Chapter 63

1229 Words
Betty Pagkatapos na pagkatapos ng klase, naisipan namin ni Jinie na tingnan ang training nila Cole. Ang closed gym kung saan sila nageensayo ay medyo malayo sa aming department. Ilang lakaran pa bago makarating dito. Maraming mga estudyante na ang nagsisiuwian, samantalang ang iba ay nakatambay pa sa park. May nakita pa kaming magjowa na nag-aaway, gusto pa sana makiusyoso ni Jinie ngunit sinuway ko siya. Chismosa masyado. Pagkarating sa gym, rinig na rinig mula sa labas ang talbog ng bola sa sahig, maging ang tilian ng mga nanonood. Napahinto ako ng makaramdam ng hiya, samantalang si Jinie ay tuloy-tuloy na pumasok. Tinawag ko ang kaniyang pansin ngunit hindi ata ako nito narinig. Papasok ba ako? Maya-maya pa dumarating sa pintuan si Jinie na nakakunot ang noo. "Uy, I thought you want to watch them?"she said. Kasama ko naman si Jinie, ano ba ang kinakatakot ko. Bata pa lang kasi ako ay introvert na ako. Hindi ako sanay makihalubilo sa maraming tao. Kakausapin ko lamang sila kung kakausapin nila ako, dahil takot akong mapahiya at masabihan ng masama. Bumuntong hininga ako. "O-okay."I said. Sumunod na ako sa kaniya para pumasok sa loob. Pagkapasok ay hiyawan agad ng mga kababaihan ang maririnig. Sa sobrang ingay nila ay hindi ko na marinig ang gustong sabihin ni Jinie habang may isinesenyas. "Ano?"sigaw ko habang takip ang kabilang tenga sa sobrang ingay. Umiling ito at hinila ako kung saan. Nagpatianod na lamang ako. Maya-maya pa dinadala na ako nito sa bleachers ng mga players na kung saan may nakaupo doon na pigura ng isang lalaking kilalang-kilala ko. Huminto kami sa tapat nito. "Kuya."pagtawag pansin dito ni Jinie. Sa kaniya lamang nakatuon ang aking tingin maging siya din na ramdam ko ang intensidad sa tinging ibinibigay sa akin. Hindi ko pa naririnig ang pagsagot nito kay Jinie. Binitawan na ni Jinie ang aking kamay at umupo na sa tabi ng kaniyang kapatid. Naiwan akong nakatayo sa harap ni Hunter. "I texted you."paos na anya nito. Nangunot naman ang noo ko sa kaniyabg sinabi. Napansin ko pa si Jinie na sa court na nakatuon ang pansin. "I texted you also multiple times."I said looking at him intently too. He sighed."I'm sorry."saad nito ngunit andun pa rin ang aliw na naglalaro sa kaniyang mga mata. Hinawakan nito ang aking dalawang kamay at rinig ko ang singhapan ng mga nakakita sa ginawa nito. Pilit kong binabawi ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak ngunit lalo lamang niyang hinihigpitan ito. Ayoko ng gumawa pa ng issue tungkol sa amin lalo pa at ang alam nilang girlfriend ni Hunter ay si Camille. Sinamaan ko siya ng tingin habang pilit pa ring binabawi ang aking kamay. Ngumisi lamang ito at nagulat ako sa sunod na ginawa. Tilian ang narinig ko ng mapaupo ako sa kandungan ni Hunter dahil sa paghila nito. "What are you doing?"mariing anya ko ngunit hindi maitago ang pamumula ng mukha sa sobrang hiya. Iginala ko ang tingin sa court at nakitang halos lahat sila ay sa amin nakatingin. "What do you think am I doing, hmm?"he said habang nakatuon sa akin ang mga malamlam na mata. "Kuya pwede ba huwag kayo masyadong PDA, ang sakit niyo sa mata!"irap na saad ni Jinie na napansin din ang nangyari. Kumawala na ako sa pagkakahawak ni Hunter dahil sa hiya. Ayaw pa sana niyang pakawalan ang pagkakahawak sa aking bewang ngunit sinamaan ko na talaga siya ng tingin. Tahimik na umupo ako sa tabi ni Jinie, malayo sa kaniya. Tila may nagkakarerahan sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Itinuon ko na lamang ang pansin sa laro upang mawala ang pamumula ng pisngi. Ramdam ko pa rin ang paninitig nito ngunit hindi ko na lamang