malambing na saad nito.
Akala siguro nito madadaan niya ako sa mga damoves niya na ganyan. Kuuhh, may atraso kasi kaya malambing. At ikaw naman puso ka, galit tayo okay kaya tumigil ka sa pagbilis ng t***k.
Hinawakan na nito ang aking baba ng hindi ko pa rin siya hinaharap, ngunit nahirapan siya ng nilaban ko ang aking mukha mula sa pagpihit nito paharap sa kanya.
Pakipot lang ng konti. Aba suwerte nga siya at hindi ko siya nilayasan sa nalaman ko eh. Buti na lang at matured na ako mag-isip ngayon, hinihintay ko na magpaliwanag siya bago ako magdesisyon.
Bumuntong hininga ito at binitawan na ang aking baba.
Nangunot naman ang aking noo.
Ang bilis namang sumuko, samantala ako noon kahit ilang beses niya akong hindi pinansin, sige pa rin ako. Aba kailangan ko ding magpakipot minsan ng hindi ako nasasabihan ni Jinie na masyadong patay na patay sa Kuya niya. Akala nama—
Naudlot ang pageemote ko ng nagulat ako sa sunod niyang ginawa.
Tumalungko siya sa aking harap kaya kita niya kung paano nanlaki ang aking mata sa gulat.
Aba-aba matalino. Gumawa ng paraan talaga. Pero mas matalino ako. Sige ako na ang pakipot queen ng taon. Ibabaling ko na sana sa kabila ang aking tingin ng matigilan...
Automatic na pumula agad ang aking pisngi ng mabisitahan ang lapit ng mukha nito sa akin.
Bigla niya kasing inilapit ang kaniyang mukha kaya ang ending konti na lamang ay maglalapat na ang aming mga labi.
Nanlalaki ang aking mata, samantalang siya ay tila aliw na aliw sa nakikita.
“Ano po iiwas ka pa?”pilyong saad nito.
Naamoy ko naman ang bango ng hininga nito na may halong mint at natural niyang amoy.
Tinikom ko ang aking bibig at todo iling sa kaniya.
“Good girl!”saad nito at lumayo na.
Doon ko lamang napakawalan ang kanina ko pa palang pinipigilan na paghinga.
Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Shems.
“Now can we talk? Hmmm.”mahinang saad nito.
Tumango naman ako.
Huminga muna ito ng malalim.
“I’m sorry.”
“I know I’m a jerk and a jackass.”
“Buti alam mo.”pag-irap ko sa kanya.
Natawa naman ito.
“Baby I’m being serious here, why so cute?”
Pinamulahan naman ako ng pisngi sa kaniyang tinuran.
Napakagaling talagang mambola, kaya ang daming nabibighani dito eh. Hindi lang gwapo at hot, mabulaklak pa ang labi.
Hindi ko napigilang pasimpleng kurutin ang sarili para magising. Ano ba Betty? Gumising ka nga.
Sumeryoso na ako kahit ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng aking mukha.
Nakita ko naman ang dumaang pagkaaliw sa mga mata nito.
Tumikhim ito.
“Totoo ang sinabi ko kanina, ang relationship namin ni Camille ay pawang kasinungalingan lamang.”
Nangunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi.
“For what reason?”tanong ko.
Nakita ko naman ang dumaang hesitation sa kaniyang mga mata.
he sighed.
“In the future I will tell you.”he firmly said.
Ayan na naman siya sa hindi pagtitiwala sa akin.
“Okay.”buntong hininga ko.
Hindi na ako nakipagtalo.
Muli ko siyang pagkakatiwalaan, hindi dahil alam kong hindi na niya ako sasaktan kundi panghahawakan ko ang kaniyang nararamdaman sa akin.
“Can I, hmm?”malambing na wika nito.
Nakangusong tumango ako sa kaniya.
Umangat naman ang labi nito sa aking pagsang-ayon. Magpapabebe pa ba ako.
Tila nagkaintindihan kaming dalawa kahit walang sinasabi ng dumipa ang kamay nito na sinalubong ko at mahigpit na niyakap ako habang nakabaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Inilingkis ko naman ang aking mga braso sa kaniyang likod.
Natatakot ako sa maaari pang mangyari, ngunit alam kong malalampasan namin iyon ng magkasama.
“No more lies?”tanong ko habang hinihimas ang kaniyang likod.
Ilang segundo ang lumipas ng hindi ito sumagot.
“Hunter?”
“Yeah baby, no more l-lies.”anya nito.
Nagtaka naman ako sa tono ng boses niya ngunit ipinagsawalang bahala ko na lamang.