pinansin. Habang nanunood hindi ko maiwasang mamangha ng makita kung paano maglaro sila Cole, Elliot at Caden. Tila ba hindi sila yung mga kilala ko na majoke dahil sa kaseryosohan ng kanilang mga mukha habang naglalaro. Ang training nila na ito ayon kay Jinie ay para malaman ang improvement ng bawat players kaya nagkaroon sila ng laban sa sarili nilang team players. Magkakampi sila Cole dahil sa kulay ng jersey nilang suot, samantala sa kabilang panig naman ay si Collin at ibang players na hindi ko kilala. Kasalukuyang may hawak ng bola ay si Cole, dinipensahan siya ni Collin. Nakita ko pa na bumuka ang bibig ni Cole na parang may sinabi kay Collin. Nag-iba naman ang awra ng huli. Maya-maya pa bigla na lamang itong nagside step na ikinabigla ni Collin kaya nakalampas ito. Agad nitong pinasa ang bola kay Caden na libreng-libre sa three point area. Tinira nito ang bola at pasok. Namangha ako sa nakitang teamwork ng dalawa. Rinig na rinig sa loob ng gym ang hiyawan habang sinasabi ang pangalan ni Cole at Caden. Tiningnan ko naman sa aking tabi si Jinie na kung makapalakpak ay tila wala ng bukas. "Ang galing nila!"saad ko. "Ooohh, that's my PANGGA!"hiyaw nito at saktong tumahimik ang gym kaya nagecho at rinig na rinig ang kaniyang boses. Oh geez. Nang tingnan ko ang mga nanunuod, sa gawi na namin nakatuon ang pansin nila. Nahihiyang itinuon ko ang pansin kay Jinie, susuwayin ko na sana ito ng pagtingin ko dito, hihiyaw na ulit ito kaya agad agad kong tinakpan ang kaniyang bibig. "Ghmo pmanmgga..."patuloy pa rin ito sa pagsasalita kahit binusalan ko na ang bibig. Napahinto ang mga naglalaro sa ingay ni Jinie. Si Caden ay tatawa-tawang tinatapik ang balikat ni Cole samantalang tawa naman ng tawa din si Elliot. Nang tingnan ko ang reaksiyon ni Cole, pulang-pula ang mukha nito. "Tumahimik ka na please beshy, kundi uuwi na tayo."pananakot na bulong ko. Nakakaintinding tumango naman ito. Binitawan ko na ang kaniyang bibig at saktong pumito ang referee para sa pagpapatuloy ng laro. Tekaaaa. Teka lang parang may mali. Sinulyapan ko si Hunter sa kaniyang upuan ngunit wala na ito doon. Kinusot ko ang aking dalawang mata kung tama ba ang nakikita nito. Anong ginagawa ni Hunter sa court na iyon habang may suot suot na jersey!? "Hindi ko ba nasabi sayo na si Kuya ang Captain nila."tila wala lang na saad ni Jinie. Hindi ko napansin na naisantinig ko na pala ang aking tanong. Teka...wait. Tama ba ang pagkakarinig ko. "ANO!?"sigaw ko. "Shshsh..."pagbabawal ng mga nanood. Napatikom naman ang aking bibig sa hiya. Kita mo itong mga ito, nung kanina na ang ingay nila hindi naman ako nagreklamo. "Seryoso?"mahinang bulong ko kay Jinie habang kay Hunter nakatuon ang tingin. Kung paano nito idribble ang bola ay parang sanay na sanay na ito. "Oo, yun nga lang madalang siyang sumali sa training kasi magaling na talaga siya."saad nito. Hindi pa rin ako makapaniwala na Captain siya ng basketball team. Kaya pala minsan ay wala siya sa klase. Another information na hindi ko alam tungkol kay Hunter. Hiyawan ulit ang mga nanunood ng maka-three points si Hunter. Sa kabilang team ito ni Collin kasama kaya kalaban niya sila Cole. Napairap na lang ako ng tumingin ito mismo sa akin at kindatan ako. Kuuhhh... tusukin ko pa mata mo, ang dami mong lihim sa akin eh. Bulungan ang narinig ko ng humupa ang hiyawan. Nagtatakang iginala ko ang aking tingin at natuon ito sa kakapasok lamang na si Camille. May kasama itong mga alipores habang nakatuon sa court ang tingin. Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao at biglang pag-iba ng awra ng paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD